watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105631 times)

greenpease05

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #420 on: August 29, 2015, 12:33:21 pm »
Yung abutan kong nagda dryer sila ng damit nila eh may araw naman! Kaloka di ba?

dashee

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #421 on: September 13, 2015, 03:53:33 am »
yung pinapapasok nya yung anak nya at apo nya sa bahay namin na parang bahay na nila to. what happened to privacy? to think lalaki ang mga anak nya tapos syempre kami mga babae sa bahay.. kaloka.  :o

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #422 on: September 14, 2015, 07:33:11 pm »
I asked the yaya to list down the names of my daughter's close playground friends for her SMALL birthday get together next week. She asked me if she should text already the yayas but I told her I want to see first the list; besides I want to send an invitation as well. Lo and behold, she listed 20 kids. So if you count a yaya for each kid, that's 40 invited guests (plus another 7 of us in the house). Nung sinita ko, ang sagot sa akin "wala ka namang sinabi na kung ilan iimbitahin". Hindi man mag-isip if paano niya pagkakasiyahin ang singkwentang tao sa sala namin
« Last Edit: September 14, 2015, 07:41:54 pm by hunny_ally »

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #423 on: September 15, 2015, 11:45:26 pm »
My mom brought a new maid the other week. Biglaan eto, basta nalang dinala sa bahay namin and papasok nga daw na maid. So ako naman, since mother ko naman ang nagpasok sige nalang din (though hindi naman din pala kilala ng nanay ko and nagkataon lang na kasama nung maid nya magbyahe from Mindoro which is referred by Mom's co-worker).

Etong si maid super dugyot tignan and nag yo-yosi (i'm not being judgemental here pero ganun talaga kasi siya) so in-orient ko agad siya na strict ako sa cleanliness and wala naman back breaking na gagawin sa house other than daily cleaning. After ko siya i-orient nagpapahiwatig na ng cash advance, sabi ko i need to talk to my mom muna.

That same day nag linis siya and diosmio, parang mas maayos pa and 10 yr old mag linis sa kanya. Tinanong ko kung nag linis ba talaga siya, sabi nya oo naman daw. A few hours later (same day eto), kinausap ako at gusto magpabili ng new phone dahil nabagsak daw nya phone nya earlier that day and wala siyang magagamit. hindi ko napigilan magtaray, sabi ko 'hindi mo nga magawang maglinis ng maayos tapos papabili ka agad ng phone saken, 4 hrs palang tayo magkakilala'.

The following day, umagang umaga nanghihingi ng pera kasi masakit daw ulo nya (wow diba!), inabutan ko ng ibuprofen aba sinimangutan lang ako. It turns out gusto lang pala nya gamitin yung pera sa pang yosi nya (NKKLK!). Hindi din nya napigilan sarili nya at umamin after a few hrs na kailangan nya ng pera pang yosi at pang load, bilang mabait na amo nagbigay ako. Naulit etong scenario na tong mga twice pa the following day.

With regards to the caliber of work, walang nagbago kahit na palagi ko sinasabihan na ayusin nya ang trabaho kasi hindi it's the quality i'm after and not the quantity.

Nung pang 5th day nya, lumapit saken habang umiiyak (which is btw, halatang fake) kasi naaksidente daw anak nya and need nya umuwi. Agad agad sinabi ko eh di gora. Sabi wala daw siya pamasahe at need nya pera pampagamot. Naloka ako to the nth power, pero umiral pa din ang pagiging tao ko. Pinahatid ko siya sa uncle ko sa sakayan nya pa-mindoro with cash na pamasahe at onting pera (may hakot pa siyang food), na btw hindi pa siya happy kasi kulang daw yun.

Nakakaasar lang kasi gumastos na ako ng pamasahe nya papunta (yes siningil din saken nung nag refer yung pamasahe nya), binigyan ko pa siya ng pamasahe pauwi at sweldo na din for 4 days of work, yung mga maliit na amount na hiningi nya hindi ko na pinabayaran tapos siya pa ang may gana mag text yesterday saying na hindi naman daw pala naaksidente yung anak nya at inaapoy lang ng lagnat, baka daw pwde siya bumalik. The nerve talaga!
« Last Edit: September 29, 2015, 11:43:03 pm by chelsea1212 »

momoffour

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #424 on: September 21, 2015, 04:49:57 pm »
nag sinungaling . . and i really hate it . . .she's studying, i let her study once a week, the reason is to stay longer with us kasi naman she's really nice, at talagang mapagkakatiwalaan . . haaay and here she goes nag start na magsinungaling kasi na babarkada at boyfriend, ginagawa pa akong t*ng* . .grabe . . pag dito sa ok naman sya iutos mo lahat gagawin nya walang simangot, pag nagpaalam ayun na walang isang salita . .kanins

ninsky01

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #425 on: September 29, 2015, 05:25:50 pm »
Sobra yung binayad sa tindahan. Nagpabili ako ng 10 itlog, ang binigay ko 60 pesos (3 20s).. Pero 8 ang binili nya worth 5 each. Akala nya 40 lang (2 20's) inabot ko.  >:(

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #426 on: September 29, 2015, 08:13:49 pm »
Yung nakuha ko medyo maarte kasi ayaw ng mag alaga ng bata, wala naman daw ako sinabi na may batang aalagaan. Wala naman ako sinabing mag yaya siya, isasama lang naman namin para may taga tingin minsan lalo na pag gusto mag fun ranch ng bata,4 na taon na anak namin at mabait naman hindi spoiled. Ayaw daw talaga niya pati yung lumalabas ng bahay.. Naku napaka arte pero napilitan akong kunin since stay out Sat-Sun lang ang pasok 5 hours lang.

Nakakainis kasi ang lakas ng boses lalo na pag nasa labas. Nakakainis yung ganon tapos kung ano-anong lumalabas sa bibig niya na kwento, na dapat di na niya sinasabi lalo na sa labas at madaming tao. Nagmumukha akong may kasamang chismosa,nakakahiya nasa School pa naman kami.

Since stay out siya at weekend naman,sinama namin pumasyal sa MIL ko, sabi ko tabi sila sa backseat ng anak ko, paki bantayan sa pagkain ng burger. Akala ko naman binabantayan, akala namin ubos ng anak ko yung burger. After 2 weeks makita kita ko nasa sahig pala yung burger,natakpan ng comforter sa backseat. Ang alam pa naman namin ng asawa ko inaasikaso niya,pinakain niya, yun pala hindi.

Sabi ko tuloy nung bumalik siya na sana pinaki tignan man lang yung bata nung kumakain sila kasi kaya ko nga siya binayaran para sa araw na yon para may makatulong ako at makapahinga mag asikaso kahit 1 day lang. Sabi ko nakakaawa yung bata maghapon di kumain,buong akala namin pinakain mo,yun pala di mo man lang tinitignan kaya sa susunod wag ka na lang sumama baka di mo rin naman tignan. Ang sabi pa nahihilo daw siya pag nakatingin sa loob ng sasakyan kaya sa bintana siya nakatingin, loka loka lang naka park kami dahil dumaan si hubby ng National Bookstore, ang arte arte mukha namn mangkukulam, kaya ko siya sinama malinaw sa kanya aasikasuhin anak ko eh mukhang sarili lang niya inasikaso niya na mabusog.

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #427 on: October 01, 2015, 07:28:14 am »
We woke up at 3:30 am to our 3yo and 5yo cries. When hubby and I rushed outside, we saw both of them huddled on the sofa. I thought the yaya (who sleeps with them in the room) was in the washroom. Nagigising kasi yung 2 kapag tumatayo yung yaya. To my surprise I found her in the kitchen cooking breakfast! At 3:30 am! When I asked her how come she's cooking breakfast so early, ang sabi niya akala niya 4:15am na kaya nagluto siya. Sumakit ang ulo ko literally and figuratively

tinybubbles7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #428 on: October 19, 2015, 04:08:57 pm »
Sabi ko na nga ba malakas siyang gumamit ng sabon panlaba. Kahapon nag inspect ako sa c.r nung sabon na ginamit niya,ayon ubos na naman.. Mag mop ng sahig, isang timbang di naman puno ng tubig 2 big scoop ng sabon ginamit..malaki yung scoopbha parang sa ice cream.. Ang b*b* lang walang common sense. Tapos sasabhin sakin wala na.. “Ikaw malakas mag sabon sabi ko na nga ba, tuwing gagamit ka nga pala ganyan nauubos yung sabon dyan”.. Sabi ko di ba niya kaya mag estimate kung matapang na yung timpla basta ba siya lagay ng lagay..nakakainis ang lakas gumamit ng sabon palibhasa di siya bumibili magiging suki yata ako dito dahil sa kanya.. Maliit na bagay pero kakainis pag ganyan kasama mo maliit na bagay nagagawin parang di siya nag iisip..

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #429 on: October 20, 2015, 11:57:11 pm »
Upon seeing an old pic of me (5 years ago), she said, "ma'am, sexy ka pala...NOON!"

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #430 on: October 28, 2015, 01:18:26 pm »
Gusto ko na siyang palitan. Ayaw daw talaga niya mag asikaso ng bata. Ayaw niya mag mall, ayaw sa madaming tao baka daw ma-bully siya. Okay naman siya pero lahat naman tayo mas gugustohin makakuha ng hh na pwede mo mapagtiwalaan sa anak mo kahit minsan. Sabi ko sa kanya di lang naman ikaw tao sa mundo para ikaw lang lagi tignan. Sasamahan mo lang naman kami pag kelangan taga bitbit, assistant o kasama ng 4 yr old daughter ko maglaro sa fun ranch may extra bayad naman... Ayaw daw niya mapagkamalan na yaya. Napaka arte,mukha naman mangkukulam, yung fb pic niya ang layo sa itsura niya talaga, edited kasi haha! Papalitan ko na ba dahil ganyan siya??

shawliin

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #431 on: October 29, 2015, 03:03:01 pm »
^naloka ako sis lalawhoopsy sa ayaw mapagkamalang yaya. eh ano bang ganap niya sa buhay? gusto niya mapagkamalan na siya ang amo? primadonna!

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #432 on: October 29, 2015, 03:55:32 pm »
Napaka anti social nga,pero pag outing okay daw.

mysterioza_me

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #433 on: October 30, 2015, 06:31:38 am »
^Pasosyal ang maid mo sis haha. Kung sa kin yan aalisin ko na lang. Di ko magets yung sinabi niya na baka mabully siya sa mall, bakit at paano? Di naman siguro siya lalapitan ng mga tao para lang tuksuhin na maid or yaya siya. Maging firm ka sa kanya, binabayaran ninyo siya kaya siya ang susunod sa kalakaran sa bahay.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #434 on: October 31, 2015, 12:00:11 am »
Wala daw kasi akong sinabi na mag alaga siya nung nag apply pa siya. Syempre yung ganon biglaan yon,saka di naman palagi gagawin. Wala pa ako mahanap sa ngayon na kapalit sana makakita ko para mapaalis ko na maigi sa kanya mag janitress na lang. Insecure lang yon sa itsura kaya ganon,negative thinking lagi pag nasabing balak siya isama. Yung ibang maid wala naman sa kanila yan bakit siya nag inarte. Sa anak daw niya gusto niya pag sa anak ng iba ayaw niya. Yun nga anak niya pinaalagaan naman nilang mag asawa sa province. Sino gaganahan magpa sweldo sa ganyan. Kahit na masipag siya parang ayoko na sa kanya kasi kailangan ko yung open minded saka flexible hindi yung taga bundok na ganito haha! Dami insecurities!

mysterioza_me

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #435 on: October 31, 2015, 01:05:53 am »
Wala daw kasi akong sinabi na mag alaga siya nung nag apply pa siya. Syempre yung ganon biglaan yon,saka di naman palagi gagawin. Wala pa ako mahanap sa ngayon na kapalit sana makakita ko para mapaalis ko na maigi sa kanya mag janitress na lang. Insecure lang yon sa itsura kaya ganon,negative thinking lagi pag nasabing balak siya isama. Yung ibang maid wala naman sa kanila yan bakit siya nag inarte. Sa anak daw niya gusto niya pag sa anak ng iba ayaw niya. Yun nga anak niya pinaalagaan naman nilang mag asawa sa province. Sino gaganahan magpa sweldo sa ganyan. Kahit na masipag siya parang ayoko na sa kanya kasi kailangan ko yung open minded saka flexible hindi yung taga bundok na ganito haha! Dami insecurities!

Maarte na mga maid ngayon kasi alam nila na kailangan sila. I had an officemate na nagdemand ng own room at tv sa kwarto niya ang new maid. My officemate had to let her go kasi sila mag-asawa walang tv sa kwarto tapos yung maid magdedemand ng tv. Ano siya bakasyunista? Tama ka sis dapat magjanitress na lang siya but I doubt it kung gugustuhin niya yun kasi ayaw nga magpunta sa public place dahil sa takot na baka ma-bully siya. Nakakatawa maid mo sis, ang choosy sa trabaho kung college grad pa yan di lang siguro ganyan kaarte yan haha.Yung ibang nago-office nga wala na sa job description ang trabaho pero ginagawa pa din e haha

killbill

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #436 on: October 31, 2015, 03:50:26 am »
Last night sabi niya magpaalam daw sya umalis kasama tita niya at bibili lang daw sila ng kandila na gagamitin sa undas, hindi kasi kami sa bahay natulog ng anak ko then kaninang hapon tumawag to inform me na bukas na lang daw sya ng gabi uuwi. Sabi ko kahapon ka pa umalis ngayon ka lang magsasabi na bukas ka pa uuwi?

Then nagtext na sa ate ko na magpapalaam na daw sya at bukas daw kukunin na mga gamit nya.

Ayoko na tuloy kumuha ng kasambahay. Pipilitin ko na lang kayanin maglaba at magluto. Yung plansta saka makakasama ng anak ko during the day ang problema ko.

mysterioza_me

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #437 on: October 31, 2015, 04:55:23 am »
^This.

Mga maid ayaw na din napagsasabihan, pagpinagsabihan its either sasagot/lalaban or magpapaalam na aalis. Hirap talaga makahanap ng loyal, mapagkakatiwalaan at maayos magtrabaho. Karamihan ayaw na din mag-alaga ng bata

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #438 on: October 31, 2015, 04:35:02 pm »
Mga loko nga,pag napagsabihan akala mo naman kug sinong Api. Dapat may batas din na laban sa mga katulong kasi yang KB Law na yan talong talo ka na, sa SSS at Philhelath pa lang dami nainis mag asikaso tapos malas mo pa pag “patapon” yung mapupunta sayo.

killbill

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #439 on: October 31, 2015, 05:09:08 pm »
Naku yung mga ganyang drama nya as if eh ako pa magmamaka awa sa kanya na mag stay. Kung ayaw nya, wag nya. Pambihira ako pa mag aadjust sa kanya? Mas gugustuhin ko na lang na pagtulungan namin mga gawaing bahay kesa sa dagdag stress. Eh usually sa simula lang naman sila pakitang gilas pag nagtagal eh ang tamad tamad na tapos bara bara na mga laba at linis. Problema ko lang talaga eh wala makakasama sa bahay anak ko paguwi nya galing school.

Saka expected ko naman na pag katulong eh maswerte na pag umabot yan ng 1 year. Kasi kung ako din naman ang lalagay sa lugar nila eh ayoko ding forever kasambahay lang ako. Hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close