sisses help please.. nakapag back read na ko and may mga iba na rin akong nabasa baout ADHD pero hindi ko pa din ma-conclude kung may sign or symptom ang anak ko ng ADHD. I will post ng mga ugali niya and magpapasalamat po ako sa mga magbibigay ng opinion if you think na possible sya na may ADHD. By the way, my son is 3 years old:
1. Masyado siyang madaldal..kanta pa ng kanta..as in
[textspeak!] "let it go" ng frozen siguro 20 times kong naririnig from 7pm hanggang bago siya matulog w/ interpretation yun ha.
2. Sobrang likot din siya..sampa dito..sampa doon..pero pag pinababa ko naman siya sumusunod naman siya sa akin. pero nakakahiya kasi pag sinasama ko siya sa church, ang kulit kulit..ang likot..maybe mga 10-15mins behave pa siya pero kapag lumampas na sa 15mins...ayun na simula na siya maglikot. samantalang yung mga ibang bata na ka age nya nakaupo lang sila w/ their parents.
3. Kapag humihingi ng dede hindi pwedeng sandali..kasi kapag hindi mo naibigay agad..ulit ulit sya ng "dede na please" hindi mo masabihan na sandali lang ha.
4. Lately kapag pinapagalitan na siya, nakikita ko na deadma na siya lalo na kapag sinisigawan habang sinasabihan...may ugali pa na kapag pinapagalitan, sasabayan ka magsalita na pinapagalitan ka din.one time pa, nagtakip ng tenga nabibingi daw siya. Pero kapag naman pinagsasabihan ko siya na malumanay as in my eye contact, nakikinig naman siya sa akin tapos mag sosorry siya.
5. Nabasa ko yung iba po delayed nakapagsalita mga babies nila na may ADHD..yung anak ko naman sakto lang po sa milestone age nya siya nakapagsalita.
6. Madali siya mag tantrums kapag hindi naibigay ang gusto nya.
7. Napansin ko kapag may bata na nakikipaglaro sa kanya sa bahay...sinasaktan nya...hindi ko alam kung laro sa kanya yun or what. Yung anak ng cousin ko na kalaro nya...bigla na lang pinukpok ng lalagyan ng laruan sa ulo..to think na nananahimik lang yung bata.
8. Infairness naman tumatahimik naman siya kapag nanonood siya ng cartoons or kahit anong palabas na gusto nya. pero madali siya magsawa sa laruan. hindi siya napipirmi sa isang laruan.
9. May ugali din siya na kapag may nakaslubong kami na lolo/lola na kamag anak kapag sinabi ko or ng papa niya na mag-bless ka anak...aayawan mag bless nakakahiya tuloy.
...So far, yan po ang mga attitudes nya na na-observe ko up to this moment.. Please take note na madalas din sabihin ng mother ko na ganyan ganyan din daw naman ako...kaya lang dahil babae ako, madali naman daw ako masabihan. Minsan tuloy feeling ko hindi ako mabuting magulang kasi ang tigas ng ulo ng anak ko..nagmumukha tuloy ako hindi marunong dumisiplina

So if may ma susugesst po kayo na pwede kong gawin...ma-aapreciate ko talaga..thanks in advance.