nakakasawa na talaga,pero hindi naman pwedeng porque sawa ka na,paghihiwalay o divorce ang solusyon.syempre kahit konti,umaasa ka pa na baka sakaling may mabago..
nakakapikon na kasi,walang wala na kaming pera.tapos yung asawa ko gustong gusto mag resign para magsarili ng negosyo,papaano naman mangyayari yun kung gusto niya aasa sa iba?iniisip niya na isang project lang na ipasa sa kanya,pwede na mag resign,simula na yon..hanggang ngayon wala nga eh.hindi laging lalapit ang swerte sayo,kailangan mo rin hanapin,mag sariling sikap.sistema niya kasi nagiisip na laging maghintay dun sa kausap niyang Sales na i-refer siya sa mayaman na kliyente,puro ganun,naghihintay ng referral bakit hindi ka kumilos mag isa?iaasa mo pa.tapos pag nandito sa bahay maghapon nakahiga puro facebook at games,ang daming sinasabi na kaya niyang gawin yung ganito,yung ganyan,wala lang oras..hindi nauubos ang oras,ayaw lang niya bigyan ng oras yung mga bagay na dapat sana unahin niya..laging ang dahilan pagod siya,bakit ako pagod,stressed,pero nakukuha ko pa mag gym sa umaga?kasi iniisip ko walang mangyayari sa akin kung di ako kikilos,aasa na papayat ako ng kusa..
good provider naman siya eh,walang bisyo.sabhin ko ng naka depende ako sa kanya,natural lang yun dahil ayaw naman niya may trabaho ako.nakakapagod lang na pag nandito siya,puro katamaran ang pinapakita,hindi maging productive..ayoko siya pangunahan kaya nga dito ko na nilalabas,totoo lang “gasgas” na nga ako sa website na to dahil sa ganitong problema.yung makita mo siya bilang Haligi ng tahanan,imbis na suportahan ko,kinaiinisan ko dahil wala naman siyang plano sa buhay.magka plano man,kailangan pa aasa siya sa ibang tao,hindi niya pagsikapan mag isa.hanggang kailan kami maghihintay at aasa,pag pinalayas na kami sa apartment,pag wala ng pambili ng pagkain..lagi na lang siyang tinatamd,reklamo ng reklamo na pagod at gustong mag resign,ayaw naman gumawa ng paraan..
dapat ngayon naghahanap na nga kami ng school para sa anak namin dahil pwede na mag aral sa June,kaso wala..kaya i-delay raw muna ng 1 taon..paano kung ganun ulit?kaya ngayon hindi ko siya pinapansin,nakahiga lang dito,ang laki ng katawan,puro games at facebook ang inaatupag.hindi nga ako matulungan pag nasa bahay siya,washing machine na wala kami,hirap maglaba,inuuna pa bumili ng kung ano ano tapos galit pa pag pinagsabihan.ayoko na lang isumbong sa kanila kasi masama rin ugali ng MIL ko,saka kakampihan rin siya dun..nakakainis.