Author Topic: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?  (Read 186200 times)

Michipot

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #120 on: June 20, 2013, 04:52:09 pm »

SirChief .. ano pang tips.. share mo naman..

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #121 on: June 21, 2013, 09:49:01 am »
The checking of cellphone doesnt work anymore. The smart guys always have a seperate cellphone na tago for their girls. Theres actually no sure way of finding out except have him followed for a week or two. We actually did that for a friend of mine....huli!! With matching videos pa.  ;D

sexydee

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #122 on: June 21, 2013, 04:53:16 pm »
I'd like to know more from this topic.

grace0619

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #123 on: June 21, 2013, 04:59:16 pm »
Siguro kung hindi masyadong family person si mister... Tipong hindi devoted sa pamilya... Baka sign na yun na may kabit sya? O kaya pag laging wala sa bahay? Walang oras para sayo kahit na hindi naman masyadong busy sa office....?

hyeuna03

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #124 on: June 21, 2013, 05:57:27 pm »
He doesn't touch you as much.. ibang iba ang touch ng husband pag mahal ka or walang ibang babae.
Pag walang iba, ma-feel mo yung warmth ng simpleng hawak sa kamay or kahit saang part ng katawan mo.

Pag may ibang babae, parang he'll touch you or hold you para masabi lang na sweet pa din sya like before. wala na yung warmth or sincerity ng touch. and worse, may mga lalaki na ayaw talaga to even sit close or be with their wives na. parang ayaw na makita mga asawa nila.

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #125 on: June 22, 2013, 10:30:03 am »
All of those are suspicions lang....you still need proof if your going to confront your partner. Kasi lahat yun can be denied.  ;D

jamila_19

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #126 on: June 24, 2013, 07:08:41 am »
He doesn't touch you as much.. ibang iba ang touch ng husband pag mahal ka or walang ibang babae.
Pag walang iba, ma-feel mo yung warmth ng simpleng hawak sa kamay or kahit saang part ng katawan mo.

Pag may ibang babae, parang he'll touch you or hold you para masabi lang na sweet pa din sya like before. wala na yung warmth or sincerity ng touch. and worse, may mga lalaki na ayaw talaga to even sit close or be with their wives na. parang ayaw na makita mga asawa nila.

This is TRUE! .... i agree sis! may kakilala ako ganyan ang complain niya sa husband niya and napatunayan niya na may babae nga talaga.  :(

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #127 on: June 24, 2013, 02:30:15 pm »
All of those are suspicions lang....you still need proof if your going to confront your partner. Kasi lahat yun can be denied.  ;D

though sometimes nga may proof na, dinedeny parin.

iamshiela

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #128 on: June 25, 2013, 10:32:42 am »
^korek sis! Dapat talaga sa mga lalakeng yan kina-castrate! :P

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #129 on: June 28, 2013, 10:48:31 am »
Pag may proof na i think its kinda stupid to deny it pa  ;D

mariafatima013

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #130 on: July 03, 2013, 10:43:18 pm »
mararamdaman mo yun, matindi ang pakiramdam ng babae pag may kabit ang mister

jamila_19

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #131 on: July 09, 2013, 05:31:31 am »
korek iyong iba pa nga eh nanaginip eh... at proven na tama nga! hehe!

usanaph

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #132 on: July 09, 2013, 05:44:23 am »
^True! Happened to me.. LDR pa kami that time. At totoo nga! inamin nya din saken eventually..

scornedwife2001

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #133 on: July 09, 2013, 06:03:00 pm »
Sa case ko wala akong napansin sa hubby ko, ang bait sobra never nagtaas ng boses sa 10 years na pagsasama namin. Laging nag tetext, nag eemail pa in between.. pagkakamali ko pinayagan ko sya mag boarding house kasi manila kami naka base and sa laguna ang work nya tapos shifting sked, dun pala nag simula ang kalokohan nya pero wala akong napansin na pag babago... Paano ko nalaman? Mismong yung kabit nya na naanakan nya na pala ang tumawag sa akin di nag pakilala pero galit na galit sya yun pala aside sa kanya meron pang bagong kinakabit ang mabait kong asawa at magkakasama sila sa work until now. Nung araw na tumawag si kabit #1 kasama ni hubby si kabit#2 ang alam ko may work sya complete with text pa kung nasaan na syang banda kunwari on the way sa work yun pala may ka date ang hudas! It happened april last year, nag sorry nag kapatawaran, nangako complete with nakipagharap pa sa akin si kabit#1 na naanakan nya na tapos na sila kaya nga sya nag decide ng isumbong sa akin, in short tinanggap ko ulit. Pero di na ako kampante laging may kaba, minsan feeling ko naloloka na ako... pero iba nga pala ang instinct ng asawa, I prayed hard na sana kung wala o meron pang ginagawa ang asawa ko makakita ako ng sign o ng evidence. May nakita nga akong evidence just last saturday, I was able to open his email sa work nya at dun pala sila nagcocomunicate ni kabit#1. Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa ang sakit sakit. Iniisip ko ngayon na ireport na sila sa HR, mga sisses me action ba na ginagawa ang kumpanya sa mga ganitong case ng imorality?

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #134 on: July 09, 2013, 09:59:25 pm »

^ Normally ayaw nila makialam sa domestic problems.

May mga cases na ako na encounter before, wala naman nagawa ang HR namin. May mga wives pa requesting na yung payroll ng mga asawa nilang may kabit eh i-direct sa account nila, wala din naman kaming magawa.

May laban lang siguro yun wife kung may ginawa ang lalaki at kabit in connivance against the company policy tapos isumbong nya. Pero that way, mawawalan lang naman ng trabaho si lalaki, gusto ba iyan ng wife?  Another thing din sa mga cases where the wife approaches the company or nag iiskandalo sa office, eh mas lalo lang pinag ch-chismisan yung guy, and hanggang dun lang. That is, kung may hiya pa yung guy at yung kabit.

So sis, where is kabit #2 now?  Nagbalikan ulit sila ni kabit #1?  In this intance, grabe na sya. Nagkausap na kayo ng masinsinan, and yet still doing things behind your back, di mo na sya mapagkatiwalaan so I guess there's no point in your marriage.


glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #135 on: July 09, 2013, 10:49:11 pm »
@scornedwife2001

Ang galing mag lead ng double-life ng asawa mo sis, hindi lang yata double-life, triple-life pa.

If you're still going back with him, be wary. Let me edit what Paulo Coelho said, "“What happens once might not happen again. But what happens twice will surely happen a third time -- and a fourth, and a fifth, and an nth time."

I don't think it's living in a boarding house that triggered it, possible na may personal/psychological issues ang husband mo. Yun lang naman ang mga nakakagawa ng mga ganyan eh, multiple infidelities?

If you're really decided to make the marriage work, I suggest, meet a spiritual director together as a couple and have a spiritual renewal, or, meet a psychologist/therapist at nang malaman kung anong issues nya and issues nyo as a couple, mas maganda both na. Gawin mo na lahat.

Then pag wala pa rin, it's your choice na on what kind of life you want to lead. The choice is in your hands. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.




palamig

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #136 on: July 09, 2013, 11:15:24 pm »
Ang sakit naman sa puso ng mga ganitong pangyayari   :'( pamatay

scornedwife2001

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #137 on: July 10, 2013, 03:37:39 pm »
Hi sisses! Mismong sya nagsabi na di triggering factor ang pag boboard nya, I asked him if ako ang may pagkukulang, he said wala syang maisusumbat sa aking bilang asawa at ina ng 3 naming anak. I even came to a point na kinaibigan ko pa si kabit #1 just to know everything and know what kind of a monster I married... I asked her ano ang reklamo ng husband ko sa akin, and she said wala alam mo he loves you so much at ilang instances na daw na magkasama sila pero pag bigla akong natext at nag lambing na sunduin ako sa work iiwanan sya basta. Di lang #1 and #2 ang naging babae nya sa work marami pa daw iba lalo na mga contractuals. Nung napaamin ko sya noon tungkol sa anak nya sa labas, he said siguro daw ang sumpa ng tatay nya napunta sa kanya kasi ganun din ang father in law ko me kabit mula ng bata pa sila hanggang ngayon at ganun din ang routine dadating hindi sa kanila although di nagkaanak sa kabit nya. Sa tingin ko meron talagang problema psychologically ang asawa ko, multiple personality sya, nung lumabas lahat ng kawalang hiyaan nya pati violent side niya lumabas na rin. Nakaya nyang sabay sabay ang mga kabit nya sa iisang work place samantalang alam naman nyang madali lang syang mahuhulin ni kabit#1. Hindi man sila matanggal sa trabaho ang gusto ko lang ay makagawa ng hakbang para hindi naman ako abang aba sa sarili ko at masabi sa mga anak ko paglaki nila na pinaglaban ko ang karapatan naming mag iina. ayoko na ring makisama pa sa kanya kasi natatakot ako para sa mga anak ko di ko na alam kasamaang kaya nyang gawin baka pati mga bata pakialaman nya. Yung kabit #1 nya sa sobrang selos nya noon basta na lang nya ako tinawagan para sabihin anong klasenglalaki daw ang asawa ko, gusto ko maranasan nya ang sakit na pinagdaanan ko, I plan to go to their workplace after that sa bahay ng babae at  ipost kababuyan nila sa facebook page ng company nila. sakit mga sisses grabeng sakit, ngayon ko naiintindihan ang sinasabi ng  MIL ko dati na pakiramdam mo nililibing ka ng buhay kasi di ka makahinga sa sakit na nararamdaman mo. dumating na ako sa point na gusto ko na tapusin buhay ko pero mabuti nagliwanag pa ang isip ko kasi kawawa mga anak ko wala silang aasahan sa babaerong ama nila.
« Last Edit: July 10, 2013, 03:57:20 pm by scornedwife2001 »

evilwoman

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #138 on: July 10, 2013, 09:50:45 pm »
^kung magaway-away ang mga kabit at nagkaroon ng damage sa company property or may nagkasakitan ng todo,posibleng masisante silang lahat.may nabalitaan na ako dati,yung kabit e nanugod with matching paninira ng equipment sa office,ayun tsugi si lalaki at na ban si kabit sa bldg.sarap iuntog sa pader ng mister mo.may sumpa-sumpa pa nalalaman.nageenjoy yan kasi nakakalusot na puro pinagbibigyan ng mga babae nya.feeling hari so syempre nanamnamin na nya.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #139 on: July 10, 2013, 11:16:43 pm »
@scornedwife

"ngayon ko naiintindihan ang sinasabi ng  MIL ko dati na pakiramdam mo nililibing ka ng buhay kasi di ka makahinga sa sakit na nararamdaman mo. dumating na ako sa point na gusto ko na tapusin buhay ko pero mabuti nagliwanag pa ang isip ko kasi kawawa mga anak ko wala silang aasahan sa babaerong ama nila."

Totoo. Naranasan ko rin iyan. Ang description ko pa nga is di lang parang nilibing ka ng buhay kundi, para kang namatayan nang paulit ulit everytime mo maaalala yung mga betrayals nya.

At buti narin you came to your senses. Kasi for me I also went through the same pero tinuloy ko and luckily I survived. But it was really a bad move. Worst thing/mistake a betrayed wife could do. You have 3 kids to take care of, ano nalang mangyayari sa kanila kung mawala ka, baka mapalaki pa sila ng aswang mong asawa nang di mabuti.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close