sis thistimearound, have you tried to talk to your husband regarding counseling? Sa gayon, magabayan din ang pagforgive mo sa kanya, samantalang sya, talagang good boy na talaga sya.
Ang hirap nyan, lahat ng inaakala mo eh nasa premise na SANA wala na sila. Eh pano kung meron pa, so lahat eh na invalidate.
I have been in your shoes before, and sa totoo lang, I can feel for you. Nakakaloka iyang situation na iyan. Hindi mo na alam kung anong reality o hindi. Worse pa in my case eh meron pa sila habang tinatago nya at sinasabi na wala na.
Regarding his work, wala talagang compromises, he really has to find another job. Yung ex ko, lumipat ng work. Pero unfortunately, pinagpatuloy parin nila. So in your hubby's case, he has to find work and make sure not to be in touch with the girl na.
@smoothie
Nakakaparanoid talaga mga sis. Sometimes kapag naoopen ko yung topic sa kanya, siya pa ang magagalit and would tell me na sukang suka na siya sa issue and na paulit ulit lang daw kami. Nasasaktan ako kasi inapite of everything he did, hindi niya maintindihan where im coming from.
Hubby ko was not remorseful when I found out. Well he was only when confronted. After nung confrontation, wala na. So everytime ibring up ko, iyan din ang sasabihin nya. Hindi pa ba daw ako nagsawa. Eh hindi ko naman ni-r-raise yung issue everyday eh. Pag nahihirapan lang ako kasi may occasion, tapos wala sya. Or pag late na naman sya ng uwi or pag nawawala sya.
Hindi ko lang talaga maintindihan bakit sasabihin nila na paulit ulit, eh hindi ba sila nga ang nagkasala, tapos sila pa ang matatapang?
Sis, hindi ko sinasabi guilty ang hubby mo. Ang sinasabi ko, that was my hubby's reaction when he was guilty. Ngayon, sana may mga sis dito na magsabi din what is their hubby's reaction kung niraise mo ulit, pero hindi sila guilty. Do they utter the same words?
Salamat mga sissies sa reply niyo. Sana makayanan ko ito. Sana talaga wala ng namamagitan sa kanila
Sis you don't have a choice, kelangan mo kayanin, at least for your baby. Just be patient, lalabas din ang katotohanan. Important now is for you to prepare, kahit ano man mangyari, have a plan. Kung makakapagsave ka from your hubby's earnings, the better. Kung sayo direcho sweldo nya, higpitan mo ang paggastos nya. Just save enough for yourself and for your baby. Tapos consider options narin where will you stay kung sakali you will leave your hubby? Sino mag-aalaga ng baby mo if ever magw work ka? Anong work gusto mo apply-an, etc? Think of all these things nalang, kesa isipin mo kung meron pa sila o wala - na wala rin naman makakasagot sayo ng tanong na iyan, maliban nalang kung kusa silang umamin or kung magpa private investigator ka (which is magastos).
Focus your efforts sa pagpapalakas for your baby. For the meantime, enjoy the moments na muna with your hubby and assume mo muna wala sila. But be prepared. Mag-usap kayo ng madalas how to strengthen your marriage, etc. And most of all, pray. Pray for enlightenment.
If ever naman na nagloloko parin hubby mo, hindi ko naman kasi maintindihan ano pa gusto nila iprove why they stick with their wives kahit na sagad sagad ang panloloko nila? They want to appear responsible at hindi sila nang-iwan? Nakakaimbyerna lang kasi eh. Ex ko ganyan na ganyan. Responsible daw sya at di sya mangiiwan. Naman ginawa naman nyang purgatoryo ang buhay ko by not leaving me, and yet meron syang extra marital affairs. Kaya ako ang umalis.