Depende...
Kung responsable naman ang father ng kid/kids, then why not?
Ako kasi nagsama pa kami ng father ng baby ko so nakilala siya ng anak ko. 2 years old na yung baby ko nung tuluyan akong makipaghiwalay.
Anyways may usapan kami. Na dapat hindi niya kalimutan ang responsabilidad niya sa anak niya. Noong magkaroon siya ng work, at first maayos naman... 3k ang hinihingi ko sa kanya every cut off, so that is 6k per month. Then nawalan siya ng trabaho. Na lagi naman nangyayari. Never nang tumagal sa trabaho.
Anyways noong nawalan siya ng work siyempre wala siyang inaabot. Whick okay lang at first kasi nga kaya ko naman e. That time nakikitira ako sa mga kamaganak. So binibisita niya yung bata from time to time. Which okay lang naman, pero ang kinainisan ko talaga yung pagiging iresponsable niya tao/ama. Dumadating sa point na kinakapos ako at hihingan ko siya ng tulong kahit pambili lang ng gatas noon, lagi niyang sinasabi saken na wala siyang magagawa. Wala na daw ba akong ibang paraan. I was like WTF!, ikaw ang last resort ko. Bago kasi ako humingi/tulong sa needs ng anak ko sa kanya, nagawa ko na lahat.
Then, dumating na yung point na umalis na kami ng anak ko sa bahay ng tita ko. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya since nawalan ako ng gana makipag-usap since wala rin naman siyang pakinabang. Hindi siya maasahan sa pangangailangan ng anak niya. Buti sana kung nag-a-ask ako ng sobra. Minsan na nga lang humingi ng tulong at pang-gatas nga lang hinihingi ko, hindi niya pa magawan ng paraan...
So ayun nga, hinayaan niya lang na ganun. Like okay lang naman sa kanya na hindi makita ang anak niya at parang hindi naman big deal sa kanya yun since wala naman siyang initiative like mag ask kung may kailangan ba anak niya like hello? nagga-gagatas at nagdi-diaper pa kaya ang anak niya. Nagkakaroon siya ng work pero hindi siya nagtatagal... 2 months? 3 months? matagal na ang 5 months na stay niya sa company...
Anyways to cut the story short and na OT na ako, sorry hindi ko lang napigilan sarili ko

Napuno na ako. As in nagalit na ako kasi napaka iresponsable niyang ama. Hindi na nga niya naibibigay yung 6k na sustento na hinihingi ko para sa anak niya tapos kapag nilalapitan ko siya about sa needs ng bata, na sobrang dalang lang, laging sagot wala. Sa sobrang galit ko, lumapit ako sa PAO at nagmediate kami last December 2013. Ang usapan, magbibigay siya ng parang lump sum, to cover the number of months na hindi siya nagbigay ng sustento sa anak niya and inutusan siya ng atty. na dagdagan yung 6k na usapan namin per month. So ang usapan by January 2014 mag start lahat ng usapan. Kaso hindi nangyari. February na siya nag start magbigay ng sustento. Wala naman natupad sa usapan. Yung lump sum nauwi lang din wala. Yung utos na dagdagan yung binibigay niya sa anak niya since mag-aaral na din yung bata at lumalaki na rin ang gastos, hindi rin natupad. Pero ayos lang yun, ang sakin lang naman kaya ako lumapit sa PAO is para maging regular lang yung bigayng sustento niya sa bata. February, maayos siyang nakapagbigay. March naospital ang anak niya, wala siya naibigay. Tinanong pa ako kung bakit daw sa private ko dinala. P*****I** niya talaga. Sorry, nanggigigil talaga ako. Siguro nakapagbigay siya 1k. April totally wala... May, mag-aaral na at magbi-birthday ang anak niya, ni piso wala siyang binigay. Nawalan na naman daw siya ng work. Sa June nalang daw siya makakapagbigay which never happened since September na. Hindi na nagparamdam. Well, okay lang kaya ko naman. Napro-provide ko lahat ng needs ng anak ko. And I was able to send my daughter to a private school.
About sa topic: Kung ganyang ama/lalaki lang din naman, hindi bale nalang na hindi makilala ng anak ko yan. Darating ang time na ipapaliwanang ko sa anak ko lahat. As early as now, pinapaliwanang ko na sa kanya kung bakit galit ako sa ama niya. Opps she's 4 years pala. Para maintindihan din niya yung mga bagay bagay as early as now. At matuto siya magpahalaga sa mga bagay bagay. Na matuto siyang maging thankful sa mga bagay bagay na meron siya. Lagi kong sinasabi na, hindi ko man nabibigay lahat ng gusto niya pero lahat ng needs niya, meron siya...