watch now

Author Topic: Problems during pregnancy  (Read 341245 times)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #340 on: May 14, 2016, 08:58:55 am »
^sis naniniwala ako sa hilot, pero i did it nung TTC. mababa daw kasi matres ko. effective! after nung nagpahilot ako, napreggy ako. pero sabi kasi pagbuntis , hindi advisable ang hilot and massage. di ko lang sure sis. nagpaultrasound ka ba ulit sis? Parang hindi normal yung pagsakit ng puson and likod. At least cleared na yung sa UTI.
« Last Edit: May 17, 2016, 05:53:53 pm by Which is Witch? »

premiemommy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #341 on: May 14, 2016, 10:50:44 am »
Same tayo sis, dec.nag pahilot din ako Jan ng ma preggy. Hindi pa ako ulit nakakapag pa ultrasound sis siguro sa 5months ko sa 21.Hindi nga din ako kumbinsido sis siguro Kaya din Hindi nakapag explain maayos my nag lalabor kase nung chinecheck up ako. Kaya parang nag mamadali. Kaya nga sis tsaka malakas ako sa water.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #342 on: May 14, 2016, 03:19:22 pm »
^nung hinilot ka ba sis itinaas matres mo? Mararamdaman mo yun eh. Parang inaakyat yung mga body organs mo. Hehe

simang

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #343 on: May 15, 2016, 08:29:33 am »
If pregnant na, hindi talaga advisable ang hilot directed sa matres/uterus. Even hard massage sa lower back ng pregnant hindi din pwede. Delikado kasi possible magcontract pag hinilot.

Re: sa pagiging mababa ni baby, Kung nasa 2nd tri pa lang kayo normal na nasa lower abdomen pa lang si baby. I doubt na nakasuwi yung baby mo sis premiemommy kung nasa baba naman ang heartbeat nya. Ang heartbeat kasi maririnig sa upper back ni baby so that means possible na naka cephalic sya yung sa baba sya napakinggan. Maliit pa kasi si baby pag 4-5 months so talagang nasa baba pa sya, kasi nasa baba naman talaga ang uterus natin. Pag malaki na sya saka lang mageextend yung ibang body parts nya paakyat sa may tyan.

premiemommy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #344 on: May 15, 2016, 08:53:39 pm »
Hi sis ako nung hinilot, wala ako naramdaman na mga ganun hehe nasasarapan lang ako sa pag hihilot,

Hi sis simang,nakakapraning lang talaga pag my history kana ng nawalan, parang lahat pag iisipan mo kung normal ba,actually hindi kona nga alam kung ano mga naramdaman ko nun sa una pregnancy ko. Parang trauma na din ako.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #345 on: May 15, 2016, 11:24:31 pm »
May hilot kasi na para sa mga pilay pilay sis. Parang whole body massage. Nung december, nagpahilot ako ng matres ko. Though di ako sure kung effective or kung helpful. Pero family friend naman namin yun so go.. super sakit na hilot sa lower abdomen. Paramg pinush upward talaga kung anuman meron sa loob.

At alam ko di talaga advisable magpahilot ang preggy..

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #346 on: May 17, 2016, 04:21:14 pm »
May nabasa ko, kahit hilot sa paa hinde pwede kase may point sa paa na pag na-massage pwede mag-trigger ng contractions.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #347 on: May 18, 2016, 07:17:06 am »
^yes true, kaya nga pag napapa footspa ako, lugi ako kasi di masyadong nama-massage paa ko eh, sa binti na lang ako nagpapa-massage ng konti.

stylus

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #348 on: May 18, 2016, 12:23:20 pm »
Hi mga sis, what do you use as anti stretchmark / stretchmark lightening para sa tummy? Safe ba ang bio oil? Tia!

premiemommy

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #349 on: May 18, 2016, 01:20:37 pm »
Talaga sis, ang hilig ko pa naman mag pahilot sa paa nakapag pa relax kase saken.

nixhilario09

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #350 on: May 22, 2016, 04:48:32 pm »
Hi mga sis! I'm a newbie here... seeking for new set of friends since I'm gonna be a first time mom anytime next week.:) ask ko lang.. meron bang naka experience sainyo na nung nag spit kayo ng phlegm is may kahalong blood? worried ako kase first time sya nangyari saken. May ganto din ba kayong experience?

Jeannybaby

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #351 on: May 22, 2016, 08:54:31 pm »
^ hi sis, before na-experience ko dati, it was either dahil meron akong cough (irritated ang blood vessels sa throat) kaya may blood kasama ang phlegm, or meron time na it's due to acid reflux which can irritate the throat as well  :)

nixhilario09

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #352 on: May 23, 2016, 09:56:13 am »
@Jeannybaby hello sis! thank you for replying.😊 sobrang na-appreciate ko.. grabe sobrang nag panic kase ako dahil thrice na sya nangyari. pero just like you, may cough din ako and mejo uneasy yung pakiramdam ng throat ko right now. thank you so much sis ha! God Bless!

krisel_06

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #353 on: May 24, 2016, 05:12:52 pm »
Counted ba ang pagkakaron ng almoranas? May naka experienced na ba sa inyo magka almoranas kahit hindi naman hirap mag poop, meaning hindi constipation ang dahilan kung bakit lumabas yong almoranas?

Ganun kasi nangyari sa akin, ok naman bowel movement ko, nagulat nalang ako may masakit na nakalawit sa pwet ko. Sabi ng ate ko baka daw napapaire ako pag umiihi, hindi ko lang namamalayan. Super hirap umupo at tumayo pag nakaupo na. Feeling ko, nakadagdag din ang transverse position at bigat ni baby (6 mos already).

Yesterday, napansin ko may blood stains na rin pag pinupunasan ko. Hindi ko pa nakakausap si OB about sa blood stains, nirecommend nya lang Kortos cream kaso need pa pala ng reseta.   

giieuun

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #354 on: May 25, 2016, 01:00:24 am »
Right now ang main problem ko is UTI... Last check-up ko was last April pa. Nung nagpa-check up ako mga 2 weeks pa lang yung symptoms -- increased frequency of urination, slight pain when urinating, etc. Pero wala namang blood. Until now ang sakit pa rin pag napipigil, lalo na pag sa bus ako pauwi galing sa work tapos traffic pa... Grabe kailangan talaga mapigil yung urge to urinate hanggang makauwi kahit masakit na.  :'( My OB prescribed me Cefalexin. Tubig din ako nang tubig. Kaso di pa yata nawawala. I'm 6 months preggy.

Pero dati I used to experience yung sobrang nausea.. Worst part of my whole life talaga yun.  Luckily now on my third tri bumalik na yung appetite ko and di na ko nahihilo. Kaso problema ko naman di ko ma-control cravings ko. Haha.

Sometimes when I wake up, I experience leg cramps. Not severe, but painful pag inunat.

Which is Witch?

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #355 on: May 25, 2016, 10:15:14 am »
^nagkaUTI din ako, twice na ngayong preggy ako. Nung una , severe pa nga yun kasi may bleeding na kasama, and nung time na yun, di ko pa alam na preggy ako. They even checked at the hospital bago resetahan ng gamot and yung pregnancy test came out negative. then after nun di na ko nagkaron, preggy pala ko. Kaya naiinis ako don sa doctor don. Then yung pangalawang UTI, lately lang, walang symptoms, nafeel ko lang na parang pag nakatayo para akong maiihi lagi. Kaya nagdecide ako magpaurinalysis, ayun confirmed nga may UTI ako. Ang nireseta naman sakin Zoltax(Cefuroxime). After ko macomplete yung 7 days na antibiotic, nagrepeat urinalysis ako, wala na yung UTI. Pero yung feeling na naiihi ako pagnakatayo, hindi padin nawala, sabi ni ob, yung weight ni baby yun, pressure sa bladder. Sis giieuun, aside from antibiotics, binigyan kaba ng pain reliever. naalala ko kasi nung 1st kong nag UTI , binigyan ako ng pain reliever kasi super sakit nga. pero ang advise ay take as needed lang. Magoff ka kaya muna sa work mo sis, kasi mahirap nga yung ganun. Baka kaya hindi nawawala yung UTI mo dahil sa pagpipigil. hopefully maging okay ka na sis!

Basta advise lang na kapag may ganun, ipapatreat, dati kasi takot ako uminom ng gamot, eh mas delekado pala kung hindi uminom at matreat agad. kaya sinusunod ko na lang si ob, tiwala naman ako sakanya. :D

highness127

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #356 on: May 26, 2016, 05:50:07 pm »
One issue I've encountered while being pregnant was itchiness.  ;D

belle_v2g

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #357 on: May 26, 2016, 09:35:04 pm »
Hi mga sis, what do you use as anti stretchmark / stretchmark lightening para sa tummy? Safe ba ang bio oil? Tia!

Mustela. I'm on my 37th week, still no stretch marks. Not sure but it could be the genes as well.

giieuun

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #358 on: May 27, 2016, 05:31:27 am »
@Which is Witch?

Sis walang nireseta sa akin na pain reliever eh, yung Cefalexin lang talaga. Siguro nga kaya hindi nawawala UTI ko kasi dahil sa work. :( I work in a BPO kasi so I can't leave my station nang basta-basta kahit naiihi na ako while taking calls. I had my check-up today sa The Medical City in Victory Mall dito sa Caloocan and pinagbe-bedrest ako for two days.. Iri-repeat urinalysis ako kasi April 2016 pa yung last urinalysis ko. Di ko nafi-feel yung naiihi ako pag nakatayo, pero pag nakaupo sometimes magugulat na lang ako biglang sasakit yung vaginal area ko na para bang may urine na gustong mailabas. Pag umiihi naman na ako, trickle lang siya. :/ As in onti lang.

Thanks pala ah! I appreciate it. :) :)
« Last Edit: May 27, 2016, 09:57:46 am by mama squeak! »

Which is Witch?

  • Guest
Re: Problems during pregnancy
« Reply #359 on: May 27, 2016, 01:18:49 pm »
^ Naku sis! Priority ang health and ang baby. Pwede ka naman bumalik sa work kapag magaling ka na :) Mahirap nga yung ganyang feeling. Yung dati sakin, as in, ka-CR ko lang, gusto ko na naman magCR. halos wala ng lumalabas. Worst pa nga kasi nga may blood na kasama pagnaihi ako. :( Kelan repeat urinalysis mo sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close