watch now

Author Topic: mother forced me to have abortion before.. now wants me to leave my husband  (Read 29170 times)

Scubadoobidoo

  • Guest
@Carlijn Basta as long as you and your family are happy thats all that matters now. As with your mom naman life isnt perfect you win some you lose some. Focus nalang on your new family i think thats whats important now. Good luck  :)

j_in_tokyo

  • Guest
What a terrible mother?
Di ko ma-imagine may ganung nanay pala na nageexist?
I feel your predicament sis carlijn.

Pero sana dumating pa rin yung time na magkaayos kayo..
Na marealize nya yung mga nagawa nya sayo at sa family mo..
Sana pag dumating yung time na yun di pa huli ang lahat
at mahaba pa yung time nyo para mabawi yung time na nasayang,
na dapat sinusuportahan ka nya and you are taking care of her naman..

girl24

  • Guest
akala ko sa cable lang ito nangyayari, yung - monsters-in-law... the therapist there really make sure that the whole family undergoes the therapy. me mga workshops sila ginagawa. usually the mother-daughter ine-encourage nung therapist for the daughter to stand up to her mom... tapos pinapakita din nila how yung actions nung mother for her daughter to ruin her marriage is also causing great stress to the daughter.. try to watch!

carlijn

  • Guest
Hi everyone! Just when I thought pwede na kami matahimik ng family ko, eto na naman ang babaeng nagluwal sa akin at patuloy kami ginugulo.  I cannot find the words to describe how much I despise her right now.

Recently, she again connived with my former maid to file a complaint against my husband regarding pananakit daw which is an absolute lie, so nung magkaharap harap sila sa Baranggay, my mother was there to support the maid, moral support kumbaga.  Buti na lang at hindi siya pinapasok.  Anyway throughout the paguusap with the Brgy official, my husband recorded their conversation, and hindi masyado kumikibo yung maid, I guess it was because wala yung coach nya sa tabi nya.  Anyway, wala rin halos laman yung medical certificate na dala nya, no signs of external physical injury ata and no healing period.  Parang sinisi pa nga ata yung doctor baket walang findings.  Hindi kasi ako sumama nung naghearing sa Brgy, because I did not want to be stressed at ayoko makita nanay ko because I am always feeling ill recently.  Anyway ewan ko lang sa sunod na sched kung lilitaw uli nanay ko to give moral support sa sinungaling kong katulong.

Anyway, aside from that, we just found out through my husband’s relative na tinunton ng nanay ko yung isa kong pang maid (lets name her Inday) who left us last year pa before pa magstay samin nanay ko, sha yung maid naming na ginawan nila ng kwento na ni-rape daw ng husband ko and kesyo nabuntis pa raw.  Anyway, ang sabi pa nung tita ni Inday, pinuntahan daw sa bagong pinagtatrabahuhan si Inday ng nanay ko at nagpanggap daw na tita sha nung maid and nakumbinse nila yung amo na isama nila si Inday… then dinala raw nila sa crame yung maid 2x, ewan ko baket 2x dinala… then hinatid pa raw sa bahay ng tiyahin… pero afterwards, yung relatives daw ni Inday eh pinauwi  sa probinsya yung bata ng hindi alam ng nanay ko.  Now nalaman naming sinundan daw ng nanay ko sa probinsya yung bata (actually hindi nap ala bata coz she’s 20 or 21 na) at pilit hinahanap.  At nakapagbitaw pa raw ng salita nanay ko dun sa tiyahin ni Inday na hindi sha titigil hanggat hindi nakukulong asawa ko.  Grabe nasstress ako sa kademonyohan ng nagluwal sakin sa mundo.  Gusto nya talaga lumaki mga anak ko na wala ang ama nila sa tabi nila.  Medyo nasstress talaga ako ngayon kasi my mom has a friend in crame who’s working in PAOCC, eh nakwento nun samin before na they have the capability na dumukot ng tao kung gusto nila, like yung isang sa news before na pinatay yung mag-ama … anyway they also handled the case at nakuha daw nila yung gumawa nun.. and of course the media daw do not know this.  If my mother got that person to believe her lies, eh natatakot lang ako for the safety of my family especially husband ko na shang pinupuntirya ng nanay ko.  Kasi they were able to bring the maid nga sa crame, then afterwards eh inilayo na ng mag-anak at pinauwi sa probinsya.

Right now, I have not been able to file a restraining order yet because medyo tight ang budget and I have no idea how much ang acceptance fee ng lawyer…  hinahanda namin kasi ang pera sa panganganak ko and we are also transferring our business location para makalayo…  medyo higpit talaga muna kami sinturon especially now na medyo lagi nagbabadya na magpreterm labor ako due to stress.  Naisip ko din ang PAO kaso hindi ba kailangan dun eh indigent ka.  Hay grabe napakademonyo talaga ng nagluwal sakin, walang kunsensya at walang kaluluwa.  Hindi ko na alam gagawin ko.  :( :'(

carlijn

  • Guest
By the way kayak o nabanggit ang PAOCC, kasi natatakot ako na baka napaniwala ng nanay ko yung friend nya tapos may gawin sila sa husband ko.  Ano laban namin dun, taga crame yun at madami contacts, malay ko ba kung pwede nila manipulahin lahat ng documento laban sa husband ko.  Wala pa naman impossible lalo kung may suhulang usapan na.

bagaholic_chewy

  • Guest
Oh my.. Parang ako ang natatakot sa latest development sa situation nyo.. Will pray for you sis, especially sa pagbubuntis mo. At sana tantanan na kayo ng nanay mo.. Maawa sana sya sa mga anak mo..

carlijn

  • Guest
sobrang stressed ako sobra sis, hindi nga ako makapag work ng maayos sa sobrang kakaisip.  Natatakot ako for my family's safety lalo ng husband ko, gusto talaga ng nagluwal sakin na magipit kami at magkasira sira ng pamilya ko.  Yung MIL ko hindi masyado nagcocomment dati sa mga ginagawa ng nanay ko pero kanina, she was really pissed at sinabi nyang demonyo daw talaga nanay ko.  Nagiisp tuloy si hubby na wag muna umuwi sa house at magstay na lang muna sa business at baka daw pagplanuhan pa sha ipadukot. Ipapahatid na lang daw ako sa office sa mga siblings nya. Hay grabe talaga, hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa nagluwal sakin... I can't even bring myself to call her mother anymore sa sobrang pagkamuhi ko sa kanya ngayon. At kung may kaibigan man sha na naniniwala sa mga kwento nya, ganun na lang ba sila kabulag at kauto-uto para maniwala at sa kanya pa maawa na akala mo siya ang inagrabyado.

j_in_tokyo

  • Guest
bakit di nyo rin takutin yung mga katulong na sasampahan din ng kaso sa mga false accusations nila..
ang lagay ba yung mother mo lang may power gumawa nun?
im sure pag tinakot nyo yang mga yan magadadalawang isip nya yan..
since less naman yung alam nila about laws..

huwag  mo hayaan na ima imanipulate ka ng mom mo..
lumaban kayo ng husband  mo..di na tama yan..
tatay na ng anak mo ang gustong ipakulong ng mom mo..

j_in_tokyo

  • Guest
By the way kayak o nabanggit ang PAOCC, kasi natatakot ako na baka napaniwala ng nanay ko yung friend nya tapos may gawin sila sa husband ko.  Ano laban namin dun, taga crame yun at madami contacts, malay ko ba kung pwede nila manipulahin lahat ng documento laban sa husband ko.  Wala pa naman impossible lalo kung may suhulang usapan na.

if totoo na capable ang mom mo na gawin to now pa lang ipablotter mo na ito..

j_in_tokyo

  • Guest
worse comes to worst.
sabihin mo sa MOM mo na kahit manalo sya sa mga binabalak nya..
NEVER kang sasama sa kanya.
and NEVER nya makikita man lang mga apo nya..

molybdenumstudios

  • Guest
Sis carlijn, is it okay what your momma's occupation is? Hehe, na-curious lang ako.

carlijn

  • Guest
She is a govt employee actually, hindi rin naman mataas ang posisyon nya.... though she's not naman connected din sa crame or pnp kaso she has friends daw there and other high places... sa ngayon tingin ko nakumbinse nya yung kaibigan nyang taga PAOCC. Medyo mataas din kasi posisyon nun friend nya.  Eh sa pagkakaalam ko parang may sariling mga panuntunan mga taga PAOCC since under the office of the president, hindi nga rin ata sila obliged to share sa PNP kung anong intelligence info meron sila sa kung ano mang iniimbistigahan nila.

grabe talaga!! sa ngayon, tingin ko sa sarili ko wala na akong magulang.  Yung natitirang hibla or katiting na respeto ko sa kanya bilang tao nawawala na talaga, sha ang gumagawa ng paraan para ibaon at kalimutan ko ang kung ano mang pag-asa namin magkaayos in the future.  Suko na ako. 

Kami lumayo na at umiiwas na dahil akala ko she will leave us alone pero pilit pa rin pala sha gumagawa ng paraan para guluhin at habulin kami  lalo na ang husband ko.... ayaw nya kami tantanan.  Actually naka sched na sha dapat to leave the country to join her husband pero for some reason eh hindi pa talaga umaalis.  Alam ko paubos na rin ata pera nya sa kagagasta sa mga mga alipores nya at kung ano ano pa... hindi ko lang alam kung sinusuportahan sha financially ng asawa nyang foreigner.

Balak namin talaga ni hubby eh ayusin na lang buhay namin at wag sha pansinin.  Pero mukhang hindi na umuubra yung iniignore namin sha at hindi sha pinapansin at hindi pinapatulan dahil ayaw nya tumigil, para shang kontrabida sa pelikula na naging totoo, she's like the devil incarnate.  I just do not know what else to do because medyo financially tight kami ngayon dahil malapit na ako manganak at maglilipat kami ng negosyo.

Pwede ko kaya sha ireport sa opisina nya.... hayyy  ewan ko na. IM SO STRESSED! I just want her to leave us alone.

popi

  • Guest
May lahing chinese ba kayo sis?

I have a friend kasi na sobrang controlling din ng mom.  She's 35 na, pero may 10pm curfew pa din.  Tapos lahat ng ipakilala nya na bf, walang pumapasa.  Ultimo makipag date sya kelangan pa magpaalam sa mom.  Chinese sila.


j_in_tokyo

  • Guest
sis alam ba ng husband ng mom mo ang ginagawa ng asawa nya?
bakit di mo sya kausapin at ikwento lahat ng nagyayari..
im sure maiintindihan ka nun..baka makatulong sya sa inyo..

carlijn

  • Guest
@popi

hindi ko alam kung may lahing chinese babaeng nagluwal sakin, pero tingin ko may lahing demonyo tapos ako kasi anak lang ako ng tatay ko, wala akong nanay.  Sensha na sis I cannot help but feel disgusted sa taong nagluwal sakin.

@j_in_tokyo and @anhing
sis, nagemail ako before sa asawa nya pero yung last email ko na binuhos ko talaga lahat ng sama ng loob ko at lahat ng nangyayari at ginagawa ng asawa nya, I even said emotionally abused ako ng nanay ko, I even enumerated all the qualities na emotiona abuser asawa nya... pero I never got a reply. After that hindi ko na sha inupdate sa ginagawa ng babaeng nagluwal sakin. 

Minsan nga naisip namin ipa-Tulfo eh, kaso shempre we will be dragged into an bigger public humiliation. 

Letters won't do anything good anymore sisses, she has reached a point na she cannot be reasoned with....  unless mapahiya at may magsabi sa kanya in public or someone in higher authority than her na mali ang ginagawa nya eh hindi sha titigil.

CityHunter

  • Guest
Ha ha.  Its not just those who are of Chinese families that have such a controlling streak.  May it be Pinoy or what it really boils down on the person.

I forgot nga pala na US-something rin itong salarin.  It may be she's with means to effect her threats dahil nga malaki ang value ng pera niya here.  But, that very same source of funds ang pwedeng magamit against her.

I have no idea what is required for a PAO lawyer and sa dami rin ng cases nila ay its a challenge to keep focus on the cases tasked on.  Plus the fact na sana good lawyer makuha mo and not one who simply is clocking in and waiting for salary day.

Your focus must be to relax and give birth to a healthy child.  Your husband should prepare for all contingencies.  The scariest would be the evil mother located where you'll give birth and find a way to take away your child.

FYI.  Plan for what you know the enemy can do and not what you think she will do.

As you don't want this to be dragged into a public spectacle limited indeed ang options mo.  The best I could think of is figure out something to force the US government to make an intense check on her.  Give her a problem which she can't get easily out of to give you breathing space.

Ang nakakatakot pa ay what if she resort to unearthly means aka unnatural measures.

molybdenumstudios

  • Guest
WOW LANG AH. Government official pala siya. OH EM GEE, there are some un-approchable and un-friendly people who are still "masusunod" just because they could get away with anything. Define power-tripper. Of course, promise that carlijn, if I meet that person humanda siya sa akin. For one, I have some relatives who are lawyers. Pangalawa, there are some people I know who could actually face that person.

Well, if I were to be asked, your mother has no choice but to be arrested and maybe get jailed? LMAO, tapos I will laugh like I'm really watching dark comedy when I see her suffering. LMAO

Scubadoobidoo

  • Guest
Sumbong mo kay Tulfo!!!  ;)

jmeangeL

  • Guest
i don't get the TS... it's like your already old enough and should be mature enough to stand on your own.  nasa ibang bansa ang nanay mo. nandito ka sa pinas.

just cut all ties.  no need for a TRO or what-not

transfer to a different province... maliit ang pilipinas pero ang mga criminal nga di mahanap ng pulis.

nanay ka na rin. you should be able to defend your family.  swerte ka kay hubby since he's still supporting you and would still face your mom in a civilized manner

hindi na magbabago ang nanay mo

pinkypop_30

  • Guest
Hi TS, musta ka na ... ang family mo at si new baby mo? Hope everyone of you is alright.

I am so shocked na may ganoon klaseng ina. I myself can not imagine to be in your shoes.

And the way I see it ang pede lang maging galit ng ina mo sa hubby mo is that pinakasalan ka without her consent ... which is so absurd kasi both you and your hubby are of legal age na. Galit or tampo mula sa isang ina na nag-aruga sa anak ... pede pa ... pero tghe way your mother is behaving is beyond that extent na .... malayong malayo na at hindi na reasonable. She let herself to be drown and ate by anger and hatred ... towards nothing (or maybe towards herself). Nothing kasi parang ang alabo niya na kasuklaman ng wagas si hubby mo. Herself kasi baka the life you have now is the life she wanted to have before ... a loving, caring and ever supportive (both financially and emotionally) husband na who is by your side through thick and thin and, not to mention, such wonderful kids. Baka inggit ang meron sa mother mo .... dahil ikaw na anak niya mayroon buo at masayang pamilya na kahit kelan hindi niya natamo sa buhay niya. Kung magkaganoon such professional help/counselling ang kelangan ng mother mo para maayos ang thinking niya. If ever, mahirap kalaban ang inggit at pagkamunhi sa sarili ... lahat na damay-damay to the point na gagawin niya ang lahat para masira ang nakikita niyang maganda at masaya sa paligid niya.

Ang maipapayo ko siguro sayo is to seek some advices to professionals na nakakaintindi sa pinagdadaanang situation nyo sa ngayon with your mom. Pero habang ganyan pa nga si mother mo eh lumayo kayo muna ng pamilya mo. And wag ka muna makikipag-communicate basta-basta sa kung sino lang. Kasi baka chu-chu din yan pala ni mother at matunton kayo uli.

Best of luck sis and pray kayo always .

God Bless.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close