wow sis donzski_doinks, you have a choice, yung mom mo na ang nag-offer na lumipat kayo sa kanila. Willing din sila tulungan kayo hanggang makahanap ng work si hubby. Tamang paliwanag lang ang kelangan sa mga in-laws mo para maka-move out na kayo.
Ngayon kung talagang dinadahilan nila ang yaya. Hingi ka ng tulong sa mommy mo na ihanap sila ng pwedeng maging yaya. Yung swelduhan, hindi libre. Kung swelduhang yaya ang nakuha nila, sagot din naman nila ang pabahay, kuryente, tubig, pagkain, etc. Ang siste lang dalawa kano ni hubby na sagot nya, so okay lang naman kasi wala syang gastos sa pasweldo. So, in a way, nagkatulungan lang kayo sa sitwasyon.
And tama si sis Romina, May obligasyon ang husband mo na buhayin ka ng hundi umaasa sa kikitain ng iba. Fine 36 na sya. Pero may utak sya, buo pa ang katawan nya. Or pwede din kayong mag-isip ng hubby mo ng business na maliit ang puhunan. Summer ngayon, wala bang pwesto sa mga mom mo na pwedeng magtayo ng samalamig, shake, etc? Fishball, squid ball, chicken balls, lahat ng balls. Meron samin sang dipa lang ang lapad ng stand na kung ano ano lang ang tinda, load, tipong tapat lang ng bahay tapos liligpit lang pagkatapos, tapos dagdagan nyo ng kung ano-anong kutkutin. gawa din kayo ng ice candy, yelo, ice pops, etc. Pag may kita na kayo, magbigay kayo ng pangkuryente. Marami bang mga bata sa lugar ng mom mo? subdivison ba? Pag nakaipon na kayo, move-out ulit, this time sarili nyo ng tirahan, apartment, whatever. Kung hindi pwede yang mga yan. Isip pa kayo. Kung hindi ka kuntento sa buhay mo, hindi ang sakit mo o ang edad ng asawa mo ang pipigil sa inyo. If there's a will, there's a way.
Naranasan ko yan. Makitira. Dala ko pa yung mga anak ko at single mom ako non. hindi ko alam kung pano ko nagawang lampasan lahat yon. Dapang dapa talaga ako non. Nilakasan ko lang loob. Ngayon nagwo-work ako, may business, may sarili nakong inuupahang apartment. Marami pa rin akong pinagdadaanang challenges pero atleast alam ko na may ginagawa ako. Ako ang kumokontrol sa buhay ko.
Sana malampasan nyo yan. Kaya nyo yan mag-asawa. Dalawa kayo. Wala kayong iniisip na mga anak. Kayang kaya nyo yan.