Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 84201 times)

Inaroo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #460 on: February 09, 2016, 02:00:07 am »
Wait, we hire helpers and yayas to help us with tasks like washing feeding bottles, washing clothes, washing dishes, cleaning, etc. so we can focus on the more important things such as spending quality time with our kids and/or husband, right?

If my household staff don't do their jobs well, I take it as my responsibility to correct them - otherwise, I'd end up doing everything myself. Can't afford to do that because I have 3 kids and a business to run. Yung time na ihuhugas ko ng bote nila or ng clothes nila, I'd rather spend it playing with them or reading books to them (since the yayas are there naman to help us, di ba?).

About correcting them, I don't mean pinagsasabihan lang sila. When their work is not up to my standards, I reiterate how I want things done and I make them do the tasks all over again. For example, if the yaya doesn't wash my child's milk bottles well, I tell her why it's important to get it right (baka sumakit tiyan ng bata, masama sa katawan ng bata pag may sabon pa ang bote, etc.) and I make her wash it all over again. Siya ang maghuhugas ulit. Hindi ako. Because if I end up doing it, my yaya will never learn and it's a cycle that will eventually make my life more difficult.

Also, when I make them repeat their tasks, I cut out emotions from the equation because I find it gentler on them and less stressful for me (no dakdak, no galit, no stress on both sides). Ika nga nila, trabaho lang, walang personalan (me, as their employer, them as my employees - difficult but ends up making my life easier). Example, my new all-around helper, 1st day pa lang, short-cut na lahat ng trabaho. Pinili lang yung mga furniture na pupunasan niya at yung naka-assign sa kanya na toilet to clean, mapanghi pa rin, obvious na she just breezed through the entire cleaning process. So I called her attention to these things, told her how I wanted things to be cleaned in my house and made her do them all over again. Ginawa ulit ang short-cuts the following day. I just made her re-do her tasks without raising my voice (ang pikon, talo, haha). Sa awa ng Diyos, after 3 days, na-gets niya na di uubra sa akin ang short-cut dahil ipapaulit ko lang sa kanya and she'll end up double the effort and double the time to finish her work.

Of course, meron talaga diyan na di susunod or will not do their tasks well out of malice (read: nananadya) or out of laziness (nasa buto na ang katamaran). If that's the case, I let them go, wala na akong magagawa diyan. Not worth the stress.

Inaroo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #461 on: February 13, 2016, 10:31:16 am »
Scene: Yaya is giving my 2-yr. old daughter a bath. I'm downstairs supervising the feeding of my two children.

"Ma'am, si (name ng 2-yr. old ko), iinom daw ng tubig na may sabon!"

*Me hurriedly climbing up the stairs and sees my daughter in the act of drinking the soapy water. I shout, "No, don't drink!" while trying to reach my daughter. Yaya stands in the background. Daughter drinks the water with soap.*

GRRRRR. Di ba, parang engot. Ako pa ang kamuntik na mahulog sa hagdanan sa kakamadali ko and siya na nandun mismo sa tabi ng anak ko, nakatingin lang, walang ginawa.

"Ay naku, too late! Bakit kasi hindi mo pinigilan, eh ikaw ang nasa tabi niya! Ano ba yan!"

"Ma'am, iiyak kasi kapag pinigilan ko."

"Gano'n? Eh kung lason yang iniinom ng alaga mo, hindi mo pipigilan kasi baka iiyak?"

Siya kaya painumin ko ng tubig na may sabon, ano?

ikaela

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 975
  • Avatar from photographer Rosie Hardy
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #462 on: February 19, 2016, 10:49:53 am »
Brought my yaya to Manila, and when we went back to the province, she stopped speaking in Bisaya. Tagalog na all the time kahit mali-mali. Ang ending eh mali-mali din ang tasks ko sa kanya, kasi pilit niya mag-Tagalog with tinderos/tinderas, helpers, and other yayas. Haaay!
« Last Edit: February 19, 2016, 12:38:29 pm by ikaela »

daisy_duck

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 271
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #463 on: February 21, 2016, 03:24:35 pm »
Let me rant. My youngest son's yaya wanted to leave so I asked her to wait until I find a replacement. Thankfully, she agreed to teach the new yaya first before leaving. A helper of my mother in law recommended her friend, 21 yo with 2 kids of her own. I asked if she was willing to work considering that she has 2 small kids, OO daw. If magpadala ako nang pamasahe, that day pupunta daw agad. Sa hirap maghanap nang yaya, wala akong karapatan maging choosy so I gave her the pamasahe. True enough she arrived the same day I sent the money. She arrived around 8pm sa bahay, a few minutes later she said that her breasts are engorged. My goodness she just left her son na d pa nawean sa kanya. So I asked again if she wanted to work kasi I understand the importance of breaskmilk, OO daw and her son is already 2 yo. SO I asked if she would like to take meds to stop the milk, OO daw. So I bought meds and meds don't come cheap. A few days sa bahay, parang walang ganang mag work, old yaya pa din nagwowork. Little did I know, she calls every night sa nagrecommend sa kanya complaining na ang daming instructions and ang sungit ko daw. How can I be masungit if we haven't had the chance to talk. >:( 2 days pa lang umutang na nang 1k k hubby para daw pangbuy mang milk. Ayun, kagabi, at almost 10p umiiyak na nagpaalam na uuwi daw. Ewan ko kung pano kasi they live 4 hrs away and usually by bus pa. Nagpupumilit kasi daw naaksidente ang husband niya and anak sa motor. I let him leave BUT I think it was just a way na makaalis siya kasi I heard her on the phone talking to her husband and wala naming rush or something na naaksidente nga. Sinungaling talaga! Ive heard sa isang helper naming, nag away pa la sila nang asawa kaya naisipang magwork and now that they're ok, uuwi na. grrrrr!!!!

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5840
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #464 on: February 23, 2016, 01:21:46 am »
^sis paano yung utang niya and yung pinamasahe niya paluwas, pinabayaran ninyo ba?
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #465 on: February 23, 2016, 05:45:18 am »
^^i've heard a lot of such alibis. Yung isa  namatay pa kuno ang lola, yung isa anak naman. Kaya minsan kahit ang laki nang ginastos, hahayaan mo na lang

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1164
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #466 on: February 23, 2016, 08:23:08 am »
Yung maid din ni MIL masipag sana kaso lagi hawak cellphone tawag ng tawag yung asawa.. super seloso akala nanlalake..gusto ng pauwiin sa province eh ayaw naman niya kasi walang work yung husband niya.. mahilig din mag advance..

Tapos one time tumawag yung asawa nakainom daw ng gas yung 2y/o son.. dinala daw sa hospital and nangigitim na.. eh di nagmamadali siya umuwi iyak ng iyak.. nagadvance ng 1 month kay MIL bukod dun binigyan ko ng 2k kasi awang awa ako.. hinatid pa namin sa bus station. After nun hindi na nagparamdam.. hindi nagrereply sa mga text.. yun pala hindi naman daw totoong nakainom ng gas yung anak niya.. according to my yaya na kapitbahay nila..

Inaroo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #467 on: February 24, 2016, 03:04:03 am »
Ilang times na rin ako na "scam" ng mga maids. The biggest is P8K to a maid na namatayan kuno ng aunt, only for me to find out later na pinang-fiesta lang pala ang inutang sa akin sa probinsya. Didn't come back. Same maid who told me wala silang makain when I hired her, imagine that.

Their modus is to tell you a sob story then ask you to lend money to them. Ikaw naman, you have all these mixed emotions that prompt you into advancing them their salary. Siyempre, first of all, you feel pity kasi nakakaawa - namatayan sila, o nagkasakit ang nanay hindi makalabas ng hospital o hindi makakuha ng final exams ang kapatid kasi hindi maka-bayad ng tuition. At the same time, you feel guilty that you're leading a comfortable life samantalang sila, walang-wala. And, lastly, there's this fear of losing them and of the hassle of finding a replacement.

I've since learned. Upon hiring pa lang, I tell my yayas & maids of my "No Advance Policy." The ones who don't accept this are the ones I later find out I don't want to hire. Sila usually yung problematic (will always need money and will lie, go to great lengths para lang maka-utang). The worst are the ones who will borrow money, first day pa lang on the job. Ang pinaka-hate ko eh yung tipong one time pinagbigyan and next time na hindi na, sila pa nagagalit. As if they're entitled to your money. I had maids like this - nag-inarte, nanira ng gamit, all because they felt it was their right to borrow money from me again and again (after I put my foot down and said no na). Then there's this headache of the other maids riding on the utang. Ex., Maid 1 really has a relative in the hospital and needs P2k. Maid 2 will request her to say P4K kailangan niya para hati sila. Ang napansin ko, the ones who are okay with the no advance policy are more disciplined, responsible and have less "baggage."

I simply tell them:

1. Matutong mag-ipon at magpa-kasya ng sweldo.
2. Hindi kami bangko at hindi kami lending company.
3. This may sound harsh but it doesn't really matter to me kung ano ang reason why they're borrowing money. First, I don't even know if they're telling the truth. Then, granted totoo ang mga sinasabi nila (namatay, na-ospital, na-aksidente ang kamag-anak), I cannot lend to every one who tells me a sad story. Hindi ako reyna ng Saudi Arabia.
4. To approach charity organizations or encourage their siblings to be working students.
5. I only allow "advances" for days already worked. Ex. It's the 10th of the month and sweldo is on the 15th pa, then I advance salary for 10 days in emergency cases, no more than that.

Of course, there are times na awang-awa na ako and want to give in na. What holds me back is the consequence of my other maids start trying to get advances too. Kasi unfair if isa lang pinagbigyan. Plus my husband's really steadfast in not breaking our no advance policy.



daisy_duck

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 271
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #468 on: February 25, 2016, 02:07:13 pm »
^^^^Hinayaan ko na sis, wala na din naman akong magagawa kasi nga naaksidente yung asawa at anak DAW.  >:( sarap tirisin! Yung feeling nila ang t**** lang natin na di alam na nagsisinugaling sila. Parang ganito din dati ang nangyari sa first yaya nang panganay ko. Parang out of the blue, bigla na lang iiyak kasi naaksident yung asawa, naputulan nang paa. Pinadalhan ko pa nang extra kasi nga naaksidente, baka walang pang gastos. Yun pala, umuwi kasi ninakaw na yung ilang alahas ko at nang tatay ko. Ang hirap talagang magtiwala...  :-[

Inaroo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #469 on: March 16, 2016, 03:52:10 pm »
Me: Yaya, papatulugin ko lang si bunso. Wag kakatok o wag mo kami istorbohin hanggang mapa-tulog ko ha. Unless, life & death situation o emergency.

Yaya: Yes ma'am.

*Scene: Me rocking bunso to sleep na. She's almost asleep na when I hear a loud knock on our bedroom door. I hurriedly open the door, bunso wakes up.*

Me: Yaya, ano'ng nangyari?!

Yaya: Ma'am may sulat po na dumating (credit card bill). Paki-pirmahan daw sabi ng nag dala.

Me: Di ba sabi ko emergency!!! Pirmahan mo na lang, hindi naman yan importante! Haaay.

-----

This happened years ago. One of my maids told me that the other maids & yayas often have drinking sprees, Red Horse beer and all. At that time kasi, they were in a separate small house beside our house (both houses are in one compound). Kaya pala palagi, one of them either masakit ulo or doesn't feel well.

-----

One malandi maid would open the gate of our lot late at night to have a rendezvous with a bantay na construction worker in the neighborhood. Then muntik na sinugod ng asawa this malandi na maid because he found out (even earlier than we did!) that she had been having nightly trysts with this worker. The annoying thing is we didn't know she had been doing this for about a month before one of the yayas told us. Dahil nga mabubuking na siya because the husband is threatening to forcibly get her from our house na.

-----

Me: Bakit may pasas itong pomodoro pasta ko?

Maid: Nilagyan ko ng pasas ma'am kasi mas masarap pag meron niyan. Ganyan kasi sa probinsiya namin, ganyan kami magluto ng spaghetti.

Me: Nag-graduate ka ba ng Culinary Arts?

Maid: Ay, hindi po.

Me: Nasa probinsiya mo ba tayo?

Maid: Hindi po.

Me: Ang kakain ba ng pasta ko eh mga taga-probinsya niyo?

Maid: Ay, hindi rin po.

Me: O, eh bakit mo nilagyan ng pasas ito! Hindi ka chef o cook at kami ang kakain niyan hindi mga provincemates mo!

*Maid laughs so hard & says, "Si Ma'am naman o! Nagpapatawa!"*

Me: O, buti naman at napa-saya kita nitong araw na ito.

AVIDGOLFER

  • GUYTALKER....
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 185
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #470 on: March 29, 2016, 12:24:52 am »

Me: Bakit may pasas itong pomodoro pasta ko?

Maid: Nilagyan ko ng pasas ma'am kasi mas masarap pag meron niyan. Ganyan kasi sa probinsiya namin, ganyan kami magluto ng spaghetti.

Me: Nag-graduate ka ba ng Culinary Arts?

Maid: Ay, hindi po.

Me: Nasa probinsiya mo ba tayo?

Maid: Hindi po.

Me: Ang kakain ba ng pasta ko eh mga taga-probinsya niyo?

Maid: Ay, hindi rin po.

Me: O, eh bakit mo nilagyan ng pasas ito! Hindi ka chef o cook at kami ang kakain niyan hindi mga provincemates mo!

*Maid laughs so hard & says, "Si Ma'am naman o! Nagpapatawa!"*

Me: O, buti naman at napa-saya kita nitong araw na ito.

Hahahahahaha dami ko tawa dyan sa Pasas mo Sis pati Provincemates isinama pa talaga yong napa saya nya sa maid of Horror hahahaha
_________________
Nothing but Golf ! ! !
_________________

khriseeee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1742
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #471 on: April 29, 2016, 03:56:17 pm »
Sent 3K to a new yaya to come, it's been more than a month of me waiting. She tells me every week that she will come, then on the day she doesn't show up and has some other excuse. She hasn't even started with me and she's already a headache!

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #472 on: April 29, 2016, 04:09:45 pm »
^where is she coming from? Is she taking plane, bus or boat? Php 3k is too big, imo. I usually send Php 1.5k, if thru roro. That's enough to cover the fare + a little extra for food. If she asks for an advance, I tell her I'll give it to her when she arrives. Ang hirap to send a big amount esp if new yaya

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #473 on: May 22, 2016, 11:11:37 am »
Nakita ko siya kaninang umaga around 6 AM naglilinis ng sala, di ko gusto yung suot niya. Racerback Sando at Panty Short. Although wala naman tao sa sala at wala naman akong selos factor whatsoever  ;D ayoko ng ganun magdamit since conservative akong tao. Isa pa, empleyado siya,bakit ganun mag damit sa bahay namin kahit sinabi ko na weeks ago pa, na ayoko na makikita ganyan siya magdamit. Ang hirap niya pasunurin sa pananamit, Meron na ako binili na Scrubsuit sa kanya, 2 lang ang ginagamit dahil ang isa daw masyado maluwag.. Ang arte arte niya  >:(

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #474 on: May 27, 2016, 10:47:29 am »
while senior maid is on a vacation, I'm doing spring cleaning of my kids' closet. Everything is in disarray. Kaya pala she would always say there's no space in the drawers kasi yung mga damit hindi nakatupi ng maayos. She would put most clothes in hangers and hang them in the closet. Clothes that won't fit in the closet and drawers, she would leave in laundry baskets. My kids would just go through whatever is in the basket until the maids would replenish with freshly laundered ones. Kaya pala paulit-ulit na lang ang mga suot. This one is starting to get lazy! Mas madali nga naman mag hang ng mga damit instead of folding them one by one. Definitely, a re-training is in order

sassysazha

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #475 on: June 21, 2016, 01:33:21 pm »
Bingo na talaga saken yung nakuha ko na kasambahay. Ilang beses pinapabayaan yung mga bata dahil maghapon syang may kavideo chat sa phone. Nagrereklamo pa kapag walang internet connection at walang signal phone nya. Then last weekend nagpaalam na magbabakasyon sa province nila dahil sa anak nya. 3 days sya mawawala (2 days per month ang usapan namin na off nya). Pinayagan ko dahil malayo yung sa kanila 16hrs byahe one way. Then malalaman ko na di naman pala talaga umuwi sa province nakipagdate lang! Naiwan pa dito sa bahay yung mga gamit nya di ko alam pano ko sasabihin sa kanya na gusto ko na syang paalisin dahil pinipigilan ako ni hubby baka daw sa mga bata bumawi kapag pinagalitan ko.

crazycatlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #476 on: June 30, 2016, 03:17:29 pm »
I need your help should i let my helper go?

April 2016 dumating itong helper namin, ito ang problema ko sa kanya:

1. nung unang week niya dito ang hindi agad namin nagustuhan yung paraan niya makipag-usap, 10 taon yung gap namin pero lagi lang siya sasagot ng "Oo" saka heads-up lang. May instances pa na pag may hinahanap ako sa kanya at nakatalikod siya,hindi siya haharap. Ituturo lang niya ng kamay yung cabinet o kung ano o saan yung hinahanap ko.

2.  mahilig siya magsuot ng racerback sando na body fit, sandong puti na sobrang nipis,makikita mo halos yung balat niya,at yung strap ng bra niya. Pag may pawis-pawis madidikit ka pa. Medyo conservative kasi ako, Nung una ako lang yung nag complain sa ganito pero nung huli pati hubby ko nagsabi na nakakaasiwa raw manamit yung helper namin wala man lang daw respeto sa sarili. Sinabihan ko na siya first week niya pa lang dito pero hindi nakikinig. Hindi naman ako ka-kinisan pero itataas niya yung braso at magbubukas cabinet,or mag pony tail ng buhok,kitang-kita mo ang itim ng UA niya, uneven skin tone na sikip na sikip yung strap ng bra sa katawan niya. Sinabi ko na sa kanya na ayoko ng nakasuot ng mga kita cleavage lalo pag naglilinis ng bahay,sa gabi lang dapat.. walang epekto sa utak niya.

3. May siesta time naman lahat ng maid na dumaan sakin. Pero ito matindi, ako lang ba yung Amo na sa morning ok lang matulog ang maid after maglinis sa umaga,gigising pag magsasaing na? kasi ganito siya. wala man lang kusa magtanong kung ano pwede niya maitulong kesa matulog ng matulog diba. Sa tanghali same rin, minsan aabotin ng 6PM tulog pa yan. gigisingin pa minsan. at napaka slow motion mag stretching pag pinababangon. --Kahapon 1030AM na wala pa sinaing,ang babanlawan nakatambak pa sa c.r at hindi pa siya naliligo.. bilin ko sa kahit kaninong helper na after maglinis sa umaga, maligo na bago mag saing.. Pero ito hawak na naman ang phone at nakahilata sa higaan niya. inuuna lagi magpahinga,3 tao lang naman pagsisilbihan,bata pa yung isa.. ako na nga nag asikaso sa anak ko kasi sa July pa naman ako mag work. Lagi ganyan siya..

4. nahuli ko siya once or twice na yata na iniwan yung ginagawa sa umaga, bumalik sa higaan at may kausap na bf niya sa phone. ang arte-arte  8) sinabi pa niya na once lang naman nangyaring tumawag ng umaga yun. So ako pa yung nahiya kasi naistorbo ko sila.

5. Kinakausap mo naka headset, kahit na nagsasalita ka tuloy at sabihin niya na naririnig ka niya,hindi ka mapakali kasi baka hindi ka naman talaga naririnig. di man lang tanggalin sa tenga niya,ilang beses ko na sinabi ito,ulit-ulit rin.. dumating na sa point na nagluluto siya naka headset,nakakainis lang kasi nagsasalita ako ayaw tanggalin. Napagsabihan rin tuloy siya ng asawa ko

6. ilang beses na nahuhuli ko umiihi hindi sinasara ang pinto ng c.r namin. Condo living kami kaya maliit at konting may maglakad,kita mo siya sa c.r since yung pinto ng c.r katapat ng living room, katapat ng toilet bowl yung wall mirror na malapit sa pinto ng banyo. kitang-kita siya agad. kakainis hindi tinatablan kahit lagi ka na nagbibilin.

7. Yung mga hand towels namin sa kusina,ibabad ng gabi,banlawan sa umaga. ilang beses na nakakalimutan niya gawin sa umaga, o ipapag-mamaya niya gagawin. Pag nakita mo naman nakahiga lang siya,hawak ang cellphone. Puro dahilan kasi ganito kasi ganyan. Minsan nangyari rin na 2 nights ng naka-babad yung mga basahan,hindi niya pa binanlawan,dami dahilan ang punto don bakit hindi pa nabanlawan diba?

8. Sabi ko paki-mop niya yung kwarto na tinutulugan niya,yung kwarto na yun stock room rin namin ng mga gamit. Ako na nga nag-adjust eh,kasi imbis na gawin,natulog na naman ng tanghali. So pagkagising niya ng 5-6PM tinanong ko kung nagawa na,hindi pa daw. Bakit?--Ang sagott sa akin " wala lang".. basta bukas na lang. - Ang galing diba  ;D lagi siya ganyan,inutusan mo na,siya nag decide kung kelan niya gusto gawin minsan. inutos mo ngayon,itatanogn pa kung mamaya na lang.

9. Sa gabi kahit na hindi naman mabigat yung mga gagawin,may 1-2 plato na humabol na hugasin,basta nasa kwarto na siya kahit alam niya may ganun hindi na pinapansin. Talagang matutulog na o magkukulong. Pero ang haba naman ng tulog sa umaga hanggang sa hapon nakakabawi naman siya ng tulog.

10. Pag kakain siya Lunch or Dinner, maghahain yan.. Pero magugulat ka mawawala siya sa lamesa kasi pinuntahan niya yung phone niya na nag-charge. o kaya naka abang yung pagkain niya kasi busy siya mag text.

11. Alam naman niya una pa lang na mag-aalaga rin siya ng bata,,pag bumababa sila sa kotse,imbis na alalayan yung anak ko,wala ng pakialam. nag aayos na agad ng sarili niya. Yung bata naiiwan sa loob ako lagi taga-alalay which is okay lang naman,pero paano kung wala ako diba?Iiwan niya yung bata mag isa? hindi naman marunong magbukas mag isa ng pinto yun.

12. Pansin ko sa kanya,pag pinakakain ng tirang ulam at rice sa umaga,hindi niya kinakain. lagi sasabihin nakalimutan. Pero ang totoo ayaw niya. Hinahayaan lang na mabulok sa ref yung pagkain.

13. itong huli,madalas ko na siya mapagalitan. kagaya kahapon. Pang 3x na ako nagsasabi na paki-linis yung kitchen cabinet,tanggalin ang nakalagay at linisin ang cabinet. nung 2 days ago pa yon. Tinanong ko siya kahapon hindi pa daw niya ginagawa. So ako nag expect na once nagtanong ako,maalala sana niya linisin.. Wala.. Kanay kanina ayan 8AM tulog na naman.. Tinanong ko uli, hindi pa daw nalinis mamaya na daw. kaya pinabangon ko na siya. At kinausap ko..

Kinausap ko siya kanina kasi nakakita ako ng Diary niya na may nakalagay pa na Tao lang daw siya nagkakamali.. So ako pa ngayon may kasalanan dapat di ko siya pinagagalitan.. kasi tao lang..yan ang katwiran niya.. Paano naman ako?

Sinabi ko sa kanya na okay lang magkamali pero hanggang kelan ba? Sa trabaho hindi mo pwede dahilan yung ganyan. Ang unti-unti ng pinagagawa ko,hindi pa magawa. ako pa yung mag a-adjust. Tapos pag nagalit ako ganyan ang naiisip niya, "Tao lang"?? para ako nakikipaglokohan. Pinasasahod mo walang labis walang kulang tapos halos ligawan mo na nga sila dahil sa sobrang pakisama na ginagawa mo tapos pag naubos ang pasensya mo ganyan pa..

Gusto ko na siya umalis, wala lang ako makuhang kapalit. parang ayoko na kumuha kung di lang kailangan ng maiiwan sa anak ko lalo na malapit na School days. yung feeling na ang Unfair lang na ganito,ako pa yung napapaisip kung may mali ako o siya? Katakot-takot na pakisama gagawin mo,bobolahin mo pa.. Tapos pag naubos pasensya mo ikaw pa masama.

 Alam ko parang hindi rin siya masaya nung kinausap ko siya kanina,sinabi ko na kung hindi niya kaya yung rules ko,pwede naman umalis basta palitan lang yung pamasahe niya sa barko. nakasimangot lang siya.

Advise naman mga Sis ano ba gagawin ko? kung kayo ba may Helper na ganito ano gagawin niyo?
« Last Edit: June 30, 2016, 03:22:43 pm by crazycatlady »

cutemama

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1164
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #477 on: June 30, 2016, 03:54:15 pm »
Naku sis tanggalin mo na yan. kung may makakakuha ka lang din ng kapalit or ng magbabantay sa baby mo tanggalin mo na lang. kaso sobrang hirap kasi talaga maghanap ng helper ngayon.

Ganyan din ang bagong helper namin ngayon, 19 y/o. ang arte, alam naman niyang helper/yaya ang papasukan niya. tapos ngayon nag iinarte na. 2 weeks pa lang ata siya sa min now, 2 days pa lang siya nag advance na ng 2k. tapos sinama ko siya mag grocery, aba kuha ng kuha ng kung ano-ano, mga lotion, eskinol, feminine wash, shampoo, conditioner, napkin and panty liner, basta naka 1k rin siya sa grocery.  Tapos 3 days after, mag aadvance daw ulit ng 3,500 kasi bibili daw siya ng cellphone na touchscreen. sabi ni hubby wag ko daw bigyan kasi baka biglang umalis.

Medyo pretty din kasi siya, nung bagong dating samin ang taas ng heels tapos naka make up pa hahah.
Yung baby ko nasanay na "Yaya" ang tawag sa mge helper kahit di namin turuan. So pag tinatawag siya ng yaya ng son ko hindi lumilingon, as in hindi talaga, lilingon lang pag sinasabi namin uy tawag ka. tapos sabi ayaw niya daw mag alaga ng bata, kasi natatakot daw siya na pag nadapa or nasugatan siya sisihin.  kaya un-easy ako pag iniiwan ko sa kanya son ko pagpapasok kami sa work kasi alam ko hindi siya mahilig sa bata. napapansin din ng mga sisters ko tsaka ni hubby na hindi mahilig sa bata. ni hindi niya man lang nilalaro anak ko. or nilalambing, unlike nung  past 2 yayas niya super close sila.

tapos now nagrereklamo, hindi daw siya pwede maglaba kasi mahina daw katawan niya, mabilis daw siya mapagod. WTF! naghelper pa siya.  gusto niya daw tindera lang. sabi ko sa kanya o  sige maghanap ka pa ng isang helper dun sa probinsya nila para maging yaya/helper sa house tapos siya sa tindahan na lang.

nakakapang init ng ulo grabe. ang arte arte, pinagmamalaki pa niya yung BF niya daw nasa saudi, kaya siguro nahihiyang maging "YAYA".

kaya ngayon tambak yung labahin sa bahay tapos ang dumi ng kwarto ang sala. kapal ng mukha kami pa tuloy ang nahihiyang mag utos sa kanya. di man lang magkusa. hay grabe ang sakit talaga sa ulo ng mga helper ngayon.

sana dumating na yung isang helper na pinahanap ko sa kanya.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5840
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #478 on: July 01, 2016, 11:26:19 am »
Lakas ng loob mag-inarte and magdemand parang hindi nangangailangan ng trabaho. Kaiyak yung maid na ayaw maglaba at gusto sa tindahan lang, bantayan mo sis baka mangupit ng pambili ng touchscreen cellphone haha.

Lulupit ng mga kasambahay ngayon, yung sa officemate ko nagdemand ng sariling tv sa kwarto niya e to think na si officemate walang sariling tv sa kwarto. Sa sala lang ng bahay may tv.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1578
  • stressed...=P
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #479 on: July 01, 2016, 11:58:57 am »
crazycatlady  I suggest to let her go.  Kasi sakit lang ng ulo yung dala niya sa inyo.  Aside from that sayang lang sweldo niya kasi mas madami pa ang siesta niya kesa sa trabaho niya.  IMO, hindi ka rin magiging kampante if ganya lang din makaksama ng anak mo sa house kapag wala kayo.  Imagine nandyan na nga kayo eh ganyan na sya so what if sya lang and anak mo ang magkasama, di ba?

cutemama  Same suggestion, paalisin na rin yan. And also don't let her borrow money, kasi baka nga bigla na lang umalis.  Let her work pa din, hanggang nandyan sya, especially she was informed naman beforehand kung ano ang magiging trabaho niya sa inyo.  Tanong ko lang is bakit siya ang naghahanap ng kapalit niya?  Kasi may possibility na kahit sino na lang ipasok niya sa inyo basta lang makaalis sya.  Dagdag sakit ng ulo yan.
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

 


Latest Stories

Load More Stories
Close