watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105457 times)

katrinac

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #280 on: September 27, 2014, 12:36:06 am »
Mommies I need your advice please. Obviously need ko ng paalisin talaga ang house helper namin, pero mahina talaga loob ko pagdating sa ganyan.  medyo may katandaan narin sya. (pero not super old ha), and wala akong lakas loob na sabihin na gusto ko na sya paalisin. Ito yung mga bagay na ginagawa nya:

* Yung way na kausapin nya yung adoptedsister ko is sobra sobra. Ang bastos ng bibig nya. Narinig ko sya the other day kung paano nya kausapin. Eto mga sinabi nya sa sister ko:
     "Pinanganak ka ata na walang utak!"
     "Para kang alien. Sa ibang mundo ka ata nanggaling"
     "Timang ka."
My little sister is only 10 years old, and kahit anong anggulo tignan, maling mali yung way na pagkausap nya. Kahit may katigasan ng ulo yung little sister ko, hindi dapat sya ganun. I don't know kung bakit di ko mapagsabihan si manang. mahina talaga loob ko sa ganon.

*Di kami makapag stock sa ref, lagi nyang inuubos, even my pagkain! Di naman ako madamot sa ganun, pero pati yung lactation cookies ko, nababawasan.

*Every now and then, grabe sya bumale. May utang pa sya sakin na 5,000 and there was a time na ayaw nya pakaltasan yung sweldo nya kasi may babayaran pa daw sya.

*Yung una, masinop sya sa bahay, ngayon, even yung hugasin nya ang dumi dumi.

*Saturday and Sunday ang rest day nya. And since malapit lang ang bahay nila sa amin, every day sya nauwi sa kanila. From 3Pm to 5PM andun sya sa kanila. Reason: Inaasikaso din daw nya ang apo nya.

*Ang lakas ng boses nya, parang walang consideration. Laging nagugulat sa kanya yung 2-month old baby ko. And ang lakas nya manigarilyo!

*Ang ayaw ko pa is parang sya ang nag rereyna reynahan sa bahay. ang dalas sa TV, habang kumakain ako, sya, nakahiga sa sala. Naka cellphone, while nakabukas ang TV. Nakatapat pa sa kanya ang electric fan. Kung hindi ko pa sasabihin sa kanya na naiinitan ako, di pa sakin itatapat ang fan.  :-X

- I know lahat ng reasons na yan ay enough na para paalisin sya, pero I just don't know how to say it. Every now and then nag rarant sya how much she needs money; and sa kanya daw umaasa yung mga apo nya. Pero di ko na sya kaya i maintain. Ayaw ko na talaga. :( Any advice how to tell her in a nice way na gusto ko na sya paalisin?
« Last Edit: September 27, 2014, 12:39:33 am by katrinac »

chelsea1212

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #281 on: September 27, 2014, 01:01:56 am »
Napikon ako pagkabasa ko sa story mo sis. Parang comparable lang yan sa isang toxic na relationship-- I mean kung hindi ka na masaya and puro destructive emotions nalang ang dulot nung taong involved, why prolong the agony.

I guess, the best way to handle this is to tell her that you have decided that you can no longer keep her. If she ask why, then state the major ones (eg. her being ill-mannered to your 10 yr old sister, her having no consideration to you at all, her smoking habits that isn't good for you and the baby etc).

katrinac

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #282 on: September 27, 2014, 02:51:15 am »
Naku sis chelsea1212 kung alam mo lang kung gaano na ako naiinis sa pag uugali nya. ewan ko ba mahina loob ko pagdating sa ganyan. Iniisip ko kung paano ko sisimulan. Naisip ko na nga lang gumawa ng kwento, like sabihin sa kanya na mag stay at home mommy nalang ako kaya no need na ng helper. But then again, di ko nanaman alam kung paano sisimulan. haha! Hay, hirap ng mahina ang loob. may pagka mahiyain din talaga kasi ako pagdating sa ganyan. And syempre, may halong awa narin ba. Kaso even si hubby na inis narin sa kanya mahina din ang loob. ahha!

evilwoman

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #283 on: September 27, 2014, 06:45:31 am »
^let your husband do the dirty work then.yung verbal abuse pa lang sa kapatid mo plus the fact na nagyoyosi (hello,kapit yung usok sa damit nya at malalanghap ng mga bata) e sobra sobra na rason para paalisin sya.isipin mo na any abuso pa na maexperience mo kay yaya,ginusto mo na yan kasi tinotolerate mo e..

cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #284 on: September 27, 2014, 05:18:03 pm »
Ano ba yan sis parang masyado naman atang mahina loob mo. Sabagay ako maawain din, and mabait din sa helper. Pero kung nagyoyosi sya and you have a 2 month old baby ibang usapan na yun. Mamaya magkasit pa baby mo sis, tsaka wawa naman yunh sister mo. Wala siyang respeto enough na reason na yun para paalisin mo siya. Kung siya lang inaasahan sa kanila dapat mas inalagaan niya work niya para hindi siya paalisin. Mahirap kasi pag may mga edad na helper, nagiging abusado and na under kayo.

quinone

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #285 on: September 27, 2014, 09:56:11 pm »
katrinac, if you have to write it down and memorize it para magawa mo ng tama then do it. tell her grateful ka sa mga years/months na nilagi niya sa inyo at tulong na naibigay niya pero people change all the time at yung changes na nakikita mo sa kanya ay hindi mo gusto...tapos isa-isahin mo sa kanya (para baguhin niya ang di kanais-nais niyang ugali). kapag sumabat siya sabihin mo ikaw muna magsasalita at panlisikan mo ng mata ng matahimik.

kahit pa sabihin niya sa iyo na magbabago huwag ninyo nang tanggapin. kapag tinanung kung bakit o kahit magmakaawa sabihin mo firm na desisiyon ninyo at di na magbabago.


snowberry

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #286 on: September 28, 2014, 04:16:26 pm »
Iniwan ang susi ng gate  na naksabit sa susian sa labas   samantalang siya pumasok na sa loob ng bahay...Grrr, sobrang t@n8@ lang . Nakita lang ng anak ko susi sa labas  pagdating niya .

Kainis sobrang eng eng nakuha ko. Kundi lang sobrang hirap humanap ng kapalit ampf

anne211

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #287 on: September 29, 2014, 01:52:32 pm »
@katrinac - the more na pinapatagal mo, the more na magsa-suffer kayo...imagine, binabayaran mo para abusuhin kayo, haler naman di ba?!!
- yung sa sis mo pa lang, it's a no-no na!
- tapos nagyoyosi at may baby ka
- nabanggit mo din na may utang pang 5k yan, pag pinaalis mo, dapat ready kang i-let go na yung utang nya...on the other hand, pag tumagal yan, e baka mas lalong lumaki ang utang nya...

hindi pa ba sapat yung mga reasons para paalisin yung yaya mo? wag mo nang antayin na may gagawin pa yang mas malala...di kita tinatakot pero you have to think of yourself and your family first before your yaya...

good luck! :)

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #288 on: September 29, 2014, 05:59:19 pm »
Lagi na lang siya nakiki share sa meryenda namin mag ina,di man lang maghintay alokin ko siya basta na lang uupo meron naman siyang sariling meryenda.merong meryenda na pwede at di niya pwede hingiin.yung usapan namin once or twice a week lang siya allowed kumuha ng tirang ulam para gawin breakfast dahil ulam pa yon kinabukasan hindi naman nasunod..buti sana kung simpleng gulay yan na may kaunting karne kaso hindi.magastos na nga kami sa ulam dahil di kumakain gulay asawa ko puro karne.piling gulay lang once a week pa.napakalaki niya ultimo maglinis ng kitchen cabinet di niya magawa sa bigat nya bumili pa ako extra monobloc chair para maka akyat siya dahil kundi,ako na naman ang maglinis non habang naka tunganga siya.laminated na yong daily chores niya di pa matandaan.1 1/2 oras may kausap sa phone,9:30 na ng gabi di pa nawalis yung sahig sa kusina.kakainis..

Ito lang anak ko dikit rin ng dikit matuturuan pa ng mali.21 yrs. Old na si helper di kabisado ang twinkle twinkle little star.ang lakas ng boses pag kakanta ng kung ano anong jologs song naririnig ng anak ko.kaya sabi ko sa kanya wag niyang patugtugin yung mga ganon pag andyan anak ko kasi english speaking yung bata natututo ng kalye song buti kung mga Martin Nievera o Erik Santos yung kakanta kaso di naman.


cutemama

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #289 on: October 05, 2014, 11:24:21 am »
^buti yung yaya ni baby walang cellphone. Kasi yung mga helper ni MIL, SIL and friends super addict  sa phone, laging may kausap may katext kaya syempre nababayaan yung baby and the chores. Binigyan  ko lang siya ng ordinary phone para makontak namin siya pag wala kami ni hubby and good thing wala naman siyang textmate.

She's super duper nice and masipag naman. Ang nakakainis na ginawa niya today ay bumili ako ng bananas kasi im planning to bake banana muffin. Kumuha na ko ng ilang pcs para sa pagbake ko. I put the bananas in a sealed plastic para mahinog ng husto kasi mas masarap yung banana muffin pag over riped yung banana. Aba nung magbabake na ko hinahanap ko yung saging tinapon niya na daw kasi super hinog na hindi na daw makakain. Sinabihan ko na nga na wag gagalawin yun kasi gagamitin ko sa pagbabake, nakalimutan niya daw..

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #290 on: October 07, 2014, 05:17:28 pm »
helper’s breakfast last week

Monday - Pork Pochero
Tue- Beef Ampalaya
Wed- Tinolang Manok
Thurs- Lechon Paksiw
fri -Laing (take note may lechon paksiw pang naka serve dahil yung Laing iseserve pagdating ni hubby,sinabihan pa ako kung pwede ng kumuha..grabe kumakain na siya ng dinner may ibang ulam pa pero di makahintay)

sat-monday off niya (non paid since part time lang siya)
napansin ko hirap niya sawayin lalo na pag sinumpong ng katakawan..nakita ko nagbubukod ng kanin at ulam kaya sabi ko binilan ko na siya ng pang breakfast bakit yung ulam na pwedeng kainin pa sa Lunch ang kakainin?napaka sosyal naman buti kung gulay at isda kaso di kami gaano kumakain non kaya puro karne..wala naman masama sa binili kong maliit na meatloaf,noodles,pancit canton may cereal drink at cheesewhiz.pati kape meron..di naman pwede ganon diba? sawa na daw siya..ang choosy choosy..itong next grocery ko sasabhan ko siya na 1 pc egg+rice magtimpla na lang ng cereal drink solve na pang almusal ang gaan ng trabaho niya eh.alternate na lang meatloaf,egg ulam sa kanin,pag sawa pancit canton or noodles saka tasty..laging ubos yung ulam dahil sa kanya..totoo lang tuwang tuwa ako pag day off niya at aalis kami kasi di mahirapn humiga yung anak ko sa sasakyan.sana rin maisipan niya na magpapayat kasi palaki siya ng palaki,di naman sa ang sama ko kaso ang sikip pag kasama siya..ang hilig mag fried rice pang isang tao lang at kung maglagay ng bawang ang dami dami

nicoletta

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #291 on: October 07, 2014, 06:23:29 pm »
katrinac

Bakit hindi mo paalisin?  Yung former yaya ng baby ko sa sala din tumatambay, and ang daming parinig sakin.  Naririnig siguro niya ako makipagusap sa office staff ko and feeling niya maiisahan niya ko to give her her requests.  Malaki ang ulo kasi kaya kht kailangan ko siya, pinaalis ko na.

fxy111

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #292 on: October 16, 2014, 12:06:18 pm »
heo sissies. just want to rant kahit na it happened a few weeks ago. may 2 helpers kami na pinaalis ng sabay kasi sobrang sinungaling. the first time pinabayaan na namin (they both opened my sister's wheat bread eh personal stash nya yun ang nakakatawa pa bliname nila sa dad ko nung nahuli sabi nila kasi daw baka magalit sister ko. may tasty sa ref ha pero wheat bread pa yung binuksan. well, yung tasty bukas din at yung gitna ng loaf yung kinuha:p)
tapos a few weeks ago, PLDT sent a sms message o my mom about our phone bill. imagine our surprise na umabot ng Php6k so my mom called customer service.may isang araw daw na naka 20 outgoing calls to various mobile numbers. so we asked the two helpers, hindi daw sila tapos we checked their mobile phones tapos isa isa namin tinawagan yung mga numbers na nasa statement of account which was emailed to us, lahat "subscriber cannot be reached" so we thought baka na hack yung phone. the next day nagbaka sakali ako so i called one number from the list.ayun sumagot, pinsan ng helper namin. so inausap ulit pero todo deny hanggang after a couple of hours umamin din (narinig daw nila sa radio na pwede tumawag sa mobile using landline so sinubukan nila). imagine in a day, they spent Php6k. yung mga calls ranging from Php100-Php900. so pinaalis na ng mom ko, sinabi pa namin na kung nagsabi kayo ng tatoo hindi sana ganito.hinatid pa namin sila sa labas ha.
nung gabi, nag text yung mom ng isa, nagagalit kaya daw walang tumatagal sa amin na maid kasi daw laha pinapabayad PATI food. helo lang, nakikita ko yung mga helper namin nag memerienda ng chicken nuggets and hotdog  tapos nakakaubos sila ng 5kl of bigas in a week dine-deadma lang namin. so sinabi ko yung totoo na sinungaling anak nya etc etc...
ang worse pa pag akayat namin sa room nila, nag sula sa walls using pentel pen ng kung ano ano (hubby ko, hubby lovesw wifey etc) tapos ang daming balat ng sanitary napkins sa taas. di ko alam bakit sila ganun..
sobrang stress. kaya sabi ng cousins ko na wag kumuha ng helpers na galing sa city.ayun wala pa kami makuha unil now.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #293 on: October 21, 2014, 03:27:06 pm »
Nagpa-wash kame ng clothes last weekend sa helper ng mama ko and my husband found out that his newly bought Armani jeans (as in hinde pa nasusuot) were missing. In short, hinanap wala daw. This morning, my mom found out from my stepdad na my mom's helper accidentally bleached my husband's jeans and it now has a big white streak on the right leg. Tinago nya sa takot nya. My husband has yet to see the jeans pero obviously he's super mad since he only buys stuff twice a year. Plus, hinde nya pa nasusuot yung jeans. Hay susmio.

sleepy_grfld

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #294 on: October 21, 2014, 03:36:37 pm »
Yaya ng anak ko for 4 months now, lagi atang nakakalimutan na yaya siya ng anak ko. Sa halip na alagaan anak ko, mga gawaing bahay ang ginagawa or nasa cellphone niya at todo ang kausap sa kung sinuman. Sinabihan na namin siya dati pa na hindi niya kailangang gawin ang mga gawaing-bahay dahil may iba namang naka-assign dun at na ayoko yung laging hawak ang cellphone pag oras ng trabaho. Umoo naman nun, yun nga lang, hindi naman niya tinutupad. Isa pa, parang laging takot na hindi ko malaman. Lagi "nagtatago" pag nasa bahay kami kaya kailangan pa namin siya hanapin pag papabantayan ang anak ko. Wala pang kusa. Kailangan lagi utusan or sabihan na ito gawin. Hay... Hindi ko na alam kung ako lang ba ang mapaghanap o hindi pa talaga ako sinuswerte sa makakasama sa bahay. Nakaklungkot at nakaka-stress..

mama7

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #295 on: October 24, 2014, 02:10:28 pm »
baka hanggang Dec. na lang daw si hh kasi magtatrabaho na asawa niya.sabi ko akala ko ba 1 taon sabi mo magtrabaho ka sa amin paiba iba naman.. kahit pasaway at matakaw pinagtyagaan ko kasi takot ako kumuha ng iba di pa naman siya kumuha ng pera o gamit kahit minsan. kaya lang mukhang malulugi kami pareho ni helper.ngayon kasi part time siya 20 days work dito tapos yung 3 days off wala bayad yon kasi kung gagawin kong overnight palaging di nakakabalik

yung bayad ko for 20 days 2k all around pero except luto ng ulam at alaga bata,basahan lang nilabhan dahil may washing machine naman. additional 200pesos pag nag babysit o maiwan sila ng anak ko sa Active Fun.inaabotan ko rin minsan pag may extra kami cash..ang problema ko taga Bacoor siya,from Pasig to Bacoor balikan daw 300 nag compute siya, gusto niya 3-4 days lang siya dito..halos wala naman siya kikitain kung ganon kahit sagot ko pamasahe parang sayang lang imbis na kitain na yung 300 ay mauuwi pang pamasahe lang..lugi naman ako kung gawin kong 150/day magaan lang trabaho, kasi kung i -compute ko siya pang stay in na full time na yung ibabayad ko sa kanya tapos 3-4 days lang siya dito

nag iisip na tuloy akong maghanap ng taga dito lang sa Pasig na pwede stay-out maghapon dito uwian din basta may assistant lang ako sa araw tapos uwi ng 5-6pm mon-fri..ang hirap magpa stay in maliit space namin sa sala natutulog hh pag gusto ni hubby manood tv sa gabi di siya makanood may naghihilik na sa sala saka parang lagi may naka bantay samin konting kumilos ka hehe

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #296 on: November 04, 2014, 12:26:54 am »
Sis Kat...


Now ko lang nabasa yung post mo. Naku, normal problems yan kapag may maid/yaya ka. Kami madami na kami pinagdaanan sa mga ganyan to the point na nag give up na kami and mas pinili namin na huwag na mag yaya/maid. Mas ok pa na kami. So far nakakayanan namin namin ni Hubby. Since May pa kami walang yaya/maid.

Ganyan din ako sis. Kapag matanda ang helper e medyo nahihiya ako magsabi. The best way that you could do is ask your husband to talk to her nalang. Yun ang ginagawa ko dati. Kasi most of the time e mas takot sila sa mga among lalake (diko alam bakit). hehe And mas mahinahon kasi magsalita ang lalake. (lalo na ang husband mo). To avoid conflicts lang.

Most of the time naman kasi e hindi na nila napapansin yang mga ganyang ugali nila kasi ganyan na talaga yung kinalakihan nila. So since she's working sa house niyo, dapat follow naman niya yung house rules niyo and she should respect everyone sa house.

If after niyo siya kausapin e ganun parin siya, then better look for another helper. Sayang pera and stress mo sa kanya sis.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #297 on: November 10, 2014, 06:14:53 pm »
Inuunahan pa ni yaya alaga niya sa pagkain. Parang PG yaya ng nephew ko. Nguya ng nguya. Kinakain pagkain na dapat sa bata. Yung biniling fries para sa kids, siya yung lumafang!! LAMON!!!

magno4

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #298 on: November 13, 2014, 11:05:17 am »
 ;D ganun talaga pag mga kaulong sa bahay sa umpisa masipag at maayos, kapag nag tagal na at naka tiyempo at naka tikim na ng dey op ayun dami ng alibi sa mga sunud, mga common problems ng mga katulong, puro sad story. may isa kami naging katulong, yung naka display kong alak na almost 7 years na, kalahati na ang laman kase shot lang kapag may special bisita at okasyon abay mantakin ba naman na iniinum kada gabi ang sarap daw hekase imported at aged na nga sha, nalaman ko lang na naubos na ng dumating yung special bisita namin at papatagayin ko sana pag tingin ko wala na, inaway kopa kumare ko kase savi ko baket nawawala yung alak na nakalagay kase alam ko at bilang ko, nalaman kolang ng sinabi ng bunso ko na nakita nya si ate nainum daw dun kaya ng mawala bisita sinita ko at sabi ko sa kumare ko na paalisin na nya ang katulong kase ako na may are ng bahay hindi naman ako pala inum e dinaig pa ako na pakialaman tapos ang masama pa nere ng napa alis na e ipinag kalat pasa probinsha namin na kami daw ay walang hiyang amo e nang sabihin namin sa mga taga probinsha na may utang pa nga yaan dina nga namin siningil tapos pakialamera pa ng gamit ayun dun lang sila natahimik kase napahiya din sila kase pinuntahan namin sila dun kase pinangalandakan na masam daw kaming amo e siya nga yung abusado. kaya nga ang mga katulong ngayon mapili nadin sa trabaho, tatanungin ka kung ganu kalaki bahay mo at kung mag kanu ang ipapasahod mo, kaya hirap nadin maka hanap ng maayos na katulong ngayon. buti may nakuha kami katulong pero sad to say medyo palpak padin pero pwede ng pag tiyagaan kesa wala.

IamColleen

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #299 on: November 13, 2014, 04:12:19 pm »
Stress ako sa yaya ng anak ko. Every night pagdumadating ako, may nadadatnan akong basang damit ng baby ko, kung san-san part ng bahay. Ayun pala nalaman ko pinupunas nya sa anak ko bago bihisan ng pantulog.. Ok naman sana yun, kaya lang di nya man lang isampay after use.. ayun ang daming itim itim ng ibang damit ni baby, another bili nanaman dahil di na ok tingnan yung ganun. Madami pa syang nakakairitang ginawa.. Ichismis ba naman sa bestfriend ng nanay ko na mas mababa daw ang pinapasahod ko sa kanya compare to her true salary. E shonga sya, bestfriend ba naman ng nanay ko pagkwentuhan, e di nakarating sakin.. hay!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close