Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 83664 times)

KVsWahmmy

  • Wonder Wahmmy and
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 727
  • I believe happiness is a choice. :)
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #40 on: June 12, 2013, 10:54:00 am »
Hay I never thought magpost ako sa thread na ito. Matino naman kasi si yaya, it's her 4th year na with us and ok naman sya all throughout --- well until recently.

1. Slow-motion na sya ngayon kumilos. Pag inutusan, yung tipong makakatimpla na ko ng kape bago pa nya magawa. And mga simpleng bagay lang ito ha. Bakit matagal? Ayun tunganga. Hindi naman masabing pagod, dahil wala naman masyado gawain dito sa bahay. Asikaso lang sa daughter ko, luto, laba (na hindi naman necessary everyday), and then that's it. Konting linis linis. And nandito din naman ako sa bahay since I'm a WAHM, so yung looking after my daughter, I can do most of it naman dahil hindi naman sya malikot na bata.

2. Uma-attitude na! Kanina napagsabihan ko dahil sabi ko painom na yung gamot sa anak ko for her fever (hindi ito first time utos ha or new gamot), aba, inabot ba naman sa kin yung gamot at sabi ako daw magpour dahil di daw nya alam kung gano kadami. Weh. First time? Nung isang beses may hinahanap akong gamit na sya nagligpit. Sabi nya di daw nya alam saan kasi ako naman daw ang gumamit. Sabi ko oo ako gumamit, pero sino ba nagligpit dito (party ng anak ko noon)? Sasagot pa talaga? Hindi na lang tumulong maghanap?

3. Adik maglaba. Kung may mga tamad maglaba ito gusto basta may time, labaaa! Para daw hindi matambakan at dahil may araw daw today. So ano, pag may araw automatic laba agad? Sabi ko, hindi naman kailangan araw-araw dahil magastos sa sabon at tubig. Try magtipid di ba. Nung sinabi kong ischedule ang laba, aba sinimangutan ako.

4. Yesterday, errand day ko. Daming bayarin at last minute stuff bilihin for first day of school tomorrow. Tapos yung anak ko pa gusto sumama dahil magplayplace daw sya. So sinabi ko the night before na lalabas kami (kasama sya) the next day at samahan ako dahil commute lang kami at marami nga ako aasikasuhin maiinip yung bata. Aba aba, the following morning paggising ko naglalaba na (adik talaga sa laba.) And take note ha, makulimlim non at nagbabadya ng pagulan. So come tanghali binibihisan na yung anak ko dahil paalis na kami sabi ba naman sa anak ko "baby magplayplace ka pa? wag ka na magplayplace kasi baka umulan, yung mga sinampay ko mababasa" ay umakyat ang dugo sa ulo ko. sabi ko talaga sa kanya, wag ka na sumama at ayoko sa lahat ang minamadali! and in the first place, nakikita mo makulimlim, alam mong may lakad, aba eh talagang naglaba ka pa. walang respeto lang. tsk tsk.

5. Nagiging tsismosa na. Dami kuwento tungkol sa kapitbahay. Nung una natotolerate ko pa. Pero nung araw-araw puro chismis kuwento sa kin nairita din ako. Ayoko sa lahat mga ganung klaseng talk. Not that wala akong pakialam sa kapitbahay, pero buhay nila yon eh, whatever happens there, unless may criminal act, e deadma lang ako. Kaya din hindi ko kino-close ang mga neighbors dahil I hate gossip. Nice naman ako sa kanila, hindi nga lang pa-close effect. Itong si yaya ang nakikiclose sa kanila ngayon e medyo magulo ang dynamics ng neighbors (family), so damay sya sa gulo na yon if ever. Hay ewan.
Everyday is worth waking up for :)

jayce_mom

  • llb, working mom, small-time businesswoman
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #41 on: June 12, 2013, 12:04:29 pm »
Join din ako mga sis...  ;)

May helper kami na gusto na naming pauwiin kasi masyadong pabaya mag-alaga sa daughter ko, hindi rin sya malinis gumawa ng household chores. Swerte nga nya, gaan ng tasks nya kasi tumutulong kami nina hubby at mother ko sa kanya. Hindi sya nagluluto pwera kanin at reheat lang ng ulam, kami ng mother ko alternate na nagluluto. Hindi sya masyadong nag-aalaga sa daughter namin kasi si hubby self-employed kaya laging nasa bahay, ako naman working pero pag hapon nasa bahay na ako. Kami din ni hubby namamalengke at naggrocery. Sya ang naglalaba, namamalantsa, hugas ng pinagkainan tsaka linis pero maliit lang apartment namin.

Eto na mga major nakakainis na ginawa nya:

One time, sinama namin sya kasi may importante kaming gagawin. Ever since kami ni hubby humahawak kay baby pag nasa labas kasi kabisado namin kung kelan sya tatakbo at maglilikot. Sabi ko kay helper, hawakan mo muna si baby kasi may kelangan lang akong primahan. Wala pang 1 minute pagpirma ko at nasa likod ko lang sila, paglingon ko nakatanga si helper nakatingin sa walang hanggan, yung anak ko hindi na nya hawak. Tumakbo agad ako para hanapin si baby, buti na lang hindi sya lumayo nakatayo lang sa tabi. Kinarga ko na anak ko tsaka ko pinagalitan si helper. Gusto pa nyang kunin sa akin para sya na lang daw mag-alaga. Sabi ko sa kanya, wag na mawala mo pa anak ko.

Nagsumbong neighbor namin na may anak na binata, sabihin daw namin kay helper na tigilan na nya pagtetext at pagtawag sa anak nya kasi naririndi na daw anak nya. Umamin naman sa amin si helper na kinokontak daw nya at one time pinaloadan nya yung binata.

Nagpaalam yung helper namin nung weekend na kakain sila ng boyfriend nya sa labas,uuwi din "daw" ng gabi pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Hindi kami nag-effort para kontakin sya.

Nalaman namin kahapon sa neighbor namin na umorder sya ng set of jewelries sa avon at hindi pa nya bayad. Grabe! Nag-iwan pa ng utang, wala naman na syang sweswelduhin sa amin.

Kaasar noh mga sis?  >:(

fairywinkle79122

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 388
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #42 on: June 12, 2013, 05:43:05 pm »
Yung yaya ng neighbor dito sa condo >:(

hinahayaan lang na katok ng katok sa mga unit isa sa mga alaga niya,tapos nung sumilip ako di man lang nag sorry.di naman ako nainis dun sa bata,dun sa yaya nakaka badtrip,may natutulog pa,naiistorbo.matututo yung alaga niya ng kalokohan eh.

tapos sinara ko yung kitchen lamp dahil sinisilip ko sila sa kurtina,ayun,yung yaya text ng text,hinihila siya nung mga alaga niya,umiiyak na yung isa,nagtetext pa.ka chismisan yung dumating na janitor,yucks kaya! Yung janitor niyakap yung alaga niya,naglilinis yun,yung mga alikabok napunta dun sa bata pati yung bacteria,si yaya kasi ayun text pa rin ng text >:( yun pala,kaya 2 phone ang hawak,kay janitor pala yung 1,mukhang binigay niya number niya..landi rin eh ;D sa isip ko nga,kung kilala ko amo nito isusumbong ko eh,..mahirap talaga may yaya/helper kaya tiyaga muna ko wala sa ngayon..madami ako nakikitang ganyan mga yaya dito,di nabubuhay ng walang ka chismisan.

kiz_me1109

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 903
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #43 on: June 15, 2013, 02:49:18 am »
I wonder kung kelan pa makaka adjust yung new yaya ko. 1 month na siya sa amin This Sunday pero hindi parin niya nagagawa lahat ng pinapagawa ko. I understand na pabago bago yung schedule ng anak ko since nag summer siya tapos next week regular classes na. Pero yung mga ussual na gagawin niya e hindi niya nagagawa.

Most of the time kailangan ko pa siya utusan. Minsan ok naman, pero minsan hindi ko alam kung tamad ba o ano e.

Wala na nga siyang ginagawa masyado sa bahay.

Lagi niya nakakalimutan na pakainin ng merienda yung anak ko sa hapon. Hinihintay pa niya na sabihan siya. Syempre dahil nawiwili sa laro yung bata e hindi na napapansin na gutom siya.

Lagi ko din sinasabi na lagyan ng towel yung likod kasi baka ubuhin,

Hay... tigas ng ulo!

megumiii

  • Wandering Goddess
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 334
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #44 on: June 15, 2013, 10:53:54 pm »
Didn't cook us breakfast and lunch because she was waiting for us to wake up. We woke up at 11 am, then when she was about to cook, that's the only time she realized we had already ran out of gas.  :o

courtneylove

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 228
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #45 on: June 16, 2013, 04:44:02 am »
and isa pa sa kinakukulo ng dugo ko.. kapag nasa taas na kami, CR namin ang ginagamit nila. Twice na nangyari naiwan pa nakasabit undies nila. itapon ko nga.

LOL!


haaayyy...
ayoko sanang mag-rant dito pero di ko mapigilang mag-post.
kanina, nagpaalam daw sa asawa ko na aalis kasi magpapasa ng birth certificate kasi maga-apply daw siya.
so kahit nagta-trabaho pa rin siya sa amin, libre muna siya sa lahat habang naghahanap na siya ng ibang mapapasukan. ::)
kung meron lang talagang ibang kapalit kaagad eh.haayyy...
oh well.tsaka na lang namin proproblemahin yun.hehe
sobrang pinakisamahan ko siya... noon..
kaso umabuso kaya hindi na ako masyadong nakikipag-kwentuhan.
dapat pala nakinig na ako sa husband ko dati na huwag masyadong ituring ng sobra-sobra na parang kapamilya kasi baka umabuso.ayun na nga nangyari..
ilang beses na kaming inuubusan ng food.
hindi naman siya pinagdadamutan pero sana man lang, magtira para sa amin diba.
pinaka-latest na nangyari nung isang araw lang kasi bumisita dito father ko tapos nagdala ng pasalubong para sa akin.
ipapa-reheat ko sana kinabukasan kaso inubos na pala niya!  :o
lagi din nagi-iwan ng undies niya sa CR noon..
nung minsang nag-off siya, nilagay ko sa room niya kaso wala, ginawa pa rin ulit na mag-iwan dun.
buti ngayon kasi hindi na niya ginagawa.napagisip-isip na rin siguro.
kapag nag-off, hindi tumutupad sa usapan kung kelan babalik.
de-susi na sa ibang bagay na dati naman na niyang ginagawa.
nagpaalam na rin siya noon.kesyo nabo-bored daw siya dito sa bahay.
ewan ko lang huh..
kung hindi sa TV nakaharap lagi eh puro chismisan at pakikipag-flirt ginagawa niya.  ::)
kakainis kasi parang nagpapapigil para huwag na siyang umalis.
natawa na lang ako nung kinwento ng husband ko kung paano siya nag-react kanina nung nagpaalam na maga-apply siya.  ;D
pangalawang beses na siyang in your face na okay lang kahit na umalis na siya.  ;D
« Last Edit: June 16, 2013, 05:00:44 am by courtneylove »

KVsWahmmy

  • Wonder Wahmmy and
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 727
  • I believe happiness is a choice. :)
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #46 on: June 16, 2013, 05:53:53 pm »
Father's Day today so natural may lakad kaming mag-aama.... Aba-aba, nung paalis na kami saka ba naman sabihing "Magsisimba ako ha." E ayaw ko ngang walang maiiwan sa bahay muna dahil may mga nakawan na nangyari na sa neighborhood a couple of days back. Alam naman nya yon. Simangutan daw ba ko??? Sana nagsabi kasi ng maaga di ba? Saka kaninang umaga tambay kami lahat dito, bakit hindi sya nagsimba ng morning, wala naman ginagawa?

Ayaw ko sa lahat sinisimangutan. Nakakairita, akala mo naaapi, hindi naman! Kainis lang.
Everyday is worth waking up for :)

RoadrunnerXCX

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 601
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #47 on: June 16, 2013, 09:58:30 pm »
grabe naman ang mga HH nyo pala. parang ngayon ko na appreciate ang HH ko kasi ang problema ko lang dito kailangan nya talaga mag off once a week kasi pamilyado at 3 anak. dati every other week ang off nya uuwi nga ng 5pm ng saturday babalik monday na ng 9am. ngayon nag request ng once a week na off kasi nahihirapan daw ang mister maglaba at ang dami masyado. pumayag ako pero sabi ko kung once a week na sya aalis sya ng 5pm ng saturday tapos pagbalik nya ng sunday dapat nasa house na sya ng 5pm din . fair enough 24 hrs lang sya dapat wala sa house. kaso ginagawa 5pm umaalis sa kanila nakakrating dito sa house namin 7pm na ng sunday. imagine kung once a week ganun gagawin nya. susme naman. work wise  wala akong complains highly efficient at malinis sa bahay malinis maglaba. may store pa kami sa harap at sya pa nagtitinda. i give her 4k monthly inclusive of sss contri. naka 2 yrs na sya sa akin. ok sana kaso pag may sakit ang anak or mister need umuwi . no work no pay naman. so okay na din sa akin.
“Allow the universe to unfold as it should" - Desiderata

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #48 on: June 17, 2013, 08:33:12 am »
^with the kasambahay law, they really should get once a week paid day off.

RoadrunnerXCX

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 601
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #49 on: June 17, 2013, 10:02:42 am »
^ yes sis i'm amenable to that naman pero stated sa KB alam ko  24 hrs lang.
“Allow the universe to unfold as it should" - Desiderata

kiz_me1109

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 903
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #50 on: June 18, 2013, 04:41:10 am »
reading through the posts/complaints here, napaisip ako bigla. Maswerte parin pala ako sa new yaya ng anak ko. At least masasabi ko na nasa adjustment period parin siya. At least hindi ganun kapasaway kagaya ng ibang HH/yaya.

babyboo.0326

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 797
  • "Believe..."
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #51 on: June 18, 2013, 05:38:46 am »
our new househelp arrived last saturday. sister of our ex yaya. she's only 16 and it's her first time to work as a helper. super tamad. after 5 daya nagpaalam. di daw nya kaya. ok fine.  grr.

this sounds familiar to me!  ;D

my ex yaya, arrived last sunday. i was the one who fetched her from the bus station, it was my birthday pa that day. she's only 18, not her first time as a yaya but hindi rin siya tumatagal sa previous 2 jobs niya as yaya. longest is 2 months. after 3 or 4 days ata, she told me na wag ko na daw ayusin yung sss niya kasi 1 month lang daw siya. she said pa na hindi daw niya kasundo mom ko, kesyo inuutusan daw siyang maglinis ng poop ng dogs. so i said, sige, sa linggo ka nalang umuwi. she was shocked. ayoko na patagalin pa siya sa amin if she's choosy!

yung bigas ko, ang bilis maubos! nung first day, we ate pizza, di niya naubos kasi daw mahina lang siya kumain. nalaman ko from my sister, na malakas pala kumain si inday pag wala ako! tapos more recently, nagtext sa kanila, nagiiyak daw at ang kwento pa is - ginising daw siya ng mom ko ng 4am para maglinis ng poop ng dogs. so i asked my mom na. sabi ni mom hindi naman daw. and then she confronted the yaya. buti nalang that same day siya uuwi. tapos aba! pinadagdagan pa ang pamasahe niya. so i told her na ibabawas ko ang pinamasahe ko sa iyo papunta at pauwi. yun pala she is used to making tambay lang everyday with her barkada. sila na nga tong ganyan ang buhay, mapili pa sa trabaho  ::)

oh and i forgot to mention, chismosa siya huh. she talks about my friend who recommended her to me, and also the sister and her tito. tapos yun pala, ganun din sa amin, she makes up stories. i think kaya niya yun ginawa is para hindi siya sisihin ng lola niya na umuwi agad since kailangan nila ng money. ginawa niya kaming masama doon sa kanila. buti hindi ko siya pinahiram ng money before she even got here!
« Last Edit: June 18, 2013, 05:45:49 am by babyboo.0326 »
"One should always be in love. That is the reason why one should never marry.  -  Oscar Wilde"

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #52 on: June 18, 2013, 11:39:16 pm »
i dont want to sound matapobre but i dont understand why helpers behave like this eh sila na nga ang in need of money. our last yaya we even offered to help with her schooling. babalik daw sya but inuna pa ang paglandi. smh talaga.

my mom and dad live with us now so they really want a helper pero ive lost all interest in hiring helps kasi naman it doesnt matter kung super bait ka to them or if you treat them like family. nakakainis lang.

little_princess

  • Shopaholic Princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2543
    • Princess in a teacup
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #53 on: June 21, 2013, 03:27:55 pm »
we have a new helper sa house ng parents ko. she's from the province and first time in manila, hindi pa nga masyado marunong mag tagalog.

when i was abroad, my sister said that she goes to my room and lay on my bed!! tapos nun pinagsabihan, she's always on the 3rd floor kasi malakas signal and she's always on her cellphone.

first sweldo, she bought a cellphone and madami ng ka-text and ka-call! we were forced to lock all the rooms during the day because she's so tigas ulo.

one time, i bought my dog's month worth of vitamins and medication. i placed it sa consul table and the next day wala na! the other maid told her to put it aside because it's for the dog pero she probably threw it away. bumuli ulit ako and i put the tablets in my pocket. i remembered the next morning and asked her where it was kasi as a labandera, you need to check the pockets baka may naiwan. then i heard her say "ay patay" then i know it na nabasa na!

she's also very madumi and my closet used to be maayos na color coordinated pero kung saan saan lang niya nilalagay! then pag mag fofold ng clothes, she does it sa floor eh diba we step on it so madumi? eh di madumi na ulit yung clothes?

and super nakakagigil, she touched my make up! she cleans my room and wala naman ibang pumasok so 5 of my lipsticks hindi na roll back properly so when the cap was put back on, nasira!! then yung palette na lipgloss ginalaw din kasi may finger prints eh i only use a brush
« Last Edit: June 21, 2013, 03:30:44 pm by little_princess »

micci

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1882
  • rain or shine..
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #54 on: June 21, 2013, 09:47:49 pm »
^ay kainis nga yan sis lalo na yung sa makeup..personal na yun e,ok lang punasan yung cover or yung patungan pero bubuksan mo pa?bakit?
a successful relationship requires falling in love many times.....

...with the same person.
:-*

little_princess

  • Shopaholic Princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2543
    • Princess in a teacup
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #55 on: June 22, 2013, 12:49:51 pm »
^ oo nga and those are expensive pa naman. nakakainis talaga and i told her not to touch my make up kasi i would know if she did. buti na lang we lock our rooms na.

eisen3

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #56 on: June 22, 2013, 06:31:26 pm »
^ oo nga and those are expensive pa naman. nakakainis talaga and i told her not to touch my make up kasi i would know if she did. buti na lang we lock our rooms na.
Sis buti nakakatyaga ka? Naku pag anyan kasi nakikialam ng gamit next nyan e mangungupit na

little_princess

  • Shopaholic Princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2543
    • Princess in a teacup
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #57 on: June 22, 2013, 11:52:15 pm »
Oo nga eh kaya we lock our rooms na. 17years old pa lang pero parang she likes mga make up and stuff. Buti na lang our regular maid is back and she can look after her. I de-potted the lipsticks and threw them away. My mom found out that she picked it from the trash and was using the kapiranggut left from the stick. I plan to get it back tomorrow. Super ako naiinis. Pano na if she uses my perfume and liquid stuff eh di ko na mapapansin.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #58 on: June 22, 2013, 11:58:27 pm »
Naka kainis!

My old cleaner left the heavy drapes of the Formal Dining Room drawn the whole day!
Malay ko how many days na,  coz we were abroad --- grrrrr. (Sabi nya, today lang)
Eh di nag fade na my upholstered dining chairs from Spain. (I will check tomorrow AM)
Bwisheetch

micci

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1882
  • rain or shine..
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #59 on: June 23, 2013, 02:41:14 pm »
just found out na yng grill na pang-ihaw namin hindi pa nahuhugasan from last grilling which was about 2weeks ago (?) nakasabit lang kasi sa likod yun,sinabi lang ni hubby kanina and when i checked it,ayun,may mga balat-balat pa ng bangus na tumigas na..ang dali lang naman tanggalin nun di ba?ibabad at i-scrub,voila! hay nako.. ::)

^^little_princess,who knows di ba?baka nga pero sana naman hindi..lock your rooms na nga lang,yan lang mahirap sa mga bata,madaming kaartehan pa at minsan sa expense pa ng amo..

^aquacharly,naku too bad :(
a successful relationship requires falling in love many times.....

...with the same person.
:-*

 


Latest Stories

Load More Stories
Close