Author Topic: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?  (Read 186073 times)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #60 on: May 01, 2013, 12:25:17 pm »
^That's sad naman, seems like your husband doesn't respect your feelings. Despite telling him it hurts you, tuloy pa rin sya. Have you asked him if he could ever let that girl go? Kahit may espesyal silang napagsamahan, hindi pa rin tama yung ginagawa nya.

Stalking an ex for me isn't normal. What for? Unless na lang kung may feelings pa rin sya sa girl. At bakit nya kailangang makipag-compete kung sinong mas happy?

Once mo lang ba nalaman yung communication between them nung gf-bf pa lang kayo? O baka naman matagal na silang nag-uusap, hindi mo lang alam.

You want him to stop, but he doesn't want to?







zumba2011

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #61 on: May 01, 2013, 01:41:36 pm »
Hindi ko nga ma-gets yung sinasabi nya eh. pero kasi the girl left him for someone else nung nag states sya. siguro gusto mafeel ni hubby na kawalan nung girl. but still, for me di sya kailangan if happy ka na talaga. its also sad na kailangan ko pa mag investigate to make sure na wala na talaga. nawawala din [textspeak!] trust ko sa kanya. sad kasi 2yrs pa [textspeak!] kami ganito na.

bena

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #62 on: May 01, 2013, 01:44:11 pm »
her relatives and our friends told me...

zumba2011

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #63 on: May 04, 2013, 07:35:03 pm »
Hi im back. question. do you think it would be okay to tell my husband's mom about it? Objective is not to sumbong but to get her insights and malay mo mapagsabihan nya anak nya. actually mahirap for me kasi wala akong mapagsabihan kasi ayoko masira ang tingin nila kay hubby. buti nalang i saw this thread at leat na release ko somehow. what do you think?

heaven_charm

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #64 on: May 05, 2013, 07:12:23 am »
@zumba2011, i think its okay if ayaw niya makinig sayo. anyway, family ka nadin naman nila eh. times like this i think we really need whatever resources we have :P

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #65 on: May 06, 2013, 02:38:11 pm »
ako tumigil na rin ako sa pag iimbistiga nakakapagod tapos wala naman ako makita na babae.. nagpalit kami ng number ni hubby kase yung plan ko temporary suspended kaya sakanya muna yun ako nalang ang tatawag .. wala naman sakanya ngttxt ..

Perhaps kung mag bf/gf palang kami at di kami kasal, iiwan ko iyan oras na may duda ako. Mas nakakapagod kaya mag imbistiga kesa maghanap ng bagong bf.

Kaso ang problema kung mag-asawa na kayo,  hanggang saan ang pasensya mo.  Hanggang saan mo kaya mag imbistiga?  Paano na ang pagsasama at wala ka nang trust sa kanya?  Tapos sya patago tago lagi? Hindi ba parang hell na pagsasama naman iyan?  Hindi ka masaya kasi you don't trust him. Sya naman hindi rin masaya at feeling laging may body guard.  Paano?




zumba2011

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #66 on: May 06, 2013, 05:44:06 pm »
Same thoughts here..

beijhing

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #67 on: May 08, 2013, 12:27:12 pm »
mga sis baka may kilala naman kayo private investigator, desperado na ko  :'(

Princess_Chill

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #68 on: May 08, 2013, 01:09:12 pm »
sis nakapag imbestiga ka na ba on your own? wala ka nahuli?

beijhing

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #69 on: May 08, 2013, 03:12:59 pm »
yes i have, oo wala ko nahuli. sabi ng mga katrabaho nila naglay-low daw sila. pero malakas ang kutob ko na babalik sila sa dating gawi kaya tinatatagan ko ang sarili kong ipakita lang ang normal sa asawa ko.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #70 on: May 10, 2013, 10:05:04 am »
I wonder kung magkano ang usual rates sa pinas ng PI? May mga businesses sa net,  meron pa ngang nag specialize sa spousal surveillance, pero walang rate. Pero nakadepende din daw sa lugar.

Hirap ding ang lakas na ng kabog ng instinct mo, pero wala kang solid evidences. Parang nakakapraning. Parang pinaka easiest way na talaga mag hire ng PI para mapadali yung ordeal mo kung ano ba talaga.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #71 on: May 10, 2013, 10:19:19 am »
^ it's expensive!  10 years ago, I hired a PI. Parang unang down palang to know the address, number of the mistress, P10-P15k na agad eh. Tapos tuwing surveillance (at mailap si ex), parang P5k per day.

« Last Edit: May 10, 2013, 10:54:57 am by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #72 on: May 10, 2013, 10:38:37 am »
Ang mahal ng address at number ni mistress ah, 10-15k at 10 years ago pa yan. My gulay... Iba pa pala ang per day...

Buti umamin din yung ex mo sis, I read horrible stories kasi. May wife na kumuha ng video copy ng mister at mistress while going in and out of the motel. Nung nakita nung husband, nagtanong, "how did you do that?" sabi ng wife, "do what?" husband replied, "Put me in that video." LOL. May sayad na siguro for suree yun.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #73 on: May 10, 2013, 10:54:13 am »
^ sis, tsaka proof din ng phone bills ni hubby, etc.  dito ko nalaman na may anak sila.

pero alam mo feeling ko hindi sya worth it. unless marami kang money to spare. kasi bawat alam mo na fact, you would still want to dig in. itatanong pa nila, you want to know pa. mga ganun ba. so parang ikaw naman hindi mapakali, might end up spending a lot more! 

sabi ko nga in my previous posts, kung nalaman mo, ano naman ang magagawa mo?
hindi karin makatulog, at torture yun sa kakaisip kung ano pa ang hindi mo alam.
iconfront mo man si hubby, kung deny to death, mas lalo pa syang magiging careful. mas lalo din kayong mag aaway.
tapos kung umamin, ano yun, magpapaka martyr ka and just accept it?  or pack your bags and leave?  are you ready to leave?   


« Last Edit: May 10, 2013, 10:57:39 am by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #74 on: May 10, 2013, 12:23:06 pm »
Dun sa therapy book on infidelity na binabasa ko, the therapist said na most betrayed spouse goes through that digging for more info. Na tipong pag-tatagpi tagpiin mo rin yung memories mo, kung anong nangyari nung ganito, anong ginawa mo ng time na yun, at yung ginawa nya na iba yung sinabi nya sayo.

It sounds favorable sa PI dahil it means additional income.

But for those who are willing to reconcile, part ng healing na sagutin lahat ng wayward spouse lahat ng tanong ng betrayed spouse. It's a long, tedious and painful process. I can't imagine the agony of discovering more lies. But transparency is the way to go kung gustong magwork ang marriage ulit.

I remember you posting about the four situations a betrayed spouse must prepare for:

1. if he'll ask for forgiveness and want to stay with you
2. if he'll continue to deny despite obvious proof.
3. if he'll choose the other person
4. fourgot the last one

Those were discussed too, it's a matter of knowing din when to let go and move on. I believe na makakatulong din na ma-confirm yung mga hinala mo at ang instinct mo, na malaman mo hindi ka nababaliw lang. And then from there, you can think of where to go next, what to do next.

Girltalker2

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #75 on: May 11, 2013, 01:16:06 am »

^ sis, the last one kung tama pagkaalala ko, could be...

4. this is me, take it or leave it.  he is not choosing anyone and he wants both!  so bahala ka kung magwalk out ka o hindi.

and another worse case is....

5. he will ask for forgiveness, stay with you and ONLY pretend to end the extra marital affair, pero actually hindi nya tinigil.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #76 on: May 11, 2013, 10:11:44 am »
^yeah, I think the fifth one is the worst case.

I think sa infidelity it's not the cheating itself (or attaching yourself to someone else) that hurts the most but the deception and lies. And sa fifth case eh, you multiplied the deception.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #77 on: May 11, 2013, 11:23:08 am »
sis glam and gt2

dami ko natutunan sa inyo...agree ako sa mga sinabi ninyo na you'll dig deeper pero in the end ano?
any other way tayo parin ang lugi at nasasaktan...

i can say now naman na hindi nambababae asawa ko pero pag ako nalagay sa ganyan situasyon hindi ko din alam saan ako lalagay..

they say that "what you don't know won't hurt you" pero mas masakit pag may nalaman ka na...

ang hirap talaga maging babae noh?

beijhing

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #78 on: May 11, 2013, 11:29:22 am »
sobrang hirap na hirap na kasi talaga ko mga sis. i've confronted him several times pero wala naman ako nakuha. mismong mga katrabaho nya na nagtetext sa kin pero stick pa rin sya sa story nya na maraming tsismosa sa trabaho. someone na nakasama nila sa inuman contacted me na rin pero anong gagawin ko sa mga sabi-sabing nakikita at text lang kung ayaw talaga umamin ni hubby. ayaw rin naman ako suportahan ng mga kumokontak sa kin, simply because ayaw nila madamay. i feel so alone sa laban ko na to.  i wanted to get proof, recent and solid proof that something's going on between them para matahimik na ko. i know i love my husband so much na kaya ko sya patawarin, sobrang martyr but i know ganon ang gagawin ko. 

may nag-quote sa kin 60000 daw deposit. pag may natira babalik nila sa kin, pag kulang hihingi sila uli. lalo kong nalungkot  :'( :'( :'(

Princess_Chill

  • Guest
Re: Paano mo mahuhuli na may KABIT si Mister?
« Reply #79 on: May 11, 2013, 11:41:57 am »
sis..ask ko lang ah...

ano gagawin mo pag umamin si hubby mo? or pag nakakuha ka ng solid proof? hihiwlayan mo ba siya? mananahimik nalang kasi alam mo totoo?

mas matatahimik ka ba ng ganoon?

so sa PI will you waste 60k for that? sabi mo may nagtetext sa iyo mga ka office niya pero ayaw ka suporthan e bakit pa sila nag tetext sa iyo
kung hindi ka naman nila matulungan? di kaya may underlying motive mga iyon?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close