watch now

Author Topic: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?  (Read 8061 times)

virgogirl98

  • Guest
Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« on: April 10, 2013, 04:23:43 pm »
i can't find a thread na kagaya ng topic ko sana, umabot na ako sa kaka-search hanggang 10 page pero wala akong makita.

anyway, mga sisses ano gagawin nyo kung halimbawang me bata na umaway sa anak nyo at nanakit pa sa kanya?

ganito kasi yun. umattend kami ng wedding ng cousin ko last saturday, clubhouse yung reception then katabi ng clubhouse merong playground. eh yung 5 yr old na anak ko di ko naman mapapirmi na nakaupo, eh ako me hawak ng digicam at taga-picture sa mother ko at mga uncles and aunts. samakatwid gusto nya mag-play sa playground kaya pinayagan ko na rin at pinabantayan sa pamangkin ko na teenager. next thing i knew, me umiiyak na pagkalakas lakas at nabosesan ko nga na anak ko. so nagmadali ako na hanapin sya at nakita ko na iyak ng iyak at ayaw magsalita kung ano nangyari sa kanya. alam ko nasaktan sya dahil hindi iiyak ng ganun kalakas yun kung hindi nasaktan. akala ko nahulog sa swing or nadapa, hindi naman daw. i asked my pamangkin, di daw nya nakita at narinig na lang nya na umiiyak at tumatakbo papunta sa akin.

nung mahimasmasan ang anak ko, i asked her again sabi nya me sumabunot sa kanya na bata! so i just kept my composure and sabi ko na lang baka me ginawa ka na kinagalit nya? wala daw, nasa slide lang daw at nasa likod nya yung bata tas sinabunutan daw sya! so naisip ko baka nainip yung bata at gusto na mag-slide kaya nasabunutan sya. pero sabi ko hindi ko to palalagpasin, i mean nobody has the right to hurt my child kahit bata.

so pumunta kami ng playground and sabi ko ituro sa akin yung bata. naku ayaw at parang natatakot so akala ko malaking bata. tinanong ko yung mga batang naglalaro doon kung nakita nila sumabunot sa anak ko at me nagturo nga. naku ang gulat ko pano malaki pa(ng konti) ang anak ko parang siguro isang taon lang agwat nya. pero ni-double check ko pa rin at tinanong ko uli yung anak ko kung yun nga, oo daw. so nilapitan ko , ang nasabi ko lang "bakit ka nananabunot? ang liit liit mo pa maldita ka na!" i don't know if tama ginawa ko pero sobrang nainis kasi na talaga ako eh. so umalis yung bata, sabi ko kung babalik ito at dala dala nya ang nanay nya, sasabihin ko talaga sa nanay yung ginawa ng anak nya. pero nag-antay ako pero di na bumalik yung bata.

di ko na rin sila nakita sa reception so i just let it go. me experience na ba kayong ganito? how did you handle it? pasensya na, napahaba kwento ko. i just want to vent out kasi :)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #1 on: April 10, 2013, 04:51:32 pm »
Wag kang mag alala sis di ka nag iisa.

I'll cite examples ha..

1. May bata mga 10 years old, sinabihan ko na magkulitan sa daan baka madaganan anak ko. So di tumigil, i was with hubby, ayun di nga ako nagkamali nabangga ang anak ko at worst di nagsorry. Si hubby tinulak rin yung bata at sinabi magsumbong pa sya sa tatay nya wala syang paki.. (Natural reaction na siguro yun ng parents)

2. Sa gymboree may maldito na bata na hilig i bully anak ko, aba ang nanay deadma lang. Sa inis ko i asked yung mom nya if di ba nya kaya controllin ang anak nya. Ayun talak ng talak. Sinabihan ko nga na kaya pala ganun asal ng anak nya mana sa kanya. Parehas silang walang modo. Ayun, i requested to have my son transferred to different class with different sched na di ko makikita ang mag inang malditang yun.

3. May babae na for some reason eh kinurot anak ko sa mall dati. Ewan ko kung natutuwa pero yung bata umiyak. Walang sabi sabi, sinipa ko sya. Aba namasa kamay ng anak ko no. Sa admin office kame, sabi nya natutuwa lang daw sya and ako daw OA lang. Sabi ko OA ba na may pasa anak ko sa pagkakatuwa mo... I called my lawyer and sila nag usap...

So there, every parents pagdating sa anak nagiging warrior lalo na nasaktan anak natin and walang kasalanan. So dont worry... Alam ko extreme kame mag react ng partner ko but of course anak namin yun. Gagawin namin lahat maprotektahan lang anak namin. So normal yung sayo. Ang bait mo pa nga eh

Superjoie

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #2 on: April 10, 2013, 04:54:30 pm »
I feel you sis, though di pa ako nanay. :) Ganyan din ang mama ko, mga tita ko at lola ko. Mahirap pigilan yata talaga ang magalit pag anak mo na ang nasaktan even though ang nakasakit ay bata din.

Kung ako naman ang tatanungin, pipilitin ko (ewan ko lang kung sa actual magagawa ko) na hindi magsalita ng masama or pagalitan yung nanakit na bata, bata rin kasi yun eh. Wala pa rin muang. Hahanapin ko siguro yung nanay nya at sa kanya ko sasabihin ang nangyari, sasabihan ko na pagsabihan nya yung anak nya.

stormy

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #3 on: April 10, 2013, 05:08:35 pm »
^i will do the same thing kasi true na bata pa rin yun kahit mali ang ginawa mas mali na patulan ko.

@TS parang sasabog talaga ang dibdib nating mga mommies kapag may d maganda na nangyari sa mga anak natin. Lalo pa e sinaktan ng iba. Ayun nga lang maganda rin na magpakamahinahon tayo kapag bata rin ang involved kasi iba talaga pag bata ang kairingan tayong matanda ang talo. Pero pag adult na umaway sa anak mo pwedeng-pwede na patulan within reason pa rin.

alna

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #4 on: April 10, 2013, 05:32:29 pm »
am also "mapagpatol" sa mga batang maldita... wala pa naman akong experience na pisikal na nananakit sa mga anak ko, pero meron dati yung neighbor namin sinulatan pa ang anak ko na kesyo ang yabang daw ng anak ko. E, my daughter then was only 6 or 7 years old yata and shy type pa. So ang ginawa ko, kinausap ko yung bata na around 8 yrs old na yata, sabi ko bakit mo sinusulatan ang anak ko na mayabang, ano ba ang niyabang nya sa yo? hindi na kumibo yung bata, sinabihan ko na sa susunod na makakita pa ako ng sulat na ganun, kakausapin ko na mama nya.  Ayun tumigil naman.
Recently then, meron din kaming kapitbahay na narinig ko sa may door namin, sinasabi nya at sinusulat din sa papel "kulamin si ___ " yung daughter ko na 6 yrs old din, e sya around 9 yrs old na.  Talagang lumabas ako ng door, at sinabihan ko rin sya " anong sinasabi at sinusulat mong kulamin ang anak ko? (with matching nanlalaki mata yan at galit na gigil na boses), sabi ko pa - "ke bata bata mo e alam mo ba ibig sabihin ng word na kulam? ". Nag sorry naman yung bata, sabay sabi naglalaro lang daw sila ... e di ako nag init pa ulit ulo ko "hindi magandang laro yan, ano ba ginawa sa yo ng anak ko, para isulat mo dyan ssa papel mo na kukulamin ha?", tapos sabi ko "sabihin mo sa nanay mo ha, pinagalitan kita dahil dyan sa sinulat mo ha."
Naghintay naman ako na kausapin ako ng nanay, ready na ko kasi yung batang yun mtagal ko nang napapansin na medyo may pagka terka, minsan nagsusumbong daughter ko na inaaway daw sya at even yung kasama namin sa bahay ganun din ang impression sa bata. Pero di na naman nagpunta sa min ang nanay nung bata.

My husband minsan napapailing sa kin pag nalaman nya yang ganyan - bakit daw pinapatulan ko e, mga bata naman yun. Sa kin naman, e sino magsasabi sa kanila na mali yung ginagawa nila, magulang nila hindi sila masabihan, sa kin kasi mali yun, at kung anak ko mismo ganun, di ko rin palalagpasin na hindi pagalitan yung anak ko.

chofontanilla

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #5 on: April 10, 2013, 05:43:02 pm »
Buti may ganitong thread. Pano kapag ang pumalo sa anak mo eh pinsan niya mismo? As in pamangkin ni hubby? Magkakasama kasi kami dito sa bahay medyo may pagkamaldita mag2 years old palang yung bata baby ko 18 months palang. Minsan pinapalo sa ulo, kinakagat kung saan o kaya kinukurot. Ako naiinis kaso di ko maipakita inis ko. Ano kaya dapat kong gawin?

evilwoman

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #6 on: April 10, 2013, 06:34:14 pm »
Medyo similar ito sa bullying thread. Agree ako kay superjoie and stormy. For sure masakit sa loob na may nananakit sa anak natin but as adults,kailangan asal adult din ang pairalin. Di naman natin gugustuhin na lumaki ang bata na pag may nangaapi sa kanya,aasang to the rescue parati ang parents or baka ma pickup ang kung anumang immature act na pwede magawa pagdefend sa kanila - i know interest ng bata ang inaalagan pero let's keep in mind na minsan iba interpretation nila sa mga bagay-bagay, mga bata kasi tulad ng mga nakakaaway nila. Lastly,imagine nyo if kabaligtaran ang nangyari,gugustuhin nyo bang may adult na mananakot or mambubulyaw sa ginawa ng anak nyo? Kaya for me,best pa din na adult to adult ang usapan. If di nya kayang disiplinahin ang anak nya e di kawawa din dahil kakalakhan ang pangit na ugali. Aminin man or hindi,madaming magulang na pag "pumatol" sa bata e hindi disiplina ang habol kundi makaganti. Some might think na nasasabi ko lang dahil di ko pa naeexperience pero napagdaanan ko na yan. Nephew ng very closr family friend ang nanakit sa anak ko so talagang sa diplomasya namin dinaan kahit gustong gusto kong pitikin ang ilong ng bata nnung oras na yun. :)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #7 on: April 10, 2013, 06:44:39 pm »
Sis chofontanilla, pagsabihan mo yung pamangkin mo but make sure na banggitin mo sa parents ng bata.

@evilwoman, @superjoie, @stormy mga sis minsan tempting patulan rin kasi lalo na super maldita. Pero in my case i make sure na adult kinakausap ko.. Nagkakataon naman hay palaban rin at wala sa lugar rin ang mga mudra ng mga bagets. Kaso sa case ko kasi mga sis, yung pambubully nung bata pinapalagpas ko hanggang 2 besesag naka strike 3 na, usually nilalapitan ko na yung bata ang hinahanap ko yung parents. Parents na kakausapin ko. Bahala na kung mag away kame
« Last Edit: April 10, 2013, 07:40:44 pm by chicafabulosa »

stormy

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #8 on: April 10, 2013, 07:38:51 pm »
^wala naman sis makakapagsabi ano ang mali or tama kasi depende talaga sa sitwasyon. At nakikita ko rin sa mga posts dito na depende rin sa personality ng mga magulang.

Since old school ang kinalakihan ko na pangaral ng magulang ko sa akin ganun rin pamantayan ko. Yun sinabi ni evilwoman kasi lagi ko iniisip pag gusto ko na pumatol - gugustuhin ko ba na patulan rin ng adult ang anak ko if may gawing kapilyahan. Syempre ayaw ko, gusto ko ako ang kausapin.

Kumbaga tama ang golden rule at sinusunod ko talaga.

Dami ko na naexperience na gustong-gusto ko na pumatol, makipag-sagutan, gumawa ng aksyon tulad ng paghabla etc :) pero nagpapalagpas ako lagi ng oras.

Andun kasi yun fact na d talaga ok ibang tao, dapat mag-adjust. Minsan kahit nasa tama ka if magpupumilit ka itama ang lahat, ikaw ang mapapasama. Ikaw ang makakagawa ng masama.

virgogirl98

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #9 on: April 10, 2013, 08:23:54 pm »
Thanks sa mga reply nyo sis! I really appreciate it! Anyway di ko na rin pinursue yung parent kasi kasalan yun supposed to be a happy occassion, ayoko naman mag-create ng scene so i let it be na lang.

Ewan ko ba malapit anak ko sa mga batang binu-bully sya. One time nasa mall kami eh di ba meron dun minsan na piano sa gitna? So yung anak ko naglalaro sa piano, aba naman me biglang sumingit na batang lalake about 8 or 9 yrs old at tinulak ang anak ko sabay sabi "alis nga dyan!" Eh di yung anak ko napaatras! Dun talaga ako na-highblood! Alam nyo ba sis ano sabi ng anak ko? Ang sabi nya sa akin "mommy alis na lang tayo". Naawa naman ako sa anak ko di kinalabit ko yung bata sabi ko "syo ba tong piano? Bakit mo pinapaalis ang anak ko?" Di rin ako pinansin ng bata ang ingay ingay ng pagkalabit nya sa piano keys kaya umalis na lang kami. Wala rin akong nakitang kasama nya di ko alam kung sino kasama nung batang yun. Nakakainis talaga!

khriseeee

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #10 on: April 10, 2013, 08:37:50 pm »
I would definitely wait for the parent of the child and tell them about it - but well within reason too. Kids will be kids, they will take things from one another, call each other names, etc. But if let's say if it's something physical na (hitting, etc) then I will definitely call out the child and tell the parent too. I would never stoop to physically hurt the other child.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #11 on: April 11, 2013, 12:43:42 am »
I was a bully as a kid (actually until in my mid-20s) because I grew up spoiled. Which is why I don't want my daughter to grow up the same way I did, thus I'm teaching her to be polite and cordial. However sometimes, I'm tempted to give in to the thought that maybe I'm teaching my daughter to be too nice. My daughter is kinda spoiled at home too, being that she's an only child but when we go out, she's very behaved and very friendly to other kids. There were times at Gymboree and other play places na some kids would take the toy that she's playing with or would squeeze themselves in front of her in the slide and my daughter would let them without throwing a tantrum. Sometimes I see it as maybe she gives way because she's adjusting to the environment.

She has a temper din naman like there was a time na we were eating out and there was a kid pretending to shoot her from outside the resto. She got upset and said 'go away!'.

I think the point that I'm trying to make is that as parents, we all have that fear that our kids will get bullied or will be a bully. I'm a very short tempered person and when I saw kids taking advantage of my daughter's graciousness, I got really irritated but I never did anything towards the other kids. I really hope that I'd be able to contain myself if an untoward situation happens, and I pray that my husband is also with me should that time come, so that he can reason with me and literally stop me from charging the kid/parent. I will still continue to teach my daughter good behavior but I will also make sure that she has the self-esteem and confidence to not be bullied.

SnowBall

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #12 on: April 12, 2013, 09:50:30 am »
Katuturo ko sa panganay ko na maging mabait, pala kaibigan, huwag manakit, naku ayun, siya ang na bubully! Nakakainis din pag ganun.

8 years old na panganay ko, at while she was growing up, daming instances na sinaktan siya ng ibang bata, ako naman eto ang batayan ko kung
magagalit ako or not once may manakit:

1. Yung edad nung bata, baka kasi too young pa to understand na nananakit siya. Kapag malaki na, naku lagot sa akin to, hahaha.

2. Yung reaction nung parents, may parents na sorry ng sorry, may parents na deadma, so sa deadma parents ako talaga
hina high blood, na hello? Turuan mo naman ng magandang asal ang anak mo, nananakit na eh?


Sa experience ko kasi mga sis, like yung anak ko, may nanakit sa kanya, mga 3 years old siya that time, aba,
next time around yung anak ko na ang nananakit ng ibang bata, it's like nagawa sa kanya, so ang tendency gawin din niya sa iba,
so nung time na yun, mega saway talaga ako, namamalo kasi ako ng anak, so ayun, never na niya inulit, at yun nga,
nasobrahan naman sa bait, at kapag sinaktan ngayon, eh iiyak lang.


Nagbasa ako doon sa bullying thread, and tama yung sinabi doon ng isa nating sis na kung palaging tayo
na lang ang makikipaglaban sa mga bullies nila for them, paano na sila paglaki nila? hindi naman palagi nila
tayong kasama, so dapat matuto silang i-defend ang sarili nila, at i-handle ang mga bullies by themselves, of course
as much as possible, use violence as the last resort.

So sa ngayon, yung 8 yrs old ko, kapag nag sumbong sa akin, hindi na ako nakikialam, sasabihin ko lang sa kanya,
"oh anak, huwag mong gagawin sa iba yun ha, pero dapat you know how to defend and protect yourself, like kung alam mong
bad ang kalaro mo, huwag ka ng makipag laro, umiwas ka na, sabihan mo siya na bad yung ginagawa niya, kapag inulit na lang
isumbong mo sa akin, isusumbong natin sa mommy niya".

Saka depende na din, kung mga kaibigan naman niya, at alam kong away bata lang, yung tipong
magkaaway sila ngayon, bati bukas, naku kibit balikat ko lang yan.

Basta as much as possible, I let her handle the bullies, kasi ganun naman talaga, ang mundo na
ginagalawan natin, hindi lang puro mababait na tao ang makakasalamuha niya, so let's teach our kids to
defend themselves on their own. :)



khayzee

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #13 on: April 12, 2013, 10:34:05 am »
@TS.. i will do the same sis.. ganun talaga pag anak mo e.. baka sabihin ko pa sa bata na tawagin nya nanay nya..

pag ang anak talaga nasaktan, lumalabas ang tapang ng nanay  :)

soumy01

  • Guest
Re: Me umaway at nanakit sa anak mo, what will you do?
« Reply #14 on: April 12, 2013, 11:29:27 am »
ito rin problema ko sa anak ko 4 years old sya, may kapitbahay kami na sobra ang bigat ng kamay kung maglalaro sila end up lagi nasasaktan ang anak ko. nung una pagnasaktan yung anak ko sinasabi ko sa nagaalaga " si ano namalo naman", eh laging ganon kaya mas maigi pa na di siya lumabas  iniwas ko na lang siya kesa magkagulo kami dito sa street namin dahil sa ganyan.  bakit kasi may ganong bata eh kahit wala naman ginagawa sa kanya bigla bigla na lang nananakit.

 tinuruan ko na nga yung anak ko na lumaban na siya, kasi natatakot ako na baka mabully talaga siya kasi mabait siya hindi siya napatol umiiyak na lang siya pag inaway siya (tapos considering pa na may tahi yung lip niya dahil dun sa cleft lip niya baka tuksutuksuhin siya ng mga bata). sabi ko "nak lumaban ka naman pag inaway ka, kaso sagot sa akin" sabi teacher bawal daw , no push back".
sabi ko na lang pagwala si nanay or si teacher wala kang pagsusumbungan, kaya dapat lumaban ka na lang kasi lagi ka nilang aawayin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close