watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105658 times)

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #380 on: April 04, 2015, 06:54:26 pm »
Di ko masyado feel the new yaya I got from the agency. Feeling ko mas gusto nya maging helper kesa yaya. Mas masipag kasi sa chores kesa tutukan mga anak ko kahit sabi ko na priority is my 2 yo daughter kasi may helper naman na kami. may kasungitan pa sya sa 7 yo dau ko na medyo makulit. Pag Tinanong sya, pabalang agad sagot sa anak ko. The other day, nag advance sya. Before ko ibigay, I told her usap kam. Sabi ko bibigyan kita ng feedBack. Told her bawasa ang pagsusungit sa mga anak ko. Dagdagan nya ng lambing kasi ayoko lumaki mga anak ko na ganun kausapin At Baka mahawa sa kasungitan nya.

Isa pa kinakainis ko, pag may lakad kami, sasabihin pwede daw ba maiwan na lang sila ng bunso ko (yung 2 yo). Sabi ko hind. Heller, family bonding nga yun e. Kung di ko kasi sya isasama, super mapapagod naman akO kasi 3 kids ko na maliliit pa.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #381 on: April 06, 2015, 02:16:05 pm »
1. Kapag may hinahanap ako at tatanungin ko sya "Ate, nakita mo ba yung (item)?" Ang sagot agad e "Ay hindi ko alam yun". Nakakainis lang kasi una sa lahat, hindi ko naman itatanong sa kanya kung alam kong hindi sya nagligpit. Pangalawa, baka naman puedeng pag nagtanong ako at obviously hindi ko makita, e tulungan ako maghanap. Hindi e, tulaley pa din.

2. Napakabaagaaaal kumilos. Parang laging slow-motion ang mundo nya. Nakakairita. Di bale sana kung matanda na, e bata pa naman. Wala naman sakit. Kala mo naman laging pagod, e wala naman masyado gawain dito sa bahay.

3. Ang hilig tumulala sa kawalan at ang slow ng pick-up. Hirap na hirap makagets. Hindi naman rocket science yung tinatanong ko.

4. Pag may lakad ang family at sinasabi kong sumama, e madami daw sya gagawin. Magliligpit daw sya etc. E hindi naman sya isasama kung di need ng presence nya, may mga lakad kasi na need ng extra attention for my daughter (like yung magplay galore sya ganyan). Sabi nga namin eh puede naman gawin yun paguwi or the next day.

5. Uutusan bumili sa labasan, aba eh ten years bago bumalik, nakichika na pala sa kamaganak nya. Di bale kung di kailangan agad yung pinapabili.

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #382 on: April 06, 2015, 03:42:15 pm »
Kagabi sabi ko siya na muna maghugas ng mga bote ng baby ko kasi isa na [textspeak!] bote niya and pagod nako kasi nagbake ako ng cake with fondant ..kaya super nakakapagod and 6 am) pa pasok ko kinaumagahan..(ako kasi naghuhugas ng mga bote ni baby kasi wala ko tiwala sa kanya minamadali niya..kaya tinuruan ko siya kung pano ang tamang paghugas.)

 After 30 minutes lumabas ako ng kwarto..akala ko nakapaghugas na siya..aba ang lola ni hindi pa pala nakapag umpisa maghugas.. sitting pretty sa sala habang kumakain ng cake and nanonood ng tv..  sabi ko bakit hindi pa siya naghuhugas eh alam naman niyang isa na lang bote ni baby and matutulog na.. sabi ba naman.. manood daw muna siya ng vice ganda  kasi coco martin ang guest.
Grabe nakakainis.. ilang beses na niya ginagawa yan basta vice ganda.. sarap batukan..

Tapos kanina sabi ni hubby 10 am na daw nagising.. wow talaga! Kung hindi lang mahirap maghanap ng yaya ngayon..


Project60

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #383 on: April 07, 2015, 08:15:26 am »
Ay nako. isa sa dahilan bakit parang ayaw ko na magka anak pa is dahil ang hirap mag hanap ng matinong yaya.

Etong yaya ko lahat na pinagbigyan kasi nga mahirap mag hanap ng yaya at okay okay naman sya. Imagine, hinire na rin naman yung boyfriend niya bilang boy namin (4 years naman na sila samin) Kaso my golly lagi nagbabakasyon sabay pa sila lagi!!!!!!!!!!!! Jusko just last december, usapan babalik ng january tapos bumalik march na kesho daming drama sa buhay - hello? silang 2 may family issue? what a coincidence naman pwede naman isa nauna bumalik diba. tapos this holy week nagbakasyon nanaman ipapasyal daw mga anak dito sa maynila kasi lumuwas nag advance pa - tapos silang dalawa nanaman! tapos sabi babalik daw ng monday ng hapon - jusko 10pm na bumalik. tinext ko nga napaka walang consideration kasi sabi ko sana pag sinabi nyong hapon hapon talaga kasi never naman kayo di pinagbigyan pero sana isipin na baka may lakad din kami. Wagas kung makapag party party eh kaya walang pera pampaaral sa anak kasi di alam mag prioritize. inuuna yung mga videoke, inom, reunion... grrr. sorry asar na asar lang ako. hilig pa kasi magparinig na dami nagpapirate sakanya na mas malaki sweldo kesho 6k daw blah blah. EH HELLO TAG 4,500 naman sila ng jowa nya tapos bakasyon anytime they want at libre lahat may sariling banyo at cr, libre wifi sarap sabihin edi lumipat ka. grrrrrrrrrrr!!!!!!!!!! kakairita pa gandang ganda sa sarili wala ng ginawa kung hindi mag selfie. nakakairita tuloy tumingin sa fb newsfeed.


twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #384 on: April 07, 2015, 04:53:13 pm »
^Yan din lage kong reason kaya ayoko pa magka anak ulit ng isa pa kase hirap humanap ng yaya.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #385 on: April 11, 2015, 06:32:08 pm »
Ang bagal bagal kumilos. Walang sense of urgency. Lilipat lang from one place to another, parang naka-slow motion talaga. Hindi naman kailangan maging si Flash, pero baka puedeng konting liksi naman. Hindi naman sya 60 years old para maging ganun kabagal, e mas maliksi pa mother in law ko na 60-plus na eh.  Nakakairita naaaaa....


kabes

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #386 on: April 22, 2015, 06:25:19 pm »
vent out lang ako

yung hh namin, naka three years sya sa dati nyang employer. umalis sya dun kasi gusto nya mag-aral. sabi ng nanay ko, kunin ko na nga lang daw para may tao sa bahay. wala pa kaming baby ni hubby and sobrang hindi kami maselan in terms of cleanliness and food choices. kelangan lang talaga namin ng kasama kasi may times na night shift si hubby, para may kasama ako.

eto na. April and May, pinasweldo ko sya ng 3k each month habang walang pasok. sabi ko habang walang school, ipunin nya yung pera nya para may pang gastos sya. sa 2 months na to, kung di mo iuutos, di gagawin. like cleaning the dog's area, defrosting the ref, cleaning the windows. so ang ginawa ko, nilista ko per day ang gagawin. di ko nailista ang cooking, washing dishes and laundry. siguro dahil di nakalista ang laundry dun, di naglaba. sus!

2nd. nagstart na ang school. pinapa-sign nya sa akin yung handbook. sabi ko, basahin nya muna then i'll ask questions, para sure na nabasa nya yun. aba, tinatanong ko lang kung kelan ang washday nila, di nya masagot. (it turned out, di sya nakakaintindi ng english, more about this later)

3rd. nag-uwi ako ng work na dapat i-weave. kesa sa kapitbahay ko ipagawa at bayaran, sabi ko, sya na ang gumawa para maka-extra income. 70 sets ang need ko. aba nung naka 8 sets na sya, huminto at pagod na daw.

4th. eto talaga. may book review daw sila. college na sya ha. pinahiram ko sya ng high school book for reading. sabi ko basahin nya and pag uwi ko kwentuhan nya ko sa nabasa nya. pag-uwi ko, almost finish na nya yung book. nung nagpapakwento ako, di nya daw naintindihan! shucks! paano sya pumasa ng high school kung di nya alam ang difference ng wants and need. di nya din alam ang difference ng "with value" and "without value" as in hangang 11 pm nag didiscuss kami ng simple sentences, at yawning sya! so binilhan ko sya ng english tagalog dictionary. and tinuruan ko sya mag google. ang siste, ayaw gamitin ang google at dictionary. nanghingi sya ng tulong kay hubby. dahil walang patience si hubby, ginawa na nya pero di nya natapos. tapos when i'm checking her work, hindi nga tapos, sabi ko, what happened? sabi nya di daw kasi natapos ni kuya (hubby ko). what the!!!!

eto yung last. may fieldtrip daw sila, nanghihingi ng 1,500. sabi ko nasaan yung itinerary? nasa teacher nya daw. sabi ko bawiin nya kasi gusto ko makita. nung pinakita na nya sa akin, may pirma na ng nanay nya. sabi ko, "o nakapag-paalam ka pala sa nanay mo", knowing na di sila good ng mom nya. sya lang day pumirma nun. sabi ko naintindihan nya ba ang pinirmahan nya. hindi daw.... gggrrrrhhhh...

alam nyo yung gusto nya lang masabing estudyante sya but not thinking of the responsibility of being a student.

ayun, nagpaalam na aalis na daw sya at tita na lang nya ang magpapa-aral. so why all of the sudden, tita na lang nya. bhala nga sya

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #387 on: April 22, 2015, 06:45:55 pm »
Pinatulog ko kanina daughter ko, antagal ko hinele bago nakatulog so  pagod na ako at masakit na mga braso.. After that, wash ako bottles at pinakain son ko..nung aakyat na kami ng son ko, binilinan ko yung mga helpers ko na wag muna maingay para di magising daughter ko...umoo naman, kaso pagtalikod ko pa lang at ilang hakbang pa lang sa hagdan ayun rumatsada na ang boses na malakas...hay naku nakakagalit kahit anong timpi ko, ilang beses na kasi ganyan kahit nasabihan di makontrol mga boses nila..tuloy nasabihan ko ng "di ba kakasabi ko lang na wag maingay?"   Grrr talaga minsan kahit gusto ko wag mainis pero nakakaubos na talaga ng pasensya, palibhasa di sila ang nahihirapan magpatulog sa bata

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #388 on: May 04, 2015, 12:17:35 pm »
Eto na naman... Suki na talaga ako dito lol

Pinabantayan ko son ko sa room kasi tulog pa, malikot kasi matulog gumugulong sa bed baka mahulog.. Bumaba ako para makapaglinis na ng feeding bottles...pagbalik ko si yaya himbing na himbing, tinulugan ang binabantayang bata, ilang beses ko pang kinalabit bago nagising...susko sana pala di ko na lang pinabantayan kung sasabay lang syang matulog, ni hindi nya mamamalayan kung mahuhulog na ang anak ko tapos sorry lang sasabihin... Kabwiset.. Kaya wala talaga akong tiwala na iwan sa yaya lang mga anak ko eh, im sure mapapabayaan lang nila, baka puro bukol abutin ng mga bata

traxxex21

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #389 on: May 04, 2015, 12:53:02 pm »
May stay out maid kami na ubod ng sinungaling,
Ang gagawin lang niya eh alagaan lang lola ko since walang mag aalaga, kasama na pagpapakain, paglalaba ng clothes ni lola, pagpalit ng diaper, pagligo..

Madalang lang ako umuwi sa amin, sa madalang na paguwi kong yun... nahuli  ko pang sinungaling

1. Pag umaalis ako ng bahay namin, usually 5:30 PM na ang latest.. basta hindi ako nagpapaabot ng madilim na kasi ayokong matraffic. one time nagpaalam na siya na uuwi na sya. time check: 4:45 PM (take note advance ng 45 mins ang relo namin sa bahay). I texted my mom if ganung kaaga talaga siya umuuwi.. sabi ni madir.. dapat 6 daw kasi 6am-6pm sya.. sabi ko.. o ayan umuwi na sya wala pang 5PM. After 1 day, sabi ng mom ko sabi ni HH na 6PM daw siya umalis kasi madilim na daw. nag init talaga ulo ko..

2. Nalaman ng mom ko na mas inuuna pa niyang labhan ang damit niya (wala sa usapan). kesa sa damit ng lola ko.

3. Ayaw daw niya ng chinecheck ang ginagawa niya... WTH!!! talagang ginawa ko one time, palitan mo ng diaper si lola.. aba. mamaya na daw. ... talagang pinilit ko... sabi ko puno na.. No choice sya.. Hindi ako kasing bait ng mom ko at kapatid ko.

4. nalaman namin na pinapapunta pala niya ang anak niya sa house

5. pinapaulit niya ang damit ng lola ko - naku kung nandun lang ako sa bahay.. makakatikim sakin to

6. Since may history na siya ng pagkasinungaling... after 2 weeks, inask ko si mom kung what time pumasok.. 7am daw dumating so dapat 7pm uwi niya.. pag tuntong ng 5:30 PM... sinisilaban na ang pwet, obvious na gusto ng umuwi at hinihingi niya yung 8 gatang na bigas na promise ni mama every other day (incentive ng mga HH namin to)... inask ko kung what time sya dumating.. 6AM daw, inask ko ulit.. 6am sa relo namin? oo daw. so 5:15 ka dumating? kasi advance ng 45 mins yan.. sabi ni HH.. d daw nya alam na advanced... - tameme ang lola niyo

Sabi ko.. So sige papauwiin na kita kasi sinabi mo sakin na 6am sa clock ka namin dumating, sinabi ko na din kay mama na hindi mo alam na advanced yung relo..at eto na yung 8 gatang na bigas mo.. o wag mo na icheck yan.. ayoko kasi chinecheck ang ginagawa ko.

 ayun si HH namutla! Hehe.. after nun.. d na pinabalik ni mama kinabukasan.. last day na niya.

Bonus: nawalan ng short at unan ang lola ko.. ang tindeeee

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #390 on: May 04, 2015, 02:20:34 pm »
Wala na akong maid. Matapos kasi mangako na tatagal daw ng 1 o 2 taon eh nagpabuntis wala pang 2 taon yung panganay. Kinuha na niya yung gamit niya kanina pero di ko na pinaakyat sa unit, doon na lang pinakuha sa guard house kasi naiinis ako sa kanya. "paasa" kasi, nung pumasok dito nasa ospital asawa panay ang advance pinapagbigyan ko hanggang sa nag 4k sweldo,may regalo pang damit at phone.

Naiinis ako wala commitment sa trabaho, wala pa siyang 7 months dito tapos nakiusap pa nga ako na baka pwede kung tumagal pa siya kahit another 1 year kahit na every other week na lang ako na bahala sa pamasahe dagdagan ko pa. Oo lang ng Oo tapos ganon ganon lang, pinagsabihan ko lang na mag iingat mabuntis dahil 21 pa lang sasabihan pa ako na di daw siya hustler. Kaya di ko talaga sila pina akyat dito sa amin, dyan na lang niya kunin sa guard house gamit niya landi landi kakainis paasa lang.

mondimonds

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #391 on: May 06, 2015, 11:02:45 am »
Yung 30 weeks preggy ka, then may grand pasabog kagabi na til end of the month nalang daw sya.  I have two other older kids na she’s looking after, isang 7 and isang 2.  Kesyo her kids daw eh sa Manila na mag-aaral and sya na magaasikaso so by June uuwi na sya sa kanila sa Bulacan.  Hay. STRESS. San ako kukuha ng kapalit nya? Both me and hubby are working, then syempre di naman ganon kadali makakakuha ng kapalit, and I will need to train and orient na naman all over again.  So kailangan ko mag leave from work just to do all that.  PLUS the hassle of the Kasambahay registration and all.  Nakakainis, masyadong biglaan.  Stressed na buntis na ang drama ko.  Hay.

sugardrop

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #392 on: May 08, 2015, 11:47:59 am »
Nakikisuyo ako sa BDO na sa kabilang kanto lang namin kasi masakit likod ko. Nag-uuusap ba naman na wala daw syang maayos na t-shirt, matagal daw dun, etc. Usap ng usap eh nairita ako. Ako na lang lumakad and nagpunta sa BDO and was back in 5 minutes. Sutil.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #393 on: May 10, 2015, 01:58:00 pm »
Me to Yaya: Ate pakihanap naman yung mga extra na bala ng magic pencil ni K (my daughter). *showed her the pencil and what the bala looks like.

Yaya after a few minutes: Ito oh. (Inabot sa kin yung crayons na ginagamit ni K para sa face painting chuchu. Malaki, mataba, saka siempre may kulay)

What the? Oo, hindi ko naman kailangan ng genius na yaya - pero naman ANG LAKI NG DIFFERENCE ng bala nung magic pencil saka nung pang-face painting!

Lagi na lang syang ganyan pag may pinapahanap. Kahit anong explain mo, may pakita pa ng picture para may idea sya, waley pa din. Jusmiomarimar talaga.

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #394 on: May 10, 2015, 08:49:37 pm »
Eto na naman. Day off na overnight. Umalis 4am yesterday, until now wala pa rin....

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #395 on: May 28, 2015, 11:19:17 pm »
Tagal ko hindi nakapag update dito pero etong si 2nd helper namin from the same Maid Agency is super atribida at opinionated. Mahilig maki-input sa mga domestic issues na hindi naman siya dapat involved. Aksayado sa kuryente and tubig. Mahilig din magpretend na mahina kumain kapag kasabay namin siya pero kapag hindi kami kaharap eh panay ang lantak nya sa mga food na nasa refrigerator eg. chocolates (peborit nya ang truffles at ferrero), yakult, wheat bread (na preferred ni husband, and take note meron naman siyang sariling bread) etc. Hindi naman kami nagbabawal na kumain siya pero sana man lang magkaroon ng respeto na wag galawin or magpaalam kung kukuha siya ng food na alam nyang hindi kanya. Btw she has her own weekly snacks na binibili din namin. 

lalawhoopsy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #396 on: May 29, 2015, 04:43:35 pm »
^ang takaw naman niyan sis, di man lang nahiya sa Amo. Ganon yata talaga mga katulong porki tinatrato ng maayos feeling kapamilya. Akala nila lahat ng nasa bahay kanila na din. Ito ang isa sa dahilan bakit di pa ko makapagpapasok ng bago dito sa bahay, sasakit na nga bulsa mo sa dagdag gastos, papasakitin pa ulo mo ng mga yan.

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #397 on: May 29, 2015, 09:53:10 pm »
^^ True! Saket sa ulo pero tiis nalang muna kami kasi kelangan namin sa ngayon. kinausap ko kanina ng maayos and payag naman siya sa resolution na dagdagan ko nalang ng chocolate (non imported) yung weekly snacks niya lol. Binigyan ko nalang nag disclaimer na kapag sumakit ang ngipin nya eh hindi ko sagot ang padentista nya.

San ka pala dati kumukuha ng helper if I may ask?

snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #398 on: May 30, 2015, 08:23:40 pm »
^ natawa ako sa disclaimer. Ganyan din siguro dapat gawin ko sa maid ko. "Pag sumakit tiyan mo sa kakakupit ng pagkain sa ref..." hahha

Ubod din ng sinungaling maid ko ( ex. amoy na amoy sunog na sinaing ,pero sasabihin hindi daw siya nagsaing. Hindi aamin  hanggang makita ko ang sunog na kaldero at kanin na itinago sa cabinet ) . At may pag ka syunga . Minsan , iniwan ang bunch of keys ng bahay namin sa keyhole ng gate, nakita lang ng anak ko nung dumating siya 2 hours after na lumabas si maid. Grrr , nakaka HB.

Hindi raw niya kinain grapes, hindi niya inubos ang juice etc., pero siya lang naman maghapon nasa house, pagdating namin ubos pagkain na iniwan namin. Well, at least hindi siya nagkukunwari na mahina siya kumain sa harapan namin, dahil todo lakas talaga kain niya, parang aagawan ,lols. Pero sa akin sige lang na kumain siya kesa magkasakit pero huwag naman sana pati yung expect namin na daratnan pa namin na food sa ref . Tirhan man lang sana kami .

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #399 on: May 30, 2015, 11:02:36 pm »
@Snowberry, ganyan din si helper. Nuknukan ng sinungaling, kapag nahuhuli sa akto eh nag-aattitude bigla lol.  :-X

 

Latest Stories

Load More Stories
Close