Hingi lang ng opinyon, kasi ilang araw na rin ako umiiyak, napapagod na rin ako.
Ako kasi bilang babae, para sa akin hindi tama at magandang tingnan na ang babae nakikitulog sa bahay ng lalaki, lalo na at di pa kayo kasal. Di ko alam kung normal na ba talaga ngayon yun at acceptable na sya, sobrang old fashion ko na ba dahil sa pananaw kong ganun.
Eto kasi yun naging prob, yung gf ng kapatid ko nagsleepover sa bahay. Okay lang naman sa akin na bumisita sya dun, etc, pero yung tipong dun na rin nakikiligo sa bahay, paikot ikot sa bahay na parang at home na at home sya, nakakainis lalo na at di naman talaga namin sya kilala, other than being the gf. Nagulat na lang ako isang umaga pag gising ko with matching muta at magulong buhok na me babae ng lumabas sa kwarto ng kapatid ko, at biglang sabay na ate, gf ko. Sinabi ko na kay ma na sana sabihan naman, pero sabi ni ma normal lang daw yun, sabi ko, so ok lang kung ako magdala ng lalaki sa bahay tapos dito matutulog? sabi nya di daw kasi kami ganun, iba raw sila, basta nainis sakin ayaw ako kausapin. Medyo tiis tiis na lang kasi syempre bahay naman yun ng parents ko, minsan 1 or 2 days andun. Pero this time, galing ibang bansa, so ang plano pala 1 linggo andito sa bahay. Di ko na idetalye yung nangyari sa haus kasi hahaba na talaga ito. Dun na ako napuno at talagang dinedema ko na lang throughout the week na sana man lang makaramdam. Dedma na nga rin dati pa actually nun nagstay sya pero, mukhang wala ata sya pakialam talaga kasi si ma parang tuwang tuwa sa kanya. Nun last day na aalis na, sinabi ko kay ma, na sana pagsabihan naman na wag ganun. Kaso ang nangyari, minasama ni ma yun sinabi ko at napunta na yung issue sa iba, etc na di naman related. Kinumpara na sa ibang tao, etc. Ayaw na lang din nya daw kausapin kasi mastress sya kaya hayaan na lang. Ang hirap kasi ayaw kami pakinggan ni ma, laging dinedefend nya yung gf kahit na wala naman talaga sya alam dun sa gf literally.
Sinabi na rin namin sa tatay namin na wala sa haus regarding doon at sabi naman nya kakausapin nga daw nya pag-uwi nya. Pag andito kasi sa bahay ang tatay ko, di nagpapakita yung gf kasi strict daw tatay ko, pero dahil wala at parang wala [textspeak!] problema na ganun sa nanay ko, tuloy lang. Nagsumbong rin si ma na umiiyak at eto dumating sa point sinabi namin na kung ok lang pala as kanila na ganun tatanggapin na namin. Tapos ewan ko kung bakit nagalit na rin sa amin ang tatay ko, kung galit daw kami sa nanay ko, magalit na rin sa kanya. Sinabi lang naman namin na pagsabihan pero parang di ata pede pagsabihan yung lalaki kong kapatid kasi dahil dun galit na galit na sila sa akin. Ansakit ng mga sinabi ng tatay ko, ayaw na daw nya kami makita kahit umuwi sya.
Ang nakakasama ng loob, buong buhay ko di ako naging maluhong anak, ginawa ko naman lahat para tulungan sila. Sakit sa ulo sa school, bf, pagbubuntis, bisyo, wala. Di nga rin ako galang tao, madalas nasa bahay lang ako. Samantalang yung kapatid ko, nasa kanya na lahat, kotse, bagong phone, computer, gadgets, basta me bibilhin sya hihingi lang sya lagi ng pera sa parents ko ok langc. Kahit makasanggi pa sya ng sasakyan dahil sa init ng ulo at yabang nya, di pa rin sya sinermunan na mali sya, at marami pang iba. Hindi rin ako galit sa kapatid ko, kasi kahit ano pa man mangyari kapatid ko sya kaso minsan parang unfair naman. Parang bakit lahat [textspeak!] ibigay sa kanya. Ang hinihingi lang naman namin sabihan sya pero parang bumaligtad ang mundo at ang tingin sa akin ng magulang ko, ako sumira ng pamilya namin kaya nagkaaway away at wala na siyang pakialam sa amin. Bakit parang ang dali naman niya kami itakwil?
Sorry napahaba, di ko na rin lam kung pano i-deal ang ganitong bagay. Masama na ba akong anak dahil dun?