watch now

Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 105278 times)

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #80 on: July 23, 2013, 07:33:50 am »
Hayyy naku ang aga aga grabe na itoooo.... Pinag awayan pa namin mag asawa kasi yung katulong ko sinabihan ko huwag papupuntahin ni lapit sa gate ng bahay namin yung dati ko katulong which is pamangkin niya ayun pag gising ko nandoon na naman yan dati ko maid. Grabe ginawa sa akin ng dati ko maid nag ka pre eclampsia scare pa ako dahil sa taas ng bp ko sa kanya. Kahit na ang laki ng utang sa akin pinalayas ko na lang tapos ngayon binabalik ng napasukan niya amo sa akin my gooooodddd kailan ba siya mawawala sa buhay ko.

Ito dati ko maid may utang sa akin 6k i think less 1 week pa lang siya nag tratrabaho tapos bigla sabi niya ayaw niya daw mag work ang gusto niya pipili lang siya ng work na gusto niya. Yaya siya ng anak ko and wala nga ginagawa kasi ako din naman nag aalaga sa bata minsan gigisingin pa ako para mag alaga ng bata at maka panood siya ng tv. Tapos kung ano ano pa kasirungalin pinag sasabi tungkol sa akin pati yung recruiter niya which is a friend daw ng daddy ko inaaway at sinisigawan ako. At ang bastos pa kung sigaw sigawan ako ako at kung ano ano pa sinasabi sa akin.

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #81 on: July 23, 2013, 07:40:03 am »
Hindi ko matangap na ginawa sa akin ng katulong ko yun sigaw sigawan at bastusin tapos uutangan ka pa e ako nga hindi ko sila ginaganon.  Noong pinapaalis ko nga siya ayaw umalis hindi naniniwala paalisin ko kasi nga laki ng utang kailangan ko pa tumawag ng guard sa subdivision para umalis siya sa bahay ko. Tapos may napasukan siya sa tabi subdivision namin ganon di. Ata ginawa sa amo niya ngayon isinusoli ngayon sa amin yung katulong. Pinapunta pa ng katulong ko ngayon yu g dati ko maid.

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #82 on: July 25, 2013, 07:35:24 pm »
Nakabusangot ilang araw na. Ang reklamo sa other maid, pinapagalitan ko daw kasi. Paano di pagagalitan, mali-mali ang ginagawa. Alangan naman I let it slide. Besides its not as if sinisigawan ko siya. I only state it. Like kanina, we were giving my son his meds. Unang bigay namin, he spat it out. So I decided to give him a break and give him the leftover plus the amount he spat out after a few minutes. When I came back, nabigay na niya yung natirang gamot sa bata. Eh hindi full dose yun. Paano ko pa malalaman what's lacking eh binigay na nya yung natira.

Then yesterday, I asked her to dredge the chicken in flour. Pag-check ko ng jar containing the flour may pink drippings coming from the chicken. Paano mo di papagalitan, sinayang nya yung flour.

Ang crass din ng bibig. Who on earth uses 't_e', 't_t_' and 'u_t_t'? Ilang beses ko nang sinabihan na we don't use those words in the house cause I don't want my kids to pick them up and start using it outside. To my horror, I heard my son saying t_t_ earlier!

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #83 on: July 25, 2013, 08:03:19 pm »
Hayyy si inday talaga nakaka stress

pinkswirls12

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #84 on: July 27, 2013, 12:47:38 pm »
this happened last week. around 6:30 am karga ko si baby nasa salas kami, hinehele ko at nakatulog naman. maya maya lumapit etong maid namin, paarawan daw si baby, pumayag naman ako. nung umpisa nasa gate lang sila. nung napansin kong ang tagal nila, halos mag1 hour na at hindi pa nabalik, lumabas ako ng gate. sobrang asar na asar ako sa nakita ko na andun na sila sa dulo ng street at etong maid namin nakikipagdaldalan sa kababayan niyang yaya. sinangkalan pa yung anak ko para makachika sa friend niya dahil siguro sa bagong rebond niyang buhok. hanggang ngayon kapag naalala ko, nabubwiset ako. kanina kinukuha na naman baby ko. tumanggi na ako, sinabihan ko wag na muna malamig lamig pa. chika na sa morning, chika pa rin sa hapon. sus!!

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #85 on: July 29, 2013, 05:31:10 pm »
Ang nakakainis na ginawa ng yaya / maid ko today? Nakakainis everytime she sits on my sofa. Di kami ganuon kayaman pero nagsusuplada ako pagdating sa sofa. Kung sumalampak sa sofa, ganuon na lang. Nagtataas pa ng paa. Di ko naman masaway. Naiinis lang ako.

Lately nauuwian ko ang bahay na madumi talaga. Nagtitimpi ako. Pero I am looking for a replacement na rin

kiz_me1109

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #86 on: July 30, 2013, 12:41:16 am »
I don't have problems with my yaya in terms of day off. Since the day she started with us, never siyang nag restday.

Ang problem e hindi siya gumagalaw. ok naman kapag inutusan mo. Pero kung hindi e talagang nakaupo lang siya. Nakakalola siya. Most of the time, kami pa naghuhugas ng pinagkainan niya habang siya e nakaupo at nanonood ng tv or nagtetext. Sa morning, ako nagpapaligo sa anak namin. Which is ok naman kasi i still prefer to be the one to do it. Sabay din kami mag breakfast. Sa gabi, before I go to work sabay din kami mag dinner and maligo. Kaso, most of the time e nale late ako kasi ang bagal gumalaw ng anak ko. hindi manlang siya tumutulong.

I told na pakainin na niya yung anak ko sabay nila and paliguan na. In 1 week ok naman. After that, balik na naman kami sa dati.

Nagwawalis naman siya... KAPAG UTUSAN MO. Kaloka talaga. kanina, naglinis ako ng shoe rack. Deadma siya. Kung hindi pa siya sinabihan ni hubby na tulungan ako e hindi pa siya tumayo.

Grabe. To think na nag graduate siya ng 4 year course. hindi na ako magtataka kung bakit hindi sila umaasenso. Kasi tamad siya.

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #87 on: July 30, 2013, 10:58:02 am »
hehe Tama ka sis, ang tamad nga nya. Wag mo sabihin sa akin na nakataas rin ang paa nyan habang nakaupo sa sofa? Hayyyy Kakagigil sila. Ganyan din yaya ko

babykat

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #88 on: July 31, 2013, 10:21:05 am »
This was yesterday.  Morning pa lang I texted her na to cook either monggo or fish fillet for lunch.  Umabot ng gabi, my husband and I texted her not just once asking ano ulam.  Di nagrereply.  when we got home, ayun walang niluto at delata ang kinain nila maghapon.  Tapos I told her nagtext kami, ang sagot nya di daw nya nabasa kasi nakaoff ang mga phones niya kasi galit sya sa boyfriend nya.

To think yung isang cellphone ko, iniwan ko sa bahay para macontact ko sila.  Tinatanggal ang sim ko, at iniinsert yung mga sim nya.

Kainis lang.

khriseeee

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #89 on: August 01, 2013, 03:24:24 am »
I left for work really early yesterday, when I came home I found that the trashcan in our bathroom was brimming with trash - basically it hadn't been cleaned since I left. I asked the maid if she cleaned the bathroom, she said yes. When I asked her why the trashcan was still full, she didn't reply.

And yes, to the PP who said that HH chismis about the cost of items their amo's buy. I experienced that with my previous HH, she let it slide that my denim shorts cost 2K. And my yaya keeps announcing that the brands I buy are expensive (at least for them). I hate bringing her along when I shop coz she always checks the price of what I buy. One time I bought Stride Rite shoes for my daughter. As we were walking out of the shop I heard my yaya tell the price of the shoes to my HH. Argh!

So I make it a point to cut off all the price tags of the things I buy as soon as I arrive home.
« Last Edit: August 01, 2013, 03:30:32 am by khriseeee »

kumikosan_9

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #90 on: August 05, 2013, 04:04:22 pm »
After ako mastress sa strings of yaya na dumaan sa household namin, i am now blessed with a very good yaya. Ang problem ko ay yung yaya ng pinsan ng baby ko. IMO, she's going to be a really bad influence sa yaya ng anak ko.

yesterday around 2pm i left for a spur of the moment "ME" time. Spur of the moment kasi wala naman talaga ako plan umalis kaso since parang okay naman lahat, tulog ang anak ko, andyan naman si yaya at natutulog lang si hubby sa kwarto. Nakabalik ako sa house 4:45pm. May plans pala magsimba ang mga yaya, hindi nagpapaalam sakin ang yaya ng anak ko. So hindi sila nakapagsimba. Ayoko pa naman yung ako yung reason na hindi sila nakapagsimba. Ako na naman ang masama nyan sa mga inlaws ko. =(


sistah!

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #91 on: August 06, 2013, 04:42:01 pm »
my yaya was absent minded this morning. my mom told her to cook spam for breakfast, so I gave her eggs para iluto din. sabi pa sa akin, "ma'am fried egg po?" so I said yes.

so when the food was prepared, kinuha na nya ang anak ko para pakainin (my daughter is only 1). ayos, ang eggs lahat boiled egg. ok lang sana, sige na kahit mali. pero hindi nya rin pinakain sa anak ko. talagang parang wala lang. so ano yun, sino kakain nun? nasayang lang.

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #92 on: August 07, 2013, 07:14:54 am »
I noticed the past two weeks that my maid has a funny smell (and by saying "funny" I'm trying to be nice). Even in the am when she's fresh out of the shower I can still smell it. When I started smelling it in my son's room, I talked to her privately. told her to make sure she cleans her armpits well then wash her clothes properly. Akala ko ok na. Until the last few days I've been noticing she's been wearing cologne a lot. Uses it siguro to mask the smell. Kahapon the smell of her cheap cologne was all over the house (I don't have anything against cheap cologne...I use J&J and baby bench on my kids). My 10mo baby started sneezing and I was having migraine. Pinagsabihan ko. How the smell is bad for the kids etc. That she can use that for her day off but not when she's in the house. Ngayon, nakabusangot na naman ang mukha. Once she pays up the money I had to shell out for the agency fee, she's out of here! Nakakainis na

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #93 on: August 07, 2013, 12:00:20 pm »
After ako mastress sa strings of yaya na dumaan sa household namin, i am now blessed with a very good yaya. Ang problem ko ay yung yaya ng pinsan ng baby ko. IMO, she's going to be a really bad influence sa yaya ng anak ko.

yesterday around 2pm i left for a spur of the moment "ME" time. Spur of the moment kasi wala naman talaga ako plan umalis kaso since parang okay naman lahat, tulog ang anak ko, andyan naman si yaya at natutulog lang si hubby sa kwarto. Nakabalik ako sa house 4:45pm. May plans pala magsimba ang mga yaya, hindi nagpapaalam sakin ang yaya ng anak ko. So hindi sila nakapagsimba. Ayoko pa naman yung ako yung reason na hindi sila nakapagsimba. Ako na naman ang masama nyan sa mga inlaws ko. =(

Don't feel bad. remember you are the amo! Keber nila! Hmp! Stress mo pa sarili mo sa mga yan. In the first place sila ang di nagpaalam ng maayos!

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #94 on: August 07, 2013, 12:47:53 pm »
@hunny_ally

I had several maids na ganyan sometimes hindi ako lumalabas ng kuwarto kasi nasusuka talaga ako what I did is I bought them deo at ilang toiletries and lagi ko sinala encourage to use it kaya after several days wala na sila amoy ;D

hunny_ally

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #95 on: August 07, 2013, 12:59:49 pm »
^hindi naman siya ganun when she started. I wouldn't even hire her in the first place if ganun. It was only the last 2 weeks she started smelling. I provide my maids with toiletries allowance to let them buy on their own. Pero if ganito nga, I might not give them money and instead I'll buy it for them. But this maid is not worth it Kahit ba masipag siya and maayos sa bata. Ayaw napagsasabihan. And she'd really show you her displeasure...nakabusangot (imagine even my husband eh sinamangutan niya when he reprimanded her for picking something out of my son's plate using her bare hands). Nasabihan ko na a few weeks back na "it's either my way or the highway". Tumino naman. Pero past few days back to old ways again.

cloudzy_09

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #96 on: August 07, 2013, 01:32:51 pm »
Pag ako minsmo bumibili ng toiletries instead of giving them money napansin ko naiiwasan yung bad smell at pag nanakaw ng toiletries ko kaya ako na mismo bumibili. Hayyyyy ang mga yaya talaga minsan dagdag stress.

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #97 on: August 08, 2013, 12:40:40 pm »
Inilibot niya ang anak ko subdivision. Nung gabi, umubo ng umubo ang anak ko at sumuka sa kama ;-(

bratty

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #98 on: August 08, 2013, 01:24:03 pm »
Hayyy! Super stressed na ko sa HH namin, hindi lang today. Mga ilang months ng ganun! Kung maka-advance parang may patago sa amin. Ang masama pa, yung mother ni HH ang pumupunta sa lugar ng in-laws ko at sya ang kukuha ng sweldo ni HH. Before pa tinanong ko si HH kung papano ang arrangement nila ng mother nya sa sweldo kasi ang mother nya ang nag-aalaga sa anak nya, sabi nya, di daw sya magbibigay kasi may pagkukunan naman daw parents nya sa province. Aba! Nung unang sweldo pa lang, andun na ang mother nya sa mga in-laws ko at kumukubra ng pera kesyo wala daw pang-gatas ang anak ni HH! Kaloka! Naging pattern na, every 15th and 30th of the month, either may sakit ang anak ni HH o wala pang-gatas! Ang malupit pa, hindi pa tumutuntong ng August eh nakuha na nya ang sweldo nya. Hanggang Sept. pa ang advance nya! Over na sa pahinga! Lagi nagkukulong sa kwarto nya, 10:30am, imbes na tulungan mommy ko mag-gayat ng sahog sa ulam, nakakulong sa kwarto. sa hapon, mga 2pm-4pm nakakulong na naman sa kwarto. Sa gabi, 8.30 nakakulong na ulit sa kwarto nya. pero lagi puyat pano lagi nakikinig sa radio show ni papa jack! Anak ng tinapay! Eh di sa umaga, kahit 5.30am sya gumising sobrang bagal kumilos! Medyo mahina din kukote nya. Hayyy! Sobrang dami pa! Sa galit ko, nag-overseas call ako, naka-speaker phone para marining din ng mommy ko ang pag-uusap namin. Kako, di ako nagkukulang ng pa-sweldo sayo kaya sana wag din magkulang ang pagttrabaho mo. Empleyado din ako at di uubra sa ibang boss ang advance-advance mo. Pinagbigyan lang kita pero sumosobra ka na! Hindi ako banko na pag kinailangan mo ng pera eh may ilalabas ako. Naka-24mins ako, patay na naman ang mobile bill ko! Sorry, napahaba ng slight! Hahaha! Ayan, medyo nakahinga na ako ng maluwag!

iammechelle

  • Guest
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #99 on: August 08, 2013, 02:02:11 pm »
Hahahaha! Ayos sis! Up for this post! ;-) Ang pasaway at kapal ng mukha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close