Author Topic: Financial Issues and Other Prob  (Read 20678 times)

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #40 on: July 24, 2013, 05:06:11 am »
@ IloveMybabs > you know sis, yan ang misconception ng karamihan sa mga pilipino na may inaasahan sa ibang bansa.  akala nila pinupulot lang ang pera sa abroad at kung makahingi eh walang pakundangan.  i agree sis, ang mahal diyan sa US. i was there for a month at diyan pa ko inabot ng miscarriage, wala akong insurance. my bill is almost php400k, buti na lang sagot ng company.   i don't think you can stop your husband from helping his family.  it will take time for him to realize na iba na pamilya niya.  he will come to that realization pag andyan na si baby.  i-suggest mo kaya kay husband to tell his dependents here in the phils na medyo kulang na ang cash inflow ninyo at yung mga expenses for tuition and books at kung ano ano pang bilihin na kailangan eh hingan niya na ng receipts para naman alam ninyong hindi nawawaldas yung padala ninyo.  my brother is also in the US.  he sends money to my mom every month. pero pag short siya he lets us know. para alam namin na sakto lang ang padala at hindi na makakahirit pa ng pang luho.  mas mahirap sis na hindi kayo mag usap kasi kayo ang dapat na magkakampi diyan.

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #41 on: July 24, 2013, 05:18:03 am »

wow sis ang laki naman ng gastusin niyo  :o pero sabagay kung may mga anak kayo na nag-aaral possible nga... nagdadahilan lan yung hubby mo at ikaw pa talaga ang ginawang sangkalan. Sino bang matinong babae ang aayaw na magtrabaho ang asawa nila?!



nako sis ewan ko ba... isa lang ang anak namin at 2 yrs old pa lang ang little boy ko.  malaking portion ng expenses namin eh kotse: car maintenance at amortization. sabi ko nga i-give up na namin yung kotse since meron naman kaming isa pang nagagamit. so into cars ang husband ko. unfortunately, i have to fill the budget for the cars since he's not earning any income.

polar_bear

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #42 on: July 24, 2013, 09:04:04 am »
^sis honeycrushed, no offense pero wala na ngang work si hubby mo.. mamahalin pa napili nyang hobby..  :( If I were you, wag mo na bigyan ng budget yung mga cars nya para mapilitan sya na maghanap ng work.

may auto din kami, pero isa lang, ganyan din sinabi ko sa hubby ko, i-let go na namin yung auto, para sakin kasi malaking liability talaga sya sa budget, isipin mo nalang ang gastos for the maintenance, gas, parking fees, annual registration at may insurance pa.  Buti pa kotse may insurance samantalang kame di makakuha ng life insurance  >:(  Saka tingin ko kasi status quo lang ang sasakyan.  Lahat kasi ng mga kaibigan nya may mga sasakyan.  Pero defense naman nya is may baby kasi kami, kaya necessity daw ang sasakyan.  Haist.  So sabi ko nalang sa kanya.. if he wants to keep it, bahala sya gumastos sa maintenance nun.   


honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #43 on: July 24, 2013, 08:27:01 pm »
^ nako sis, yan na nga ang sabi ko sa kanya kahapon when we talked (again!). i told him that the money he'll get from his job will be our budget for the cars.  sobrang depressed pa yan pag hindi siya naka pag mods sa kotse nya.  at sis, imagine, for both cars ganun.  ayaw niya ng "just cars" gusto nya eh "the car".  i am to blame na din siguro because from the very beginning i supported his hobby.  but come to think of it, my support could have just been moral support and not financial support.  i'm ok with having one vehicle we can use. malaking tipid din sa oras if may sarili kang ride.  just that if it will eat up a big part of our monthly budget, baka pwede namang i-delay ang ibang bagay na hindi naman necessity like yung "maintenance".

tama ka sis... kami din walang insurance. buti pa ang kotse meron  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #44 on: July 25, 2013, 01:15:46 am »
Ang hirap magpalaki ng asawa  ;D

Kaya yung pinsan ko mas ginusto maging single mom na lan kesa ma-stress sa ex nya, mauubos daw ang ganda niya kakaintindi sa ex niya. Kaya ayun isinoli niya sa mil niya

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #45 on: July 25, 2013, 03:57:59 am »
minsan sis, yan na nga naiisip ko.  if only i could turn back time na nga ang peg ko...

malalampasan din namin to.  baka naman slow lang mag sink in ang dapat niyang ma realize.

jmeangeL

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #46 on: July 26, 2013, 10:41:57 am »
nako sis ewan ko ba... isa lang ang anak namin at 2 yrs old pa lang ang little boy ko.  malaking portion ng expenses namin eh kotse: car maintenance at amortization. sabi ko nga i-give up na namin yung kotse since meron naman kaming isa pang nagagamit. so into cars ang husband ko. unfortunately, i have to fill the budget for the cars since he's not earning any income.

tell your hubby na kung car ang hobby nya, then make it profitable.  since 2 ang car nyo, and i think the other is brand new, why not sell the other car then buy another to upgrade and re-sell?

magagawa na nya ang hobby nya, lagi pang palit ng tsikot, may income pa sya.  that's killing 3 birds with one stone di ba.  mas malamang pa na mag-agree sya kasi you'll be playing he's good side

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #47 on: July 26, 2013, 10:24:04 pm »
^ thanks for the advise sis.  i like that idea.  but i doubt if he'll sell the other car, bago din yun. gusto pa nga niya 3 sasakyan.  i suggested that he get into auto parts or mga specialized set-up ng auto since yun ang gusto niya. sabi ko nga na mas ok if he'll turn his hobby into a business para hindi niya maramdaman na nadedeprive siya sa gusto nya.

mrsB

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #48 on: July 26, 2013, 11:01:29 pm »
^Pinakamalaking liability talaga ang kotse. Paglabas pa lang sa casa, diminished na ang value. Tapos lahat ng pera palabas -- gas, insurance, toll, parking, maintenance, etc. Tsk, mababaon kayo ng mababaon pag hindi nilubayan ng hubby mo ang hobby nyang yan.

Anyway, I noticed that majority of women I know are in a situation na sila ang mas nagdadala ng pamilya in terms of finances. As in very few ang kilala ko na good provider ang husbands. Iyon na kaya ang trend ngayon? Ayon nga sa ibang researches na nabasa ko, Filipino men are becoming weaker and weaker. Tsk.

honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #49 on: July 27, 2013, 02:50:18 am »
Or perhaps women are becoming more empowered kaya na mamanifest lalo ang strength  :)

polar_bear

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #50 on: July 28, 2013, 12:00:15 pm »
^ i like it sis.. empowered..  :)


tell your hubby na kung car ang hobby nya, then make it profitable.  since 2 ang car nyo, and i think the other is brand new, why not sell the other car then buy another to upgrade and re-sell?

magagawa na nya ang hobby nya, lagi pang palit ng tsikot, may income pa sya.  that's killing 3 birds with one stone di ba.  mas malamang pa na mag-agree sya kasi you'll be playing he's good side


samin, ganto naging plano.. kaso since boys will be boys.. ayun.. nahihirapan sya ilet go ang mga auto nya.. so pagkakuha ng unit.. gagamitin.. tatagal.. then bababa ang value.. yung worth 150k na nabiling car, naging 150k din ang resell value.. or worse pa nga.. bumababa pa.. :( tapos upgrade, then gagamitin ulit ng ilang months.. then devaluate na naman.. the cycle goes on :(





honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #51 on: July 29, 2013, 09:22:10 pm »
^ sis, from an accountant's standpoint, walang income sa buy and sell ng cars especially if you factor in the repairs and improvements/modifications that you put in it to resell it.  ok ang buy and sell if you have your own garage and mekaniko that can fix broken cars. pero kung simple buy and sell, break even lang talaga.

anyway, my husband is convinced he has to get a job (finally!) but is waiting for august pa to look for one... wala pa ngang trabaho nag iisip na ng bibilhin for the car. hay, sabi mo nga sis, boys will be boys.

polar_bear

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #52 on: July 31, 2013, 09:41:41 am »
^na inspire kasi sya sa brother-in-law nya na into auto buy and sell ang business.  Meron naman kita, actually malaki din naman kasi ang mark up.. basta ang bibilhin na auto is mababa ang presyo and wala na irerepair.. basta fast break lang.. once you get the car.. sell agad within 2 weeks para may kita ka... kaso nga si hubby.. naa-attach sa car... ayaw ibenta once nandyan na.. gusto nalang gamitin...


nway.. sis congrats.. finally namotivate na si hubby mo magwork.. yun nga lang.. cars ang motivation.   ;D 



honeycrushed

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #53 on: July 31, 2013, 11:54:31 pm »
 ;D naku sis, pinakita ko sa kanya na ang sweldo ko eh pang monthly gastos lang namin at walang car maintenance sa list ko. if he wants to modify his car siya na gumastos.  supportive naman ako sa hobby niya kaso minsan i am giving him too much. nauuna pa kotse sa anak ko... eh teka muna... kaya ayun, kailangan baguhin ang nakasanayan.  higpit higpit ng bulsa para magkasya.

IloveMybabs

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #54 on: October 25, 2013, 12:04:35 am »
nakakainis kasi kung tutuusin okay naman kami ni hubby sa ibang bagay sa pera lang talaga at issue sa pag papa dala sa kanila.. mabait naman sya hindi nambababae, hindi mabarkada walang bisyo, maalaga masipag at nararamdaman ko na mahal nya kami ni baby.

kaso pag money matters na puro sya "will figure it out" which is naiinis ako kasi hello!! mag kaka anak na tayo hindi pwedeng bahala na si batman! and nag brought up nanaman yong pera issue kagabi..

lilipat na kasi sya ng company by January and liliit yong sahod nya tapos mawawala yong health card ng parents nya sa pinas pero plan nya magtagal lang 6months dun sa company na un kasi ang kailangan lang nya ng sponsor sa visa after nuon hanap sya ng ibang company.. eh February ako manganganak at hanggang ngayon may utang pa kami sa cards kasi pinagbayad sa mga check up ko dito hinuhulugan namin paunti unti yong card.. tapos sabi ko sa kanya baka pwedeng wag muna ienroll sa ibang HMO yong parents nya after 6months na lang kasi kulang nga yong pera namin and manganganak pa ko mas kailangan namin ni baby yong pera..

aba ang sagot ba naman ng magaling ko asawa ano daw sasabihin nya sa kanila bakit daw hindi magpapadala ng pera para sa health card? saken t**** tangahan ba ito? malamang kasi lumiit ang sahod mo at manganganak ako.. naiinis ako na pag kinakapos kami ang laging option nya magtipid dito ang akin naman ano pa bang gusto mo tipirin eh tipid na tipid na nga tayo! try mo kayang sa inyo naman sabihin na magtipid hindi yong laging ubos! sabihin pa na kasi daw every month yong check up ng tatay kasi sa hypertension and mga test ilang taon na puro pa din test hindi na natapos yong test na yan...

sabi ko sa kanya kung hindi niya kaya kaming suportahan at mababaon lang kami sa utang kung nandito ako gagawa ng paraan uuwi kami ni baby sa pinas pagka panganak ko at dun ako magwowork para mabuhay ko yong anak ko at sya bahala na sya sa buhay nya (im not allowed to work here dahil sa visa status ko) as usual ayaw nyang pumayag pero as if naman may magagawa sya..

sa tingin nyo ba sis mali ako o masyado akong nagdadamot sa family ng asawa ko?

lisse

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #55 on: October 25, 2013, 04:01:20 am »
^tingin ko sis tama lang priorities mo. magkakaanak na kayo, you are a family na din and your hubby's immediate family. hindi na yung parents niya actually ang priority niya especially meron na kayong little one. may kapatid ba si hubby mo? baka naman pwede nilang paghatian or pagtulungan mga medical expenses ng parents nila. afterall, hindi lang naman siya ang anak. sakin lang ha, eh kung ganyan din pala yung magiging diskarte niya e di sana hindi na siya nag asawa or nag anak, or nag-start ng sarili niyang pamilya. dapat sila-sila na lang ng parents niya. ang hirap din kasi sis ng ganyan, you will bring up another person in this world tapos mako-compromise naman yung future niya. unfair naman. pero kahit anong pagpapayo or pag-aaway or nag gawin mo sa kanya if wala talaga don ang loob niya eh it will be all for nothing. I admit I do not know how to address that problem kasi hindi uso sa pamilya namin yung asa sa mga anak, and yung husband ko naman and his side of the family hindi din uso yung ganyan so never encountered ko pa ang ganyang issue. pero I am here to tell you na IMO, hindi ka mali sa pagta-try na iprioritize ang future niyong mag-ina.

IloveMybabs

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #56 on: October 25, 2013, 07:40:51 am »
thanks sis lisse :)

naisip ko nga din hindi naman siguro ako selfish kasi hindi naman pang bili ng bag o luho ko lang yong gusto kong ipunin namin para sa anak namin pero parang napaka kitid ng utak nya para hindi yon maintindihan.. sinabi ko nga din sa kanya kagabi na kung alam ko lang na magkaka ganito edi sana hindi muna talaga kami nag anak sabi nya lang wag daw ako magsalita ng ganun kasi parang sinasabi ko na ayaw ko kay baby.. sabi ko naman ang ayoko lang magtiis yong anak ko sa kagagawan mo..

nag aaral pa sis yong kapatid nya until now and by next year pa gragraduate and kami din nag susupport sa pang tuition and everyday expenses nila..

ang hirap talaga pag nasa ibang country kasi kahit minsan gusto ko muna layasan yong asawa ko para makapg isip isip hindi ko magawa kasi wala naman ako pupuntahan...

tapos ako pa tinatanung nya bakit daw iniisip ko yong mga bagay na un eh wala pa naman ang akin lang kelan kelan pa pag hahandaan un pag wala na tayong makain? pag nagkasakit na yong anak namin at wala ng magamit kasi over the limit na lahat ng credit card? to think na malaki naman yong sahod nya and supposed to be kasya naman sana kung samin lang at konting tulong lang sa family nya hindi yong lahat na lang ibigay sa kanila..


Dacian

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #57 on: October 25, 2013, 10:25:41 am »
ito pinagdadaanan namin ngayon. :(  my hubby is such a good provider but he gave all our savings to his parents.  imagine that! :o  tipid na tipid kami for many years para makapag-save to build our own dream house tapos sa isang iglap lang wala ng lahat! :o  actually, more than pa nga sa savings namin binigay niya kaya nag-abono pa ako pambayad ng utang namin sa bank. 

sa una pa lang, i disagreed na ganoon kalaking amount ibigay namin kasi i know how much money we only have.  pero he insisted na ganito kalaking amount kasi it's a matter of health naman daw.  his parents need money.  so, i gave in na din. :-\ 

now, pinakita ko sa kanya na may utang kami sa bank so paano na? >:(  ayokong hindi bayaran yun sa bank because ayokong may utang at baka mabaon kami sa interest ng bank!  i've seen people na ganoon ang nangyari.  hirap na sila makabayad utang.

what i did was kumuha na lang akong money sa fund ng baby namin.  kaya ngayon, ang problema ko tuition fee ni baby kasi kulang na.  dapat mag-start na nga siya magschool noong june but since hindi kami nakapag-ipon, next year na lang.  pero now, ito na naman.  kulang na naman ng pang-tuition baby namin. :'(

tapos ngayon ano na?  nganga. :P  kasi wala na kaming maitulong sa parents niya kasi ubos na talaga.  sabi ko nga sa kanya, na paano kung kami naman ang magkasakit?  saan tayo kukuha ng money?  may tutulong ba sa atin if ever that happens?  he did not answered back :-X and became sad. :(  i just said to him that it's okay to extend help financially basta doon lang sa kaya natin, hindi yung lahat ibibigay na.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #58 on: October 30, 2013, 01:31:09 pm »
nakakasawa na talaga,pero hindi naman pwedeng porque sawa ka na,paghihiwalay o divorce ang solusyon.syempre kahit konti,umaasa ka pa na baka sakaling may mabago..


nakakapikon na kasi,walang wala na kaming pera.tapos yung asawa ko gustong gusto mag resign para magsarili ng negosyo,papaano naman mangyayari yun kung gusto niya aasa sa iba?iniisip niya na isang project lang na ipasa sa kanya,pwede na mag resign,simula na yon..hanggang ngayon wala nga eh.hindi laging lalapit ang swerte sayo,kailangan mo rin hanapin,mag sariling sikap.sistema niya kasi nagiisip na laging maghintay dun sa kausap niyang Sales na i-refer siya sa mayaman na kliyente,puro ganun,naghihintay ng referral bakit hindi ka kumilos mag isa?iaasa mo pa.tapos pag nandito sa bahay maghapon nakahiga puro facebook at games,ang daming sinasabi na kaya niyang gawin yung ganito,yung ganyan,wala lang oras..hindi nauubos ang oras,ayaw lang niya bigyan ng oras yung mga bagay na dapat sana unahin niya..laging ang dahilan pagod siya,bakit ako pagod,stressed,pero nakukuha ko pa mag gym sa umaga?kasi iniisip ko walang mangyayari sa akin kung di ako kikilos,aasa na papayat ako ng kusa..

good provider naman siya eh,walang bisyo.sabhin ko ng naka depende ako sa kanya,natural lang yun dahil ayaw naman niya may trabaho ako.nakakapagod lang na pag nandito siya,puro katamaran ang pinapakita,hindi maging productive..ayoko siya pangunahan kaya nga dito ko na nilalabas,totoo lang “gasgas” na nga ako sa website na to dahil sa ganitong problema.yung makita mo siya bilang Haligi ng tahanan,imbis na suportahan ko,kinaiinisan ko dahil wala naman siyang plano sa buhay.magka plano man,kailangan pa aasa siya sa ibang tao,hindi niya pagsikapan mag isa.hanggang kailan kami maghihintay at aasa,pag pinalayas na kami sa apartment,pag wala ng pambili ng pagkain..lagi na lang siyang tinatamd,reklamo ng reklamo na pagod at gustong mag resign,ayaw naman gumawa ng paraan..

dapat ngayon naghahanap na nga kami ng school para sa anak namin dahil pwede na mag aral sa June,kaso wala..kaya i-delay raw muna ng 1 taon..paano kung ganun ulit?kaya ngayon hindi ko siya pinapansin,nakahiga lang dito,ang laki ng katawan,puro games at facebook ang inaatupag.hindi nga ako matulungan pag nasa bahay siya,washing machine na wala kami,hirap maglaba,inuuna pa bumili ng kung ano ano tapos galit pa pag pinagsabihan.ayoko na lang isumbong sa kanila kasi masama rin ugali ng MIL ko,saka kakampihan rin siya dun..nakakainis.

iamblue

  • Guest
Re: Financial Issues and Other Prob
« Reply #59 on: November 25, 2013, 12:59:25 am »
Sis join ako sa usapan...

I've been living away from my family for almost 6 yrs now for employment reason and during that time si hubby ang kasama ng mga kids though may work din sya pero dahil sa sobrang dami nyang loan ay halos wala na sya sinusweldo.

We have agreed from the beginning na mag aaway na kami sa ibang bagay wag lang sa pera. Since halos wala nga natitira sa sweldo nya, I am the one who's providing everything for the family and nagbibigay din ako sa parents ko. Natutuwa lang ako na kahit papano eh masinop sa pera si hubby at nakapundar kami ng sasakyan at house, though we still have loan sa bank. Then opportunity for hubby came this year and he was assigned for 1 year abroad and he started to earn a lot at ipon ang sweldo nya since directly pinapadala ng employer sa account nila sa pinas ang pera. The plan is at least to pay half of the loan sa house after 1 year para makauwi na rin ako.
« Last Edit: December 07, 2013, 08:42:07 pm by iamblue »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close