medyo mahaba ang kwento ko pero sana pakibasa niyo.kailangan ko rin ng advice kasi naguguluhan ako.
lumaki po ako sa lola ko,na Nanay ng papa ko.9 months ako kinuha ng lola ko sa papa ko kasi pinapalo na ako noon.pero kahit na sa lola ako nakatira,ganon pa rin naman,dun pa rin kami madalas natutulog sa bahay kung saan nakatira parents ko,minsan sa bahay ng lola ko sa Marikina dahil may tindahan siya at inuupahan doon..dumaan ang ilang taon,hindi na nagbago sa amin ang mga tao.ang nanay ko pinagbubuhatan ng kamay ng tatay ko kahit napakaliit na mali,kahit kami mga bata nabugbog na rin,kahit sa labas pa ng bahaya yan.madalas nag aaway si papa at mga kapatid niya.pero sa kanila,tatay ko kasi yung may pinaka pangit na ugali

pinag aral ako ng lola ko hanggang elementary,tapos grade 5 tatay ko na ang nagpa aral sa akin kasabay ng mga kapatid ko.hanggang sa nawalan siya ng pera,tito ko na nagpa aral sa akin,yung kapatid niya.hanggang 2nd year college nakapag aral ako sa magandang school sa U-belt.pero nagkasakit ang lola ko kaya tumigil na ako mag aral.
madaming paghihirap,dumating yung naputolan kami kuryente ng ilang buwan,walang pambili ng Gasul at kung ano pa.yung ate ko naman na siya ang Panganay,nag asawa na,di rin naman nakakabigay dahil asa lang rin sila sa kapatid ng asawa niya.ako yung pangalawa,may kapatid pa ako iba bale 6 kami maliliit pa iba ngayon..nung time na yon,wala ako trabaho,stop na mag aral.lagi sinasabi ng tatay ko at ng iba ko kamag anak na mag apply ako sa mga fastfood,kaso raw baka bagsak ako sa exam dahil mahina ako sa math.

tapos mahiyain raw kasi ako.pinapag trabaho ako pero dina-down agad ako,kahit nga panlakad ng i.d di nila ako tinutulungan para makahanap ng trabahong gusto nila para maka tulong ako.sinasabihan pa ako ng tatay ko ng mga time na yun na pabigat raw ako.sinasabi niya yon habang kumakain kami ng tanghalian,diba nakaka walang gana.

hanggang sa umalis ako sa amin dahil magulo,laging may away,nagsisisihan sa paghihirap,nakakuha ako ng trabaho,naging parang assitant ako dun sa anak ng kaibigan ng lola ko.dun ko nakilala yung naging asawa ko.di pa kami kasal pero 7 years na kami nagsasama at may anak na kami 2 and 6mos.,okay ang pagsasama namin,may plano magpakasal pero dahil umuupa kami,matagal rin maka ipon pero okay kami kahit na noon unang pagsasama namin medyo nag aaway,ngayon nabago ko rin yung ugali na kinalakihan ko sa amin at kahit paano tanggap naman ako ng asawa ko.
sa amin magkakapatid,sa ate ko at ako,bale ako yung parang mas naka angat ng kaunti dahil may trabahong maayos ang asawa ko.minsan nakakapag bigay ako.pero dahil nga ang pangit ng ugali ng tao sa amin,di ako nagpapakita.taon ang bibilangin bago ako bumalik,kasi sobra kasi sila.kaya kahit bahay ko ayoko ipaalam sa kanila dahil parang gusto nila lahat sila tulungan ko.syempre nakakahiya,yun nga asawa ko,ang pamilya niya di humihingi sa kanya,tapos silang pamilya ko,hihingi sa sweldo ng asawa ko.alam ko di masama tumulong,kaso kasi lagi ka na lang may maririnig,tutulong ka na nga sesermonan ka pa.kaya ganun na lang na natitiis ko sila di makita dahil nga sa ugali nila.mahaba na ito pero di ko na nga lang nilagay lahat..
hanggang sa nung 2 years ago buntis ako,2 months bago ako manganak gusto ko sana makipag meet kami ng asawa ko sa parents ko dahil di pa nila nakilala ng personal asawa ko..ako mismo ang may ayaw na ipakita siya kasi ayoko na pagsalitaan siya ng parents ko dahil kilala ko sila.unfair kasi sa asawa ko na pagsalitaan dahil ako,.kahit na masama ugali ng in-laws ko minsan,hindi nila ako na sermonan at mabait naman sila,tanggap nila ang sitwasyon namin ng anak nila.gusto nga nila pakasal na kami ng bunsong anak nila,sasagutin nila pero ang gusto namin ng asawa ko,sariling sikap namin yung gastos pang kasal..
ang sinabi ko lang naman sa amin,sa tatay ko na magbihis ng damit kasi kakain kami sa magandang restaurant,di ko naman sila sa kinakahiya,pero ganun nga yung naisip nila.sa text inaway ako ng tatay ko,di raw niya kailangan ng tulong ko,mayabang raw ako,nagbago na..Oo nagbago ako pero di sa yumabang,ngayon ko nalaman kung gaano kapangit yung ugali ng mga taong pinagmulan ko na konting may sabhin ka napaka sensitive,nag aaway agad...pero salamat at ganun sila dahil kundi dahil sa kanila wala ako sa katayuan ko ngayon..so ayon hindi nila nakikita ang anak ko kahit isang beses hanggang nagyon,sa facebook pa lang..
away bati kami ng ate ko,inimbitahan ko sila nung binyag ng anak ko,nagpa reserve pa ako para sa kanila sa reception,hindi sila dumating.kanya kanyang alibi kesyo galit raw.okay

after 4 months nag imbita ako para sa birthday naman ng anak ko..hindi rin sila dumating..okay

mabuti na nga rin di sila nagpunta,kasi yung tatay ko ugali nun mang pahiya sa harap ng ibang tao,kahit nasa labas ng bahay yon,aawayin ka pag gusto niya.kaya ganun na lang ang trauma ko sa kanya,at ganun na lang ang pagtitiis na ginagawa ko makaiwas lang sa kaniya.yung tito ko naman na nagpa aral rin sa akin,lagi rin inis sa akin,kasi di raw ako nagbibigay,alam naman nila wala ako trabaho,di naman porki may trabaho asawa ko,ihihingi ko sila ng pera,nakakahiya yung ganyan.kami nga umuupa lang,may binabayaran rin.saka hindi tama yon,ganun kasi sila,pag nakakita ng may pera,gusto lahat na sila don tutulungan mo.pag di ka tumulong ikaw na madamot,ikaw na nagbago,ikaw na masama.