Author Topic: lights and sounds (thread 2)  (Read 140854 times)

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #320 on: October 06, 2014, 09:40:59 am »
^ Casa Alegria sis, maliit din venue ko same tayo 100-150 guest lang. Gusto kase namin malaman pano de-design yung place since hinde sya yung usual na venue sa mga wedding. I think ok lang naman pa-ocular ka kay kuya Nelson, basic package lang din kinuha ko as suggested by him. Pero kung nag-setup na sya before sa venue mo sis I think its ok na sa text or email na lang kayo mag-detailing. Mabilis naman sya mag-reply...

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #321 on: October 06, 2014, 09:37:08 pm »
Gusto ko din sana si Artuz101. Okay ba talaga sila? Medyo alangan kasi ako dahil Cavite based sila. Sa mga kumuha na sakanila before na Manila ang wedding hindi naman ba sila na-late? Although medyo sayang din ang OOT fee na 2k. Sana makahanap kami ng mahusay na nasa 10-12k (max 15k) na Manila based lang. Nakakapagod din humanap ng suppliers. ;D


vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #322 on: October 06, 2014, 09:40:49 pm »
Sis tentendelight, natry mo naba kay rejectkrew?

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #323 on: October 06, 2014, 09:50:49 pm »
^ Sis lagi ko sila nababasa kaso wala akong contact details nila. Nag PM ako sa FB niya not sure kung personal account ba niya yun pero di nagrereply.

vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #324 on: October 06, 2014, 09:58:11 pm »
^sis, si kuya elmer na account ba? Yup inoopen nya yon, pagpasensyahan mo na matagal talaga sya magreply..pag nabasa nya message mo, puro sorry yan hehe..ginawa ko dahil nainip ako kaantay ng reply nya eh tinawagan ko sya.ippencil book ka kagad non kahit [textspeak!] kpang down :) pm ko sayo number nya pag nacharge ko na phone ko.

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #325 on: October 06, 2014, 10:05:26 pm »
^Haha! Sige sis, super thanks! :D

juwie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #326 on: October 09, 2014, 02:12:02 am »
Hi sis tentendelight, nagreply na ba sayo si Elmer of Rejectkrew? Hindi pa rin sya nag rereply saken hahaha. Tinext ko na at fb message for follow up, still wala pa rin, 1 week na yata. Pero kita ko may posts sya sa FB nya kanina. Hindi yata sya nagbabasa pa ng messages nya. Ganun ba talaga sya ka galing at in demand? :)

vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #327 on: October 09, 2014, 08:36:41 am »
^Hahaha!  Sis juwie tawagan mo na at ng walang kawala.. oo ok lahat ng feedback dun kay kuya. :) high end din kase mga gamit nun.

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #328 on: October 09, 2014, 09:24:22 am »
^^ Sis juwie sa kasamaang palad wala pa ding reply. Haha. Di ko pa din siya natatawagan.  ;D

^ Sis annie, how much rates ni Elmer?

juwie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #329 on: October 09, 2014, 12:57:34 pm »
Tinawagan ko na si Elmer. Sabi nya itext ko na lang daw yung questions ko kasi nasa meeting daw sya now. Pero feeling ko kakagising pa lang nya hahaha. So we'll see kung sasagot na sya..

Ayoko lang kasi yung ako pa yung naghahabol sa supplier. :/ hindi panatag loob ko esp. na si fiance gusto nya talaga super OK ang quality ng L&S na kukunin namin. Musician kasi sya kaya very particular sa tunog.

hallerski

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #330 on: October 09, 2014, 01:45:22 pm »
Tinawagan ko na si Elmer. Sabi nya itext ko na lang daw yung questions ko kasi nasa meeting daw sya now. Pero feeling ko kakagising pa lang nya hahaha. So we'll see kung sasagot na sya..

Ayoko lang kasi yung ako pa yung naghahabol sa supplier. :/ hindi panatag loob ko esp. na si fiance gusto nya talaga super OK ang quality ng L&S na kukunin namin. Musician kasi sya kaya very particular sa tunog.

naku sis, yan ang mahirap ke elmer of rejeckcrew. actually sis, siya talaga ang first choice ko sa l&s ever since we started planning kase super magaling daw talaga siya when it comes to l&s.. kaso nung nagbasa ako ng mga reviews, same lang ang sinasabi nila : na mahirap hagilapin tong si elmer, kelangan pa talaga tawagan..
so okay, nag-inquire ako sa email and sms and tiningnan ko kung magre-reply.. after a week eh wala pa ring reply kaya tinawagan ko na.. ayun magalang nga naman kausap, me "po" and "opo" plus "sorry" kase di naka-reply sa email and sms.. so sabi ko, sige i-discuss na lang ang package over the phone which is okay naman.. after a few days, nag-email ako to ask pano ang reservation and all, wala pa ring reply.. kaya tinawagan ko na naman.. after ko tawagan, tsaka pa lang nag-email ng details of payment for reservation.

magd-DP na sana kami.. pero di ako matahimik, kase parang anghirap hagilapin ni elmer kaya mega-basa na naman ako ng reviews.. me nabasa pakong overseas bride na sabi ni bride, the day before the wedding daw, di daw ma-contact si elmer, kaya di niya alam kung dadating or hindi sa wedding since napaka-limited ng interaction nila before the wedding since overseas nga tong si bride.. pero dumating naman daw si elmer sa  wedding and he delivered well.

so parang for me, parang ayoko yata ng ganun.. yung supplier na mahirap ma-contact, esp overseas bride ako.. mas kampante para sakin yung sumasagot sa email/sms/viber na hindi kelangan pa tawagan para lang makausap.. kaya kumuha ako ibang supplier na madali kausap and magaling din naman..

pero with regards to work naman and quality of l&s, okay si elmer as per reviews.. so, it's up to you na lang sis kung okay lang sayo na lagi mo siya tatawagan pag me kelangan ka i-check or something.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #331 on: October 09, 2014, 02:01:05 pm »
No no sa akin ang mahirap hagilapin na supplier. Yoko ma-stress, move na lang sa next supplier. Marami naman ok na supplier. Kahit gaano pa ka ok yan kung bibigyan ka ng sakit ng ulo, no na lang. Napapa-isip din ako sa ganyan, baka overbooked na sila tumatanggap pa rin ng client.

juwie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #332 on: October 09, 2014, 02:10:46 pm »
Hello mga sis, napapaisip lang ako kasi nakita ko sa FB nya nag event sila sa Glass Garden recently and ang ganda ng lighting. Dun kasi venue ko. But yeah, true: if I have the choice to avoid stress during my wedding preps, I would.

Just to add, kinuha din ng sis in law ko si Elmer during her wedding 2 years ago. Pero nagback out si Elmer kasi hindi raw nya kaya mag full band setup that time. Hindi nya binalik yung 1k na reservation fee. Which is ok lang naman sa SIL ko since 1k lang naman daw. I guess super busy din ni Elmer to even return the 1k, nakalimutan na nya. Haha :)

I'll give him until this week to reply pag wala talaga, move on na.

I've inquired na sa Sensitivity. Metrotech naman sunod. Any other suggestions mga sis?

nene1117

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #333 on: October 09, 2014, 03:37:26 pm »
Hello mga sis, napapaisip lang ako kasi nakita ko sa FB nya nag event sila sa Glass Garden recently and ang ganda ng lighting. Dun kasi venue ko. But yeah, true: if I have the choice to avoid stress during my wedding preps, I would.

Just to add, kinuha din ng sis in law ko si Elmer during her wedding 2 years ago. Pero nagback out si Elmer kasi hindi raw nya kaya mag full band setup that time. Hindi nya binalik yung 1k na reservation fee. Which is ok lang naman sa SIL ko since 1k lang naman daw. I guess super busy din ni Elmer to even return the 1k, nakalimutan na nya. Haha :)

I'll give him until this week to reply pag wala talaga, move on na.

I've inquired na sa Sensitivity. Metrotech naman sunod. Any other suggestions mga sis?

Si kuya elmer nakakusap ko siya sa text ng mga 11pm...try mo mga ganung oras sis if keri mo ang konting puyat

vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #334 on: October 09, 2014, 03:43:24 pm »
^Sis Juwie, pareho tayo.. nakita ko din mga post ni kuya elmer pag nasa glass.. magaling talaga sya sa mood lighting. pinadala nya rin sakin yung list nya ng mga gamit nya including the brand, I showed them to my husband (who is also a musician) and umokay si hubby.. I have to agree with that, matagal talaga si kuya elmer sumagot. natatawa nga ako sa mga reviews at mga posts, kasi consistent na ganon ang comment sa kanya, beside sa magalang sya to the highest level eh talaga naman saksakan sa tagal sumagot sa inquiries.. nasa inyo naman sis, kung sa tingin nyo ay sasakit ulo nyo kay kuya elmer, you can go for other L&S suppliers kasi tama nga naman, madami magagaling din. (though i have to say, kuya elmer is one of the magaling but cheapest). the reason why I am happy to book him regardless the negative feedback is because of the assurance of ms.darlene..she directly booked me to kuya elmer.they are always together sa mga events so may magffollow up na for me at di na sasakit ulo ko! :D

nene1117

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #335 on: October 09, 2014, 04:51:20 pm »
agree ako kay sis vitug.annie.. ganun nga kadalasan ang bad comment sa kanya even sa w@w, late magreply.. but the final output and service is superb tsaka ang mura nia compared sa ibang L&S..tsaka nakawork na rin siya ng ibang suppliers ko kaya feeling ko I'm in good hands pa rin..ako inaccept ko nang mahihirapan akong icontact talaga siya at ako na lang nagaadjust sa time nia, naguusap kami ng mula 11pm, mabilis ang reply nia sa mga oras na yan..

vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #336 on: October 09, 2014, 05:01:16 pm »
^sis nene1117.. may message nga ako sa kanya september pa til now di pa nya sinasagot hahaha! pero ok lang, naka down naman na ako.. and i noticed that too, mangilan ngilan sa suppliers ko panay nya nakakatrabaho din. di narin ako nagoworry, i think i am in good hands naman na. :)

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #337 on: October 09, 2014, 10:21:30 pm »
Nakakatawa naman si Elmer hinahanap na ng sambayanan. Hehe. Hirap talaga at ka-stress pag ganyan. :-\

Since walang thread about projector dito na lang ako mag-post kasi napapagusapan din minsan dito.  :)

Paano kaya pag nag rent ka ng projector kunware ang kinuha mo 5000 ansi lumens pano mo malalaman sa mismong event kung 5000 lumens talaga pinadala? Kasi puwede naman sila magpadala ng mas mababang lumens (mas cheaper ang rent) like 4000 lumens para di gaanong halata.


vitug.annie

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #338 on: October 10, 2014, 10:44:50 am »
^sis depende daw kung gano kaliwanag yan hahaha goodluck naman satin kung paano natin madistinguish. :)
Wala pa din pala akong projector. May nakita akong pic sa page ng glass.. yung projector screen medyo malaki. Gusto ko ng ganun. San kaya meron?

tentendelight

  • Guest
Re: lights and sounds (thread 2)
« Reply #339 on: October 10, 2014, 01:09:02 pm »
^ Yung samen sis madilim naman kasi dinner siya. Mahirap kasi palitawin sa screen pag maliwanag masyado. Mahal naman pag LED.

Sa metrotech sis try mo baka meron. 10x14ft ata pinakamalaki nilang screen. Pero naglalaro pa din kasi sa ansi lumens yan. Mas mataas mas crisp ang picture sa screen. Dilemma ko lang nga eh pano ka makakasiguro na yung binayaran mong lumens ang dinala nila. Mas mataas na lumens mas mahal.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close