and isa pa sa kinakukulo ng dugo ko.. kapag nasa taas na kami, CR namin ang ginagamit nila. Twice na nangyari naiwan pa nakasabit undies nila. itapon ko nga.
LOL!
haaayyy...
ayoko sanang mag-rant dito pero di ko mapigilang mag-post.
kanina, nagpaalam daw sa asawa ko na aalis kasi magpapasa ng birth certificate kasi maga-apply daw siya.
so kahit nagta-trabaho pa rin siya sa amin, libre muna siya sa lahat habang naghahanap na siya ng ibang mapapasukan.

kung meron lang talagang ibang kapalit kaagad eh.haayyy...
oh well.tsaka na lang namin proproblemahin yun.hehe
sobrang pinakisamahan ko siya... noon..
kaso umabuso kaya hindi na ako masyadong nakikipag-kwentuhan.
dapat pala nakinig na ako sa husband ko dati na huwag masyadong ituring ng sobra-sobra na parang kapamilya kasi baka umabuso.ayun na nga nangyari..
ilang beses na kaming inuubusan ng food.
hindi naman siya pinagdadamutan pero sana man lang, magtira para sa amin diba.
pinaka-latest na nangyari nung isang araw lang kasi bumisita dito father ko tapos nagdala ng pasalubong para sa akin.
ipapa-reheat ko sana kinabukasan kaso inubos na pala niya!

lagi din nagi-iwan ng undies niya sa CR noon..
nung minsang nag-off siya, nilagay ko sa room niya kaso wala, ginawa pa rin ulit na mag-iwan dun.
buti ngayon kasi hindi na niya ginagawa.napagisip-isip na rin siguro.
kapag nag-off, hindi tumutupad sa usapan kung kelan babalik.
de-susi na sa ibang bagay na dati naman na niyang ginagawa.
nagpaalam na rin siya noon.kesyo nabo-bored daw siya dito sa bahay.
ewan ko lang huh..
kung hindi sa TV nakaharap lagi eh puro chismisan at pakikipag-flirt ginagawa niya.
kakainis kasi parang nagpapapigil para huwag na siyang umalis.
natawa na lang ako nung kinwento ng husband ko kung paano siya nag-react kanina nung nagpaalam na maga-apply siya.

pangalawang beses na siyang in your face na okay lang kahit na umalis na siya.
