Salamat sa mga posts ninyo. For weeks I tried to stay away from this thread kasi I wanna think about it. Pero hindi ko mapigilan sarili ko since yesterday.
-----------Roughly two weeks ago, nakiusap siya sa akin na kung pwede sa amin muna daw ang isa niyang anak. Nagka-problema kasi sa school ang bata. Natuwa naman ako kasi at least, bago siya mag-decide na patirahin sa amin ang bata, kinausap niya muna ako ng masinsinan.Unlike before na nagugulat na lang ako basta basta na lang nandoon na ang bata, may dalang gamit at sa amin na pala titira. At least natutong magpasintabi. And his words were:
"Nakikusap ako sa yo. Baka pwede dito muna si _______ (name ng son niya). Gusto ko kasi mabantayan siya ng maigi."
So, sige pumayag naman ako. After all, anak niya yan. Hindi ko pwedeng bawalan siya na makasama ang anak niya.
Ang problema sa bata, tamad at burara. Ugali na ayaw na ayaw ko, though lalaki anak niya, dapat kahit papano marunong magayos lalo na ng i.e.: pinagkainan at kama niya. Lagi na lang magulo ang room ng anak niya, siyempre pupunahin ko. Pero hindi ko sa bata sinasabi, sa Tatay niya. Kasi ayaw ko naman na ako ang magsabi kasi kahit papaano hindi ko pa rin anak iyon. And worst, baka ma misinterpret pa. Bawat mali, sabihin ko sa Tatay niya. Ang Ama naman niya, pinagsasabihan naman----- naririnig ko. Pero siguro matigas lang ang ulo ng bata at hindi talaga marunong kumilos, ganon at ganon pa rin ang gawa.
Yesterday, dumalaw ako sa Mom ko, sumama ang anak kasi dumaan ang anak niya sa BioMom niya. Noong sinusundo na namin, nagpaalam sa Tatay niya na doon daw siya matutulog. Since may history ng kakulitan/pasaway ang bata, Ang Tatay niya made sure na alam ng BioMom na doon nga siya matutulog. So, pumunta doon sa bahay. medyo malayo kasi sa kalsada ang bahay so, kinailangan pa niya bumaba ng sasakyan para makausap ang BioMom ng anak niya. Pagbalik, nagdadabog na. Hindi ako kinausap the whole time na nasa biyahe kami. Pagdating sa house, diretso sa room,-----------
"hindi na uuwi si ________( name ng son niya dito. Palagi mo kasi pinupuna eh."
sagot ko, "Hindi ko siya pinupuna. Kung pinupuna ko man, kinokompronta ko ba? Di ba pinababayaan kong ikaw ang dumisiplina? Ano ba ang issue, yong nakita ko kanina?(Pagdating ko kasi sa house paguwi ko from work, ang kalat sa kitchen, nagluto ng pancit canton kalat kalat ang noodles at pati yong pot na pinaglutuan, nasa sink lang nakatiwangwang. Ang mga noodles na nakakalat nasa sink rin lang then hindi man lang pinulot, tinakpan lang ng basahan. Siyempre pagod ako, nakakainit ng ulo, puyat ka na galing sa shift mo, ang init pa ng biyahe kasi nga tanghaling tapat ako umuuwi, tapos makikita ko ganon, ang dumi, ang sakit sa mata at ulo) Bakit tama ba yong ginawa niya? Sino ang ine-expect niya na maglinis non, tayo? Parehas tayo nagta-trabaho, parehas tayong pagod. Hindi natin kailangan ng extra na work sa house dahil lang sa mga kalat niya. Dapat siya na ang gumagawa at naglilinis niyan kasi hindi na naman siya bata. Pagkatapos ng lahat, ako pa may kasalanan?
Hindi na siya sumagot, hindi rin kami nag-away/nagsigawan. Mahinahon siyang nagsasalita pati ako. Pero what hurts me the most eh ang sinabi niya---------
"Hindi na ako nagiging masaya. Lumalayo na ang loob ng anak ko sa akin."
Natahimik ako. Feeling ko, napaka-kontrabida ko. Hindi pa rin ako nagsalita. Tapos, after 5 minutes sabi niya---------
"Mag-ampon na lang tayo."
Parang gumuho ang mundo ko. Feeling ko, ang dahilan talaga ng hindi namin pagkakaintindihan is ang hindi ko maibigay sa kanya-------anak. 3 years na kami together. Never ako nabuntis. Bago kagabi, makailang beses na rin niyang sinabi sa akin na mag-ampon kami, though pabiro, hindi ko inisip na seryoso pala siya. Ngayon, hindi ko alam ang gagawin/sasabihin ko. Pag nagkita kami mamaya pag-uwi ko, gusto ko mag-usap kami pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Ang issue ngayon, is not how his family makitungo sa akin, kasi i just realized, ang pinaguugatan ng lahat ng hinanakit ko, is the fact na may anak siya, at ako hindi mabuntis-buntis. Tanggap ko ang mga anak niya. Ang hindi ko matanggap, na ngayon ko lang na-realize, is the fact na i can't bear a child.
