watch now

Author Topic: family rift dahil sa paniniwala mo..  (Read 5371 times)

alcien

  • Guest
family rift dahil sa paniniwala mo..
« on: February 19, 2013, 02:52:12 am »
Hingi lang ng opinyon, kasi ilang araw na rin ako umiiyak, napapagod na rin ako.

Ako kasi bilang babae, para sa akin hindi tama at magandang tingnan na ang babae nakikitulog sa bahay ng lalaki, lalo na at di pa kayo kasal. Di ko alam kung normal na ba talaga ngayon yun at acceptable na sya, sobrang old fashion ko na ba dahil sa pananaw kong ganun.

Eto kasi yun naging prob, yung gf ng kapatid ko nagsleepover sa bahay. Okay lang naman sa akin na bumisita sya dun, etc, pero yung tipong dun na rin nakikiligo sa bahay, paikot ikot sa bahay na parang at home na at home sya, nakakainis lalo na at di naman talaga namin sya kilala, other than being the gf. Nagulat na lang ako isang umaga pag gising ko with matching muta at magulong buhok na me babae ng lumabas sa kwarto ng kapatid ko, at biglang sabay na ate, gf ko. Sinabi ko na kay ma na sana sabihan naman, pero sabi ni ma normal lang daw yun, sabi ko, so ok lang kung ako magdala ng lalaki sa bahay tapos dito matutulog? sabi nya di daw kasi kami ganun, iba raw sila, basta nainis sakin ayaw ako kausapin. Medyo tiis tiis na lang kasi syempre bahay naman yun ng parents ko, minsan 1 or 2 days andun. Pero this time, galing ibang bansa, so ang plano pala 1 linggo andito sa bahay. Di ko na idetalye yung nangyari sa haus kasi hahaba na talaga ito. Dun na ako napuno at talagang dinedema ko na lang throughout the week na sana man lang makaramdam. Dedma na nga rin dati pa actually nun nagstay sya pero, mukhang wala ata sya pakialam talaga kasi si ma parang tuwang tuwa sa kanya. Nun last day na aalis na, sinabi ko kay ma, na sana pagsabihan naman na wag ganun. Kaso ang nangyari, minasama ni ma yun sinabi ko at napunta na yung issue sa iba, etc na di naman related. Kinumpara na sa ibang tao, etc. Ayaw na lang din nya daw kausapin kasi mastress sya kaya hayaan na lang. Ang hirap kasi ayaw kami pakinggan ni ma,  laging dinedefend nya yung gf kahit na wala naman talaga sya alam dun sa gf literally.

Sinabi na rin namin sa tatay namin na wala sa haus regarding doon at sabi naman nya kakausapin nga daw nya pag-uwi nya. Pag andito kasi sa bahay ang tatay ko, di nagpapakita yung gf kasi strict daw tatay ko, pero dahil wala at parang wala [textspeak!] problema na ganun sa nanay ko, tuloy lang. Nagsumbong rin si ma na umiiyak at eto dumating sa point sinabi namin na kung ok lang pala as kanila na ganun tatanggapin na namin. Tapos ewan ko kung bakit nagalit na rin sa amin ang tatay ko, kung galit daw kami sa nanay ko, magalit na rin sa kanya. Sinabi lang naman namin na pagsabihan pero parang di ata pede pagsabihan yung lalaki kong kapatid kasi dahil dun galit na galit na sila sa akin. Ansakit ng mga sinabi ng tatay ko, ayaw na daw nya kami makita kahit umuwi sya.

Ang nakakasama ng loob, buong buhay ko di ako naging maluhong anak, ginawa ko naman lahat para tulungan sila. Sakit sa ulo sa school, bf, pagbubuntis, bisyo, wala. Di nga rin ako galang tao, madalas nasa bahay lang ako. Samantalang yung kapatid ko, nasa kanya na lahat, kotse, bagong phone, computer, gadgets, basta me bibilhin sya hihingi lang sya lagi ng pera sa parents ko ok langc. Kahit makasanggi pa sya ng sasakyan dahil sa init ng ulo at yabang nya, di pa rin sya sinermunan na mali sya, at marami pang iba. Hindi rin ako galit sa kapatid ko, kasi kahit ano pa man mangyari kapatid ko sya kaso minsan parang unfair naman. Parang bakit lahat [textspeak!] ibigay sa kanya. Ang hinihingi lang naman namin sabihan sya pero parang bumaligtad ang mundo at ang tingin sa akin ng magulang ko, ako sumira ng pamilya namin kaya nagkaaway away at wala na siyang pakialam sa amin. Bakit parang ang dali naman niya kami itakwil?

Sorry napahaba, di ko na rin lam kung pano i-deal ang ganitong bagay. Masama na ba akong anak dahil dun?

 


chicafabulosa

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #1 on: February 19, 2013, 03:04:25 am »
Sis I think normal sa ibang liberated na parents na dun patulugin yung babae sa bahay nila. Sa,e dilemma tayo before. Yung ex gf ni BIL ko naman at home na at hime sa house. To the extent na pati nanay eh naghahatid na nag damit nya dun sa bahay ng BIL ko. Why? Si ply because big fish sakali bro in law ko. Same tayo ayos lang din sa MIL but si hubby ayaw. So to make it short wala ng incentives si BIL. hehe ayaw namin dun sa girl. MIL ko lang nagkukunsinti.

But for me, ayoko rin natutulog ang babae sa bahay ng lalaki. nakakahiya kasi. Lalo na kung di pa okay sao lahat ng buong family double double nakakahiya di ba.

Ganyan talaga sis normal na minsan kasi naiinis ka sa tao kahit di mo pa nakikilala totally. But of course, since mukhang fave yung brother mo, you cant do anything. Deadma ka na lang. And try not make any comment. Pag andyan, wag ka na lang lumabas ng room mo. Mai stress lang ang sarili mo. Then kung may mabuntis kapatid nyo, deadma ka lang.. At least sakali hingin advice mo you can tell them "i told you so"... But right now, wala kang magagawa but just back down. But keep your ground about the girl. Since sinimulan mo na rin naman deadmahin, panindigan mo na.

Matanong ko lang ha, yun lang ba ang rason bakit ayaw mo dun sa girl? Kasi kame sis kaya ayaw namin dun sa girl dahil according to our soures marami kasing lalaki to. And escort girl sya so alam namin na gold digger talaga. Imagine feel na feel nya group mg BIL ko kasi puro rich kids eh. Amd to top it off, ako pa sinabihan ng sampid at di naman ako kapamilya eh haha... Panalo di ba?

mslcgrey

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #2 on: February 19, 2013, 12:26:33 pm »
sis alcien, how old na si brother and his gf? if they are teenagers eh i guess hindi talaga dapat yan since they are still studying and if ever mabuntis, that will greatly affect their future. now if they are both adults with stable jobs (parang ganito yung case nila since sabi mo galing aroad si gf), then hindi magandang tingnan but if the owner of the house, in this case your parents, are okay with it then you just have to live with it.
also, sis kapag andun ba si gf eh ano ba ginagawa niya dun? does she help ba sa chores or nagsha-share ng something let say para sa food?
if hindi naman siya umaasa sa bro mo, and she is really just there for a vacation, siguro tanggapin mo na lang. baka kaya inoffer ng bro mo yung house eh para hindi na siya magbayad ng hotel.
as sis chicafabulosa say, baka may iba ka pang hindi gusto sa kanya. maybe that's affecting your treatment to her.

snowberry

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #3 on: February 19, 2013, 06:35:20 pm »
I was so surprised na yung parents mo pa ang nagkukunsinti sa brother mo at kayo na anak ang kontra sa sitwasyon. So, kung kayong mga babae ang mag sleep over sa bf nyo, okay lang?  Sa amin kasi never papayagan mag sleep over bf or gf . Well, pero I respect kung ano man ang practice ng ibang family.

Siguro ,hayaan mo na muna at palamigin ang sitwasyon. Iwasan din ang mga masasakit na pananalita or parinig para hindi na lumala.

break_free

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #4 on: February 20, 2013, 08:38:23 am »
Sa amin normal lang yung ganyan. gf ng bunsong kaptid ko at bf naman sister ko.

Mas okay nga yun eh kasi nagkakakilala kami talaga. Naging close din kami.

Isa pa, di porket nakitulog ang isang babae or lalaki sa bahay ng gf/bf niya ay 'mababa' or 'masama' na agad sila, it doesn't make them a lesser individual.

Mas okay nga na nandito sa amin kesa kung saan saang lugar pa at mapapagastos pa sila. Mas nakakapag aral sila dito sa bahay namin, maaga umuwi from school, maaga din natutulog (kapag nandito), as an older sister ako nagpapaalala sa kanila about you know mga pregnancy issues, etc at never namin napag awayan.

Tsaka dapat matuto ka na makisama sa ibang tao sis. It reflects ang kinalakihan mo, and yung training in the proper forms of social and personal conduct. Ganun. Wag ka sana magagalit sis ha, pero na OA-an lang ako sa 'kasi ilang araw na rin ako umiiyak' hehe. Kaya easy kalang sis, may mga changes talaga sa buhay, may positive and negative at yung nirereklamo mo sa bahay ay I don't think na negative yan. At di porket 'old fashioned ways' ay tama/correct na agad. Buti nga ipinakilala sa iyo eh, yung iba itinatago. relax lang sis hahaha. :)

break_free

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #5 on: February 20, 2013, 10:32:52 pm »
^ okies sis well that's just my opinion lang naman. :) Minsan sa GT talaga makakabasa ka ng hindi mo gusto, well honest opinion ko lang naman yun. Still wishing all the best kay TS na sana umokay na silang lahat at god bless sa kanya. :)

Kady_14

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #6 on: February 20, 2013, 10:35:32 pm »
Mahirap, una kasi OK sa parents mo. E bahay nila yun not yours so it's up to you to live with it or you get your own place.

I remember my Father in Law one dinner time then, my BIL had this GF who sleeps in his room/sneaks in too. My Father in law is a man of few words, mabait and di nangangaral. Dalawa lang magkapatid sila husband, sobrang bilib and respected nila my FinL. During that dinner, sabi nya sa girl. "Why do you sleep in my son's room? Kapag nabuntis ka hindi kayo dito titira" Ako ang parang nahiya and parang gusto kong lamunin ako ng lupa. Ako yung nahiya talaga for her.

Your parents are still authority kasi bahay nila yun.

 ???

Irtwisted

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #7 on: February 21, 2013, 04:37:07 am »
Agree ako sa mga sis na nagsabing kung okay sa parents mo, wala ka namang magagawa kasi bahay nila yun. Their house, their rules.

Hindi ko lang maintindihan yung point mo kung bakit kailangan pang pumasok ng comparison mo between you and your brother na kesyo sya halos sunod sa layaw samantalang ikaw hindi maluho, etc. hindi kaya sis may natatagong inis ka sa kapatid mo at feeling mo mas kinakampihan sya lagi ng parents mo, or something to that effect?

Kung graduate na naman ng college at may trabaho na yung mag-jowa, hayaan mo na sila. Wag mo nang ika stress yan. Baka ika pangit mo pa angmga issues nila in the future.  ;)

twelve5

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #8 on: February 21, 2013, 07:41:44 am »
in our house, di pwede yan.. but in extreme case na kelangan mag overnite, dapat sa guest room sya.

i think it would be hard to implement your own rules in your parents' house. mali or tama sila, sila pa rin masusunod kasi nga bahay nila.

mahirap din to compare yourself with your brother. maski good girl ka and bad boy sya, sometimes kasi may double standard, and iba din ang pagpapalaki sa anak na babae at anak na lalaki... so baka iba din expectations sa brother mo.

i will also be hurt if i were in your shoes kasi alam kong may mali... try talking with your parents again. baka next time they will see your point.

showermist

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #9 on: February 21, 2013, 09:56:45 am »
It seems like okay sa parents that your brother is bringing home a gf for a sleepover.  You can tell your parents that you are not okay with it (but it seems like it is just okay with them). You can tell the gf too how you feel. 

The best solution is move out of your house. That's your parent's--sila pa rinmasusunod whether you like it or not. Pag nagsasarili ka na: your house, your rules.

I am sort of 'old fashion' myself--buti na lang takot mga kapatid ko sa akin hehe. At mas lalong takot mga asawa, gf at bf nila sa akin  ;D  :o

aquacharly

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #10 on: February 21, 2013, 10:57:17 am »
IMO, it isn't ok to live in with a family. 
Kung mag live-in, do it on your own -- the couple should get their place.
Eh hindi ba -- you live in not just for more  sex -- but do so to know each other better?  So, get your own place where you 2 can establish your couple identity & get to know each other -- without the distractions of other people.

Who owns the house, rules the house.  Simple equation, fair or unfair it may be on all occupants.

As for ALCIEN -- what is there  to say but:  Parents love all their children, but love some more.
Unfair, but true.
And the Perfect Child is not guaranteed to be the Most Loved.
Observe around you --  usually, the Most Loved is the Weakest Link in the family chain.
Perhaps because unlike most animals, we do not abandon The Imperfect/The Weak; we take hostages.  :)

Now, ALCIEN --  you have lived your life in an orderly manner, living The Straight Line. 
Be proud of that, embrace it, own it.
You may yearn for appreciation for that, but you do not need it to Continue being the good kind of person you are.
Having it IN YOU  is the best source of personal  strength you can possess.  Never doubt your goodness.
If your family cannot appreciate you -- it is something you cannot change much -- ma unduly wear and tear ka lang, sayang energy, sayang time. 
Take it from me --  The Family I Come From -- sure, I will always love & when asked, listen/help -- otherwise,  I detach from their concerns & drama. I don't wanna get sucked in anymore.  Life is short. 

Take care  of yourself. 



alcien

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #11 on: February 21, 2013, 02:07:49 pm »
@chicafabulosa: Salamat sa pm sorry at di kita mareplyan agad kasi pati pala dun di rin pede pag proby. Di naman liberated ang parents ko, ang tatay ko nga striktong tao pero ganun talaga ata pag may fave. Yun nga rin ang sa akin, ok lang naman siguro kung okay na sa buong pamilya pero wala eh. Di ko na rin sabihin yung other reasons regarding dun sa girl kasi wala na rin naman mangyayari. Naku, napapagod na rin ako kaiiyak at eto nahimasmasan na. Tanggapin ko na lang talaga na ganun, kasi bahay naman nila ito. Minsan kasi complain ng complain sa amin na nakakastress pero yun pala ok lang. Ganun na nga lang din siguro, mahirap kasi manalo kapag may pinapaboran kaya tanggapin na lang talagang ganun. Itinatatwa na kami ng tatay ko kaya di ko pa alam ang mangyayari. Sana dala lang talaga ng galit yung mga sinabi nya..

Yung sa inyo naman, bakit pabor na pabor si MIL knowing ganun yung background? Sabagay yung sa akin nga walang alam sa background nung girl pero gustong-gusto nya.

@mslcgrey: Oo nga eh, yun na nga lang din talaga ang magagawa ko. Nun kinausap ko kasi yung tatay ko agree naman sya eh. Kaso nun sinabi namin kay ma, minasama nya at nagalit sa amin. Ang tatay ko naman dahil mahal si ma, nagalit na rin sa amin. Palilipasin ko na lang din siguro hanggang lumamig na ang ulo naming lahat.

@snowberry: oo ganun na nga, sabi nya wag daw kami magdadala ng lalaki sa bahay namin, kami daw ang magsleepover sa bahay ng lalaki. Nakakatampo na talaga kung tututsin talaga, lahat ng layaw at gusto ng kapatid ko nasusunod pero ang hiningi lang namin is pagsabihan pero they took it the wrong way. Di naman namin pinaghihiwalay yung dalawa o itakwil yung babae na wag pumunta sa bahay pero talagang binigyan nila ng meaning yun. Ano ba naman ang sabihin na anak, iwasan mo na mag-overnight yung gf mo kung maaari pero ganun na lang talaga yun.

@breaktalker: Pasensya ka na at baka na-offend kita dahil yun yung paniniwala ko at nagkataon ganun yung set-up sa family nyo. Hindi ko rin sinabi na lesser individuals o masama na sila kapag ganun. Wala rin akong sinabing tama lagi ang traditional ways. Kung okay lang sa inyo, at ok ang lahat, good for you. Sa amin kasi, we are not comfortable. Wala akong issue dahil pinakilala yung gf , sino ba namang kapatid ang ayaw makilala yung gf. Ang sa akin lang naman sana sinabi man lang na ipakikilala ng nakapaghanda ako at di ako mukhang  eng eng at may bisita pala sa bahay. Ang gusto ko lang naman is pagsabihan na iwasan yung ganun pero minasama yun ng mga magulang ko.

Ako rin yung taong bihirang umiyak pero masakit talaga ang sinabi sa amin ng parents ko na hindi ko akalaing kaya nilang sabihin. Parang itinatakwil na kami at di ko na napigilang umiyak so do not judge so easily. Do not laugh at the misfortune of others. Fault ko na rin siguro kasi hindi ko nailagay ang buong storya pero iiwan ko na lang dun.

Relax ka lang din at wag ka na sanang masyadong mainis kasi iba naman yung sitwasyon nung sa family mo. Happy ako that it works for you pero iba-iba naman lahat ng pamilya.


@everyone else, Salamat sa mga replies. Nakatulong talaga. In the end naman talaga, sila rin ang masusunod. Wala na akong magagawa, I've learned my lesson at tatahimik na lang ako para wala ng conflict. Sa ngayon, galit na galit ang tatay ko at ayaw na kami makita, mahirap sa pakiramdam pero subukan ko na lang maging matatag. Tulad ng sabi ni aquacharly, ganun na lang din siguro ang gagawin ko from now on. Pinaplano ko na rin yun, yung bumukod pero di pa ngayon kasi pinag-iipunan ko pa rin, pag dumating yun time na aalis ako gusto ko wala ng masama ang loob para maluwag din sa kalooban ng lahat.

chicafabulosa

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #12 on: February 21, 2013, 05:55:41 pm »
Sis alcien ayaw kasi nya maniwala ma escort girl yung babae not until pinakita sa kanya evidences. Pictures with other guys. Tigas nga ng mukha sabi nya mga cousins lang daw nya.. Hahaha may cousins ba tindi ng pagkakapulupot dun sa isang lalaki with matching kandong and labas dila na parang akala mo,lollipop yung lalaki. Hahaha


break_free

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #13 on: February 21, 2013, 09:15:44 pm »
alcien, sis pasensya kung na-offend ka ha pero don't mean any harm. Actually medyo may similarity tayo kasi like you mga sunod din ako sa parents and all, tas nagulat din ako one day na nag bring ng gf yung bunsong kapatid ko hahaha eh samantalang sa akin super higpit ng parents ko ha! Minsan naisip ko unfair, pero sabi ko nalang sarili ko 'kiberr!' haha! So ayun wala naman kaming naging problem. Good luck at dedmahin mo nalang muna if not mstress ka ng bongga. :)

Doink!

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #14 on: February 22, 2013, 10:34:48 pm »
I think yung separation mo now with your family would make you stronger & wiser, of course it pains you to be alienated with them but the space will do you good. Mahirapan naman to live in one roof Pero ang daming resentfulness on both parties. Ako nga, I live in the same compound with my older sister but we don't speak to each other since 2008. May pending case pa kami [textspeak!] she forged my signature, my sister's signature & my parents signature to sell our properties. Pero even if I feel this great anger towards her may awa factor pa rin ako sa kanya. Just pray that God in his infinite wisdom will heal every hurt & anger in his perfect time. Continue to be good Pero never allow your anger towards your family rob you of your true happiness that you rightfully deserve.

agape

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #15 on: March 03, 2013, 01:07:00 pm »
@alcien,
your parents hindi yan protective sa brother mo, kasi that is their son, hindi naman yan mabubuntis e. pero ikaw pag nag uwi ka ng lalaki, ibang usapan yun, you are their daughter and they don't want you to end up being a single-mom, if ever. And hindi rin nila gusto ikaw makikitulog sa ibang house, they would worry if you are safe there or in danger. As for them, it's safer that their son (with or without gf) e nasa bahay na lang, kesa kung saan-saang lugar pa (like motel, beerhouse, men's club, etc). As for the GF's parents, di ka ba nagtataka if worried family nya or sa ginagawa nya, does her family know she sleeps over? Kasi mamya family ni GF ang magalit sa brother mo or family mo kasi kinunsinti.

If you have an extra guest room, pwede ba sya dun? Para at least they don't sleep in the same room. Sleep lang ang purpose. Or she sleeps with you? (Lolz) If pwede naman ihatid ni BF si GF, like if me car, at kung di naman kalayuan, pwede rin so she doesn't have to sleepover. What's the reason ba for sleepovers?

Yes, pangit tingnan. Although ako nagawa ko ng mag sleepover sa ibang mga houses nung college, pero group naman kasi yun. And even now I'm working I have guy friends nag invite over sa house nila and sleepover okay lang din (kesa gimik pa sa labas, magastos and may limitations). Ingat lang din kasi, marami pwede mangyari sa mga sleepovers na yan that cannot be controlled.

lent0t

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #16 on: March 04, 2013, 08:33:50 am »
Sa amin normal lang yung ganyan. gf ng bunsong kaptid ko at bf naman sister ko.

Mas okay nga yun eh kasi nagkakakilala kami talaga. Naging close din kami.

Isa pa, di porket nakitulog ang isang babae or lalaki sa bahay ng gf/bf niya ay 'mababa' or 'masama' na agad sila, it doesn't make them a lesser individual.

Mas okay nga na nandito sa amin kesa kung saan saang lugar pa at mapapagastos pa sila. Mas nakakapag aral sila dito sa bahay namin, maaga umuwi from school, maaga din natutulog (kapag nandito), as an older sister ako nagpapaalala sa kanila about you know mga pregnancy issues, etc at never namin napag awayan.

Tsaka dapat matuto ka na makisama sa ibang tao sis. It reflects ang kinalakihan mo, and yung training in the proper forms of social and personal conduct. Ganun. Wag ka sana magagalit sis ha, pero na OA-an lang ako sa 'kasi ilang araw na rin ako umiiyak' hehe. Kaya easy kalang sis, may mga changes talaga sa buhay, may positive and negative at yung nirereklamo mo sa bahay ay I don't think na negative yan. At di porket 'old fashioned ways' ay tama/correct na agad. Buti nga ipinakilala sa iyo eh, yung iba itinatago. relax lang sis hahaha. :)


hello sis, i came from a liberated family as well. same with hubby. nun bf ko pa lang si hubby, i sleep over sa house nila weekly. then he sleep over as well sa place ko though hindi nya need makisama since i live alone.

pero sis don't you think dapat si gf ang makikisama hindi si sister? diba ganun naman tayong lahat sa in laws natin, tayo mga babae ang nakikisama sa family ng husband natin? and same din sa mga hubbies natin. siguro sister should be CIVIL in dealing with her brother's gf pero beyond that i don't think na sya pa dapat mag exert ng effort. siguro dapat din gawin ni gf eh pakita nya kay sister she's worth it. just my opinion

pinktee

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #17 on: March 04, 2013, 02:40:28 pm »
hello sis alcien,

alam mo yang pinagdaraanan mo naranasan ko na din yan.. and same tayo ng stand.. kahit na gaano pa nakakaines at unfair wala tayo magagawa.. kasi tulad nga ng sabi nila kung sino ang may ari ng bahay sya ang masusunod.. ang kaso pa nga samen yung gf ng bro di marunong makisama at nagmamaldita pa sya pa bossy at sila gumagamit ng car kung kailan nila gusto. nagkaroon din kami ng alitan ng parents ko dahil mas pinaboran nila yung kuya at gf ko. masakit talaga yun kasi pakiramdam mo mas pinaburan yung gf at pinagpalit ka na. pero ngayon medyo nagbago na yung gf ng kuya ko kasi may kanya kanya na kaming work. anyway ang ginawa ko nung mga panahon na yun nung nagkaroon ako ng chance na makaalis sa bahay, i grab that opportunity. and grabe ginaan ng loob ko nun as in nawala na stress at mga problema.. kaya i guess mas maigi din nga na umalis ka sa poder nila kung di mo na talaga kaya. after a year pagbalik ko dito samen naging mas okay na ang lahat and ang parents ko di na nila gaano tinotolerate yung ugali ng kuya ko at gf nya. marerealize din yan ng parents mo siguro hindi ngayon pero in time.

sis goodluck and Godbless sayo and whatever your decision is always remember na parents mo padin sila.  :)

littlekinselle

  • Guest
Re: family rift dahil sa paniniwala mo..
« Reply #18 on: March 10, 2013, 12:16:51 am »
eto lang opinion ko: kasi nakatulog ako sa house ng BF ko for the couple days kasi wedding naman ng brother niya sabi ng mama ng bf ko dun na lang ako mag stay sa bahay pinilit na ako ng mama ng BF ko so hindi na ako maka resist. sa situation mo sis na iinintindihan kita may point ka naman kung yung gf ng brother mo walang decency  why dont you upfront her or talk to your brother through him baka mapag sabihan niya gf niya. hhaayy
ako naman ang brother  ko sabi ng papa ko dati pwede na mag asawa kahit nag aaral pa sa college haha. samantala ako 23 na ako kung itrato ako parang teenager iba ang treatment ang unfair.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close