watch now

Author Topic: mother forced me to have abortion before.. now wants me to leave my husband  (Read 29111 times)

carlijn

  • Guest
@jmeangel
Lumayo na po kami ng family ko, I have cut all my ties with her, lahat ng friends and and family na hindi nakakaalam ng side ng story ko at feeling ko kumakampi at naniniwala sa version ng story nya  ay iniiwasan ko na.  Sha itong ayaw kami lubayan.  Alam ko hindi na sha magbabago… kaya nga kahit masakit din na talikuran ko na sha ng tuluyan eh willing na ako gawin yun just to keep my family intact and safe.

@pinkypop_30
Ako din hindi ko akalain na may taong ganun kalupit, to think kadugo ko pa, dahil sobra sobra talaga ang ginagawa nya para lang sa sinasabi nyang hinanakit nya.



By the way, until now she has not left the country… madali po sabihin to move to another province and all that pero po ang kabuhayan naming mag-asawa ay nandito sa Manila.  And mas mahirap lumayo kami sa family ni hubby ngayon because nga of safety issues, at least we have his immediate family nearby in case we need help and also looking after my kids especially when we’re both at work.  Sa ngayon hindi ko kaya basta magtiwala sa mga yayang hindi ko alam kung ano ang background lalo pa hindi pa umaalis yung gumugulo sa amin.  For some reason, I think my mom has her friend helping her track down people so medyo useless na mangibang probinsya kami kung saan walang pwede sumaklolo sa amin in case something bad really happens… like I have posted before taga-PAOCC yung friend nya and was formerly under the anti-terrorist and intelligence division ng crame so I think mo ay resources sha to use kung gusto nya hagilapin ang isang tao.  Hindi naman kami criminal para kami pa ang magtago dahil wala kami ginagawang masama.

Naglilipat at nag-aayos na rin po kami ng bagong business location namin and unfortunately just a couple of days ago, we were told by our people that my mom’s car even stopped in front of the shop and even took pictures.  Unfortunately wala pa kami CCTV naikakabit sa lugar because nagaayos pa nga lang.  Hindi rin sha nakunan ng picture ng mga tao namin because wala sa mga naiwan nung time na yun ang may hawak na camera phone.  Natyempo din wala si hubby dun, tyempong umalis. So scary talaga for her to take pics pa of the new place.  Wala nakakaalam outside of hubby’s immediate family sa bagong pwesto naming, at wala din ako friends na pinagsasabihan.

May nakausap na din kami lawyer ni hubby, advice nya sa amin regarding  dun sa mga taong binabayaran ng taong nagluwal sakin na if ever magsampa ng mga kaso kay hubby based sa kasinungalingan ay hintayin lang daw namin.  Regarding naman sa mga pagbabantang naikwento sa akin ng isang reliable source, the lawyer asked kung macoconvince ko yung tao to make a sworn statement kasi alam ko takot din maipit yun sa gulo namin.  I have a recorded conversation with this person kaso the lawyer said hindi daw pwede magamit sa court yun kasi wala permission dun sa taong kausap ko.  Kaya much better kung mako-convince ko to make a sworn statement.

Hanggang ngayon kami ni hubby nagttry na ignore her sana at wag sha patulan.. we do not want to sink to her level kaso sobra na talaga kasi.  Ako hirap na hirap ako sa pregnancy ko because of the stress she is causing.

The lawyer asked me kung kaya ko daw ba if ever criminal case ang i-file namin against my mother, sabi ko at this point baka sakaling yun ang kailangan para magising at matauhan sha na hindi na tama ang ginagawa nya.  Hindi ko gusting umabot sa ganitong point ang alitan naming pero sobra na kasi, kahit wala kami ginagawa, lumayo na at nananahimik na eh pilit sha gumagawa ng way para manggulo.  Pwede naman sana natapos lang dun sa sagutan lang, pero hindi … kasi pinalalim na ng husto ng nanay ko ang sugat to the point na malabo na talaga maayos.

pinkypop_30

  • Guest
OMG ang galing ng informant  ng mother mo. Kahit sa kasuluk-sulukan ng mundo ata  eh mahahanap at mahahanap kayo.  Observe ka di sis, kasi baka malapit sa inyo ang informant ni mother kaya no matter where you go eh natutunton kayo agad-agad.  Biruin mo yon kalilipat palang ng business niyo at inaayos niyo palang and yet natunton agad. Magaling talaga si informant ni mother mo.

Basta be a keen observer and wag basta-basta magtitiwala.
Who knows kasama niyo pala at pinagkakatiwalaan yung informant ni mother mo.
I am not scaring you ... pero ang dali niya kasi kayong matutunton.

Just be careful always and pray.
God Bless you and your family ..... at si mother mo na rin na naway magliwanag ang isip niya.   

CityHunter

  • Guest
Indeed it looks like your mom is like the Terminator.  However, we can't really be certain at this point if its her friend who is working for an intelligence section of the government is the one helping track you down or even if she knows the real story. 

For now try to relax as best as you could and have your hubby arrange how to catch her and her minions with surveillance tapes.  Critical here is you catch her or them in the act of doing something bad that way may something kayo to use against her more so she holds immigrant status or such.  Wala ba kayong relative na trustworthy who works with the police at least to help you on this?  Lawyers can only do so much and with how the justice system here ay I won't trust it to solve this problem.

carlijn

  • Guest
Unfortunately I don’t have relatives I could trust right now, I gave up asking for their help when naramdaman ko yung mentality nila na kailangan porket ako anak lang eh ako pa rin magpapakumbaba. Susko po hindi pa ba sapat na hindi namin sha pinatulan sa mga kahibangan nya kaya nga lumayo kami. Saka I think masyadong backwards kautakan ng mga relatives ko at ipipilit lang nila na ako pa rin ang makipagusap at makipagkasundo sa demonyo. .. which I am not willing to do right now because sa sobrang sama ng loob ko sa ginagawa nya sa pamilya ko.  She doesn’t care that I am pregnant, or how all this is affecting me and my baby so why should I care about her still.  As far as I am concerned, wala na ako ina.  Masama na kung masama but that is how I feel towards her right now.  Whatever my short comings are as a daughter or person does not justify the evil things she has been doing to my family… lalo pa may mga inosenteng bata na madadamay… dahil gusto nya ipahamak kami mag-asawa.  Ano yun gusto nya maulila sa magulang mga anak ko, maipaghiganti lang nya hinanakit nya.  Hindi sya Diyos para mag judge at magparusa sa amin kung may pagkukulang man kami mag-asawa.

Ms.Practical.88

  • Guest
Hi Sis carlijn,

Parang telenovela lang ang peg sa pagkaevil(sorry) ng mom mo. She's a control freak and mukang super lala na ng problem nya. Scary sya.

My mom has lots of friends with high position, dati din syang nagwork sa Crame, incase ok lang sayo ang help from a complete stranger just PM me sis and i'll talk to my mom to help you out.


carlijn

  • Guest
I am so stressed out, I want to shout to the world how evil she is!!!  :(... grabe she's like satan na gumagala sa mundong ibabaw!

CityHunter

  • Guest
Hi, carlijn.

Ha ha.  Believe me.  Walang sinabi pa iyang evil mom mo sa mga truly evil people in this world but understood why you believe she is so. 

As it looks like asking your relatives for assistance is not an option what about close friends?  Important rin na may kasama ka sa bahay to help not just you but equally be a witness to things - well, sana trustworthy siya and hindi spy. 

Well, if ang offer ni Ms.Practical.88 doesn't pay off ay there's me.  Though I really stay away from doing any of the bad stuff ay there are certain exceptions naman more so if there's no other way to solve things.

enilec

  • Guest
Hi sis, i have to say i'm quite affected with your posts. Lumaki din kasi ako sa dysfunctional na family and based with everything that you said, I think my dad is a lot similar to your mom. Sobrang controlling, physically, mentally and verbally abusive and selfish din na tao ng dad ko- grabe ang pagka twisted ng kanyang brand of 'love'... I know pangit pakinggan tong mga words na to specially coming from me na anak dahil (at lagi itong sinasabi ng mga ibang tao) kahit bali-baliktarin ko ang mundo, tatay ko parin yun. Like you, ako din yung tipo ng tao who always tries to hope for the best- kahit gaano kadami nang napakasakit na bagay na ginawa sakin noon, lagi kong pinapalampas dahil mahal ko sila eh.

Pero nagkaroon ako ng realization during one of my darkest moments at nung muntik na kong mamatay. You need to accept your situation. By acceptance, I don't mean na hayaan mo yung ginagawa ng nanay mo. What I mean is kailangan mo tanggapin kung anong klaseng tao talaga siya at wag kang umasa na magbabago siya for her love for you. I think you have to always look at reality and focus on the people who actually know how to give love the right way. My mom was never able to protect me against my dad who did very bad and traumatic things to me. Mahal ako ni mom pero I had to accept na she will always choose my dad above everyone else. So, kahit mahal na mahal ko parents ko, pinilit kong kumalas sakanila. I needed to save myself. 18 yrs. old lang ako when I left them for good cos  naramdaman ko na hindi ko na kaya ipagpatuloy ang buhay ko if hindi ko sila ile-let go. I had to be strong for myself and for my partner who never left my side so that I can continue living.

Of course, I've forgiven my dad for all the pain he caused but I never let myself forget. I try my best not to forget just exactly what kind of person he is and the things he did to ruin my life. Not because i'm a vindictive person (never ko naisip na gumanti o pagbayarin sila sa lahat ng ginawa nila), but because, maybe like you, pareho tayong gullible. Kung makakalimot ako, most likely i'll start reconnecting again (happened a couple of times) and ang ending, they'll just waste and betray my trust again, and hurt me.

Hindi ako naniniwala na lahat ng mga magulang mahal ang mga anak nila. Kung totoo to, wala dapat tayong nababalitaan na tatay na nang rape ng anak o nanay na nang-abandon, ginamit at pumatay ng anak. Not everyone has been blessed with parents who have the ability to really love their children. Kung hindi ka na bless sa aspect na to ng buhay mo there's nothing you can do but accept it. I'm sure God has blessed you with other things. For one, he gave you a chance to make a family of your own, may asawa't anak ka na. I hope you can focus on protecting them dahil sila yung family mo na nandyan sa side mo at mahal ka.

molybdenumstudios

  • Guest
Lesson learned: If a person remains meek-minded, then he/she will remain stupid. To meek-minded people who come from parents who tend to be abusive, their meek side will hinder them from fighting. Therefore, it's really a MUST to fight back the moral way. Don't do it for your own benefit.

carlijn

  • Guest
Hi everyone,

Please pray for my family lalo na husband ko na sha talagang pinupuntirya, grabe tong latest development na ginawa sa amin ... demonyo talaga in every sense of the word...  we are trying to fight back, sana gabayan kami ni Lord. Ayoko panghinaan ng loob. 

momentum

  • Guest
^ will pray for you sis. Please always keep in mind what the Lord says "Vengeance is mine"

what is the latest sis? please always take care and seek for God's help and guidance

alpha29delta

  • Guest
Sis Carljn, nabother naman ako sa latest development mo..
Bitin and it sounds like dumating na ang isang major na dagok..

How are you na.. it has been a while since your last post.
My prayers are with you and your family.

Hope you can update us soon.

j_in_tokyo

  • Guest
Sis Carlijn
whats the latest updates?
hope you can share it to us..
We will pray for you..
be strong..

cloudzy_09

  • Guest
Grabe i tought my mom and I have issues pero ibang level yung sa inyo. I just pry na sana hindi mapektuhan ang baby mo sa stress and lumayo na mama mo sa inyo.

Pag na stress ka na naman just look at your kids and think happy thoughts ayun ginagawa ko pag na stress ako beside shopping ;D

agape

  • Guest
Grabe, your husband has a monster-in-law.
You and your  mom have husands of your own, and I think if nothing goes well at all,
better to live separate, peaceful, safe and happy lives na lang.
Your current family should be your main priority now.
Besides, you are no longer depending on her financially, you can make your own decisions na.
Buti napatawad mo pa Mom mo for having an abortion, it's crime nga here in the PH eh.

How come she has not gone home to her own husband yet? What's her agenda?
Is she sick or something?

carlijn

  • Guest
Hello mga sis,

I’ve been still really stressed kahit anong iwas ko na huwag ako mastress.  Since my last post, well bukod sa stress, I’ve had mixed emotions and totally lost talaga sa mararamdaman ko kaya hindi ako makapagpost because magkakahalong galit, iinis, pagkamuhi, depression, frustration nararamdaman ko sa nangyayari sa amin, at the same time sobrang nahihiya ako sa pinagagagawa ng demonyo sa buhay ko.  Sobrang walang kapatawaran na talaga itong ginawa nya.  Sobrang point of no return na talaga.

Last time I posted something here before medyo nanahimik ako for a while was we received a subpoena  from the prosecutor’s office.  Yes my devil incarnate of a mother pursued to have a rape case filed against my husband.  At ginamit nya ang dati kong maid. But then after they filed the case, nagtago yung maid sa province at mukhang sinubukan nilang hagilapin pero to no avail.  We received the subpoena for preliminary investigation a day before the scheduled date, to think it was the 2nd hearing na pala ng preliminary investigation, we never got the first subpoena.  Para akong binagsakan ng mundo na kung hindi pala namin natanggap yung pangalawa eh hindi makakasipot si hubby doon eh automatic warrant of arrest ang kasunod.  Kung nagkataon pala na hindi naagapan, my husband would be going about his business na may warrant of arrest na for a rape case.  And sa mga naririnig ko, hindi maganda ang nagiging trato sa loob ng prison sa mga taong inaakusahan ng ganitong kaso.  Mas ok pa nga ata makasuhan ka ng murder eh kesa rape, dahil pinahihirapan daw talaga ng kapwa prisoner ang mga kinakasuhan ng rape.  I could not bear the thought of my husband spending jail time for a crime he did not commit.  Kasi sa mga nababasa ko at naririnig … the testimony of the complainant is enough to convict a person being charged of rape.  Kumbaga parang ang hustisya sa atin is biased at mas kampi sa babaeng nagrereklamo.  Kilala ko ang husband ko, hindi nya kailangan mangrape pa ng babae kung sex lang din hanap nya sa iba. 

Anyway according to the prosecutor never daw sumipot yung complainant even nung first preliminary investigation.  I was also able to talk the aunt of my maid, at umamin na kinulit lang daw ng demonyo ang pamangkin nila.  Dahil after sila dalhin sa crame for medico legal examination, eh tulala daw yung pamangkin nya at iyak ng iyak and even confessed na wala daw katotohanan lahat ng sinabi nya sa pulis at kinulit lang daw ng demonyong nagluwal sakin, halos maglumuhod nga daw sa kanila na nakikusap para sabihin at idiin ang asawa ko.  The medico legal was not able to prove anything except na hindi na virgin yung maid ko.  Never din daw nagbuntis.  After that, ayun umuwi ng probinsya at nagtago sa bundok si maid.  Yung tita nung maid ko is willing to cooperate at sunduin yung pamangkin nya sa probinsya para sana maiharap namin sa prosecutor and she can retract her statements kung sinasabi nyang hindi nga totoo lahat yun.  Kaso ang problema naman namin is yung lalakeng ka-live in nitong tita ng maid ko does not want to cooperate at ayaw payagan yung tiyahin ng maid ko na umalis.  Kahit nga pagpunta sa prosecutor to swear on the statement she made sa lawyer namin na hindi totoo ang mga sinabi ng pamangkin nya eh ayaw din paalisin ng bahay nung lalake.  Gusto via phone patch! Hello san ka nakakita ng ganun.  Anyway gusto daw nya talaga tumulong para lumabas ang katotohanan.  Oo nga pala, nagkwento din itong tita ng maid ko na nagbitaw daw ng salita yung demonyo sa kanila na hindi daw kami titigilan hanggat hindi nakukulong husband ko at hindi kami naghihiwalay.  Gusto daw talaga na gumapang kami sa lupa.  Feeling nya siguro kapag hirap na hirap na ako eh babalik at magmamakaawa ako sa kanya.  Parang pelikula.  If anything happens to my husband and children, mas lalo ko sya kakalimutan at hindi patatawarin dahil sagad sa buto ang kasamaan nya lalo para idamay nya ang mga anak ko na walang muwang at naisin nya makaranas ng hirap at lumaking walang ama.

We were able to file our counter affidavit na rin and now waiting for the prosecutor’s decision dahil for resolution na raw kung wala na shang clarificatory questions/ issues since never naman sumipot yung complainant.  Mga sis please pray for us na sana in favor sa husband ko ang maging decision ng prosecutor at mapatunayan na walang kasalanan ang asawa ko at madismiss na yung kaso, at huwag na sanang umakyat pa sa korte at humaba.  Alam ko my husband is trying to be strong ang trying to put on a brave appearance, pero alam ko deep inside natatakot din yun.  Unang una may sakit na hypertension ang husband ko at diabetic din, baka yun pa ikamatay nya kung makulong sya sa kasalanang hindi nya ginawa.  I want to believe na may hustisya pa sa Pilipinas.  And I cannot bear the thought na lumaki ang mga anak ko ng wala  ang ama nila sa tabi nila because I know how much he loves our children.  He is one doting father, kaya sure ako na hindi sya gagawa ng kahit anong ikasisira ng pamilya namin much more yung malayo sya sa mga anak namin.  Hay grabe naiiyak ako while writing this.

In a couple of weeks term na ako and yet sobrang stressed pa rin ako.  Kahit anong bedrest ko and time away from work eh super affected pa rin ako.  Just 2 of weeks ago nag-collapse ako while spending a few minutes pa lang sa mall after resting and being cooped-up inside the house for 1 week straight.  I wanted to buy some stuff lang sana for my kids para marelax since sa shopping ako nakakaunwind, ayun unfortunately nawalan ako ng malay buti na lang katabi ko si hubby at paupo ang bagsak ko at hindi tumama tyan ko sa floor.

Sana maging regalo sa panganganak ko ang favorable decision ng prosecutor at madismiss yung kaso.  Because gusto ko balikan ng demanda ang may gawa sa amin nito pati lahat ng nakipagsabwatan sa demonyo.  Wala na ko pakialam kung mapahiya na sya sa mga kaibigan nya at sa opisina nila.  By the way speaking of the devil,  lumayas na daw pala sa Pilipinas at bumalik na sa asawa nya.  Pero we still cannot keep our guard down dahil alam naming may mga binayaran sya na tao to keep an eye on us.  Dahil every now and then may napapansin mga tao naming nagmamatyag sa new business location namin and taking pics pa.  Pero paglalapitan ng tao namin eh biglang umaalis.

By the way alam na rin pala ng ibang relatives ni hubby yung nangyayari sa amin.  Before he was keeping it a secret na within their immediate family lang talaga.  Pero dahil sa hindi na biro yung nangyayari at ginagawa sa amin eh pinaalam na nya sa ibang relatives nila dahil para daw kung ano man mangyari sa kanya eh aware ang angkan nila.  Alam nyo sobrang nakakahiya talaga, hindi ko nga alam if may face pa ko na ihaharap sa ibang relatives nila eh pero I cannot blame him, I know he is just looking for support and any help his relatives can give us dahil we have been pushed to the wall.  Hindi na rin ako umaasa na may relative ako sa side ko na tutulong sa amin.  So I now consider myself na walang talagang ibang family kundi asawa ko at mga anak ko.

I’m getting really emotional as I am typing this, so hanggang dito na lang muna.  Lagi ako nagdadasal malagpasan namin ito. I pray to God na magprevail ang hustisya para sa amin. 

rannastillero

  • Guest
Sis nabasa ko lahat ng laman ng tread na to.
at ako mismo nag ngit ngit sa galit sa nagluwal sayo.
ang hirap lumaban lalo na't alam mong pursigido yang nanay mo na sirain kayo.
waste of time waste of money..
ang dami nyang sinasayang para mapaghiwalay kayong magasawa.
ayaw ba ng nanay mo ng masayang buhay?
o ang pahirapan ka ang magpapasaya sa kanya?
ang hirap ng sitwasyon mo, ang lakas ng kalaban mo, ang hirap manalo daig pa nya yung mga abogado sa pagsisinungaling at pagtatahi ng salita at pangyayari ah...
advice ko lang sayo PRAY, ipagpasadyos mo lahat ng hinanakit at galit mo.
hayaan mo lahat ng paghihirap mo mapapalitan din yan ng saya balang araw.
WAG na wag mong isusuko ang pamilya mo, sila ang makakasama mo hangang huli, sila ang magpapasaya sayo. wag kang mawawalan ng pagasa. sabi nga nila after the rain there's a rainbow.
pagsubok lang yan at unos sa buhay mo, malalalampasan mo rin yan.
kahit gaano katagal ang ulan titigil at titigil din yan. palage mong isipin may katapusan lahat ng paghihirap mo. hindi habang buhay ganyan kayo.
BE STRONG!!! count me in sa mga taong mag pe pray para sayo at sa pamilya mo.
God Bless you and your family...



cloudzy_09

  • Guest
Grabe pinag daraanan mo buntis din ako kaya hindi ko ma imagine yung stress kung pano mo siya na hahandle. Stay strong we pry for you

quennna

  • Guest
aaaw... grabe pinagdaanan mo, TS..
prayers for you and your family...
keep updating your lawyer for your own good..

sa tingin ko, dapat, matagal na kayong humingi ng tulong..
sa lawyer, sa relatives/family ng hubby mo..
iba pa rin yung nakakapag unload ka in person plus may magcomfort and protect sa inyo...
ingat na lang kayo ha.. keep us posted.. God bless

carlijn

  • Guest
Hello again everyone,

Just tonightmay bago na naman development sa mga threat sa husband ko. Kanina lang my husband and isa sa mga boy namin had to file a blotter sa police dahil nakasalubong nung boy namin yung dating landlady namin na kinasabwat na ng demonyong nagluwal sa akin. She was trying to find out daw kung sino ang may-ari ng pwesto ng shop namin.  She even threatened yung boy namin na kapag hindi sya bumaliktad ng side eh ipadudukot silang dalawa ng husband ko.  Grabe ayaw pa rin talaga kami tigilan ng hayop na demonyo... sorry for the bad words pero wala sagad na talaga ang kahayupan at kasamaan na ginagawa sa amin.

Lalo ako nai-stress because mas.lalo ako nagwoworry sa safety ng husband ko. Right now super tight ang budget namin sa dami ng gastos sa paglipat ng shop plus lawyer's fees, tapos manganganak pa ako. I wish we could afford to hire a security guard sa business premises namin, wish ko nga pati body guard  pero sobrang tight talaga, kahit nga cctv hindi pa namin mabilhan yung shop dahil madami pang ibang gastos na kailangan unahin. Kaya sobrang stressed kami to the max. Dahil sa mga pinagagawa ng demonyo eh nagkagipit gipit kami.

I don't wanna lose hope kahit madalas napanghihinaan ako ng loob at iniiyak ko na lang. I am praying so hard na matapos na itong problema namin. I wish she could just disappear from the face of this planet. Kahit siguro mamatay sya ni hindi ako luluha para sa kanya after the hell she has put my family through.

Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon gabi kakaisip. Grabe hindi sapat ang milya milyang layo nya sa ibang continent para lubayan kami. Permanent resident pa lang sya sa bansa ng asawa nya. Is there some way to stop her from becoming a citizen sa bansang yun at ipaalam sa gobyerno nila kung gano kasama yung napangasawa ng isang citizen nila maimbistigahan sya at mapurnada ang application nya para maging citizen doon.

Hay i don't know what to do anymore, i am trying to be strong pero andun yung malaking takot ko sa maaaring mangyari sa pamilya ko. Baby pa ang mga anak ko para madamay at makaranas ng ganitong gulo. All the people na kala ko pwede ko mahingan ng tulong dati or yung pwede man lang pumagitna at pigilan sya like her friends and some of our relatives have ignored my plea and turned a blind eye lang. Kaya it's just really us against the world.

I'm crying as i am writing this, and it breaks my heart na nakikita ng anak ko and he even tried to wipe away my tears with his lampin. I don't want himto see me breakdown pero i can't help it. I want to believe na nakikita ni God ang paghihirap namin ng husband ko at hindi kami pababayaan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close