Author Topic: my mother wants us to move  (Read 9204 times)

PrincessC

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #20 on: March 25, 2013, 08:11:10 pm »
i think aside from your in-laws, you also have to give a deadline to your husband.

i hate to say this but from the moment you got married, ikaw na dapat ang maging priority ng husband mo, not his family.

you have to tell him na it will be better for your health if you stay with your mom. would he rather risk your health and your relationship over the inconvenience of his brother and sister? hindi naman ata tama yun.

kung hindi nya maisip yun, maybe you have to think more seriously about moving on your own...with or without your husband. good luck!

donzski_doinks

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #21 on: March 26, 2013, 07:31:04 am »
mga sis, hindi b magmumukhang masama ugali ko if I will pressure my husband?
hay ang hirap talaga. i don't know which to consider first. my own welfare or my in-laws.  ayokong mag mukhang kontrabida. but I don't want to risk losing my self-respect and confidence. sabi ko nga sa pinsan ko, kung alam ko lang na magiging yaya din pala ang drama ko, e di namasukan nalang ako sa iba.. may suweldo pa. hindi katulad dito na alilang kanin.

Priceless

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #22 on: March 26, 2013, 09:35:07 am »
IMHO, you shouldn't measure your self respect and self worth on the chores that you have to do, for yourself or for other people. Isipin mo nalang, kung nasa ibang bansa ka at nakikitira sa sa bahay ng mga bahay, na wala namang katulong, at ikaw ang walang trabaho na naiiwan sa bahay, hindi ba tama lang na you do the chores bilang contribution mo, tutal hindi ka naman nakaka contribute in any other way? Siguro naisip nila na the extra expenses they incur dahil sa pagtira nyo sa kanila (pagkain, kuryente, tubig, at kung ano ano pa) they could've used it to hire a nanny. And to them its a blessing to them na nandyan kayo kasi may naiiwang mapapagkatiwalaan sa anak nila. Ano naman kung pinaglaba ka - hindi ka ba naglalaba ng sarili nyong mga damit? Malaking kaabalahan ba na isama na ang mga damit nila? Ba't hindi si hubby ang pagawin mo ng chores tutal wala naman syang trabaho din? Don't think kaagad na she's out to take advantage of you - siguro she is expecting na pakikisama at malasakit mo na rin yun dahil family nga kayo.

I also suggest that you read other threads here and in the family section where conflicts arise because one(or more) is not contributing to the expenses of the household and being dependent on the bank of mom/dad/sibling/inlaws. I understand that you are limited by your illness, pero I'm sure there are ways to be productive and to earn your keep pa rin. The last thing you want is that your own mother and your siblings resent you and your hubby in the long term.

donzski_doinks

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #23 on: March 26, 2013, 10:15:33 am »
^i have nothing against doing household chores, fyi. i also have nothing against taking care of the baby. but, for me, not because you put food in my mouth, it means you already have the right to ask me to do this and do that. doing your laundry is not my responsibility as a sister in law. i myself gets sick, have attacks/seizures, but do I expect them to do my laundry? i do not.  do you think it is easy to do laundry of 4 people? my SIL does her and her baby's laundry once a week, imagine kung gaano kadami yun. tapos isasama ko pa laundry namin ni hubby? aba naman.. di ko nga binibigla labahan namin dahil alam ko kung ano lang kapasidad ko bilang may ganito akong kondisyon, tapos ipapasabay mo yung sayo? at hindi ako puwedeng tumutol dahil kapag ginawa ko yun, masama ugali ko at wala akong utang na loob? as i've said, i have nothing against helping out in the house. sabi mo nga, bilang tulong at pakikisama. I do help in my own accord. alam ko kung ano yung dapat kong gawin sa loob nang bahay    as part of the family. pero yung utusan nya ako na gawin ang mga bagay na dpat ikaw gumagawa para sa sarili nya, ibang usapan na yun. hindi ako pinakasalan nang kuya nya para maging utusan nya.

bluewingedangel

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #24 on: March 26, 2013, 10:22:57 am »
sis, may times na dapat sarili din natin ang iniisip natin lalo na kung may health conditions tayo. i for one meron din ako sakit kaya i feel for you.  siguro mas maigi na sa mom mo muna kayo or ikaw pansamantala para magkaroon kayo ni hubby ng breathing room at pursigihin pa nya ang paghahanap na work. pinakaworse na mangyari ay magaway kayo ng hubby mo over other people diba kaya maiging umalis na habang maaga. time to slow down, love yourself.

Priceless

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #25 on: March 26, 2013, 10:52:55 am »
^^Sadly, in your case, since nakikitira at wala kang contribution sa bahay, sa expenses nila, you probably have very little choice but makisama. I know you feel degraded dahil pinapatulong ka nila sa mga household chores nila, pero I don't think naman na ang intensyon nila is to exploit you by doing their labahin for them.  Once a week kamo mag laba, bakit di mo unti-untiin like how you do it sa damit ninyong mag-asawa? Nakatipid pa kayo sa tubig at kuryente.

I've been in your situation before na nakikitira ako sa bahay ng ibang tao, and believe me, hindi lang laba pang apat na tao ang trabaho ko sa bahay na yun. Sometimes, kahit ano pang accomplishments at achievements, pera at ari-arian natin, we find ourselves in a position na we swallow nalang our own pride, kahit masakit, mapait or mahirap.

Suggestion ko nga, ipagawa mo sa asawa mo yung hindi mo kayang gawin. Tutal pareho naman kayong may free time. Malay mo ma-realize ng hubby mo na pati sya hindi nya kaya ang gawaing bahay so sya mismo ang magyayang umalis sa bahay ng sister nya.




althea_ge

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #26 on: March 26, 2013, 11:04:10 am »
sis if I were you, I'd move in to my mom.You're already giving your share by helping them out to take care of their kid. I think doing their laundry is too much given your healt condition.Maybe naisip nila na if they get a  nanny, aside from giving a salary they will of course still spend for the food+ electricity. Unlike you, food lang naman at pagpapatira sa bahay at walang sweldo di ba.So better, go and move out before it becomes late. If your hubby doesn't want to come wit h you, then leave him. Siguro sasama din naman sayo or better start a small business in your mums place.

mslcgrey

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #27 on: March 26, 2013, 11:06:56 am »
^^^ sis, paano ka ba inutusan ng SIL mo? did she say please? also, while you are doing the laundry, ano ginagawa niya?

i can see sis priceless' point na since financially wala kayong naitutulong ng hubby mo sa expenses sa house eh those people na sumasalo ng financial contribution nyo will expect na may gagawin kayo to compensate.

also, siyempre si hubby mo for sure he prefers to be in his own house. he is more comfortable dyan compared siguro sa inyo. if lilipat ba kayo sa house ng mom mo, ano ba plan nyo? ano kapalit ng pagtulong nila sa inyo?

kasi madaling magsabi na tutulong na walang kapalit but in the long run medyo mahirap yan. like may mga kapatid ka ba na sa bahay ng mom mo pa, if nakikita nila na nakatambay lang kayo ng hubby mo sa house while sila nagwo-work eh nakakainis iyon.

totoo naman na nakakababa ng self-esteem na nakatapos ka tapos ganyan lang. but in your case nga, medyo isantabi muna ang pride unless super degrading na ang ginagawa sa inyo like tira-tira lang na pagkain ang kakainin nyo and the likes.

if you really want to move out, then move out.  :)

donzski_doinks

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #28 on: March 26, 2013, 11:12:21 am »
@bluewingedangel, yeah..hirap kapag pati health mo kailangan mo i-take into consideration. mahirap naman i-compromise yung health. lalo na yung epilepsy, kalaban talaga nun ang pagod..

@priceless, you don't understand. kahit unti-untiin ko, it would still mean na madadagdagan ang load ko nang labahan. i do my husband and I's laundry every after 2 days dahil yun lang kapasidad ko bilang isang tao na may epilepsy. at kung idagdag ko labahan nang 2 tao, lalagpas na yun sa kaya i-tolerate nang katawan ko. siguro nga, lagpas pa sa labahan nang apat na tao nilalabhan mo, pero for sure, wala kang epilepsy.

@ mslcgrey, she doesnt saya PLEASE or PAKI. She just say, LABHAN mo yun. while doing the laundry, she's doing DVD marathon or playing Ipad.
« Last Edit: March 26, 2013, 11:20:17 am by donzski_doinks »

evilwoman

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #29 on: March 26, 2013, 11:19:36 am »
^sis that's why she suggested na mister mo ang paglabahin mo. I don't think your problen will end sa paglipat mo sa inyo. Tama ibang sis natin dito,pag nagtagal e pwede pagugatan ng samaan ng loob basta ang pakikitira sa ibang bahay.

donzski_doinks

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #30 on: March 26, 2013, 11:26:44 am »
^I dont think thats possible. most of the time kapag naglalaba ako, kuya nya pinagbabantay nya nang anak nya..she's texting, watching dvd, playing ipad and/or sleeping.

Priceless

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #31 on: March 26, 2013, 11:31:40 am »
^^Sis, I think its not so much your epilepsy that's your issue, but yung feeling mo na nadedegrade ka dahil inuutusan ka ng mas nakababatang kapatid ng asawa mo na magsilbi sa kanila. You could always say na you can only do so much at home dahil sa epilepsy mo pero if you read your posts, it's not just your illness that is preventing you from helping out, its the fact na feeling mo inuubliga ka nila to help out dahil nakikitira at nakikikain ka.

Utusan mo si hubby to do the chores, tutal alam nya kung ano ang kapasidad mo as an epileptic at kapatid naman nya yung naguutos. Palit kayo ng trabaho - ikaw ang magbantay ng bata, sya ang maglaba.

donzski_doinks

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #32 on: March 26, 2013, 11:35:34 am »
^hindi nya (SIL) ipinagkakatiwala sa akin nang matagal yung bata. I overheard her talking to my MIL na she's afraid na baka mabitawan ko yung bata kapag bigla akong nag seizure.

respeto lang naman ang gusto ko. pero siguro nga, dahil sa sitwasyon namin ni hubby ngayon, malabo yun. i just hope may mangyari sa mga job applications ni hubby soon.
anyway thanks sa lahat.
« Last Edit: March 26, 2013, 11:44:21 am by donzski_doinks »

heaven_charm

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #33 on: March 27, 2013, 11:43:41 am »
dont hope he gets a job. set a deadline and dont justify what they are doing to you kung gusto mo talaga help sarili mo. if you cant set a deadline now, then stop complaining kasi your indecisiveness is the one causing your problem. kahit ano advise namin masasayang lang sa taong ayaw tulungan sarili niya

khriseeee

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #34 on: March 28, 2013, 08:54:03 pm »
can you really not work? Even at home? Maybe you can take up an online job.

And yes, set a deadline for your hubby, is he actively looking for work?

evilwoman

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #35 on: March 28, 2013, 09:08:16 pm »
Mahirap din yang aasahan mo na lang  na kumilos ang mister mo.ayaw nga dana mapressure sa paghahanap ng yaya amg kapatid so paano magpupursigi maghanap ng trabaho yan?

Periwinkle25

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #36 on: March 29, 2013, 08:54:15 am »
mahirap nga ang kalagayan mo sis..it would be better if you'd tell your hubby kung anong nafifeel mo and your concerns..para maintindihan niya why you'd want to move out..kung ayaw ni hubby and di mo rin siya maiwan, why not try to think more positive?try mo makipagclose kina mil at sil, gumawa ka ng paraan para ipakita sa kanila na you are willing to do things..pero magsabi ka na di mo kaya yung ibang chores like paglalaba kasi hindi kaya ng condition mo..pag naramdaman nman siguro nila na gusto mong tumulong pero di mo kaya, baka maintindihan ka din.. now, maganda rin suggestions ng iba para self sufficient ka, online jobs would be fine..

Romina

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #37 on: March 30, 2013, 08:26:32 am »
Well if makikitira lang kayo, kahit papano siguro ineexpect nila na tumulong din kayo. I've had my share of people living in my house for free and do nothing all day but sit and eat. I at least expect them to wash their dishes. My thoughts lang ha. And even if you move in with your mom, it's still goin to be the same. Get your own place. May asawa ka na. Wag ka ng umasa sa mom mo. Pinakasalan ka ng husband mo, meaning dapat kaya ka rin yang buhayin at hindi iasa sa iba.

sugar n spice

  • Guest
Re: my mother wants us to move
« Reply #38 on: April 02, 2013, 12:43:31 pm »
wow sis donzski_doinks, you have a choice, yung mom mo na ang nag-offer na lumipat kayo sa kanila. Willing din sila tulungan kayo hanggang makahanap ng work si hubby. Tamang paliwanag lang ang kelangan sa mga in-laws mo para maka-move out na kayo.

Ngayon kung talagang dinadahilan nila ang yaya. Hingi ka ng tulong sa mommy mo na ihanap sila ng pwedeng maging yaya. Yung swelduhan, hindi libre. Kung swelduhang yaya ang nakuha nila, sagot din naman nila ang pabahay, kuryente, tubig, pagkain, etc. Ang siste lang dalawa kano ni hubby na sagot nya, so okay lang naman kasi wala syang gastos sa pasweldo. So, in a way, nagkatulungan lang kayo sa sitwasyon.

And tama si sis Romina,  May obligasyon ang husband mo na buhayin ka ng hundi umaasa sa kikitain ng iba. Fine 36 na sya. Pero may utak sya, buo pa ang katawan nya. Or pwede din kayong mag-isip ng hubby mo ng business na maliit ang puhunan. Summer ngayon, wala bang pwesto sa mga mom mo na pwedeng magtayo ng samalamig, shake, etc? Fishball, squid ball, chicken balls, lahat ng balls. Meron samin sang dipa lang ang lapad ng stand na kung ano ano lang ang tinda, load, tipong tapat lang ng bahay tapos liligpit lang pagkatapos, tapos dagdagan nyo ng kung ano-anong kutkutin. gawa din kayo ng ice candy, yelo, ice pops, etc. Pag may kita na kayo, magbigay kayo ng pangkuryente. Marami bang mga bata sa lugar ng mom mo? subdivison ba? Pag nakaipon na kayo, move-out ulit, this time sarili nyo ng tirahan, apartment, whatever. Kung hindi pwede yang mga yan. Isip pa kayo. Kung hindi ka kuntento sa buhay mo, hindi ang sakit mo o ang edad ng asawa mo ang pipigil sa inyo. If there's a will, there's a way.

Naranasan ko yan. Makitira. Dala ko pa yung mga anak ko at single mom ako non. hindi ko alam kung pano ko nagawang lampasan lahat yon. Dapang dapa talaga ako non. Nilakasan ko lang loob. Ngayon nagwo-work ako, may business, may sarili nakong inuupahang apartment. Marami pa rin akong pinagdadaanang challenges pero atleast alam ko na may ginagawa ako. Ako ang kumokontrol sa buhay ko.

Sana malampasan nyo yan. Kaya nyo yan mag-asawa. Dalawa kayo. Wala kayong iniisip na mga anak. Kayang kaya nyo yan.
« Last Edit: April 02, 2013, 12:49:04 pm by sugar n spice »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close