I need your help should i let my helper go?
April 2016 dumating itong helper namin, ito ang problema ko sa kanya:
1. nung unang week niya dito ang hindi agad namin nagustuhan yung paraan niya makipag-usap, 10 taon yung gap namin pero lagi lang siya sasagot ng "Oo" saka heads-up lang. May instances pa na pag may hinahanap ako sa kanya at nakatalikod siya,hindi siya haharap. Ituturo lang niya ng kamay yung cabinet o kung ano o saan yung hinahanap ko.
2. mahilig siya magsuot ng racerback sando na body fit, sandong puti na sobrang nipis,makikita mo halos yung balat niya,at yung strap ng bra niya. Pag may pawis-pawis madidikit ka pa. Medyo conservative kasi ako, Nung una ako lang yung nag complain sa ganito pero nung huli pati hubby ko nagsabi na nakakaasiwa raw manamit yung helper namin wala man lang daw respeto sa sarili. Sinabihan ko na siya first week niya pa lang dito pero hindi nakikinig. Hindi naman ako ka-kinisan pero itataas niya yung braso at magbubukas cabinet,or mag pony tail ng buhok,kitang-kita mo ang itim ng UA niya, uneven skin tone na sikip na sikip yung strap ng bra sa katawan niya. Sinabi ko na sa kanya na ayoko ng nakasuot ng mga kita cleavage lalo pag naglilinis ng bahay,sa gabi lang dapat.. walang epekto sa utak niya.
3. May siesta time naman lahat ng maid na dumaan sakin. Pero ito matindi, ako lang ba yung Amo na sa morning ok lang matulog ang maid after maglinis sa umaga,gigising pag magsasaing na? kasi ganito siya. wala man lang kusa magtanong kung ano pwede niya maitulong kesa matulog ng matulog diba. Sa tanghali same rin, minsan aabotin ng 6PM tulog pa yan. gigisingin pa minsan. at napaka slow motion mag stretching pag pinababangon. --Kahapon 1030AM na wala pa sinaing,ang babanlawan nakatambak pa sa c.r at hindi pa siya naliligo.. bilin ko sa kahit kaninong helper na after maglinis sa umaga, maligo na bago mag saing.. Pero ito hawak na naman ang phone at nakahilata sa higaan niya. inuuna lagi magpahinga,3 tao lang naman pagsisilbihan,bata pa yung isa.. ako na nga nag asikaso sa anak ko kasi sa July pa naman ako mag work. Lagi ganyan siya..
4. nahuli ko siya once or twice na yata na iniwan yung ginagawa sa umaga, bumalik sa higaan at may kausap na bf niya sa phone. ang arte-arte

sinabi pa niya na once lang naman nangyaring tumawag ng umaga yun. So ako pa yung nahiya kasi naistorbo ko sila.
5. Kinakausap mo naka headset, kahit na nagsasalita ka tuloy at sabihin niya na naririnig ka niya,hindi ka mapakali kasi baka hindi ka naman talaga naririnig. di man lang tanggalin sa tenga niya,ilang beses ko na sinabi ito,ulit-ulit rin.. dumating na sa point na nagluluto siya naka headset,nakakainis lang kasi nagsasalita ako ayaw tanggalin. Napagsabihan rin tuloy siya ng asawa ko
6. ilang beses na nahuhuli ko umiihi hindi sinasara ang pinto ng c.r namin. Condo living kami kaya maliit at konting may maglakad,kita mo siya sa c.r since yung pinto ng c.r katapat ng living room, katapat ng toilet bowl yung wall mirror na malapit sa pinto ng banyo. kitang-kita siya agad. kakainis hindi tinatablan kahit lagi ka na nagbibilin.
7. Yung mga hand towels namin sa kusina,ibabad ng gabi,banlawan sa umaga. ilang beses na nakakalimutan niya gawin sa umaga, o ipapag-mamaya niya gagawin. Pag nakita mo naman nakahiga lang siya,hawak ang cellphone. Puro dahilan kasi ganito kasi ganyan. Minsan nangyari rin na 2 nights ng naka-babad yung mga basahan,hindi niya pa binanlawan,dami dahilan ang punto don bakit hindi pa nabanlawan diba?
8. Sabi ko paki-mop niya yung kwarto na tinutulugan niya,yung kwarto na yun stock room rin namin ng mga gamit. Ako na nga nag-adjust eh,kasi imbis na gawin,natulog na naman ng tanghali. So pagkagising niya ng 5-6PM tinanong ko kung nagawa na,hindi pa daw. Bakit?--Ang sagott sa akin " wala lang".. basta bukas na lang. - Ang galing diba

lagi siya ganyan,inutusan mo na,siya nag decide kung kelan niya gusto gawin minsan. inutos mo ngayon,itatanogn pa kung mamaya na lang.
9. Sa gabi kahit na hindi naman mabigat yung mga gagawin,may 1-2 plato na humabol na hugasin,basta nasa kwarto na siya kahit alam niya may ganun hindi na pinapansin. Talagang matutulog na o magkukulong. Pero ang haba naman ng tulog sa umaga hanggang sa hapon nakakabawi naman siya ng tulog.
10. Pag kakain siya Lunch or Dinner, maghahain yan.. Pero magugulat ka mawawala siya sa lamesa kasi pinuntahan niya yung phone niya na nag-charge. o kaya naka abang yung pagkain niya kasi busy siya mag text.
11. Alam naman niya una pa lang na mag-aalaga rin siya ng bata,,pag bumababa sila sa kotse,imbis na alalayan yung anak ko,wala ng pakialam. nag aayos na agad ng sarili niya. Yung bata naiiwan sa loob ako lagi taga-alalay which is okay lang naman,pero paano kung wala ako diba?Iiwan niya yung bata mag isa? hindi naman marunong magbukas mag isa ng pinto yun.
12. Pansin ko sa kanya,pag pinakakain ng tirang ulam at rice sa umaga,hindi niya kinakain. lagi sasabihin nakalimutan. Pero ang totoo ayaw niya. Hinahayaan lang na mabulok sa ref yung pagkain.
13. itong huli,madalas ko na siya mapagalitan. kagaya kahapon. Pang 3x na ako nagsasabi na paki-linis yung kitchen cabinet,tanggalin ang nakalagay at linisin ang cabinet. nung 2 days ago pa yon. Tinanong ko siya kahapon hindi pa daw niya ginagawa. So ako nag expect na once nagtanong ako,maalala sana niya linisin.. Wala.. Kanay kanina ayan 8AM tulog na naman.. Tinanong ko uli, hindi pa daw nalinis mamaya na daw. kaya pinabangon ko na siya. At kinausap ko..
Kinausap ko siya kanina kasi nakakita ako ng Diary niya na may nakalagay pa na Tao lang daw siya nagkakamali.. So ako pa ngayon may kasalanan dapat di ko siya pinagagalitan.. kasi tao lang..yan ang katwiran niya.. Paano naman ako?
Sinabi ko sa kanya na okay lang magkamali pero hanggang kelan ba? Sa trabaho hindi mo pwede dahilan yung ganyan. Ang unti-unti ng pinagagawa ko,hindi pa magawa. ako pa yung mag a-adjust. Tapos pag nagalit ako ganyan ang naiisip niya, "Tao lang"?? para ako nakikipaglokohan. Pinasasahod mo walang labis walang kulang tapos halos ligawan mo na nga sila dahil sa sobrang pakisama na ginagawa mo tapos pag naubos ang pasensya mo ganyan pa..
Gusto ko na siya umalis, wala lang ako makuhang kapalit. parang ayoko na kumuha kung di lang kailangan ng maiiwan sa anak ko lalo na malapit na School days. yung feeling na ang Unfair lang na ganito,ako pa yung napapaisip kung may mali ako o siya? Katakot-takot na pakisama gagawin mo,bobolahin mo pa.. Tapos pag naubos pasensya mo ikaw pa masama.
Alam ko parang hindi rin siya masaya nung kinausap ko siya kanina,sinabi ko na kung hindi niya kaya yung rules ko,pwede naman umalis basta palitan lang yung pamasahe niya sa barko. nakasimangot lang siya.
Advise naman mga Sis ano ba gagawin ko? kung kayo ba may Helper na ganito ano gagawin niyo?