Hello mga sis,
I’ve been still really stressed kahit anong iwas ko na huwag ako mastress. Since my last post, well bukod sa stress, I’ve had mixed emotions and totally lost talaga sa mararamdaman ko kaya hindi ako makapagpost because magkakahalong galit, iinis, pagkamuhi, depression, frustration nararamdaman ko sa nangyayari sa amin, at the same time sobrang nahihiya ako sa pinagagagawa ng demonyo sa buhay ko. Sobrang walang kapatawaran na talaga itong ginawa nya. Sobrang point of no return na talaga.
Last time I posted something here before medyo nanahimik ako for a while was we received a subpoena from the prosecutor’s office. Yes my devil incarnate of a mother pursued to have a rape case filed against my husband. At ginamit nya ang dati kong maid. But then after they filed the case, nagtago yung maid sa province at mukhang sinubukan nilang hagilapin pero to no avail. We received the subpoena for preliminary investigation a day before the scheduled date, to think it was the 2nd hearing na pala ng preliminary investigation, we never got the first subpoena. Para akong binagsakan ng mundo na kung hindi pala namin natanggap yung pangalawa eh hindi makakasipot si hubby doon eh automatic warrant of arrest ang kasunod. Kung nagkataon pala na hindi naagapan, my husband would be going about his business na may warrant of arrest na for a rape case. And sa mga naririnig ko, hindi maganda ang nagiging trato sa loob ng prison sa mga taong inaakusahan ng ganitong kaso. Mas ok pa nga ata makasuhan ka ng murder eh kesa rape, dahil pinahihirapan daw talaga ng kapwa prisoner ang mga kinakasuhan ng rape. I could not bear the thought of my husband spending jail time for a crime he did not commit. Kasi sa mga nababasa ko at naririnig … the testimony of the complainant is enough to convict a person being charged of rape. Kumbaga parang ang hustisya sa atin is biased at mas kampi sa babaeng nagrereklamo. Kilala ko ang husband ko, hindi nya kailangan mangrape pa ng babae kung sex lang din hanap nya sa iba.
Anyway according to the prosecutor never daw sumipot yung complainant even nung first preliminary investigation. I was also able to talk the aunt of my maid, at umamin na kinulit lang daw ng demonyo ang pamangkin nila. Dahil after sila dalhin sa crame for medico legal examination, eh tulala daw yung pamangkin nya at iyak ng iyak and even confessed na wala daw katotohanan lahat ng sinabi nya sa pulis at kinulit lang daw ng demonyong nagluwal sakin, halos maglumuhod nga daw sa kanila na nakikusap para sabihin at idiin ang asawa ko. The medico legal was not able to prove anything except na hindi na virgin yung maid ko. Never din daw nagbuntis. After that, ayun umuwi ng probinsya at nagtago sa bundok si maid. Yung tita nung maid ko is willing to cooperate at sunduin yung pamangkin nya sa probinsya para sana maiharap namin sa prosecutor and she can retract her statements kung sinasabi nyang hindi nga totoo lahat yun. Kaso ang problema naman namin is yung lalakeng ka-live in nitong tita ng maid ko does not want to cooperate at ayaw payagan yung tiyahin ng maid ko na umalis. Kahit nga pagpunta sa prosecutor to swear on the statement she made sa lawyer namin na hindi totoo ang mga sinabi ng pamangkin nya eh ayaw din paalisin ng bahay nung lalake. Gusto via phone patch! Hello san ka nakakita ng ganun. Anyway gusto daw nya talaga tumulong para lumabas ang katotohanan. Oo nga pala, nagkwento din itong tita ng maid ko na nagbitaw daw ng salita yung demonyo sa kanila na hindi daw kami titigilan hanggat hindi nakukulong husband ko at hindi kami naghihiwalay. Gusto daw talaga na gumapang kami sa lupa. Feeling nya siguro kapag hirap na hirap na ako eh babalik at magmamakaawa ako sa kanya. Parang pelikula. If anything happens to my husband and children, mas lalo ko sya kakalimutan at hindi patatawarin dahil sagad sa buto ang kasamaan nya lalo para idamay nya ang mga anak ko na walang muwang at naisin nya makaranas ng hirap at lumaking walang ama.
We were able to file our counter affidavit na rin and now waiting for the prosecutor’s decision dahil for resolution na raw kung wala na shang clarificatory questions/ issues since never naman sumipot yung complainant. Mga sis please pray for us na sana in favor sa husband ko ang maging decision ng prosecutor at mapatunayan na walang kasalanan ang asawa ko at madismiss na yung kaso, at huwag na sanang umakyat pa sa korte at humaba. Alam ko my husband is trying to be strong ang trying to put on a brave appearance, pero alam ko deep inside natatakot din yun. Unang una may sakit na hypertension ang husband ko at diabetic din, baka yun pa ikamatay nya kung makulong sya sa kasalanang hindi nya ginawa. I want to believe na may hustisya pa sa Pilipinas. And I cannot bear the thought na lumaki ang mga anak ko ng wala ang ama nila sa tabi nila because I know how much he loves our children. He is one doting father, kaya sure ako na hindi sya gagawa ng kahit anong ikasisira ng pamilya namin much more yung malayo sya sa mga anak namin. Hay grabe naiiyak ako while writing this.
In a couple of weeks term na ako and yet sobrang stressed pa rin ako. Kahit anong bedrest ko and time away from work eh super affected pa rin ako. Just 2 of weeks ago nag-collapse ako while spending a few minutes pa lang sa mall after resting and being cooped-up inside the house for 1 week straight. I wanted to buy some stuff lang sana for my kids para marelax since sa shopping ako nakakaunwind, ayun unfortunately nawalan ako ng malay buti na lang katabi ko si hubby at paupo ang bagsak ko at hindi tumama tyan ko sa floor.
Sana maging regalo sa panganganak ko ang favorable decision ng prosecutor at madismiss yung kaso. Because gusto ko balikan ng demanda ang may gawa sa amin nito pati lahat ng nakipagsabwatan sa demonyo. Wala na ko pakialam kung mapahiya na sya sa mga kaibigan nya at sa opisina nila. By the way speaking of the devil, lumayas na daw pala sa Pilipinas at bumalik na sa asawa nya. Pero we still cannot keep our guard down dahil alam naming may mga binayaran sya na tao to keep an eye on us. Dahil every now and then may napapansin mga tao naming nagmamatyag sa new business location namin and taking pics pa. Pero paglalapitan ng tao namin eh biglang umaalis.
By the way alam na rin pala ng ibang relatives ni hubby yung nangyayari sa amin. Before he was keeping it a secret na within their immediate family lang talaga. Pero dahil sa hindi na biro yung nangyayari at ginagawa sa amin eh pinaalam na nya sa ibang relatives nila dahil para daw kung ano man mangyari sa kanya eh aware ang angkan nila. Alam nyo sobrang nakakahiya talaga, hindi ko nga alam if may face pa ko na ihaharap sa ibang relatives nila eh pero I cannot blame him, I know he is just looking for support and any help his relatives can give us dahil we have been pushed to the wall. Hindi na rin ako umaasa na may relative ako sa side ko na tutulong sa amin. So I now consider myself na walang talagang ibang family kundi asawa ko at mga anak ko.
I’m getting really emotional as I am typing this, so hanggang dito na lang muna. Lagi ako nagdadasal malagpasan namin ito. I pray to God na magprevail ang hustisya para sa amin.