watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105399 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #320 on: December 30, 2014, 09:46:58 pm »
Gone are the days na nagtatagal ng years ang mga helpers. Most of them now are bastos, abusado, tamad, at amo yata ang gustong maging trabaho.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #321 on: January 01, 2015, 09:48:31 am »
@mama7
Yes! Lamon ng lamon sis! Tapos kunyari susubuan ang alaga niya, tapos sasabihin " ay ayaw!" Tapos siya na naman ang lalafang! PG!  Kung tutuusin alam niya na busog na alaga niya, excuse na lang niya yun para siya yung makakain.. Este. LAMON! Parang garapata na hayok sa dugo.

Eto pa! May isang ibibigay sister in law ko sa mom ko na tingin niya magugustuhan or fave ni mama.  Abah! Wala pang 1 minuto! Hinahanap ni sis in law yung ibibigay niya..
" ate rose, nasaan yung chicken dito?"
"SINUBO KO NA" ang reply! Magaling na garapata!!

Pati mga snacks ng kids!  Parang kailangan makatikim din siya ng food ng kids! Nakikikuha sa doritos ng kids.. ( anong hintay na may mag alok?! AALUKIN NIYA SARILI NIYA! Kapal!  Feeling LOLA pa ng mga alaga niya.

Isang beses nag check in kami sa Ace at nag brownout.. Nasa 11th kami. We used the stairs.. Siya, di maka akyat! Nahihilo. Paano, ang bigat ng katawan!
  Ilan beses ko yan nahuli na kinakain pagkain ng alaga niya. Kulang ang kamay at paa. Sinabi ko na kay kuya pinagsabihan na.. Sige pa rin!! Di na makapag register ang sinabi sa kanya kasi nabblock na ng sinusubo niyang food ng alaga niya para umakyat pa sa isip niya.
« Last Edit: January 01, 2015, 09:58:50 am by hazelbrown_eyes27 »

ieiky

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #322 on: January 02, 2015, 11:57:24 am »
Yung yaya ng baby ko na hindi na bumalik recently ay nag palit ng profile pic niya sa FB at picture ng baby ko ang inilagay! ANG FEELING! kainis! kala niya yata mawi-win over niya ako sa ganon eh mas lalo ako naiirita. Sabi ng mama ko i should fogive her daw at dapat wala ng anger sa heart ko.. Ang akin naman, ginago na ako, bibigyan ko pa ba ng isang chance?

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #323 on: January 02, 2015, 02:43:42 pm »
Ang mahirap kasi sa kanila, pag binigyan mo ng chance tendency is umaabuso, feeling nila indispensable sila. Ako man, gustuhin ko man to start this year right and free of any negativity, ayan na naman ang magaling kong yaya na dapat today ang balik nya. Kung di pa sya ifollow up, di pa namin malalaman na bukas na naman daw babalik kasi sasabay na lang sa brother nya. Andami nilang dahilan para di tumupad sa promised date nila. That's why decided na kami to let her go once matapos ang school year, sobrang abusado na kasi

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #324 on: January 03, 2015, 12:11:28 am »
Ako talaga, what I realized is, wala silang totoong malasakit. Why? Magbabakasyon or mag-ooff or aalis anytime they want to.  Di man lang iniisip kung may maiiwan ba sa alaga nila, paano effect sa work ni mom/sir (Syempre emergency leave pagbiglang umalis si yaya/helper)...at kahit talaga gano kabuti ipakita mo, may masama pa rin talaga masasabi.

Helper namin we gave her higher than prorated 13th month pay. Di man lang nagpasalamat. Talikod agad pagkuha ng money tapos nagsumbong sa isang yaya na galit and tampo and masama raw loob nya. Umiyak for 2 nights. Kapikon. She was expecting pala na full yung 13th month nya e umalis sya last December sa 'min only to return ng may kasi wala na talaga sila makain sa probinsya. Dapat talaga for good na alis nya ng Dec kaya binigyan ko sya ng 5k na "despedida" gift tapos di na pinabayaran ng husband ko remaining utang nya amounting to around 5k din. Yung mga yun di na nya naalala pero yung fair naman na prorated bonus, yun ang naalala nya.  Buti after 3 days, nagsorry. Pinagsabihan daw ng anak nya na dapat magpasalamat pa rin sya. Though im not sure if the extra 1k Xmas gift I gave her helped in her realization of her ungratefulness.
« Last Edit: January 03, 2015, 12:20:55 am by funky f »

Ms. Right

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #325 on: January 03, 2015, 05:18:23 am »
Yung yaya ng pamangkin ko, talo pa ang call center agent kung makapagbabad sa cp. Sarap ihagis ng cp nya sa fishpond. At pag lumalabas ng bahay, hindi marunong magsara ng pinto at gate. nakakabadtrip kasi may mga aso kami, eh pano kung makalabas ng bakuran yun at mangagat? Hindi talaga nagiisip. Ilang beses nang pinagsasabihan pero wala talaga. Pag nagkakataon na naaabutan kong bukas yung gate, sinasarado ko talaga. Bahala syang mabulok sa labas. Kakainis.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #326 on: January 03, 2015, 10:10:42 am »
Same yaya na inuutusan na ni sis in law na bantayan yung 2 year old kid niya.. Abah! Anong ginagawa? Nakasalampak pa rin sa sahig! Nasa playroom kami  and may pool of lego pieces (bigger size lang ng lego, I dont know what it is called) tapos pasubsob si nephew palusong sa pool.syempre! Malambot pa buto nun!di sinusunod ng PG na yaya! Pero pag sa pagkain! Nangunguna ang bunganga!mas  nauuna pa sa aming lahat na kumain at ngumuya! Pero pag inutusan, may dahilan lahat para di gawin. " sanay yan sa gymboree!" Asssuuu! tamad ka lang! Di ka lang makagalaw kasi ang bigat ng katawan mo! Sa trabaho mo, tamad ka, pag kainan na.. Nawawala ang katamaran at ang sipag lumamon! Parang di pinapakain sa bahay ah!  Tandaan mo, amo mo, ilang buwan pa lang ang panganganak. Di pa pwede gumalaw at baka bumuka ang tahi. Besides, trabaho mo yan! Wag mo i eexpect na amo mo ang magbabantay sa anak niya at ikaw ay naka tangengot diyan!

Mamaya binyagan.. Wag ka mag feeling lola ha! Di ka lola at di ka magiging lola! Dahan dahan sa reception. Siguraduhin mo muna napakain mo na alaga mo, bago mo palamunin sariling alaga mo sa tyan!
I combantrin na yan! May anaconda ka na ata diyan at parang di ka mabusog busog!

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #327 on: January 03, 2015, 10:44:51 am »
Iba kasi sched ng helper ko. 20 days ang pasok niya then 3 days off non paid yon tapos bilang uli kami 20 days. May grocery din siya pati toileyries sagot namin at half ng pamasahe niya. Dati kasi 15/30 naman pag overnight di siya bumabalik lugi ako. Atleast yung tatlong araw na yun wala na siya reklamo total part timer lang naman din siya.

Bale ang lumalabas ngayong pasko at new year 10 days siya nag bakasyon. Di na mauulit yan. Sa pagkain naman buti 1 cup rice sinabihan ko na kasi pero sa ulam pag nakakalimutan ko hatiin ako inuubusan kasalanan ko pa kasi bitin sa kanya.

Mapagpasensya naman ako kaya lang kakainit ulo minsan.may nabasa nga ako dito yun nga di marunong mag "Thank You" sa amo. Nung Birthday ko nga di ako binati non panay naman ang kain ng handa ko. Pasko at new year di man lang kami binati buti pa yung helper ng kumare ko nakaalala eh itong si "pigrolac" di man lang kami maalala itext gamit yung phone na regalo sa kanya nitong pasko.
« Last Edit: January 03, 2015, 10:49:17 am by mama7 »

erza0916

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #328 on: January 03, 2015, 10:45:08 am »
Hay nako our maid, paggising sa umaga naka bukas na agad ng TV yan. Sa bahay kasi kami lang ng ate ko, bf nya and husband ko. Walang kids to attend to, palagi ding walang tao and late na kami nagigising. Gusto din namin pag gising na kami saka sya magluluto ng breakfast. Si maid gigising ng maaga, bubuksan ang tv tapos ewan ko na kung ano ginagawa. I know this kasi minsan umaga na ako nakakatulog like 6am nasa room lang ako, maririnig ko na lang bukas na ang TV sa baba at nanunuod na sya. Dahan dahan ako bababa makikita ko sya nakahiga s sofa sarap na sarap sa buhay nya. Nagugulat pa yan pag nakikita ako biglang babangon sabay silip sa labas kunwari may kumatok sa gate. Hay nako nakakainis. Tapos pagumuuwi sa province nila laging nalalate ng uwi ng isang araw. Sinabihan pa kami nung pinagkuhaan namin na tumaba nga daw maid namin, sinabi daw nya kasi daw puro baboy pinapakain namin sa kanya, aba nagreklamo pa! Kaya sya tumaba dahil ang tamad nya s bahay. Ni hindi nililinis yung taas ng bahay kasi daw masakit ang tuhod nya pag akyat baba sa hagdan. Hay kaasar. Ate ko kasi tamad sa bahay kaya ayaw ng walang maid. Hmp

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #329 on: January 03, 2015, 12:25:58 pm »
Naku true yan na wala talaga silang malasakit sa amo kahit anong ganda ng pagtrato mo. There were instances in the past na hubby had to cancel all his appointments dahil sabay nagbakasyon ang helpers or di tumutupad sa date ng balik nila. Sobrang suki na ako sa thread na to because umaapaw na talaga ang bwiset ko sa kanila, kung di lang ako nagpipigil naku.. Kala ata nila nahire sila para maging bakasyonista, ano pa silbi at kumuha ako ng helper tapos ako din ang stressed at sila eh panay bakasyon, mga kulang sa talino talaga grrrr

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #330 on: January 04, 2015, 11:33:48 pm »
^^ Yang bakasyunista peg, ganyan na ganyan yung maid namin. Pinagkakalat sa ibang maids dito sa village na mag dedemand daw siya samin ng isa pang maid para may makasama siya at bored na bored na siya dahil dalawa lang kami sa bahay at tahimik daw. Nawindang talaga ako nung nalaman ko tong mga issue nya na to. Ang saklap lang kasi may oras pa siya talaga mabored, just goes to show na sobrang gaan ng trabaho nya dito sa bahay. Kakagigil lang!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #331 on: January 05, 2015, 07:14:38 pm »
^Nabo-bore pa ang mga yan considering na walang ginawa kungdi mag-phone at mag-watch ng TV. Hinde kaya maintindihan ng utak nila na ang entertainment nila eh hinde kasama sa compensation package nila. what the heck do they want, clowns?!

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #332 on: January 05, 2015, 07:36:02 pm »
Haha korek! Di ko nga magets kung tama ba pinasukan netong isang helper ko, parang call center agent o businesswoman ata dapat, kasi laging may kausap sa cp. at wagas din mag-tv, style nya pa di magday off ng sunday kasi usually umaalis kami so free sya to watch tv sa sala, pagdating namin wala man lang naaccomplish maski ano, nagastusan lang kami sa kuryente.

OT
We had a meeting last night regarding our rules. Yaya was obviously guilty, nagtatago sa likod ng sofa while hubby was talking. Today, whole day sya nakabusangot at walang imik, di ata nagustuhan ang rules
« Last Edit: January 05, 2015, 07:37:59 pm by imeego »

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #333 on: January 05, 2015, 10:32:23 pm »
Tsaka nalaman ko yung helper namin before, nakikichika sa ibang helpers. Nagcocompare ng sweldo, bonuses at benefits! Haha! Irits!

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #334 on: January 09, 2015, 11:08:19 am »
^naku sis normal na sa kanila yan di lang sweldo pati ugali ng amo pinag compare kasi nangyari na sa akin yan.

Itong helper ko twice ko ng pinagsabihan wag na wag gagawing pambahay yung mga poloshirt na binili ko sa kanya na pang alis sana niya para di siya mukhang kawawa. Aba paglabas ko ng kwarto nitong umaga ang pambahay poloshirt? Sosyal mo ate! Sabi wala na daw isusuot at basa pa yung nasa labas na mga damit nya. Di niya kasi sinilip kagabi kung may tuyo na, ang haba ng maghapon di niya naalala mga damit sa sampayan maaraw naman samin kahapon saka napansin ko nga nung hapon pwede na ipasok yung nilabhan niya. Kukunin ko nga sa damitan niya, ibibigay ko lang pag kelangan talaga isuot.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #335 on: January 09, 2015, 12:45:24 pm »
^^Nasa Pinoy talaga ang mahilig mag-compare ng salary and benefits. Pati scope of work ico-compare ng mga yan. Ang hinde nila naco-compare eh ang actual skill level nila and actual work na na-accomplish nila. Sadly, no matter how nice you are to helpers nowadays, talagang lageng may kulang lageng may mali sa mga amo nila pero nungka yan umamin ng mali nila. Mga mahaderang chaka! Hahhaha. Kaya masaya na ko na wala kong maid. Sure, mejo pagod kame being that we are working full time too but I would rather have that than pay someone to stress me out.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #336 on: January 10, 2015, 10:54:20 am »
Mas okay pa na walang maid kesa may maid na bushwakang ang bunganga at kain ng kain, at ang tigas! Talagang nasa harapan namin siya kumakain ng pagkain ng alaga niya.kung fries ng alaga, siya ang lumalafang! Expect pa niya na tirhan siya ng alaga niya ng meryenda! ( may new baby na kasi!) so, pag nilalabas si prev alaga, naghahanap ang yaya niya sa alaga niya ng pasalubong!  The kids call her ate rose, which dapat Yaya!  Kaya feeling part of the family eh!

sugar n spice

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #337 on: January 14, 2015, 06:34:00 pm »
ayoko na magkaron ng yaya or household help. ang hirap makatsamba ng mabait. yung pinakahuli kong yaya, malandi. akalain mong 12mn nasa labas ng bahay ang twin daughters ko. nakita nung kapitbahay namin tapos tinanong bakit gabing gabi na nasa labas pa. ang sagot ng anak ko nag-iintay daw ng "malaking" lalaki. at ang yaya nasa loob ng bahay. galit na galit ako non. parang sasabog yung ulo ko sa galit nung malaman ko yon. bpo kasi ako nagwo-work at night shift. pano na lang kung may nangyaring masama sa mga anak ko. still kinausap ko sya ng maayos at nagpaalam sya agad agad. ay hindi ko na pinigilan. nalaman ko na lang na buntis pala. mabait naman sana kaso nasira sa kalandian.

ngayon, text ng text sakin kasi gustong bumalik pero as tindera na sa shop ko. nung una, inisip ko okay lang since hindi naman sya mag-aalaga ng bata at hindi naman malikot ang kamay. kaso laging naka-post sa fb "shot na!" at ang wall ko napa-flood ng selfie nya. hindi naman pwedeng bigla na lang sya mag-absent o pumasok ng may hang-over. salitan ng restday ang mga tao ko at may disiplina sa schedule nila para magpapasok ako ng pasaway.

yung yaya before nya. nasira din sa lalaki. nagnanakaw para may ipanggasta sa boyfriend. kung ano-ano ang binibili. nang maghiwalay, narinig ko na lang na "nabili ko na sya (bf), wala sya maipagmamalaki sakin". nakakaloka. napakabatang sugar mommy. pero mabait din to. alagang alaga naman ang mga anak ko.

may yaya din ako, matanda na talaga. siguro more than 50. laging nakahiga. tapos ubo ng ubo. nalaman ko naninigarilyo. sabi ko "nanay, bawal po manigarilyo". aba sinagot ako wag ko daw sya pakialaman yun lang daw ang bisyo nya. tapos sabi ko patitingnan ko sya sa doktor. ayaw nya daw magpatingin. ay naku! kinausap ko mommy ko, sabi ko kausapin kasi at ayoko na sya makita bukas. hindi kayang magpalayas ng matanda. hanap na kami kagad ng iba. aba hahawahan nya pa ng sakiy yung mga babies ko.

meron din ang sipag, grabe.may edad na rin. kaso napapabayaan yung mga bata, e sabi ko kahit na madumi ang bahay basta asikasuhin nya ang mga bata. mas gusto nya daw maglinis. ay naku, ang hirap ispellengin.

meron naman marunong pa sakin, hindi pwede ang gantio-ganyan sa mga bata. e panahon pa ni kopong kopong ang mga ganun na paniniwala. pero maayos naman kaya tumagal din sakin.

meron ako pinaalis ko talaga kasi malandi rin. nagpapakabit sa matandang lalaki. tapos laging hawak ang cp kasi may iba pang boyfriend na ka-text. nakakaloka. parang hindi ko kayang ganun ang nag-aalaga sa mga anak ko. umiyak pa yon sakin kasi ayaw umalis kaso hindi nya naman igi-give up yung ganung gawain nya. mabait naman, malandi lang talaga.

hay andami ko pang household/yaya "horror" stories. pero ang haba na nito.

happyfemme

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #338 on: January 15, 2015, 01:12:40 pm »
Ask ko naman mga sis... ano ba talaga ang full scope ng job ng isa yaya?

Kaloka lang kasi itong yaya ko, gusto niya bantay lang ng bata (4yrs old). As in literal bantay ng banta, kung saan ang bata doon lang siya. Kapag sleep din ang bata, sleep din siya.

Ayaw niya mag laba ng damit ng anak ko at kesyo nagbabantay daw siya ng bata at wala siyang oras.

Pati CR at play ng anak ko hindi rin niya nililinis. In short walang KUSA gumawa ng work, hinihintay siyang utusan.

Mabait ako sa mga kasambahay pero parang simula atang nag ka boyfriend itong yaya ko parang nagiging tamad na.

I dont know kung kulang ang pasahod ko sa kanya, the following is the structure of her salary and benefits, let me know mga sis kung ako ang nagkulang sa kanya. Willing naman akong i-correct ang mga pagkukulang ko sa kanya.
1. 4K month salary
2. 13th month pay
3. SSS
4. Philhealth
5. Pagibig
6. Shoulder travel expense pag umuuwi with pay.
7. Weekly day off.
8. Birthday bonus.
9. OTHERS: Kung anong kinakain namin sa labas yun din ang kinakain niya, hindi namin siya tinitipid pag dating sa food. We also tag her along when we go abroad.

Scope of her Job: Mag bantay ng banta.

Ayaw na daw niyang mag laba ng damit ng anak ko dahil maaga daw siya umaalis ng bahay (go to school ng kid ko) at sa hapon naman daw ay binbantayan niya daw ang anak ko. Aligaga na nga daw siya mag laba ng sarili niyang damit eh bakit pa daw dadagdagan ko ng mga damit ng anak ko.

Mga sis, "verbatim" ang pagkakasabi niya niyan ha! kaka HB talaga!

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng yaya at dahil busy rin ako sa work, gusto ko nang sibakin ito eh!

Ako feeling ko dahil maraming yaya sa school, compare-compare sila. Tapos siguro may mga nagsasabi na ibang mga yaya na "kailangan na kailangan natin sila" kaya ayun lumalakas ang loob mag demand ang everything.

Ang hirap sa mga yaya at kasambahay yung mga pagkukulang nila hindi nila naalala pero gusto nila mataas sahod.

Sa totoo lang, marami na akong kwento na mga klase ng yaya lalo na kapag fellow mommies na ang mga naguusap:

1. THE HONGKONG YAYA - Ito yung yaya na "4 days at 3 nights" lang ang stay sa inyo eh mag papaalam na umalis.

2. THE OVERDUE YAYA - Ito yung yaya na sabi ay uuwi ng Monday, pero tatawag sa amo na sa Tuesday, Wednesday etc. na lang siya uwi.

3. THE FIESTA YAYA - Ang yaya na mahilig umuwi dahil fiesta.

4. THE REAPER YAYA - Ang yaya ng mahilig umuwi dahil namatay ang pinsan, tiyuhin, kamag-anak, kapit bahay etc. Kahit na hindi pa patay eh pinapatay na ang kamag-anak basta may dahilan lang na makauwi sa kanila.

5. THE KAPUSO/ KAPAMILYA YAYA - Ang yaya na malakas maka-movie marathon sa ABS CBN at GMA. Umiiyak na ang alaga pero ang mata nasa TV parin.

6. THE FOOD CRITIC YAYA - Ang yaya na choosy sa food.

7. THE TEKKIE YAYA - Ang yaya na mahilig sa cellphone, minsan tatlo pa cellphone. Magugulat ka nalang pati Ipad ng anak mo alam niyang galawin at nilagyan pa niya ng wallpaper ni Coco Martin ang Ipad ng anak mo.

8. THE FB YAYA - Need I say more?

9. THE BEST ACTRESS YAYA - Ang yaya na mahilig kang iyakan para makapag cash advance kasi may sakit ang asawa, pang tuition ng anak, sinisingil na ng bumbay etc.

10. THE BUFFET YAYA - Si yaya na lahat ng nakikitang pagkain sa bahay ay kinakain nang hindi nagpapaalam.

11. THE HIGAD YAYA - Ang yayang naging boyfriend na ang lahat ng mga boy, karpintero, security guard sa subdivision ninyo bading nalang ang hindi pinapatulan

12. THE FEELING CLOSE YAYA - Ang yaya na sumasawsaw sa usapan ninyong mag asawa, sa family mo, sa friends mo.

13. THE "IKAW ANG BOSS KO" YAYA - Ang yaya na walang ginawa kundi mag kulong sa kuwarto, ang amo niya nalang gumgawa ng trabaho niya.

14. THE SLEEPING BEAUTY - Late na magising, matutulog pa sa tanghali, maagang matulog sa gabi.

15. THE "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART" YAYA - Ang yaya na umaasang maging "Maya" sa buhay ni Kuya (believe it or not, its true)

16. THE YAYA FROM HELL - Ito ang mga yayang nananakit ng alaga, pumapatay ng amo yung mga yaya na gumagawa ng modus operandi.

17. THE HEAVEN SCENT YAYA - Ito ang mga yayang pinapangarap nating magkaroon. Nandiyan siya para tumulong sa iyo, nakakabawas siya sa stress mo. Your third arm, your eyes, your ears... loyal sa atin, higit sa lahat mahal na mahal ang anak mo. Parang "on call" assistant, walang reklamo sa work, sinasabi mo palang eh tapos na niyang gawin. Parang DARLA ni Kris Aquino sa buhay  mo.
« Last Edit: January 15, 2015, 02:42:33 pm by happyfemme »

funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #339 on: January 15, 2015, 04:32:03 pm »
Sinabi nya sa 'yo na ayaw nya maglaba, sis? Kami kasi, 1st day or even during interview palang, sinasabi ko na na yaya sya pero tutulong din sya sa gawaing bahay, sya maglaba ng clothes ni baby and tulong din sa 2 daughters ko but priority nya si baby. Kumbaga,  nilinaw ko na sa start. Tsaka di rin ako super friendly sa yaya para may takot at respect pa rin at di feeling.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close