Ask ko naman mga sis... ano ba talaga ang full scope ng job ng isa yaya?
Kaloka lang kasi itong yaya ko, gusto niya bantay lang ng bata (4yrs old). As in literal bantay ng banta, kung saan ang bata doon lang siya. Kapag sleep din ang bata, sleep din siya.
Ayaw niya mag laba ng damit ng anak ko at kesyo nagbabantay daw siya ng bata at wala siyang oras.
Pati CR at play ng anak ko hindi rin niya nililinis. In short walang KUSA gumawa ng work, hinihintay siyang utusan.
Mabait ako sa mga kasambahay pero parang simula atang nag ka boyfriend itong yaya ko parang nagiging tamad na.
I dont know kung kulang ang pasahod ko sa kanya, the following is the structure of her salary and benefits, let me know mga sis kung ako ang nagkulang sa kanya. Willing naman akong i-correct ang mga pagkukulang ko sa kanya.
1. 4K month salary
2. 13th month pay
3. SSS
4. Philhealth
5. Pagibig
6. Shoulder travel expense pag umuuwi with pay.
7. Weekly day off.
8. Birthday bonus.
9. OTHERS: Kung anong kinakain namin sa labas yun din ang kinakain niya, hindi namin siya tinitipid pag dating sa food. We also tag her along when we go abroad.
Scope of her Job: Mag bantay ng banta.
Ayaw na daw niyang mag laba ng damit ng anak ko dahil maaga daw siya umaalis ng bahay (go to school ng kid ko) at sa hapon naman daw ay binbantayan niya daw ang anak ko. Aligaga na nga daw siya mag laba ng sarili niyang damit eh bakit pa daw dadagdagan ko ng mga damit ng anak ko.
Mga sis, "verbatim" ang pagkakasabi niya niyan ha! kaka HB talaga!
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng yaya at dahil busy rin ako sa work, gusto ko nang sibakin ito eh!
Ako feeling ko dahil maraming yaya sa school, compare-compare sila. Tapos siguro may mga nagsasabi na ibang mga yaya na "kailangan na kailangan natin sila" kaya ayun lumalakas ang loob mag demand ang everything.
Ang hirap sa mga yaya at kasambahay yung mga pagkukulang nila hindi nila naalala pero gusto nila mataas sahod.
Sa totoo lang, marami na akong kwento na mga klase ng yaya lalo na kapag fellow mommies na ang mga naguusap:
1. THE HONGKONG YAYA - Ito yung yaya na "4 days at 3 nights" lang ang stay sa inyo eh mag papaalam na umalis.
2. THE OVERDUE YAYA - Ito yung yaya na sabi ay uuwi ng Monday, pero tatawag sa amo na sa Tuesday, Wednesday etc. na lang siya uwi.
3. THE FIESTA YAYA - Ang yaya na mahilig umuwi dahil fiesta.
4. THE REAPER YAYA - Ang yaya ng mahilig umuwi dahil namatay ang pinsan, tiyuhin, kamag-anak, kapit bahay etc. Kahit na hindi pa patay eh pinapatay na ang kamag-anak basta may dahilan lang na makauwi sa kanila.
5. THE KAPUSO/ KAPAMILYA YAYA - Ang yaya na malakas maka-movie marathon sa ABS CBN at GMA. Umiiyak na ang alaga pero ang mata nasa TV parin.
6. THE FOOD CRITIC YAYA - Ang yaya na choosy sa food.
7. THE TEKKIE YAYA - Ang yaya na mahilig sa cellphone, minsan tatlo pa cellphone. Magugulat ka nalang pati Ipad ng anak mo alam niyang galawin at nilagyan pa niya ng wallpaper ni Coco Martin ang Ipad ng anak mo.
8. THE FB YAYA - Need I say more?
9. THE BEST ACTRESS YAYA - Ang yaya na mahilig kang iyakan para makapag cash advance kasi may sakit ang asawa, pang tuition ng anak, sinisingil na ng bumbay etc.
10. THE BUFFET YAYA - Si yaya na lahat ng nakikitang pagkain sa bahay ay kinakain nang hindi nagpapaalam.
11. THE HIGAD YAYA - Ang yayang naging boyfriend na ang lahat ng mga boy, karpintero, security guard sa subdivision ninyo bading nalang ang hindi pinapatulan
12. THE FEELING CLOSE YAYA - Ang yaya na sumasawsaw sa usapan ninyong mag asawa, sa family mo, sa friends mo.
13. THE "IKAW ANG BOSS KO" YAYA - Ang yaya na walang ginawa kundi mag kulong sa kuwarto, ang amo niya nalang gumgawa ng trabaho niya.
14. THE SLEEPING BEAUTY - Late na magising, matutulog pa sa tanghali, maagang matulog sa gabi.
15. THE "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART" YAYA - Ang yaya na umaasang maging "Maya" sa buhay ni Kuya (believe it or not, its true)
16. THE YAYA FROM HELL - Ito ang mga yayang nananakit ng alaga, pumapatay ng amo yung mga yaya na gumagawa ng modus operandi.
17. THE HEAVEN SCENT YAYA - Ito ang mga yayang pinapangarap nating magkaroon. Nandiyan siya para tumulong sa iyo, nakakabawas siya sa stress mo. Your third arm, your eyes, your ears... loyal sa atin, higit sa lahat mahal na mahal ang anak mo. Parang "on call" assistant, walang reklamo sa work, sinasabi mo palang eh tapos na niyang gawin. Parang DARLA ni Kris Aquino sa buhay mo.