vent out lang ako
yung hh namin, naka three years sya sa dati nyang employer. umalis sya dun kasi gusto nya mag-aral. sabi ng nanay ko, kunin ko na nga lang daw para may tao sa bahay. wala pa kaming baby ni hubby and sobrang hindi kami maselan in terms of cleanliness and food choices. kelangan lang talaga namin ng kasama kasi may times na night shift si hubby, para may kasama ako.
eto na. April and May, pinasweldo ko sya ng 3k each month habang walang pasok. sabi ko habang walang school, ipunin nya yung pera nya para may pang gastos sya. sa 2 months na to, kung di mo iuutos, di gagawin. like cleaning the dog's area, defrosting the ref, cleaning the windows. so ang ginawa ko, nilista ko per day ang gagawin. di ko nailista ang cooking, washing dishes and laundry. siguro dahil di nakalista ang laundry dun, di naglaba. sus!
2nd. nagstart na ang school. pinapa-sign nya sa akin yung handbook. sabi ko, basahin nya muna then i'll ask questions, para sure na nabasa nya yun. aba, tinatanong ko lang kung kelan ang washday nila, di nya masagot. (it turned out, di sya nakakaintindi ng english, more about this later)
3rd. nag-uwi ako ng work na dapat i-weave. kesa sa kapitbahay ko ipagawa at bayaran, sabi ko, sya na ang gumawa para maka-extra income. 70 sets ang need ko. aba nung naka 8 sets na sya, huminto at pagod na daw.
4th. eto talaga. may book review daw sila. college na sya ha. pinahiram ko sya ng high school book for reading. sabi ko basahin nya and pag uwi ko kwentuhan nya ko sa nabasa nya. pag-uwi ko, almost finish na nya yung book. nung nagpapakwento ako, di nya daw naintindihan! shucks! paano sya pumasa ng high school kung di nya alam ang difference ng wants and need. di nya din alam ang difference ng "with value" and "without value" as in hangang 11 pm nag didiscuss kami ng simple sentences, at yawning sya! so binilhan ko sya ng english tagalog dictionary. and tinuruan ko sya mag google. ang siste, ayaw gamitin ang google at dictionary. nanghingi sya ng tulong kay hubby. dahil walang patience si hubby, ginawa na nya pero di nya natapos. tapos when i'm checking her work, hindi nga tapos, sabi ko, what happened? sabi nya di daw kasi natapos ni kuya (hubby ko). what the!!!!
eto yung last. may fieldtrip daw sila, nanghihingi ng 1,500. sabi ko nasaan yung itinerary? nasa teacher nya daw. sabi ko bawiin nya kasi gusto ko makita. nung pinakita na nya sa akin, may pirma na ng nanay nya. sabi ko, "o nakapag-paalam ka pala sa nanay mo", knowing na di sila good ng mom nya. sya lang day pumirma nun. sabi ko naintindihan nya ba ang pinirmahan nya. hindi daw.... gggrrrrhhhh...
alam nyo yung gusto nya lang masabing estudyante sya but not thinking of the responsibility of being a student.
ayun, nagpaalam na aalis na daw sya at tita na lang nya ang magpapa-aral. so why all of the sudden, tita na lang nya. bhala nga sya