watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69196 times)

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #100 on: November 19, 2015, 05:45:51 pm »
^Dami na kasi ngayon na kabilaan gumastos at magluho tapos bahala na si batman sa susunod.

isa pa yan.. sila yung mangungutang at makikinabang sa inutang tapos pagdating sa bayaran ipapabayad kay batman..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #101 on: December 01, 2015, 04:56:09 am »
kawawa naman si Batman dami ng pinoproblema haha

*****

Dumadami mga kakilala ko na ganito, pero ako nagdadahilan na lang talaga. Ayaw ko magpahiram sa mas maluho pa sa kin.

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #102 on: December 01, 2015, 07:40:45 am »
hay naku sila na nga nangungutang sila pa pupuna sayo. uunahin mo pa daw bumili ng kahit ano kesa pautangin sila. bakit ba may mga taong ganyan?

honeybunny

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #103 on: December 02, 2015, 01:55:52 am »
^true. E ano ngayon kung unahin mo muna yung gusto mo? E pera mo naman yun at gagawin mo kung ano ang gusto mong gawin dun dahil sayo yun. Kung hindi mo sila papautangin, problema na nila yun.  Hay. Speaking of which my aunt texted me few weeks ago, nangungutang pambili daw vitamins. Sabi ko ano vitamins gusto nya ako na lang bibili. Hindi na nagreply. Hahah

Tapos nag text naman kanina ganun din para naman sa sideline Nya. Hays..

lisse

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #104 on: December 02, 2015, 02:34:41 am »
Eto mga opening na kinakabahan ako:
"Hi friend! Musta na? Pwede favor?"
Alam na kasunod!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #105 on: December 02, 2015, 03:11:16 am »
^True sis lalo na yung di mo naman ka-close or matagal na nakausap tapos bigla ka ite-text or pm na nangungumusta, dalang-dala ako dito kung hindi uutang aalukin ka sumali sa networking/pyramid scheme. Kaya ngayon di pa naglilitanya agad sinasabi ko na "Eto nakakausad kahit maraming gastusin" para alam nila agad na wala akong ilalabas.

kolinetongue

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #106 on: December 02, 2015, 01:31:14 pm »
meron na akong template kung paano tumanggi sa mga nangungutang, naka save na sa cellphone ko yun  ;D

or just tell them, "wala", ganun lang kasimple yun. hindi mo na kailangan ng explanations. :P

noveetwenty3

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #107 on: April 06, 2016, 11:14:43 am »
sabihin mo may utang ka rin sa bank na dapat bayaran lol

tealover

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #108 on: May 11, 2016, 03:42:24 pm »
Since this is true, I never fail to mention that I have savings yes, but may pinaglalaanan din ako niyan kaya please make sure that if hihiram, babayaran.

akotobakit

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #109 on: May 14, 2016, 01:13:09 am »
Eto mga opening na kinakabahan ako:
"Hi friend! Musta na? Pwede favor?"
Alam na kasunod!

Hahaha! Totoong totoo 'to.

Napakahirap lalo kapag kamag-anak. Hay naku

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #110 on: May 16, 2016, 06:53:45 pm »
pag ramdam kong mangungutang lang, uunahan ko na.. sasabihin ko buti nag paramdam ka, baka pwede mo naman ako pahiramin ng (insert amount). shocked siguro yun naunahan siya, siyet!

 ;)

lovely_carrot

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #111 on: May 17, 2016, 04:12:44 pm »
Saktong sakto..

This one Engineer here in our sister company, once a week ko lang sya nakikita sa meeting for the past 3 months, I usually send him a copy of the meeting minutes so alam nya email ko. Last month, he came to Phils for vacation. Pagbalik nya dito sa UAE, he sent me an email about something job related then next na reply nya kung pwede daw makahiram ng pera.  :o :o :o

I understand that maybe he's out of options or gipit lang talaga pero I find it odd na manghiram sya e hindi naman kami close at all..

I simple told him that I wish I could help pero allowance lang kako ang natira sa akin this month. Di naman nya kailangan malaman na may savings ako at ayaw ko lang talaga magpahiram..

Its not being a snob and all pero sabi nga when you lend someone any amount of money, make sure its something you can afford to lose (in case di na magkabayaran)




Girltalker2

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #112 on: May 20, 2016, 12:32:30 pm »

^ grabe naman iyan, di mo naman ka close tapos ka officemate pa? Di ba sya nahihiya?

I guess pagdating sa topic na ito, swerte naman ako. Wala naman akong friends na mahilig mangutang. Though I was approached once by an acquaintance, as in kalaro ko lang ng badminton. When I asked her why, and asked her other friends of her background, na offend sya! So hindi na sya nangutang. :))  feeling ko hindi ba makapal nanga mukha nila para mangutang sa Hindi ka close, pag nagtanong ka naman ng details, ma hurt sila?

Oh yung maid ko pala, yun lagi advance. Tapos minus nalang over 3-4 months. In any case, sya lang alam ko hilig mag utang sakin. Friends and relatives, wala.


IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #113 on: May 20, 2016, 02:55:37 pm »
Sisters tanong ko lang, pwede bang magamit ng ibang tao ang credit card ng iba? It happened kasi with my bestfriend. She let our other friend borrow her CC thinking na hindi naman iyon magagamit kasi nga iba ang nakalagay na name and need muna ng signature bago magamit. After a month, bigla nlng may dumating na bill sa kanya 13k, ed di naman talaga niya nagamit ever since yong CC. Now after 2 months naging 16k na ang bill with penalty. Ang problema, hindi na namin ma contact yong friend na nagborrow ng CC. Tanong ko lang, ano pwedeng gawin dito? Pwede bang ipalabas na hindi naman talaga nagamit ng friend ko at iba ang gumamit ng CC?

Nakakasama rin ng loob kasi, nasira yong friendship na ilang taon din inalagaan ng dahil sa UTANG.

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #114 on: May 20, 2016, 10:10:17 pm »
^baka online ginamit?

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #115 on: May 21, 2016, 12:38:59 am »
^^ she should have reported lost card nung nakita nya 13k bill. But now should be fine. Just report it as lost, now lang napansin kamo ng friend mo Yung bill. Hopefully ok lang sa bank. But most likely Hindi, the best thing your friend can do nalang is negotiate to 10-13k with th bank of the bank agrees.

And why would she lend the cc to a friend? Never ever do that

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #116 on: May 21, 2016, 12:46:52 pm »
^baka online ginamit?

Sa bill statement sis sa supermarket siya lahat ng purchase.

Sis Girltalker 2, pwede ba pa ire-port as lost? Ilang months na rin kasi ang lumipas. Pag na-report ba as lost, yong friend ko pa rin ang magbabayad kahit hindi siya ang gumamit? Pwede rin ba na e-report siya na parang ninakaw yong card tapos hindi lang na report?

Naawa kasi yong friend ko. Nasa hospital kasi yong father ng friend eh magkaibigan na kami since college pa kaya ayun nagtrust siya na ok lang. Then nong dumating yong bill, sa supermarket at groceries ang pinag.gamitan and may mga dry goods din sa iba't-ibang araw.

Sisingsisi yong friend ko kasi ngayon wala siyang work and ginigipit siya ng bank. Ewan ko baka maapektuhan rin ang plano niya to work abroad.
« Last Edit: May 21, 2016, 12:49:09 pm by IamMarieLove »

forumera

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #117 on: May 21, 2016, 01:22:37 pm »
Sisters tanong ko lang, pwede bang magamit ng ibang tao ang credit card ng iba? It happened kasi with my bestfriend. She let our other friend borrow her CC thinking na hindi naman iyon magagamit kasi nga iba ang nakalagay na name and need muna ng signature bago magamit. After a month, bigla nlng may dumating na bill sa kanya 13k, ed di naman talaga niya nagamit ever since yong CC. Now after 2 months naging 16k na ang bill with penalty. Ang problema, hindi na namin ma contact yong friend na nagborrow ng CC. Tanong ko lang, ano pwedeng gawin dito? Pwede bang ipalabas na hindi naman talaga nagamit ng friend ko at iba ang gumamit ng CC?

Nakakasama rin ng loob kasi, nasira yong friendship na ilang taon din inalagaan ng dahil sa UTANG.
malabong I-claim ng bestfriend mo sa bank na hindi siya ang gumamit, best to do now is report it as lost as soon as possible, sana BPI ang cc ng friend mo, para pwede niya ipa installment ang 16k, bayaran niya na lang paunti paunti kahit 24 months pa yan, I think BDO can do this too, call the bank na kung pwede installment kasi kung ipipilit niyo na hindi si cc holder ang gumamit, lalaki ng lalaki ang bill hanggat di niyo napapatunayan ongoing ang interest niyan, isa pa pano niyo papatunayan? pwede niyo siguro request yung copy ng slip na may signature kaso baka need pa ng legal chu chu, grabe your other friend, tsk tsk

IamMarieLove

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #118 on: May 21, 2016, 01:34:56 pm »
Iwan ko sis kung pwede sa Metrobank. yun kasi ang CC niya. Hirap din makipagnegotiate sa bank kasi nga walang work yong friend ko at walang income. We tried to contact our other friend na gumamit ng CC pero hindi na talaga namin ma contact. Tapos sa work, sinubukan namin kaso hindi naman ma tyempohan. Ayaw naman namin ipalam sa HR nila at baka maka affect sa work niya at mas lalong hindi pa siya makakabayad pero baka dumating na rin yong point na mag-rereport na talaga sa brgy. officials kasi yong interest lumalaki monthly at never pa talaga nababayaran.

Hindi ko lang talaga maisip sis na may mga tao talagang pwedeng talikuran ang friendship ng dahil sa pera. Kakasama ng loob.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #119 on: May 22, 2016, 08:22:49 am »

^ mukhang nagkausap na ang friend mo at metro bank. So I doubt if she can insist na lost. Pero as far as the bank is concerned, responsibility natin ang cc kasi. Otherwise, just imagine if everyone will deny their purchases, etc

Baka pumayag ang bank sa 13k lang without interest. Pag hinayaan ito ng Friend mo, Baka next time di na sya maka loan or magkaron ng cc.

And tama ipabaranggay nyo yung other friend. Di matyempuhan sa work? Cmon, if that's the case, you need to let the HR know all the more. Parang excuse mo, ayaw nyo ng gulo, but since you need to talk to this person at di mahagilap, perhaps the HR can relay the message at sensitive ang issue. Ipapa barangay nyo yung other friend if she cannot pay the 16k (plus interest pa).

 

Latest Stories

Load More Stories
Close