pwede po ba humingi ng advice? paano po ba para di maka-feel ng selos? nature ko na yung pagka-selosa pero i want to fight it without manipulating my bf. 6 years na kami. nag break kami for 5 months and nagkabalikan ulit. ldr din kami pero nasa pilipinas lang. med student siya, ako naman working na as a college instructor and magma-masters na din this year.
yung concern ko lang naman is very sociable siya kahit sa girls. sabi niya wala naman daw siyang gawing masama kaya dapat pagkatiwalaan ko siya. he is very kind kasi and responsible and very safe i-friend ng girls kaya madami siya friends na girls din. selosa ako e sobra but i'm trying to fight this.
worried lang ako kasi 3rd year pa lang siya as a med student, pano pag intern na? super busy na nun. paano kung may girls na maging super close niya at ma-develop sila?
i trust him naman e. pero yun meron lang din ako worries. huhu
Hi sis, share ko lang. Ganyan din ako as in supeeeeeer selosa. Kahit na tomboy na co-worker ni bf eh pinagseselosan ko. hehe. Tomboy na pa-girl, ganern, pero may mga girlfriends din (Dalawa kasi yung tomboy niyang co-worker). Kahit yung mga close friends niya sa province pinagseselosan ko. Once na may mabasa akong girl na naka-phone book sa contact niya, ay bes, inaaway ko. hahaha. Ayun nabadtrip siya sakin, nakipaghiwalay. hehe. Pero nung mga panahon na hiwalay kami sabi niya sakin na babalik siya, ayusin ko lang daw ugali ko. Kaso hindi ko talaga nabago, hirap eh. Palagi ko binabalik-balikan yung mga issues ko sa mga friends niyang girls. up until this June, I started attending church again, binuhos ko atensyon ko dun habang break pa kami ni bf pero super miss ko siya, umiiyak parin ako ganun pero pinagpaubaya ko kay Lord lahat. hehe. Nanghingi ako sa kanya ng guidance na mabawasan yung ganitong ugali ko. Pero alam ko naman na kahit magwawala ako sa church namin at humingi ng himala kay Lord na baguhin ugali ko eh walang mangyayari kung ako mismo hindi ko aausin sarili ko

So ayun, nung June 19, nag-usap kami ni bf, inayos namin. Alam mo before, araw-araw kami magkaaway kahit petty things,pero as of now, hindi pa kami nag-aaway ulit

(wag na sana haha) Ginawa ko? focus on myself. Oo nga't mag bf/gf kami pero kahit mag-asawa diba may kanya-kanya paring buhay. Hinahayaan ko siya na gawin gusto niya while I'm focusing on myself. Oo, umikot ang mundo ko sa kanya before pero ngayon unti-unti napag-aaralan ko na gumawa ng sarili kong mundo

Kinaibigan ko yung kaibigan niya sa province na pinagseselosan ko, and we're doing fine. we will meet nga next week and I'm excited hehe Yung sa mga co-worker niyang girls, di ko pa nakakausap pero wala naman ako dapat patunayan sa kanila, I want them to see na nagbabago na ko, ayokong sabihin na "uy nagbago nako, di ko na kayo pinagseselosan", hayaan ko nalang nasila yung makapansin

Kapag sinusumpong akong ka-negahan ko sa buhay, iniisip ko lang si Lord, ewan ko pero gumagaan loob ko. Saka sa ngayon talaga, nag-improve kami ni bf. Nakakatuwa na kapag gigising ako sa umaga, meron akong messages from him liken "kasakay na ko jeep babe.", "kababa na po, kakain lang po", "Tapos na kumain babe. Pahinga lang tas tulog. ikaw sleep well, goodnight,iloveyou" hehe. Hindi ko yun hinihingi sa kanya yunha. Pero siguro yun na rin yung way niya para sabihin na magtiwala ka sakin updated ka. hahaha.