Hello everyone, update on what has happened lately… my husband and I decided to leave our house na lang… we will just look for another place of our own since we cannot keep waiting for her to leave our home tapos hindi kami makauwi. I have not communicated with her since we left our house, lahat ng text nya at mga gusto nya ipasabi sa akin are done thru others at sila ang nagfoforward sa akin ng message. Most of the messages are very hateful, rude, panunumbat at paniningil ng hirap daw nya sa pagpapalaki sa akin. I was hospitalized recently because of the stress she is causing. She has already removed most of her stuff at home without our knowledge, may mga things kami na naisama nya sa inalis nya sa house. In that subdivision, they do not just allow any household or trucks na maglabas o magpasok ng things without consent or getting a gate pass. However nung time na nagtanggal mom ko ng gamit sa bahay, yung landlady ang tinawagan ng guards and yet she failed to inform us dahil ang balak ko talaga is to be physically present habang nagiimpake at naghahakot sha ng mga gamit nya. But for some reason pati ang owner ng house that we are renting eh medyo nabribe at nabrain wash na rin nya. Can I sue the landlady kaya? Because kahit mother ko pa yung andun, name namin ng husband ko ang nasa contrata at hindi pa tapos ang contrata. She should have informed us and talked to us and not my mother.
Anyway even after matanggal mga things ng mother ko sa house she continued to stay there and allowed my cousins to stay too dahil may mga gamit pa kami doon. So this past weekened, my husband and I decided na kunin na ang mga gamit namin kahit hanggang end of the month pa and contract. I informed the landlady that morning that I was going to get our stuff and that we were on our way… I also texted one of the people staying at my house that we were on our way to get our things. Aba when we got there, they changed pala the padlock of the gate at ayaw kami papasukin kahit anong katok ko. Kaya pinatawag namin yung guard ng subdivision. Tawag ako ng tawag dun sa pinagsabihan ko na papunta na ako at hindi sumasagot. So ang akala ko umalis sila mom ko kasama nung taong tinext ko na papunta na ko para hindi kami magkita… and habang katok ako ng katok we saw someone in the house at ayaw lang talagang buksan. So I called the landlady and told her na kami pa ang ayaw papasukin… eh bahay namin yon, sabi ko kami ang nakakontrata at kung tutuusin sila ang trespassing. Kaya nagpatawag kami ng Baranggay at balak na naming ipasira yung padlock at least may kaharap kami na baranggay. Sa galit ko I texted the person in the house na kapag ako nakapasok sa bahay kakaladkarin ko kako kung sino man ang nasa loob. Tapos nagreply bigla na hintayin daw namin yung may-ari ng bahay… kapal nila nakakagigil. Anyway nauna dumating yung landlady kesa dun sa mga Baranggay tanod.
Nung dumating yung landlady, only then they opened the door and gate, we saw na nasa loob pala silang lahat my cousins, my mom… and the person I was texting… sabi nya pinagsasabihan daw nya mom ko na buksan na ang gate dahil kung titingnan mo sila ang trespassing pinagagalitan daw sha… ayaw daw talaga making ng nanay ko.
Anyway pagkapasok ko sa house, halos mga gamit na lang naming mag-asawa ang nandun. Hindi ko kinausap at tiningnan mom ko basta dumeretso na ko sa loob. Tapos habang nagiimpake kami, the nerve of her na kami pa ang pinababantayan dun sa maid nya kala mo kami pa ang magnanakaw… kaya sinita ko talaga yung katulong nya. And habang naghahakot yung mga kasama ko ng gamit, my mother had the nerve to check pa on the boxes they were taking out at sya pa itong putak ng putak sa gilid. Kainis nga kasi wala nagawa yung baranggay para paalisin sila habang nagaayos kami dahil nanay ko daw yun at magusap daw kami. While I was busy inside the house supervising kung ano ang mga babalutin .. my husband was outside the house talking to the brgy tanod.
Lumabas na lang ako ng house nung pinatawag ako dahil nakiki-sawsaw yung pinsan ko habang kausap ni hubby yung Baranggay tanod. Kaso paglabas ko medyo lumayo na yung pinsan ko… sabi ko nga dapat tinawag nila ako agad at ako ang sisita. Anyway while I was talking to the tanod, hindi tumigil mom ko sa kabubunganga… nung una hindi ko sha pinapansin na nagmomonologue sha in our dialect na ang lakas ng boses. Pero nasagad din ako kaya nung nagsalita against sa mga kasama ko na nangmamata na akala mo sinong napakayaman… sabi ko napakamatapobre nya at sakal na sakal na ko … ayun nagsisigaw sha ng sinagot ko sha kaya nagsigawan na kami dun. She said napakawalang utang na loob ko, RIP daw sa akin, pinagtitirik na nya ko ng kandila, sinusuka at pinagsisihan na binuhay nya ko sa mundo kaya sinabi ko rin hindi ko rin pinangarap na maging magulang sha dahil sa ugali nya na tingin nya sakin property at hindi tao. She she was even shouting about me having sex daw when I was in school, eh di sabi ko at least isa lang pinatulan ko eh sha nga ilan lalake inuuwi nya sa bahay mula ng mamatay dad ko. Susugurin nga ako eh pinigilan lang sha ng tito ko at ng guard. There was an instance din sa pagtatalo namin, she threatened me in front of all those people na nandun, (sis-in-law, 3 bros in law, 2 helpers namin mag-asawa., mga tanod, guard, my cousins and tito, tita)… she said in our dialect na masarap daw tusukin tyan ko. Sabi nga ng tanod sa husband ko, kung may kasama nga lang daw sila na babae from women’s desk baka daw dinampot na nanay ko for making that threat at dinala sya sa presinto.
I know she was trying to provoke my husband nung araw na yun pero tinatawanan lang sha ng husband ko pati mga baranggay tanod natatawa sa kanya kaya lalo nangigil sa galit mom ko sakin. Then piniglan na rin ako nila dahil nga buntis ako baka daw mapano ako. Anyway nung naghahakot kami sabi nung tita ko, sabi daw ng mom ko eh dalhin yung mga binigay nya sa mga apo nya… pero my husband and I decided to leave it … baka singilin pa nya mga anak ko.
Sabi nga ng husband ko dapat pala noon pinadlock na lang namin yung bahay nung wala mom ko at inilabas sa kalsada mga gamit nya. Galit man kami sa kanya, pero tao naming sha trinato at hindi pinagtabuyan sa kalsada. Tapos kami pa ang ginanun nya. People like her do not deserve to be treated with kindness dahil walang saysay.
The day after the incident, I again received a forwarded text galing sa mom ko bringing up the topic tungkol sa pinagkakalat ko daw na mga lalake nya… at least daw sha ang pinupuntahan unlike me na ako daw naghahabol sa lalake at dumadalaw sa bahay. Patunayan ko daw at magbigay ako ng names dahil kung hindi eh ihanda ko na daw sarili ko to give birth sa kulungan kesyo puputulin daw nya kayabangan ko. Aba malay ko sa mga apelyido ng mga yon, alam ko lang mga first name. kung alam ko na ganito pala hahantong relasyon namin mag-ina sana hiningan ko ng biodata lahat ng pinatulan nya.
At ni hindi ko nga kilala mga kapit bahay namin eh para sabihin nya na sha ang sinisiraan. While we were there naghahakot ng gamit, sha pa nga itong nakita namin nakikipagbatian sa mga kapit bahay… in less than two months nagkaron ng kachokaran at kakilala.
Hay nako wala naman ako ipagyayabang kundi ang morals ko na lumaki akong hindi tulad nyang masama ugali.
May question ako, how do I file for a restraining order against her? Dahil alam ko hindi sha titigil hanggang feeling nya hindi sha nakakaganti sa amin mag-asawa.