watch now

Author Topic: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?  (Read 69247 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #80 on: October 16, 2015, 06:11:53 am »
^Mahiyain pa naman ako maningil, katwiran ko kasi alam naman nila obligasyon nila.

Nakakasama lang ng loob na minsan yung pinautang mo nagpopost ng out of town pics or latest acquired stuff/gadgets etc pero yung utang nila ibinaon lang sa limot. May nakaaway ako dahil dito. After a year siningil ko sa 1k na utang dahil nakita ko na nagpost ng tulad ng nabanggit ko. Sabi ba naman sa kin nakilala daw niya pagkatao ko dahil sa 1k. Wala naman ako sinabi masama niremind ko lang utang niya. Biset lang. Ako na nagpahiram nung siningil ko ako pa din masama. Kaya ngayon namimili na ko ng pinahihiram at puro small amount lang.

gwyne21

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #81 on: October 16, 2015, 09:08:05 am »
^the nerve naman nung pinautang mo ng 1k sis... siya pa may ganang magalit e hindi nga nagbabayad ng utang..
may ganyan din akong "friend" na pinautang... 2k nung 2006 pa... nabaon na rin sa limot..
« Last Edit: October 16, 2015, 12:19:03 pm by gwyne21 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #82 on: October 16, 2015, 10:31:27 am »
^ayaw ko sana pahiramin kasi di naman kami super friends pero literal na nagmakaawa at super kulit lagi ako pini-pm kaya pinahiram ko. Tapos di naman tumupad sa usapan. Bumalik din naman sa kanya kasi nanakawan siya ng 12k. May karma nga talaga.

falls_mc141

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #83 on: October 16, 2015, 12:19:18 pm »
^humiram friend ko sakin last july, then sabi niya ibabalik ng Sept. katapusan, eh Oct. na ngayon jusko! nakakadala magpa-utang.

gwyne21

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #84 on: October 16, 2015, 12:24:09 pm »
nakakadala nga... lalo na yung nagpro-promise ng date tapos hindi naman natutuloy magbayad. May isa pa akong pinautang nung sep 2013... sabi magbabayad after 1 month... e lagpas 2 years na, hindi pa rin ako nababayaran...    ???

sa ngayon kapag may umuutang... ang sinasabi ko is may bayarin din kami / budgeted na yung pera namin kaya wala ako spare para ipautang...

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #85 on: October 16, 2015, 12:27:38 pm »
Number 1 rule ko. Kung wala kami extra money hindi pwede magpahiram. Kasi mahirap na pag may emergency, kailangan mo ng pera hindi ka naman basta mababayaran nung nanghiram sayo. Eh di kami pa mamomoblema san kukuha ng pera?

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #86 on: October 18, 2015, 12:38:53 pm »
After a year siningil ko sa 1k na utang dahil nakita ko na nagpost ng tulad ng nabanggit ko. Sabi ba naman sa kin nakilala daw niya pagkatao ko dahil sa 1k.

sis, pautang din ako ng 1k, para makilala ko din pagkatao mo. ahaha!

kadalasan kung sino pa ang may utang sila pa yung madaming sinasabi. kaya yung ibang may utang sa akin, tapos puro paporma ang post sa fb, wala akong kabilib bilib dun. kilala ko pagkatao nila. hehe!

May isa pa akong pinautang nung sep 2013... sabi magbabayad after 1 month... e lagpas 2 years na, hindi pa rin ako nababayaran...    ???

baka naman sis nagkamali ka lang ng dinig? baka ang pagkasabi sayo ng may utang sayo ay magbabayad sya after 1 month AND 3 YEARS..

 ;)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #87 on: October 18, 2015, 01:39:13 pm »
kadalasan kung sino pa ang may utang sila pa yung madaming sinasabi. kaya yung ibang may utang sa akin, tapos puro paporma ang post sa fb, wala akong kabilib bilib dun. kilala ko pagkatao nila. hehe!

Akala niya ata bro mayaman ako at di ko siya sisingilin sa 1k kaya nasabi niya na nakilala niya pagkatao ko. Linaw naman ng usapan namin na utang yun at hindi hingi. Sobrang tagal na pala ng utang na yun, almost 4yrs na hahaha.

Ako napapa-make face with matching roll eyes kapag nakakakita ng post ng mga taong alam ko na paporma lang talaga.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #88 on: October 18, 2015, 02:07:00 pm »
buti pa sa banko sis, kahit papano kung pinasok mo yung 1k na yun, sa loob ng 4 yrs may tubo eh noh?

di kaya kasi naman pagnakikita ka nun may utang sayo ambango bango mo, yung aura mo mukhang yayamanin, blooming in short walking peso sign.... kaya akala talaga mayaman ka at tipong hindi mo alam ang salitang financial problem.

 ;)

pinklilac

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #89 on: October 18, 2015, 02:35:18 pm »
Mahiyain rin ako maningil or hindi nga marunong maningil .
Dami na nakautang sa akin na hindi nabayaran.
Naku!mula nong napunta ako sa ibang bansa dami pm nangungutang.
Now malakas na loob ko mag dahilan. Eto mga sinasabi ko
1.wala akong work dito (kunwari lang)
2.dami nagastos sa pag alis namin..
At tuwing uuwi ako para magbakasyon as in super simple pa rin.laging naka tsinelas,walang alahas at hindi branded mga suot.

At kabilin bilinan ko sa pamilya ko na wag ipa alam na nakakapag work na ako dito.
Kase di ba may mga tao na malakas loob mag ask ng help sa mga nasa abroad?
Tas mataas pa expectation  nila.
At least dahil akala nila  wala ako work kahit paano ok lang magkano maiabot ko.
Unahin ko muna bigyan pamilya ko kesa ibang tao.


three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #90 on: October 18, 2015, 05:48:07 pm »
^ tsaka sis pinklilac, dadami ang kakilala mo/ng kapamilya na lalapit para manghiram pag nalaman working ka abroad.

magandang idea yun ah, walang work sa abroad. TNT pa, nakikipagsapalaran. ahahay...

 ;)

pinklilac

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #91 on: October 19, 2015, 07:39:40 am »
^korek ka sis .dumami tumatawag sa akin ng "friend"
Effective  yang kunwari walang work.
Then natural  pag ganyan ang drama dapat hindi ka mag post ng mga new gadgets, expensive  bags etc. para kapani paniwala.
Eto pa.pala. pag daing nila, dumaing ka rin  haha.
Sinasabi ko dami bills bayarin dito.Kako ang mga tao nag wu work  lang para makabayad ng bills lol

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #92 on: October 19, 2015, 12:56:48 pm »
^ very obvious din yung mga taong ang tagal tagal nyong walang communication o kaya alam naman nila sa sarili nila na hindi talaga kayo close tapos all of a sudden mangangamusta? for me ang impression ko dun, may hihingin pabor toh, kaya pag inintertain mo hindi man sa unang hirit, sa makalawa o makatatlo dun magpapasabog yun ng paghingi ng pabor.. base on my experience lang naman yun, di ko nilalahat.

 ;)

pinklilac

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #93 on: October 19, 2015, 01:12:04 pm »
^naku sis totoo yan. Ilan na nag pm sa akin sa fb na mga taong matagal ko na hindi nakikita  at sa social media na lang ulit nagka tagpo.
Pag nangamusta na bigla ako ninenerbyos lol kase kadalasan alam na ang kasunod. At hindi nga ako nagkamali.

shygirlme

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #94 on: October 19, 2015, 01:15:05 pm »
Pag may nangangamusta sakin na matagal ko na di nakakausap or never ko nakausap, 2 lang ibig sabihin. Nangungutang or magaalok ng networking.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #95 on: October 19, 2015, 01:47:04 pm »
^naku sis totoo yan. Ilan na nag pm sa akin sa fb na mga taong matagal ko na hindi nakikita  at sa social media na lang ulit nagka tagpo.
Pag nangamusta na bigla ako ninenerbyos lol kase kadalasan alam na ang kasunod. At hindi nga ako nagkamali.

naka experienced ka din pala.. di lang nakaka nerbiyos, nakakatrauma pa yung iba. tipong pag hindi mo kasi napahiram ikaw ang lalabas na pinaka masamang tao sa mundo lalo pat lalapit sayo halimbawa manghihiram pang placement o pang medical para makaalis din sila at hindi mo napagbigyan para bang ikaw na ang sumira sa kinabukasan nya. hehe!

Pag may nangangamusta sakin na matagal ko na di nakakausap or never ko nakausap, 2 lang ibig sabihin. Nangungutang or magaalok ng networking.

hehe! networking talaga sis? tama ka rin jan. masaklap jan kung hihiraman ka pang heads lang daw nya sa networking nya.

 ;)

FayeP

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #96 on: November 11, 2015, 02:52:53 am »
naku dito lang eh...may magchachat sa office chat, pahiram 100 pahiram pang lunch, pampamasahe pauwi...ok lang naman din lalo na at di naman malaki...ako kasi nagbebenta ako dito ng food sa office pa-order pa-order ng pack lunches...kaya daily kahit pano may income ako na nasa 400-500 kaya keri mapahiram sila...

pero meron din talagang magchat, pahiram ng pambayad tuition anak nya, pahiram ng pambayad ng kuryente, meron din a day after sahod eh mag aask kun san makakapagloan ng sanla atm...aba! pag ganyan na lagi ko sinasabi na wala eh or wala ako alam at bigla ko sasabihin na ako din problematic hehhe...

lalo na un mga taong nagborrow ng money eh maluho, andun bumili ng pabango sa isa pang officemate namin na halagang 1500 tapos biglang a day after eh magborrow ng pang allowance sakin....

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #97 on: November 19, 2015, 06:37:29 am »
^Naalala ko yung ex-officemate ko, nanghiram ng 500 sa kin kasi kulang daw allowance niya til next payday. After ko pahiramin nakasalubong ko siya bumili pala ng coffee sa starbucks, grabe nangungutang na nga lang nagi-starbucks pa.

three8one

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #98 on: November 19, 2015, 01:39:24 pm »
pero meron din talagang magchat, pahiram ng pambayad tuition anak nya, pahiram ng pambayad ng kuryente, meron din a day after sahod eh mag aask kun san makakapagloan ng sanla atm...aba! pag ganyan na lagi ko sinasabi na wala eh or wala ako alam at bigla ko sasabihin na ako din problematic hehhe...

lumawak masyado sis yung sakop ng extended family mo. hehe!

nakakainis lang kasi sa mga nangungutang, yung mga pang tuition o pambayad ng kuryente hindi dapat sana pinapangutang yan dapat pinaghahandaan yan kasi sa ayaw at sa gusto natin dadating at dadating yan para bayaran natin. hindi naman yan unexpected bill or expenses. yung ipapangutang mo pati yung pambayad sa mga yan it shows lang na may pagka iresponsable ka pagdating sa pagba budget.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Paano Tatanggi Sa Mga Mahilig Umutang/Nangungutang?
« Reply #99 on: November 19, 2015, 04:12:56 pm »
^Dami na kasi ngayon na kabilaan gumastos at magluho tapos bahala na si batman sa susunod. Maski panganganak nga na meron 9mos para paghandaan ipinangungutang pa, to think na super mura lang manganak sa lying-ins.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close