Author Topic: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV  (Read 84887 times)

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« on: May 04, 2013, 09:46:47 pm »
Link to the old thread: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,257110.0/topicseen.html

Kanina, iniwan ko lang sandali ang iniinit kong ulam kasi may kinausap lang ako sa front yard namin, ayun, pagbalik ko, tutong na ang kawali, kita naman niya na wala ng sauce at tuyung-tuyo na, sige pa din sa paghalo, hindi man lang naisip na patayin na lang ang apoy :-\
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

sonia62

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 350
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #1 on: May 05, 2013, 10:59:08 am »
^ naku sis minsan di maintindihan kung di lang nagiisip, walang isip or what. Gaya nyan di ba di nya ba naisip na makakain pa ba ang sunog? Sana pinatay na nya muna apoy di ba kung di sya sure. Mga hh ngayon talagang kahit anong haba ng patience natin eh mauubos

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7403
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #2 on: May 05, 2013, 10:35:28 pm »
Nag-off yung yaya ko yesterday and was supposed to come home today. Kaninang hapon, biglang nag-text na hinde daw makakauwi dahil nasa probinsya daw sya dahil namatay ang lola nya. 4 days daw sila don at pupunta na lang daw ate nya para kumuha ng ilang pirasong damit. Hinde na namin sya pababalikin dahil:
1. Hinde kame naniniwala sa story nya. Nung tinawagan sya kanina ang gulo ng kwento nya. Pagkatapos, pinatay nya na yung phone nya.
2. Nalaman ko from my nieces na napapalo nya pala anak ko.

We're both working parents and talagang big blow samin to. Pero I would rather na mahirapan kesa pabalikin sya na wala na ang tiwala ko lalo na i found out na napapagbuhatan nya ng kamay ang anak ko na ni minsan hinde ko nagawa. Baka mapatay ko pa sya pag nakita ko sya. Grabe talaga karamihan ng mga maids ngayon. Halos pakainin mo na sa palad mo pero kawal@ngy@an pa din ang igaganti sayo. No wonder ganyan lang ang buhay nila.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #3 on: May 06, 2013, 05:27:07 am »
hay naku yayaless na kme. and i'm no longer in the mood to look for a new one. ang hirap na nga to make pakisama tapos puro stress naman ang dala. hay.

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #4 on: May 06, 2013, 02:15:36 pm »
^ naku sis minsan di maintindihan kung di lang nagiisip, walang isip or what. Gaya nyan di ba di nya ba naisip na makakain pa ba ang sunog? Sana pinatay na nya muna apoy di ba kung di sya sure. Mga hh ngayon talagang kahit anong haba ng patience natin eh mauubos

Yun nga eh. Mahirap ituro sa tao ang common sense. Karamihan pa man din sa kanila, kulang nun, o kaya minsan pa, eh talagang wala :-\
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7403
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #5 on: May 06, 2013, 02:20:11 pm »
Karamihan sa mga maids, walang utang na loob and walang respeto. Kahit anong pakisama mo, pangit pa din igaganti nila sayo. Maybe because hinde kayang marating ng utak nila ang karapat-dapat na pakikitungo sa kapwa.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #6 on: May 07, 2013, 03:48:34 am »
Ang daming kong sakit ng ulo with these maids, I don't know where to start!

One of the yayas, left for her annual 1mo leave last April 10. Usapan namin May 10 babalik siya (kase nga 1mo leave). Last week, I was texting her how to send the money for the pamasahe, hindi sumasagot so I asked our relative who lives in the same town to check up on her. Surprise, surprise:

1) sa katapusan pa daw siya uuwi kasi gusto daw pa niya bumoto. May 13 ang ekeksyon, bakit sa katapusan ang uwi? Atchaka, sino pinagloloko niya? Hindi naman siya nakaboto the last 2 elections. How can she vote? Di ba you get disenfranchised and you need to re-register to have your file reactivated? Hindi naman niya nagawa yun

2) She got married! Well I can't stop her since its private life. Pero if yun naman pala ang plano niya from the very start, she should have told me. Eh di sana hindi ko muna siya pinaalis ng mas maaga. I forced kasi to leave earlier para shorter yung overlapping ng leaves ng 2 yayas. I have bad feeling tuloy buntis si yaya. Twice na yan nabuntis (courtesy of 2 different guys) nang na-inlabidabs. And if she is nga, I won't let come back anymore, not until she gives birth

And with my temp stay in yaya MIA (a whole different story), di ko na alam if paano ko hahatiin sarili ko among 3 kids.

harlet

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 424
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #7 on: May 07, 2013, 04:23:54 am »
Karamihan sa mga maids, walang utang na loob and walang respeto. Kahit anong pakisama mo, pangit pa din igaganti nila sayo. Maybe because hinde kayang marating ng utak nila ang karapat-dapat na pakikitungo sa kapwa.

ayokong manlait pero i agree....
When you make the biggest mistake in your life,
something good comes from it.......

craziestqueenever

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 150
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #8 on: May 09, 2013, 05:25:45 pm »

Sa totoo lang, pinakiki-samahan na lang namin ang helper namin. Ako at saka iyong kapatid ko ayaw namin sa kanya. Magaling siya sa bahay. Malinis, Maayos at may pagka-OC pa nga eh. Iyong ayaw lang namin ay iyong ugali niya. 6 years na siya sa amin at maraming beses na kaming nag-away, pati nga din kapatid ko inis din. Masyadong close-minded ang kanyang utak.
"Haters don't really hates you. They hate themselves because you are the reflection of what they wished and hoped to be"

selyado

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 140
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #9 on: May 15, 2013, 09:17:42 pm »
etong maid ko kapalers talaga ha.  ultimo Speculoos ko eh pinapakelaman.  aba eh gibsung ko sya ng P500 monthly para sa merienda at pang kape nya!  kaka imbierna.  di ko naman masita kasi sigurado akong ide deny yun.  eh minarkahan ko kaya lahat ng mga jars ko ng palaman.  and sinabihan ko yung mga anak ko kung papano nila ibabalik yung takip ng mga jars. 

sonia62

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 350
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #10 on: May 16, 2013, 07:04:41 am »
makakapal talaga sila. etong maid ko, nagbakasyon. 3 weeks daw sya magbabakasyon sa probinsya. sabi ko bago umalis itapon lahat ng basura. sabi nya opo. so akala ko tinapon nya. nung nakaalis na, pagkita ko eh nandun ang mga basura at malupit pa ultimo sa maid's room iniwan din mga basura nya. kakabwisit walang malasakit. di man lang inisip 3 wks sya wala. pinayagan naman namin sya tapos ang iniwan basura. tapos kahapon nung hinuhugasan ko yung isang pitcher ng water, may nafifeel ako na matalas. buti na lang di ko kinuskos kungdi mahihiwa ako kasi basag yung lip ng pitcher. as in di sya halata unless tingnan closely. mano ba man lang sabihin nya di ba na nabasag na pala yung pitcher. sobrang walang malasakit. sabi ko nga kay hubby kungdi lang ako mahihirapan ng walang maid palalayasin ko na. imagine, pagbalik nya dito ibibigay namin mid-yr bonus nya tapos sinabihan namin na tataasan namin sweldo nya. kahit nga she's not worth the increase kasi may katamaran at walang ginawa kungdi magcelfone. ultimo dalawang tanim ko namatay dahil di nya dinidiligan. to think na by 10 or 11 am eh nakahilata na sya or nakikipagteleabad na, matutulog, magmemeryenda, makikipagchikahan sa maids sa kabilang house, babalik ng mga 6pm. ako pa nagluluto ng food namin ha dahil di sya marunong magluto. tapos after dinner nagpupuyat sa celfone. sabi ko na lang dahil 1 yr na sya sige na increasan na lang. kakainis lang kasi 1 yr na sya pero kailangan mo pa sabihin kung ano gagawin nya

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #11 on: May 16, 2013, 12:48:43 pm »
Nag extend na nga ng vacation, pagdating ng Manila diretso kaagad sa kamag anak. Magpapahinga muna daw ng 2 araw kasi napagod sa biyahe!

babykat

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 679
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #12 on: May 16, 2013, 05:41:57 pm »
[textspeak!] maid namin, di na nga namin pinapagluto ng breakfast namin sa araw araw. pati sa weekend,hindi rin nagluluto.  kung di mo sabihan, di tatayo.  puro telebabad sa mga boylets nya.

swtgrl_bee

  • ❤️❤️❤️
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4741
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #13 on: May 19, 2013, 10:42:32 pm »
Hindi today pero last May 16, linayasan kami ng newly hired Yaya namin. Nung tipong lahat kami wala sa bahay. Dahil dun ayaw ko na mag Yaya. Nagbayad kami ng pamasahe niya galing Davao at may cash advance pa, nakakaloka talaga.
💻🏡

15 years ng GirlTalker! 💋

iammechelle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 322
  • a wifey and a mommy
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #14 on: May 20, 2013, 02:30:27 pm »
Bago itong yaya na ito, kailangan pang tawagin kapag kakain na!!!! >:(
Love always wins ;-) - Tuesdays with Morrie

anne211

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #15 on: May 20, 2013, 09:41:44 pm »
nung bago pa lang sya, sinabihan ko na ilagay microwavable plastic pag may tirang ulam at ilagay sa ref para di mapanis...

then inutusan kong magluto ko ng isda kasi pa-lunch time na...pagkatapos iluto, nilagay sa plastic container at pinasok sa ref, haler naman!!!

khriseeee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1742
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #16 on: May 21, 2013, 12:03:58 am »
She didn't put the items in the ref correctly and the ref door was left open! When I came home in the early morning all the stuff inside was room temp na :( Good thing I checked the ref! I normally don't go to the ref when I get home.

kiz_me1109

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 903
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #17 on: May 21, 2013, 05:23:56 am »
Finally, we have a new yaya. For those na hindi alam kung ano nangyari sa old yaya ng anak ko, she went home because her father died. after 1 month hndi naman bumalik kesyo nagalit daw ako. After 4 months of looking for a new yaya, we finally found one. She came here last Thursday, Last night while having dinner [textspeak!] told us that the yaya was a college graduate and applied in Malaysia as a domestic helper. And that we have to be allert because she might leave again. Na highblood na naman ako. I paid for her fare and told her that i will shoulder it but there will be a 6month bond or esle ibabawas ko yung sa sweldo niya.

I talked to her about it and she said yes naman. I told her that I was not aware of it. and that abisuhan muna kami at least a month or at least find a new replacement before she leaves. she said that she has no plans of leaving yet. that next year pa daw siya aalis. and as long as mas ok naman mag work sa pilipinas e hindi na siya aalis.

Hay... sana naman may isang salita siya. Good thing nalang at pumayag siya na ibabawas ko muna yung pamasahe sa sweldo niya every month for 6 months and ibabalik ko yung buong pera after 6 months.

Feeling ko tuloy e pinamasahian ko lang siya para hindi na siya mahirapan kapag umalis siya to Malaysia. But I am still parying and hoping na tatagal nga siya samin ng 1 year and may isang salita nga siya,

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2241
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #18 on: May 21, 2013, 07:40:30 am »
^ like my current yaya. Nang bumalik from a vacation, nagsabi sa akin she initially thought not to come back kasi her new in-laws were planning to help her to apply work in SG. Kaso naawa naman siya sa amin kasi I'll be without help. She'll wait first na makahanap kami ng kapalit. Sabi ko ok Lang naman sa akin na umalis sya. I mean that's part of any work, employees come and go. But I thanked her for thinking of our welfare first.

Ang husband ko naman got worried. He grew up kasi without having helps so trusting them takes a long time for him. This yaya he came to trust already. When I told him the plans of the yaya, sabi niya how much daw ba ang suweldo niya in SG and tatapatan daw niya (lol). Sabi ko for them is not really the suweldo but more of the "prestige" na working abroad.

iammechelle

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 322
  • a wifey and a mommy
Re: ANO NAKAKAINIS GINAWA NG YAYA/MAID MO TODAY? THREAD IV
« Reply #19 on: May 21, 2013, 10:02:51 am »
Nakakainis sila kasi sila pa talaga ang inaamo at sinusuyo. Yung tipong magmamalaki na kailangan natin sila iretain dahil kailangan natin sila. Kung pupwede lang ako na mag-resign at ako na lang mag-alaga ng mga anak ko.  >:(
Love always wins ;-) - Tuesdays with Morrie

 


Latest Stories

Load More Stories
Close