watch now

Author Topic: Single and separated moms, will you let your child know her dad?  (Read 12439 times)

dainejen

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #20 on: June 09, 2014, 03:06:17 pm »
may ibang guys walang interest na makilala o makita manlang yung anak nila kahit pa payag yung mom.. bakit kaya may ganung tao.

based on my friend's / medyo friend ko lang pala, yung  naging bf nya nabuntis cya with promises of kasal pero ayun buntis palang si girl may ibang gf na si guy.. tumira si girl sa bahay nung lalake -kasama family nung tatay nung anak nya  kahit may ibang gf na pero ayun wala talagang interest yung lalake dun sa bata.

kahit gusto nung mom na makilala nung bata yung father wala din sense kung yung tatay ay di interesado


gharz412

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #21 on: July 24, 2014, 10:28:06 pm »
may ibang guys walang interest na makilala o makita manlang yung anak nila kahit pa payag yung mom.. bakit kaya may ganung tao.

based on my friend's / medyo friend ko lang pala, yung  naging bf nya nabuntis cya with promises of kasal pero ayun buntis palang si girl may ibang gf na si guy.. tumira si girl sa bahay nung lalake -kasama family nung tatay nung anak nya  kahit may ibang gf na pero ayun wala talagang interest yung lalake dun sa bata.

kahit gusto nung mom na makilala nung bata yung father wala din sense kung yung tatay ay di interesado





Korak! kuha mo sis^_^

kvandenhaak

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #22 on: July 25, 2014, 12:52:11 am »
Absolutely! It is the right of the child to know his father, regardless of what kind of a dad he is. Remember, the problem is just between you and the dad. The child has nothing to do with it.

TysLolakins

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #23 on: July 25, 2014, 01:37:59 am »
at some point,  the child will ask who and where he is,  kaya dapat may ready explanation ka na.  make it a point to say you, the mother's, relationship to the father didn't work out.  don't make up any fairy tale scenario so the child will not be disappointed when they finally meet.


if the ex husband/father is a criminal who's a danger to society or mentally deranged,  then no,  tell the child the father has been dead a long time ago.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #24 on: July 25, 2014, 03:04:59 am »
^What if the child wants to visit the grave when he grows up or if later discovered the father's not dead? Then what?

killbill

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #25 on: July 25, 2014, 03:14:45 am »
No. No need.

sistah!

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #26 on: July 25, 2014, 01:59:49 pm »
i like what sis aquacharly said: his failure as a husband/boyfriend/partner does not mean his failure as a father. it is important to remember that.

my cousin has been separated from the dad of her son since she was pregnant. in fairness to him, he put in some work also and was there for the delivery and a few months after. but since they weren't a couple anymore, he had to move on and now he has a new family na. he's been missing out on his monthly financial support  for a while so he hasn't visited or asked to borrow the kid. hindi naman tinago sa kanya yung bata, kaya hindi namin matanggap na hindi man lang nya kamustahin kahit sa telepono. i understand that he's nahihiya but his responsibility go beyond the financial aspect. one time we we're talking about him nga and my nephew quietly piped in "eh daddy ko pa rin naman sya..." broke my heart completely that he knows his dad is a let down but he gets upset when he hears negative things about him. bless his little 4-year old heart.

nixiquita

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #27 on: August 14, 2014, 07:20:06 pm »
^wow grabe sa galit sis ah hehe

donya_dyosa

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #28 on: August 15, 2014, 03:21:06 am »
^oh yeah haha sorry naman... haha..

Kumukulo talaga dugo ko ... haha.. hindi ko naman siya sinumpa pero yung galit ko parang nagpapahirap sa kanya... kung gumawa ako thread ikwento ko sana lahat kaso sa galit ko inerase na ng utak ko details ng lahat..

dainejen

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #29 on: August 18, 2014, 02:04:53 pm »
haha bongga nga ang galit sis.. mabait ka pa nga dahil di mo sya sinumpa, eh ako kahit di ko pinagdaanan yang ganyan umabot ako sa ipinagdadasal ko yung buong pamilya nya araw-araw. napaka sama kasi ng pamilya nya lalo na magulang at mga kapatid. sana talaga mas humaba buhay ng mga magulang at mga kapatid nya na puro may karamdaman,yun talaga term. di ko tuloy malaman kung dapat pa bang makilala ng anak ko yung mga animals hahaha

hindi sinusuportahan ng asawa ko anak namin, sabi ko nalang bawat ninanakaw nila sa anak ko ikakamamatay din nila yun.. pasalamat sya na hanggang ngayon di ko sya kinakasuhan tungkol sa child support. at wala cyang matinong trabaho laging nateterminate

killbill

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #30 on: August 18, 2014, 09:05:47 pm »
Matapos niya itanggi na anak nya, at umabot pa sa mga lawyers. Bakit pa? Saka yung anak ko na din naman ang nagsabi na ayaw niya makilala ever. Kawalan niya yun. Palagi ko na lang iniisip na kung yung mga squatter nga ilan anak nakakaya nila, malamang kayanin ko din since mag isa lang naman siya.

And oh btw, meron akong officemate before na kapitbahay ng hinayupak na tatay ng anak ko. Ayun kwento sa akin patapon na daw. Kaya hinding hindi na talaga.


dainejen

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #31 on: August 19, 2014, 12:30:53 pm »
^karma yata tawag dun..  mukhang totoo yun  :D

chai88

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #32 on: September 12, 2014, 12:09:45 am »
Depende...
Kung responsable naman ang father ng kid/kids, then why not?
Ako kasi nagsama pa kami ng father ng baby ko so nakilala siya ng anak ko. 2 years old na yung baby ko nung tuluyan akong makipaghiwalay.
Anyways may usapan kami. Na dapat hindi niya kalimutan ang responsabilidad niya sa anak niya. Noong magkaroon siya ng work, at first maayos naman... 3k ang hinihingi ko sa kanya every cut off, so that is 6k per month. Then nawalan siya ng trabaho. Na lagi naman nangyayari. Never nang tumagal sa trabaho.
Anyways noong nawalan siya ng work siyempre wala siyang inaabot. Whick okay lang at first kasi nga kaya ko naman e. That time nakikitira ako sa mga kamaganak. So binibisita niya yung bata from time to time. Which okay lang naman, pero ang kinainisan ko talaga yung pagiging iresponsable niya tao/ama. Dumadating sa point na kinakapos ako at hihingan ko siya ng tulong kahit pambili lang ng gatas noon, lagi niyang sinasabi saken na wala siyang magagawa. Wala na daw ba akong ibang paraan. I was like WTF!, ikaw ang last resort ko. Bago kasi ako humingi/tulong sa needs ng anak ko sa kanya, nagawa ko na lahat.
Then, dumating na yung point na umalis na kami ng anak ko sa bahay ng tita ko. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya since nawalan ako ng gana makipag-usap since wala rin naman siyang pakinabang. Hindi siya maasahan sa pangangailangan ng anak niya. Buti sana kung nag-a-ask ako ng sobra. Minsan na nga lang humingi ng tulong at pang-gatas nga lang hinihingi ko, hindi niya pa magawan ng paraan...
So ayun nga, hinayaan niya lang na ganun. Like okay lang naman sa kanya na hindi makita ang anak niya at parang hindi naman big deal sa kanya yun since wala naman siyang initiative like mag ask kung may kailangan ba anak niya like hello? nagga-gagatas at nagdi-diaper pa kaya ang anak niya. Nagkakaroon siya ng work pero hindi siya nagtatagal... 2 months? 3 months? matagal na ang 5 months na stay niya sa company...
Anyways to cut the story short and na OT na ako, sorry hindi ko lang napigilan sarili ko :D Napuno na ako. As in nagalit na ako kasi napaka iresponsable niyang ama. Hindi na nga niya naibibigay yung 6k na sustento na hinihingi ko para sa anak niya tapos kapag nilalapitan ko siya about sa needs ng bata, na sobrang dalang lang, laging sagot wala. Sa sobrang galit ko, lumapit ako sa PAO at nagmediate kami last December 2013. Ang usapan, magbibigay siya ng parang lump sum, to cover the number of months na hindi siya nagbigay ng sustento sa anak niya and inutusan siya ng atty. na dagdagan yung 6k na usapan namin per month. So ang usapan by January 2014 mag start lahat ng usapan. Kaso hindi nangyari. February na siya nag start magbigay ng sustento. Wala naman natupad sa usapan. Yung lump sum nauwi lang din wala. Yung utos na dagdagan yung binibigay niya sa anak niya since mag-aaral na din yung bata at lumalaki na rin ang gastos, hindi rin natupad. Pero ayos lang yun, ang sakin lang naman kaya ako lumapit sa PAO is para maging regular lang yung bigayng sustento niya sa bata. February, maayos siyang nakapagbigay. March naospital ang anak niya, wala siya naibigay. Tinanong pa ako kung bakit daw sa private ko dinala. P*****I** niya talaga. Sorry, nanggigigil talaga ako. Siguro nakapagbigay siya 1k. April totally wala... May, mag-aaral na at magbi-birthday ang anak niya, ni piso wala siyang binigay. Nawalan na naman daw siya ng work. Sa June nalang daw siya makakapagbigay which never happened since September na. Hindi na nagparamdam. Well, okay lang kaya ko naman. Napro-provide ko lahat ng needs ng anak ko. And I was able to send my daughter to a private school.

About sa topic: Kung ganyang ama/lalaki lang din naman, hindi bale nalang na hindi makilala ng anak ko yan. Darating ang time na ipapaliwanang ko sa anak ko lahat. As early as now, pinapaliwanang ko na sa kanya kung bakit galit ako sa ama niya. Opps she's 4 years pala. Para maintindihan din niya yung mga bagay bagay as  early as now. At matuto siya magpahalaga sa mga bagay bagay. Na matuto siyang maging thankful sa mga bagay bagay na meron siya. Lagi kong sinasabi na, hindi ko man nabibigay lahat ng gusto niya pero lahat ng needs niya, meron siya...

eyak

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #33 on: October 10, 2014, 10:13:49 am »
No need na siguro. Matapos nya ko bigyan ng pills para malaglag anak ko, which is never kong naisip.
At murahin, pagsalitaan nila ako ng pamilya nya. I dont think magiging healthy yun para sa bata, knowing na ganun mga ugali nila.

I never ask for any kind of support.

shayne_12

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #34 on: February 12, 2015, 06:59:08 pm »
It depends on the situation. Pero para sakin NO! lalo na nalaman ko na yung intention niya sakin. Buti na lang.

vic219

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #35 on: February 17, 2015, 02:24:42 am »
For me YES kasi darating din yung time na pag nagkaisip na yung bata mag uumpisa ng magtanung, minsan mahirap iwasan, lage ko din sinasabi na kahit na ganun yung nangyari o anuman yung nangyari still father niya pa din yun ;D

ieiky

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #36 on: March 12, 2015, 10:04:54 am »
Ayoko na sana ng kahit anong koneksyon sa tatay ng anak ko. Noon, pinayagan ko siya na dumalaaw sa anak ko. After that, ni hindi na siya nag effort pa. As in, lalo na ngayon na alam niyang nag aaral 'yung bata, WALA!

Siguro pag laki ng anak ko, if he wants, papayag ako. Pero need ko I-open ang mind ng anak ko sa mga dapat niya iexpect sa daddy niya para hindi siya masaktan or hindi na siya mag set ng expectations.

Pinagppray ko na sana my love and my family's love is enough. Ayoko maniwala na nag hahanap ng father figure ang bata eh. He will not look for something na hindi naman niya naranasan or sana kung meron man na ganon, huwag sana dumating 'yung point na 'yun sa anak ko

ms.orange17

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #37 on: March 17, 2015, 10:12:13 pm »
If my chance kami na makita dad niya.. i will allow my daughter.

Question:

1.Kailan ninyo ini-introduce ang family member na Daddy sa anak ninyo?
2.Ok lang ba na sabihin ang Daddy image sa bata kahit di p siya nagtatanong?

slickchick

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #38 on: March 19, 2015, 01:32:29 pm »
^ sa akin sis, since I'm living with my parents, maaga (as in pagkapanganak ko pa lang..  :D) nakita ng son ko yung concept ng dad/father kasi kasama namin lolo nya sa bahay. hindi rin maitatago yun kasi may neighbors kayo na yung usual family setup (i.e. mom, dad, kids). even if you enrol your child in school early (i.e. toddlers class), ituturo sa kanila yun and he/she will see na yung mga classmates nya have both mom/dad. in my opinion, the earlier you introduce the concept of dad/father sa kanya, the better... you just have to be prepared kung magtanong sya where is her own dad.. in my case, my son asked about it when he was about 2 or 3 years old (nakikita nya kasi sa toddlers class nya)... just be honest kung bakit di kayo magkasama ng dad nya - sa son ko, since 2 years old pa lang sya nagtanong, i just told him that time na mommy and papa lagi away, and ayaw ko makita mo na sad or angry kami palagi.. i did not expound on the details kasi di rin naman nya mauunawaan that time... explain mo na lang in a way that is appropriate to her age... hope this helps sis..  :) 

amethyst028

  • Guest
Re: Single and separated moms, will you let your child know her dad?
« Reply #39 on: January 23, 2016, 12:12:48 pm »
in my case my son never asked kung asan ang father niya. i have my youngest brother na tinuring ng anak ko na father figure. my dad is gone na kasi kaya brother ko na lang.

i remember and episode of PBB where nichole daughter of phoemela beranda was asked by kuya kung gusto pa niya makilala or ma meet yung father niya. and the kid answered "hindi na" basta something to that effect. which goes to show na hindi naman lahat ng bata hahanapin ang tatay nila. i guess it depends on the child. and parang sa mga telerserye or movies lang siguro yun talaga na parang big deal.

may mga nababasa rin ako dito sa gt na they were raised by a single mom and hindi na rin nila gusto makilala yung dad nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close