Katuturo ko sa panganay ko na maging mabait, pala kaibigan, huwag manakit, naku ayun, siya ang na bubully! Nakakainis din pag ganun.
8 years old na panganay ko, at while she was growing up, daming instances na sinaktan siya ng ibang bata, ako naman eto ang batayan ko kung
magagalit ako or not once may manakit:
1. Yung edad nung bata, baka kasi too young pa to understand na nananakit siya. Kapag malaki na, naku lagot sa akin to, hahaha.
2. Yung reaction nung parents, may parents na sorry ng sorry, may parents na deadma, so sa deadma parents ako talaga
hina high blood, na hello? Turuan mo naman ng magandang asal ang anak mo, nananakit na eh?
Sa experience ko kasi mga sis, like yung anak ko, may nanakit sa kanya, mga 3 years old siya that time, aba,
next time around yung anak ko na ang nananakit ng ibang bata, it's like nagawa sa kanya, so ang tendency gawin din niya sa iba,
so nung time na yun, mega saway talaga ako, namamalo kasi ako ng anak, so ayun, never na niya inulit, at yun nga,
nasobrahan naman sa bait, at kapag sinaktan ngayon, eh iiyak lang.
Nagbasa ako doon sa bullying thread, and tama yung sinabi doon ng isa nating sis na kung palaging tayo
na lang ang makikipaglaban sa mga bullies nila for them, paano na sila paglaki nila? hindi naman palagi nila
tayong kasama, so dapat matuto silang i-defend ang sarili nila, at i-handle ang mga bullies by themselves, of course
as much as possible, use violence as the last resort.
So sa ngayon, yung 8 yrs old ko, kapag nag sumbong sa akin, hindi na ako nakikialam, sasabihin ko lang sa kanya,
"oh anak, huwag mong gagawin sa iba yun ha, pero dapat you know how to defend and protect yourself, like kung alam mong
bad ang kalaro mo, huwag ka ng makipag laro, umiwas ka na, sabihan mo siya na bad yung ginagawa niya, kapag inulit na lang
isumbong mo sa akin, isusumbong natin sa mommy niya".
Saka depende na din, kung mga kaibigan naman niya, at alam kong away bata lang, yung tipong
magkaaway sila ngayon, bati bukas, naku kibit balikat ko lang yan.
Basta as much as possible, I let her handle the bullies, kasi ganun naman talaga, ang mundo na
ginagalawan natin, hindi lang puro mababait na tao ang makakasalamuha niya, so let's teach our kids to
defend themselves on their own.
