Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 83727 times)

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1164
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #480 on: July 01, 2016, 12:03:04 pm »
hay naku sis sinabi mo pa. ikaw na makikisama sa mga helper ngayon. Tayo na ang kelangan mag adjust kasi alam nila na kelangan natin sila.

about sa kupit mukhang hindi naman siya ganun, maarte lang talaga. well makikita mo rin kasi sa hitsura niya na di nga talaga siya bagay maging helper. kaso mahirap lang sila, at hindi siya nakapagtapos kaya no choice siya yun lang ang work na pwede niya pasukan.

Uuwi rin naman siya sa september sa province nila kasi fiesta daw, kaya pag uwi niya baka di ko na pabalikin though kelangan din namin ng tindera hanap na lang ulit ng iba.

tapos kagabi matutulog na kami, naghihilamos ata siya, then nakita niya mga plato sa lababo na kinainan ni hubby, (si hubby and baby nasa room na). Tapos lumabas ako ng room para umihi aba narinig ko nagdadabog habang naghuhugas, tapos padabog din habang nilalagay yung mga plato sa lalagyan, kulang na lang mabasag na yung mga plato. Nung nakita niya biglang tumigil.

hays talaga sa lahat ng nagingb helper namin ito na pinaka worst. lagi nga siya naka cellphone, lagi may kausap sa fone pero di ko siya pinapagalitan. tapos kala mo sino pang boss. kami na amo niya nahihiya ng mag utos sa kanya kasi nga daw tindera na siya hindi na katulong.
sayang lang pinapsahod namin sa kanya, kasi mas kelangan namin ng helper kesa sa tindera.
gagastos pa tuloy kami pang laundry. sa sunday pa daw luluwas yung helper na nahanap niya.

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #481 on: July 10, 2016, 03:53:52 am »
Hay naku mga sis gustong gusto ko na nga paalisin itong aming kasambahay. Kundi lang mahirap humanap o kahit wag na lang talaga kung di kailangan.

Ito pa ginawa niya kagabi. So umalis kami ni hubby para mamili para sa school ng anak namin. Naiwan sila sa bahay ayun pag uwi ko basa ng pawis ang bata,nasa kwarto naka aircon. Akala ko naligo anak ko,basang basa ng pawis! 5 taon lang yung bata paano kung magka Pulmonia yan sabi ko sa kanya. Bago lang daw yung pawis. Ah ganon hihintayin mo pa tumagal bago punasan?! Ay naku galit talaga akong nagsalita. At ito pa,bagong ligo siya,yung bata pawis.

Bagong ligo so iniwan yung bata mag isa. Tinanong ko anak ko kung nagpaalam ba sa kanya na maliligo itong kb namin,wala daw sinabi. Alam naman na sinabi ko na wag na wag iiwanan mag isa yung bata pag mag c.r ipaalam o sabihan yung bata. Nakaligo na nung umaga sana hinintay na lang kami saka uli naligo. Nanonood pa naman ng t.v sa kwarto yung anak ko paano kung makuryente yun habang nasa banyo siya. Nakasimangot pa. Sarap talaga sampalin naku kung di lang ako naaawa pinalayas ko na.

Siya pa itong nakasimangot. Ang kanin kung anong lalagyan sa lamesa,yun din ang lalagyan sa ref hindi man lang ilipat sa maayos na tupperware. Inutusan mo di naman gabing-gabi aba hihinga pa ng malalim.

Yang mga katulong na yan akala mo kung sinong kailangan pag gabi dapat di na inuutusan, napaka unti ng uutos mo ganun pa, kaya sabi ko maaga pa alas 10 pa lang,kung ayaw mo ako na lang gagawa. Hay naku ano ba dapat ko gawin?

Plano ko sana obserbahan ng 1-2 buwan pag di umayos sa lahat ng bagay at ganyang ako pa magu-guilty pag papagalitan siya dahil baka sabhin "tao lang", papaalisn ko na lang. Mabait sana kaso kailangan ko yung susunod sa akin. Hindi ko kailangan nung susunod na nakasimangot pa,makakalimutin pa. Tapos pag nagalit ka ikaw pa masama. May pasok na anak ko this week kinakabahan ako kasi 1st time na di ako ang kasama ng anak ko sa school. Pag di siya umayos naku ewan ko na lang.

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #482 on: July 19, 2016, 02:49:54 pm »
We let our cleaning lady go last night. She is a local (asian country pa din naman kami) [textspeak!] it's difficult to fly in an hh from pinas tapos pag dating dito mag iinarte lang. Waste of time and money.

Anyways, 2 weeks in the job and we decided it wasn't going to work out. One thing I learned from experience is that if early on pa lang hindi na nagpapa impress si hh sa inyo (meaning not doing her job really well) and you are unhappy and stressed [textspeak!] sa halip na may ka tulong ka eh mas naiimey ka pa, then you should just call it quits and find a person who will do a much better job.

Kase naman. She comes in to clean the house in the evening. Maximum 2 and a half hrs per day. We pay her 200 usd. Puro mobile phone. Doing the dishes tapos naka sipit yung phone sa balikat?! Naman!

Tapos she'd try to finish the job in an hour or so para maka uwi sya agad. Okay lang naman sana kung maayos talaga and malinis. Kaso hindi talaga. Makikita mo the stairs madumi pa parand hindi winalis. May mga tissue papers sa floor na dinadaanan lang.

I say, good riddance.

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #483 on: July 28, 2016, 09:23:44 am »
Naiinis ako kasi nawiwili siya makipag barkada sa mga yaya sa school ng anak ko.. Nung una okay lang naman sa akin,kaya lang ngayon hindi na ako natutuwa.. kaibigan si ganito,kaibigan si ganyan.. bagong ka-close si ganito,ganyan.. hay naku akala mo naman hindi nakakakita ng tao sa labas. Meron siyang mga bagay na kinainisan ko minor lang naman pero naiinis pa rin ako ayoko na pahabain,,sa ngayon gaya nito 8AM nasa classroom na anak ko, 9:30AM na wala pa siya sa bahay. hindi ko alam kung sadya ba yan o talagang matigas ang ulo niya na akala niya madadala niya ako sa mga dahilan niya.

Iniiwasan ko kasi yung chismisan ng mga kasambahay,naiirita ako sa ugali nila na ganun since madami na ako na-encounter sa school na ganyan mga yaya/KB na nag chismis ng kung ano-ano.. hay naku baka ito pa maging dahilan ng pagkaka sisante niya pag di siya tumigil sa kalokohan niya.. kagabi kung kelan nasa banyo ako saka magsasabi na lalabas at bibili sa ibaba sa clubhouse ng snack.. sabi ko ang dami ko bigay sa kanya na biscuits,,Snack daw... ang arte arte.. sigurado nakipagkita yan sa Yaya taga ibang bldg. dito sa condo kasi kahit nasa banyo ako nagpipilit lumabas,,kaka init ng ulo.

anne211

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #484 on: August 03, 2016, 01:43:29 pm »
crazycatlady - kaya din siguro ganyan yang yaya mo kasi alam nyang mahirap maghanap ng kasama sa bahay...abusado na talaga sila ngayon kasi alam nilang kelangan sila ng mga amo nila...pero it's better to let her go na nga kesa nase-stress ka araw-araw...parang binabayaran mo sya para stressin ka.

How ironic di ba? We hire them to assist us pero ang nangyayari, mas lalo tayong nangungunsumi sa kanila at mas tahimik ang buhay natin pag wala sila...hay! Good luck sa yo, sana makahanap ka na ng kapalit soon :)

I also have a yaya na super tsismosa (that's a story for another time).  Umuwi sya ng province last april then bumalik after a month. I paid for her plane fare pabalik dito kasi i was thinking na magtatagal sya sa min. It turned out na nung pag-uwi nya sa probinsya, nakipagkita sa boypren na na-meet lang sa fb.  They met twice at yun na, buntis ang lola mo. so she has to go back to the province kasi di naman pwedeng nagtatrabaho sya tapos buntis sya. 

Nung umuwi sya, nag-advance ng 1 month salary, tapos i paid for her plane fare pabalik dito then paid for her plane fare ulit pauwi sa province dahil wala syang pera. pati utang nya, hinayaan ko na.  She said babalik daw sya after nyang manganak and she has the nerve to ask for an advance 2-month salary para sa pagbalik nya next year, haler naman!!! Syempre di ako pumayag. Buti na lang may nahanap akong kapalit na mukhang mas matino...sana!


mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5771
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #485 on: August 03, 2016, 03:02:20 pm »
^woah winner ang ex-yaya mo sis. Maga-advance pa ng sweldo for NEXT YEAR to think na ang dami niyang dapat bayaran sa iyo 😂
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #486 on: August 05, 2016, 06:59:55 am »
sis anne211  sis yun na nga malakas loob alam na no choice at magtiyaga ako sa kanya. Dami ko pa nalaman sa kanya ngayon may cctv na kami sa bahay, malakas pa rin loob niya wag sundin iba ko bilin. Masakit sila sa ulo, Nakaka guilty tuloy na iiwan mo yung anak mo maghapon kasama sila, tapos ganon pala talaga iba pa rin pag tayong Mommies ang mag aalaga sa mga kids natin.

anne211

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #487 on: August 05, 2016, 09:36:09 am »
mysterioza me - wow di ba?!!  ;D at sa sobrang tsismosa nya, nabalitaan nyang yung isang helper ng parents ko na kakauwi lang ng probinsya e magpapakasal na sa isang lalaki na nakilala lang din sa fb at nakita ng isang beses in person, shocked na shocked sya. sabi nya - grabe naman, isang beses pa lang nya nakita, papakasal na agad! Gusto kong sabihan na "ikaw nga dalawang beses mo lang nakita nagpabuntis ka agad!"
kaloka!!!

crazycatlady - kahit may cctv walang syang takot? naku dapat na talagang palitan yan...ang ginagawa ko sa anak ko (4yrs old) para makakuha ako ng idea sa yaya e lagi kong tinatanong ng - "anong ginawa nyo ni ate today?" at "anong sabi ni ate sa yo today?"
From there, nakakakuha ako ng ideas kung naging maayos ba yung yaya sa kanya o hindi. try mo sa anak mo yan :)

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5771
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #488 on: August 05, 2016, 11:43:18 am »
^uso talaga yan sis, nakikita ang ginagawa ng ibang tao pero ang sariling ginagawa di nakikita.

Kami last na kumuha ng kasama sa bahay highschool pa ko. Daming palpak na gawa pero last straw ng mom ko was after knowing na si kasambahay nakipag-bf dun pa sa kilalang adik sa min. Scary kasi baka mamaya sa kahimbingan ng tulog namin pabuksan sa kasambahay ang gate at pagnakawan kami or patayin pa. Parang uto-uto pa naman kasambahay na yun. After nun never again na. Meron na lang kaming stay out na labandera.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

thea_girl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 279
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #489 on: October 10, 2016, 02:03:05 pm »
I caught our kasambahay listening and watching music videos using our smart tv sa living room. Nakakaloka sya! sosyal ni Ateng di ba!  :o ???

 


Latest Stories

Load More Stories
Close