watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105458 times)

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #300 on: November 13, 2014, 05:44:38 pm »
Inuunahan pa ni yaya alaga niya sa pagkain. Parang PG yaya ng nephew ko. Nguya ng nguya. Kinakain pagkain na dapat sa bata. Yung biniling fries para sa kids, siya yung lumafang!! LAMON!!!

ganyan din hh ko pag pinag alaga o nagkataon kumakain anak ko at lumapit sa kanya kuha na siya ng kuha hindi marunong mahiya kung sumubo ng kanin akala mo nagutom sa trabaho eh pag tanghali tulog na tulog. kaya ang waistline 40 sa edad niyang 21 isa lang baby naka 1 year nang nanganak ganon lumaki. pihikan sa kanin at ulam anak ko kaya minsan dinadalan ng hubby ko ng happy meal tapos itong si hh feeling naman, kukuha pa sa pagkain ng bata kesyo sinubuan daw siya.bakit di mo tanggihan anlakas mong kumain pati food ng bata kainin mo. totoo lang di ako gaano makapagsabi sa hubby ko kasi busy lagi at ako naman ang nagpabalik sa hh na yan kaya thankful ako sa FN kasi may napapag kwentuhan man lang ng sama ng loob kahit wala mag reply solve na ko basta alam kong may mga nakakabasa at nakaka relate masaya na ako don

sasabhin kasi ni hubby di ko palitan, kung ganon lang ba kadali.matagal na wala na yan sa amin kaso kung ito nga medyo palpak baka mas masahol yung papalit kaya pinagtiyagaan ko total next year 3x a week ko na lang siya makikita.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #301 on: November 21, 2014, 12:18:46 pm »
Umalis si yaya pupunta daw sa house ng inlaws ko para magpamasahe sa helper ni mil..nakakainis kasi nagsabi na aalis muna sya nasa door na palabas, as in agad-agad, di man lang nagsabi muna kung papayagan ko ba sya o hindi..feeling nya ata anytime pwede sya umalis kung gusto nya

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #302 on: November 23, 2014, 11:26:53 am »
Si ate natutunan lang ang pag gamit ng automatic washing machine, pati iilang piraso ng damit nya dun nilalabhan instead na i-handwash. Considering na wala kaming mga pinapalabahang damit namin that day. Feel lang nya mag aksaya ng kuryente at sabon sa damit nya.

Also, last night nag-visit ang family ko dito kasama yung 2 pinsan ko. Mas obvious na interested siya to get to know the guy cousin than my girl cousin. May paglalandi lang??

erza0916

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #303 on: November 26, 2014, 05:41:39 pm »
Grabe maid namin paggising sa umaga nakatutok agad sa tv. Sya pa mismo nagbubukas..late na kami ng hubby ko nagigising kaya hindi ko alam kung anong oras sya ngsstart manuod pero pagbaba namin palaging naka on na yung tv.at sa baba lang sya ng bahay namin kumikilos. Kahit ang alikabok na sa taas deadma lang.masmagaling pa maglinis yung border namin dati eh hindi naman nya trabaho yun.. sobrang hindi malinis kumilos ng maid namin nkakabanas..halos every time n kukuha ako ng plato or kutsara tinidor laging may tira tira pang dumi lahat pinapaulit ko.maraming beses na nangyari na pinaulit ko hugas nya hindi parin natuto..sobrang aksayado pa tuloy sa sabon..
Umiinom din ata ng oil yun eh.cooking oil namin ang bilis maubos..lahat actually ang bilis maubos dishwashing soap,laundry detergent pati oil..hindi nman malinis..haaAy naku nkkpikon yung maid namin feeling donya sa bahay..tpos pagumuuwi sya sinasabi daw sa kanya tumataba sya kasi ulam daw namin puro meat.. pano hindi tataba laging nakatanga sa tv..naku

sweet_honeykun

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #304 on: December 05, 2014, 09:39:51 am »
my daugther is 2 yrs old and i heard her referring to yaya as mama. she calls me mommy. so one time i corrected her na it's just yaya not mama. tapos she calls "yaya mama" pa rin. immaturity ba if i feel annoyed with it? how do i tell yaya din not to teach my daughter to call her "yaya mama" without hurting her feelings kasi she started 4 months pa lang baby ko. though it's only my daughter and yaya left in the house when we're at work at nakikita naman naming love niya ang baby namin. just a sad realization that if i can have it my way, housewife na lang kaso hindi pwede sa buhay ngayon. gusto ko rin icheck yung sarili ko baka insecurity lang yung umaatake.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #305 on: December 09, 2014, 08:17:11 pm »
Yung maid ng mama ko na umalis na, pinapasama namin minsan sa school bus ng anak ko kase wala naman ginagawa sa bahay ng time na yon. Nung paalis na sya, hinde ko na pinapasama sa school bus and dun nagsumbong yung bus driver and bus mother ng kung ano-ano ginagawa ng maid pag kasama anak ko.

1. Nagbaon ng adobong manok na naka-plastic bag and nilagay sa pocket nya. Since mataba sya, of course naipit ang plastic and nabutas. Nagulat yung bus driver nung makita na may tulo ng sauce sa inupuan nya. Nakakahiya, baka sabihin hinde pinapakain sa bahay!

2. Nung pauwi sila one time, my daughter asked the maid for her left over snacks kase hinde nya naubos. Sagot daw ng yay, ay naku nakain ko na. Samantalang kakasakay lang nila ng bus! Grabe!!

3. Natutulog daw sa waiting area na ilang seats ang occupied tapos tumutulo pa ang whatevs galing sa mouth. Juice colored.

4. One time nakinood sa store na katabi ng school, nagalit daw sa may ari ng store nung nilipat yung channel kase nanonood daw sya.

Hay naku, kaya mabuti talagang nananahimik akong walang maid. Wala pa ko sakit ng ulo. Ilan weeks ko lang yan pinasama sa anak ko puro kahihiyan pa dinala. Baka isipin nila pinagdadamutan ng food sa bahay.

mmquack

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #306 on: December 11, 2014, 02:27:21 am »
We were watching a play at Resorts World that time. I forgot na what it is so syempre gabi na yun.  :)

Our stay out househelper texted my Mom... "Ate hindi ko po hinugasan pinagkainan ko kasi namalantsa po ako".  :o
 
Natawa na lang kami! HAHAHHAHAA  ;D

I mean.... before naman we have plantsadoras(only job is iron ah). Hinuhugasan nila pinagkainan nila. Or even baso! hahahahahhaa 

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #307 on: December 12, 2014, 05:38:18 pm »
Dapat ba ko mainis kasi yung poloshirt binili ko sa kanya na isusuot lang dapat pag aalis kami at mag yaya siya sa anak ko eh ginawa niyang pambahay? Twice ko ng nakikita ganyan siya. 2 days mula ng bumalik galing day off mukhang di naglaba don sa kanila at dala pa dito yung maruming damit. Kakalaba lang 4 days ago ito na naman tambak madumi niya pagbalik. Palibhasa kasi load lang ginagastos pag nandito siya kaya umaabuso. Madami kasing stock ng sabon no choice naman ako walang mapag taguan. Balak ko tuloy kunin sa damitan niya yung 3 poloshirt kasi imbis na pang alis niya para di siya magmukhang kawawa eh ginagawa naman pambahay.

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #308 on: December 22, 2014, 08:00:20 pm »
Hmp inubusan ako ng ulam. Dapat kasi di na siya sumasabay kumain sa akin. Kakasira ng appetite, yung gutom ka at di ka nga niya napaghanda ng merienda dahil tulog siya ng hapon, naghintay ka ng dinner, uubusan ka pa ng ulam.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #309 on: December 26, 2014, 08:29:46 pm »
Lately:

Tulala mode. At wagas makipagdakdakan sa phone. Yung ring ng phone nya malakas pa naman, parang every hour nagriring. Kala mo may sariling call center dito sa bahay.

Pag may hinahanap sa kanya ang sagot agad "hindi ko alam", bago pa man sya maghanap. Kahit pa sya naman ang nagliligpit, so malamang sa malamang, e alam nya. Uminit na ulo ko kanina, nasigawan ko. Aba, sumasagot pa.

Sabi namin yung paglalaba, wag every other day, dahil asawa ko lang naman ang everyday pumapasok sa work. Ako naman sa house lang so yung mga damit ko, dito lang sa bahay nagamit. Aba-aba, lo and behold, paggising namin naglalaba na. Ok din kasi masipag maglaba, ang ending naman mga damit namin, kupas, ang water bill wagas. Ang sabon, bilis maubos. And yun nga, hindi nasunod.

Nagkasungay na ngang talaga. Masyado yata kami naging mabait in the past few years she's been with us. Nakakalimot na ata sino amo.


funky f

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #310 on: December 26, 2014, 09:26:06 pm »
Have complaints din but reading your posts here made mine look trivial.

My yaya of 3 mos takes overnight day off once a month but never comes home on the agreed time. Laging hours late. Kahapon til kanina, nagpasko naman sa tita nya. She left at 7am yesterday. Usapan 4pm today Andito na sya. Bumalik almost 8 na. Pero she's good to my daughters. Mabait din naman. When I asked my 6 yo how their new yaya is, she said "you got the right yaya this time, Mom." So, ok na din ako. Yaya before her, when I checked the gamit nung aalis, nakitaan ko ng things ng anaks ko. Sabi rin ng daughter ko, bakit yun daw hinire ko.

Our manang of 8 years:
- di ganun kalinis sa bahay.
- Pag Tinanong mo asan ang isang bagay na sya naman nagliligpit, laging di alam tapos pag di agad nakita, ibibintang sa iba.
- Laging Nasa labas paghapon and chika chika with her barkada
- Umaalis ng bahay while my husband and I are out without asking permission

At marami pang iba. Yun lang, love nya kids ko and mapagkakatiwalaan talaga kaya carry na rin.
« Last Edit: December 28, 2014, 12:26:28 am by funky f »

ieiky

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #311 on: December 27, 2014, 01:49:13 pm »
Grabe nginig talaga ako sa galit this morning. May usapan kami na babalik siya kase yung yaya naman ng mommy ko ang uuwi sa probinsiya nila for New Year. Walang maiiwan sa baby ko bilang ang mommy ko hindi na nakakatayo sa higaan. Tapos kung kelan aalis na yung yaya ng mommy ko kanina saka lang niya sasabihin na hindi daw siya pinapabalik ng asawa niya. Yun lang at hindi na siya nag reply.

Binilan ko pa siya ng cellphone kase rumek-west ng cellphone at kinuha ang buong sweldo bago umalis.  Nakakainis lang dahil kinausap ko ng maayos at sabi ko mag sabi kung hindi na makakabalik para makagawa ako ng paraan. Feeling Gin$g$ ako. Iniisip ko na lang, sa lahat ng pakikisama ko kahit madiwara siya sa bahay ginawa ko para lang huwag na lang muna iwan ang baby ko habang wala ako sa bansa. Nag usap kami, sabi ko intayin niya lang kase uuwi na naman ako sa pinas sa mid ng January eh.

O well, nakita ko sa facebook na nag eenjoy ang yaya ng baby ko. May usapan pa sila ng friend niya na nag apply siya sa isang pabrika at kakagigil ang mga tawanan sa pag uusap nila sa facebook. Good thing may marunong mag bisaya at pian translate ko. All along wala na pala talaga siya balak bumalik. Ka badtrip!
« Last Edit: December 29, 2014, 01:05:57 pm by ieiky »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #312 on: December 27, 2014, 09:46:23 pm »
Not so inis na kase I've been out of yaya for 9 months na and nagkaron lang for a month kaya hinde ko talaga sya kelangan because I've developed a system over the months so kahit my husband and I are both working, nakaka survive kame

So she started in November 25 lang. Mejo tamad, lageng nasa room nya pero since sanay na nga ko ng walang yaya, mejo nile-let go ko mga katamaran. Nung first time nya nag-day off, dapat overnight lang but she ended up leaving for 3 days kase daw na-accident sa construction yung asawa nya. Ine-expect ko hinde na babalik pero bumalik pa din, kainis nga eh. So nung 25, umuwi sa kanila ng maaga. Dapat babalik ng 26. Nagtext na masama daw pakiramdam nya kaya kinabukasan na lang daw. This morning, tumawag. Sa 1 na lang daw sya babalik kase sobrang lakas ng period nya daw and nahihilo sya, baka hinde din daw sya makapagtrabaho dito. Sagot ko lang, 'wag ka na bumalik please lang. Dadalhin ko sa guard ng village gamit mo, don mo kunin.' Sabay binabaan ko ng phone. Tapos usapan. Tahimik na ulit buhay ko. I refuse to be stressed by maids.

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #313 on: December 27, 2014, 09:47:36 pm »
Yesterday, we finally surrendered our Maid of 1 month to the Maid Agency. She was complaining that she can no longer work as her left arm is getting numb (she told us though that she had the same complaint in the past but has gotten better). Little did we know is that she had been texting nasty things about myself and my husband to the Agency while she was still staying with us and has been spreading ill stories about us as well in the neighborhood through their maids.

We actually planned to let her go after 10 days of being around her for a number of reasons, but wasn't able to do so as we believed and hoped that with 'coaching' and 'guidance' she would be better. Some of our major reasons were:

1. We are not comfortable at the fact that She's got a tattoo in her hand and the agency failed to let us know about this pre-employment (we did the entire interview on the phone). Not that I am saying that having a tattoo would be tantamount to being a bad person.

2. She doesn't have the initiative to do her tasks (despite the daily tasks I have outlined as her guide).

3. She performs poorly.

4. She enjoys extremely good perks and benefits and yet doesn't appreciate them (she has her own room with CR, nice bed and beddings, with fan and radio, all her toiletries are being paid by us, has weekly snacks bought by us, eats the same food we eat, goes to the mall with us at least twice a week, has very little work to do at our house etc)

5. She does everything her ways. Doesn't accept constructive criticism very well and is throwing tantrums whenever i ask her to do things differently.

6. She wears shorty-shorts at home despite me telling her not too. Wears extremely offensive perfume/cologne at home.

7. I would catch her getting little things from me that she thought I wouldn't mind if she takes them.

8. She spends most of her time chit-chatting with the maid next door and would get annoyed if i get her attention to do something for the house.

There's a lot more but is too stressful to elaborate here. We learned that she had been telling the maids in the neighborhood that she is getting bored and would want us to hire another maid to be her companion, she is not getting ample rest and is getting overworked.
« Last Edit: December 28, 2014, 11:33:32 am by chelsea1212 »

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #314 on: December 28, 2014, 10:48:11 am »
Di daw siya makakabalik ng umaga, sa hapon pa daw. Anong oras? Di sinabi walang kusa. Anong dahilan bakit hapon pa? Ewan ko din walang kusa talaga, basta sinabi hapon makakabalik walang paliwanag kaya ako mukhang ewan dito maghihintay at manghuhula kung ano oras siya babalik matapos ang 4 na araw na bakasyon niya. Kami itong amo dapat nagpapahinga ng holiday, kami ngayon ang gumagawa dito sa bahay kasi yung katulong namin ang nasa "enggrandeng" bakasyon. 4 days ulit bakasyon niyan mula sa dec 31diba masyadong fiesta tapos yun regular na off niya sa isang buwan 3 days.

Laging ganyan tuwing pabalik siya, ako pa nauuna mag text para magtanong kung makakabalik siya dahil di nagkukusa magsabi. Minsan magugulat ka na lang wala ka pala hihintayin dahil di pala babalik.

ieiky

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #315 on: December 29, 2014, 01:08:41 pm »
^ naku sinabi mo pa. napaka abusive na sa kabaitan ng mga amo porke't alam nila na need mo ng kasama sa house.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #316 on: December 29, 2014, 07:25:58 pm »
Ang kakapal na nga ng mukha ng mga helpers ngayon, abusado na masyado. 2 helpers umuwi nung 23 at bumalik nung 26 yung isa. The other one decided na di na babalik coz pumasok lang sa amin habang hinihintay yung application nya as saleslady. 2 days ago, yung yaya at isang helper naman ang umuwi at babalik daw sa jan 2 na. 1 week talaga! Grabe daig pa mga office employees sa dami ng bakasyon. This year lang sobra sobra na sila sa bakasyon, kahit anong okasyon gagawing dahilan para makauwi. umabuso coz ang mabait kong asawa di kinakaltasan ang sweldo nila. Ang ending, imbes na kami ni hubby ang makapagrelax eh stressed kami. We had to borrow pa 1 helper of my mil dahil di talaga kakayanim ang 1 lang. Sobrang inis ko, i told hubby na once makahanap kami ng bago we will set a limit na  sa allowable paid leaves nila at bawasan na sweldo nila pag sumobra, mga abusado eh. Pag mabait ka gugulangan ka talaga, naenjoy nila masyado na lagi silang nagbabakasyon and yet, full salary pa din nakukuha

ieiky

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #317 on: December 30, 2014, 12:17:34 pm »
^ I feel you sis. Grabe noh? Dinaig pa talaga ako ng mga yaya sa bakasyon. Ganyan din ako eh. Hindi ko binabawasan sweldo pag nag hoholiday, pero grabe sobrang abusado naman.

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #318 on: December 30, 2014, 12:52:52 pm »
sobrang nakaka-stress sila. parang hindi maabot ng isip nila na to pay respect or at least give back sa pagtrato mo sa kanila ng maayos, by doing their job well.

imeego

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #319 on: December 30, 2014, 03:55:18 pm »
Most of them talaga kulang sa gandang asal. Di marunong tumanaw ng utang na loob kahit itrato ng mabuti. I have 1 yaya and 2 helpers, last month apat pa sila pero di na tumuloy yung isa, kung tutuusin pwede akong sitting pretty lang pero ako pa din hands on sa mga anak ko since full time mom naman ako.  Tapos kung makaasta ang yaya parang pagod na pagod, pag tinatawag ng anak ko parang bingi. After lunch, lahat sila nasa room na nagpapahinga while ako ngarag sa 2 kids ko. Kala mo half day lang ang work nila. And imagine, pagbaba namin ng anak ko ng 7 pm, tulog na sila. Pagdating ni hubby around 8-9 pm from work, aba di man lang babangon kung di pa tawagin. Feeling pagod na pagod grabe. At wagas makapagbakasyon. Ang hihirap na nga ng buhay nila kung umasta kala mo mayaman, nakatanggap lang ng konting christmas bonus nag uwian na.
« Last Edit: December 30, 2014, 03:58:43 pm by imeego »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close