Mommies I need your advice please. Obviously need ko ng paalisin talaga ang house helper namin, pero mahina talaga loob ko pagdating sa ganyan. medyo may katandaan narin sya. (pero not super old ha), and wala akong lakas loob na sabihin na gusto ko na sya paalisin. Ito yung mga bagay na ginagawa nya:
* Yung way na kausapin nya yung adoptedsister ko is sobra sobra. Ang bastos ng bibig nya. Narinig ko sya the other day kung paano nya kausapin. Eto mga sinabi nya sa sister ko:
"Pinanganak ka ata na walang utak!"
"Para kang alien. Sa ibang mundo ka ata nanggaling"
"Timang ka."
My little sister is only 10 years old, and kahit anong anggulo tignan, maling mali yung way na pagkausap nya. Kahit may katigasan ng ulo yung little sister ko, hindi dapat sya ganun. I don't know kung bakit di ko mapagsabihan si manang. mahina talaga loob ko sa ganon.
*Di kami makapag stock sa ref, lagi nyang inuubos, even my pagkain! Di naman ako madamot sa ganun, pero pati yung lactation cookies ko, nababawasan.
*Every now and then, grabe sya bumale. May utang pa sya sakin na 5,000 and there was a time na ayaw nya pakaltasan yung sweldo nya kasi may babayaran pa daw sya.
*Yung una, masinop sya sa bahay, ngayon, even yung hugasin nya ang dumi dumi.
*Saturday and Sunday ang rest day nya. And since malapit lang ang bahay nila sa amin, every day sya nauwi sa kanila. From 3Pm to 5PM andun sya sa kanila. Reason: Inaasikaso din daw nya ang apo nya.
*Ang lakas ng boses nya, parang walang consideration. Laging nagugulat sa kanya yung 2-month old baby ko. And ang lakas nya manigarilyo!
*Ang ayaw ko pa is parang sya ang nag rereyna reynahan sa bahay. ang dalas sa TV, habang kumakain ako, sya, nakahiga sa sala. Naka cellphone, while nakabukas ang TV. Nakatapat pa sa kanya ang electric fan. Kung hindi ko pa sasabihin sa kanya na naiinitan ako, di pa sakin itatapat ang fan.

- I know lahat ng reasons na yan ay enough na para paalisin sya, pero I just don't know how to say it. Every now and then nag rarant sya how much she needs money; and sa kanya daw umaasa yung mga apo nya. Pero di ko na sya kaya i maintain. Ayaw ko na talaga.

Any advice how to tell her in a nice way na gusto ko na sya paalisin?