watch now

Author Topic: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?  (Read 11969 times)

pregnantgirl

  • Guest
ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« on: February 01, 2013, 02:19:03 pm »
medyo mahaba ang kwento ko pero sana pakibasa niyo.kailangan ko rin ng advice kasi naguguluhan ako.

lumaki po ako sa lola ko,na Nanay ng papa ko.9 months ako kinuha ng lola ko sa papa ko kasi pinapalo na ako noon.pero kahit na sa lola ako nakatira,ganon pa rin naman,dun pa rin kami madalas natutulog sa bahay kung saan nakatira parents ko,minsan sa bahay ng lola ko sa Marikina dahil may tindahan siya at inuupahan doon..dumaan ang ilang taon,hindi na nagbago sa amin ang mga tao.ang nanay ko pinagbubuhatan ng kamay ng tatay ko kahit napakaliit na mali,kahit kami mga bata nabugbog na rin,kahit sa labas pa ng bahaya yan.madalas nag aaway si papa at mga kapatid niya.pero sa kanila,tatay ko kasi yung may pinaka pangit na ugali >:( pinag aral ako ng lola ko hanggang elementary,tapos grade 5 tatay ko na ang nagpa aral sa akin kasabay ng mga kapatid ko.hanggang sa nawalan siya ng pera,tito ko na nagpa aral sa akin,yung kapatid niya.hanggang 2nd year college nakapag aral ako sa magandang school sa U-belt.pero nagkasakit ang lola ko kaya tumigil na ako mag aral.

madaming paghihirap,dumating yung naputolan kami kuryente ng ilang buwan,walang pambili ng Gasul at kung ano pa.yung ate ko naman na siya ang Panganay,nag asawa na,di rin naman nakakabigay dahil asa lang rin sila sa kapatid ng asawa niya.ako yung pangalawa,may kapatid pa ako iba bale 6 kami maliliit pa iba ngayon..nung time na yon,wala ako trabaho,stop na mag aral.lagi sinasabi ng tatay ko at ng iba ko kamag anak na mag apply ako sa mga fastfood,kaso raw baka bagsak ako sa exam dahil mahina ako sa math. :( tapos mahiyain raw kasi ako.pinapag trabaho ako pero dina-down agad ako,kahit nga panlakad ng i.d di nila ako tinutulungan para makahanap ng trabahong gusto nila para maka tulong ako.sinasabihan pa ako ng tatay ko ng mga time na yun na pabigat raw ako.sinasabi niya yon habang kumakain kami ng tanghalian,diba nakaka walang gana. :(
hanggang sa umalis ako sa amin dahil magulo,laging may away,nagsisisihan sa paghihirap,nakakuha ako ng trabaho,naging parang assitant ako dun sa anak ng kaibigan ng lola ko.dun ko nakilala yung naging asawa ko.di pa kami kasal pero 7 years na kami nagsasama at may anak na kami 2 and 6mos.,okay ang pagsasama namin,may plano magpakasal pero dahil umuupa kami,matagal rin maka ipon pero okay kami kahit na noon unang pagsasama namin medyo nag aaway,ngayon nabago ko rin yung ugali na kinalakihan ko sa amin at kahit paano tanggap naman ako ng asawa ko.

sa amin magkakapatid,sa ate ko at ako,bale ako yung parang mas naka angat ng kaunti dahil may trabahong maayos ang asawa ko.minsan nakakapag bigay ako.pero dahil nga ang pangit ng ugali ng tao sa amin,di ako nagpapakita.taon ang bibilangin bago ako bumalik,kasi sobra kasi sila.kaya kahit bahay ko ayoko ipaalam sa kanila dahil parang gusto nila lahat sila tulungan ko.syempre nakakahiya,yun nga asawa ko,ang pamilya niya di humihingi sa kanya,tapos silang pamilya ko,hihingi sa sweldo ng asawa ko.alam ko di masama tumulong,kaso kasi lagi ka na lang may maririnig,tutulong ka na nga sesermonan ka pa.kaya ganun na lang na natitiis ko sila di makita dahil nga sa ugali nila.mahaba na ito pero di ko na nga lang nilagay lahat..

hanggang sa nung 2 years ago buntis ako,2 months bago ako manganak gusto ko sana makipag meet kami ng asawa ko sa parents ko dahil di pa nila nakilala ng personal asawa ko..ako mismo ang may ayaw na ipakita siya kasi ayoko na pagsalitaan siya ng parents ko dahil kilala ko sila.unfair kasi sa asawa ko na pagsalitaan dahil ako,.kahit na masama ugali ng in-laws ko minsan,hindi nila ako na sermonan at mabait naman sila,tanggap nila ang sitwasyon namin ng anak nila.gusto nga nila pakasal na kami ng bunsong anak nila,sasagutin nila pero ang gusto namin ng asawa ko,sariling sikap namin yung gastos pang kasal..

ang sinabi ko lang naman sa amin,sa tatay ko na magbihis ng damit kasi kakain kami sa magandang restaurant,di ko naman sila sa kinakahiya,pero ganun nga yung naisip nila.sa text inaway ako ng tatay ko,di raw niya kailangan ng tulong ko,mayabang raw ako,nagbago na..Oo nagbago ako pero di sa yumabang,ngayon ko nalaman kung gaano kapangit yung ugali ng mga taong pinagmulan ko na konting may sabhin ka napaka sensitive,nag aaway agad...pero salamat at ganun sila dahil kundi dahil sa kanila wala ako sa katayuan ko ngayon..so ayon hindi nila nakikita ang anak ko kahit isang beses hanggang nagyon,sa facebook pa lang..

away bati kami ng ate ko,inimbitahan ko sila nung binyag ng anak ko,nagpa reserve pa ako para sa kanila sa reception,hindi sila dumating.kanya kanyang alibi kesyo galit raw.okay >:( after 4 months nag imbita ako para sa birthday naman ng anak ko..hindi rin sila dumating..okay >:( mabuti na nga rin di sila nagpunta,kasi yung tatay ko ugali nun mang pahiya sa harap ng ibang tao,kahit nasa labas ng bahay yon,aawayin ka pag gusto niya.kaya ganun na lang ang trauma ko sa kanya,at ganun na lang ang pagtitiis na ginagawa ko makaiwas lang sa kaniya.yung tito ko naman na nagpa aral rin sa akin,lagi rin inis sa akin,kasi di raw ako nagbibigay,alam naman nila wala ako trabaho,di naman porki may trabaho asawa ko,ihihingi ko sila ng pera,nakakahiya yung ganyan.kami nga umuupa lang,may binabayaran rin.saka hindi tama yon,ganun kasi sila,pag nakakita ng may pera,gusto lahat na sila don tutulungan mo.pag di ka tumulong ikaw na madamot,ikaw na nagbago,ikaw na masama.


pregnantgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #1 on: February 01, 2013, 02:39:22 pm »
fast forward ko an g kwento ko po..after 3 years na di ako nagpakita,dumalaw ako kahapon,may dalang 5k..nandoon yung isa kong tiyahin galing Cebu,minsan lang rin magpakita yon.kapatid ng tatay ko yon.natuwa naman sila na nakita ako kaso naiinis ako dahil sinesermonan pa ako.bakit raw yung anak at asawa ko hindi ko man lang maipakita doon.syempre nangatwiran ako na after ng matagal na taon,maraming bagay na pag uusapan,mas mabuti kung ako muna ang pupunta kasi yung asawa ko hindi naman yun sanay sa mga problema na gaya ng sa amin,tapos ang taas ng boses ng tiyahin ko na kesyo raw wala namang issue.walang issue?eh ano yon?yung kapatid kong nabuntis last year,kakapanganak na naman ngayon,diba issue yon?gusto niya yon ang unang ibubulaga ko sa mister ko?nakakahiya..tapos yung bahay doon,isang malakas na bagyo na lang ang pipirma,goodbye na.yun nga nakabuntis sa kapatid ko na mas nata sa amin ng ate ko,di nila hagilapin,ayaw ipakita ng kapatid ko,diba dapat yun ang unahin nila..wala pa nga ako 5 minuto nakapasok sa bahay,tataasan na ako ng boses ng toyahin ko lang?yun nga nanay ko di ako tinaasan ng boses,sila pang tiyahin ko lang? ??? kaya badtrip ako noon..Oo sabhin ng may mali ako,importante ba bang ibalik yung nakaraan?dumating na nga yung tao.palibhasa kasi mga walang anak yung 2 tita at 1 tito ko kaya di nila alam na ang magulang pag ganyan dumating ang anak kahit na anong ginawa niyan,tatanggapin nila yan,,sila kasi hindi ganun dahil nga mga wala silang anak.

buti pa yung nanay ko niyakap ako,maluha luha.wala akong narinig kundi mabuti raw dumalaw ako.silanaman mga tiyahin ko akala mo kung sino mga wala rin naman pera..gustong gusto ko mag walk out kahapon,kundi lang after 3 years ako nakabalik,aalis na sana ako. :(ayokong magmayabang dahil wala naman akong narating,pero naiinis ako sa ugali nila.sobra kasi..kaya nga sinabi ko sa ate ko na bakit ganun yang tita namain,tinataasan pa mako ng boses,yun nga nanay namin di ako pinagalitan,siya pa kaya? ??? sabi ng ate ko pagpasensyahan ko na raw,di pa raw ako nasanay..sumagot ako na hindi naman kasi lahat ng tao magpapasensya sa pagka ganyan niya.kaya tama nga ako ayoko iharap asawa at anak ko sa kanila kasi ganun ugali.. :-[

ang pamilya ng mister ko di naman ganun kayaman pero mababait nmana at disente.kaso medyo matapobre si MIL.syempre hindi naman sa kinakahiya ko pamilya ko,pero ayoko kasing may marinig ako na panlalait dahil baka hindi ko matiis,masagot ko MIL ko.kaya iniiwas ko rin pamilya ko sa kanila..

yung dala kong pera syempre sa ipon namin mag asawa..balak ko bigas ang ibibigay ko,kaso nagbigay na ate ko,ang gusto nila yun perang bigay ko gagamitin pati sa pambili ng mga diaper..nakaka bwisit lang kasi di naman sa madamot ako..di ko na sagot sa tulong ko yung diaper eh,kasi mga anakan ng anakan,iaasa lang pala.ano ba ko breadwinner?ang daming bata sa amin maliliit..may bunso pa ko kapatid isang 6 taon,isang 9 saka isang 7..tapos yung anak ng kapatid ko lalaki,1 taon,yung anak ng isa ko batang kapatid na babae 1 taon rin tapos gulat na gulat ako may 3 months old na baby,anak rin niya.jusko nakaka inis. >:( tapos yung tatay nung mga anak niya di naman nagpapakita..kaya umuwi tita ko galing cebu dahil aamponin  yung 3 buwan na anak niya dahil nabalitaan nila balak ibenta ng kapatid ko >:( iuuwi niya sa cebu dahil di sila nagka chance magka anak ng asawa niya doon..

mabuti nga hindi ako naabutan ng tatay ko,kasi sa tiyahin ko pa lang busog na ako sa sermon..Oo nga matagal ako di umuwi,paano naman yung ugali nila masyado..tapos kaya ayaw ko rin ipaalam bahay ko,ddahil dati sa bahay ng ate ko basta na lang pupunta,uutang.sa akin di pwede yon,nakakahiya sa asawa ko.wala naman ganyan sa pamilya niya.pero nagbigay ako 2 libo para sa grocery,at yun nga,mababawasan pa para sa pagkain dahil bibili ng diaper,1500 para sa tatay at nanay ko tapos yun mga bata inabutan ko tag 100,saka nagluto ako ng ulam para sa kanila..

masama ba yung ginagawa ko na di ko sinasabi sa kanila kung saan lugar ako nakatira?kasi takot ako na manggugulo naman kasi talaga sila.uutangan ako,wala ako pera,may pera man kami,may gastosin rin kami,umuupa,may anak na maliit rin..

mali ba na iiwas ko ang asawa ko sa kanila ng personal dahil pino protektahan ko asawa ko dahil ayoko na maging unfair ang pag trato nila dito?alam ko kasi pati asawa ko,pagsasalitaan nila,ayoko mangyari yon dahil mabait ang asawa ko,at kahit na medyo inis ako sa inlaws ko,hindi nila ako pinagagalitan p pinagsabihan minsan.

ano bang advice niyo sa akin,ang gulo gulo kasi ng pamilya ko..

agape

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #2 on: February 01, 2013, 03:22:56 pm »
first priority is to protect your own family.
2nd priority pakasal ka na, kahit civil lang, kahit pa mass wedding lang.

since matagal kang nawala, i guess pwede mong unti-untiin muna ang pag restore ng communication ninyo. I mean siguro pansamantala e ikaw lang muna ang bumisita sa inyo, tapos dalas-dalas-an mo na lang, para maubos na lahat ng sermon nila na naipon sa tagal ng mga taon. tapos pag medyo umaayos na ang pagbibisita at pakikipag usap mo sa kanila, saka unti-unti-in ipakilala ang pamilya mo.

minsan talaga ay kelangan natin lumayo para maayos ang mga bagay-bagay. mahirap kasi maayos pag lahat kayo sama-sama together, hindi naman lahat yan mababago mo ng sabay-sabay, at agad-agad.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #3 on: February 02, 2013, 10:13:40 am »
Ang haba nito pero isang masasabi ko,worth it basahin! sis pregnantgirl pwedeng pang MMK yung istorya ng buhay mo.balik ako sa topic,mahirap yung sitwasyon mo,lalo na parang sa kwento mo is buong family mo magulo >:( pero mabuti naman supportive sayo hubby mo.kasi mahirap kung mismong sarili mong family,sila ang matatakbuhan mo incase na may problem ka,eh sila pa ang po-problemahin mo.okay na rin nakapunta ka after ng ilang years,atleast pinakita mo na di ka pa rin nakalimot..siguro mas ok nga na ikaw muna ang pumunta sa inyo,paunti unti pagtagal saka mo na isama hubby at baby mo.kasi in your case,masyadong sensitive.nabanggit mo naman yon,,maganda nga ikaw muna ang humarap para matapos na mapag usapan kung anong issue iyo.para pag naisama mo na mag-ama mo,kay na.tanggapin mo na lang muna as of now yung mga sermon,ilabas mo na lang sa kabilang tenga mo. ;)

lagi ka mag pray,stay strong amd be positive :)

aquacharly

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #4 on: February 02, 2013, 11:27:34 am »
PREGNANTGIRL -- Continue mo ang ginagawa mo.
Wala ka nang magagawa sa ugali nila na high blood. 
Wala ka nang magagawa sa pagka irresponsible nila sa birth control. Baket sila aasa na lahat mag contribute sa needs ng mga anak nila?  Imagine, umabot na sila na ibebenta ang bata?! Susko.

Tama hindi nila know where you live. --- continue mo yan.  Life is stressful enough, hindi mo kelangan dagdag stress sa mga taong unproductive. Lahat kayo lulubog, if you let them into your life. Buti you broke away from the circle of poverty.

Hwag ka maguilty sa mga gawa mo in relation to your extended family.  Tama lang gawa mo na hindi expose your hubby & his family sa gulo ng family mo. 
Look forward, be positive.  Iwan mo sa nakaraan ang hindi maganda. 

pregnantgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #5 on: February 02, 2013, 12:32:53 pm »
Yun na nga lang di ko ma gets.alam ko naman di ako ino-obliga tumulong.pero kung pupunta ka naman ng walang dala,sigurado naman may sasabhin mga yan.sa dami nila doon,makokonsensya ka na lang.ang hirap pa kasi wala naman sila malalapitan.as in kami kami na lang.pero di naman porki kami-kami na lang eh iaasa nila sa kung sinong may pera yung problema nila.totoo lang naawa rin ako sa sitwaston nila.pero di naman ako ang solusyon.kundi sila mismo.ako naman dito pag may problema,di ko nasasabi sa kanila dahil susumbatan pa ko.di naman sila magandang lapitan para sa mga advice.

tama nga po kayo sis aquacharly,mga highblood mga yun.saka di sila open minded.gaya sa mga bagay na kunwari bigyan ng kahihiyan ang pamilya namin.parang pag sinabi mo yon,lalabas pa na nagpapanggap ka.yun ang tingin nila.iniisip ko nga paano kaya kung sabhin ng inlaws ko na gusto rin nila makausap pamilya ko.natatakot ako.kasi katakot takot rin pintas ang posibleng ibato nila sa pamilya ko.wala naman po sa akin kung sabhin na mahirap pa kami sa daga.ang sa akin kasi,mahirap ka na nga,ang sama pa mg ugali mo.tapos nakakahiya po kasi na mga kapatid ko ang dami maliit,ang dungis pa.tapos mga loudmouthed.nag aaral naman pero bakit ba ganyan.ugali nila talaga yung problema eh.yun ang kinakahiya ko sa amin,yung ugali nila.lahat sila.

chicafabulosa

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #6 on: February 02, 2013, 12:42:27 pm »
Honestly sis my sister has been doing that with my brother. We dont take it personally against her. Toxic naman kasi family ni brother. Although sa akim welcome sila pumunta kasi for me i mastered the tactic of Deadma. Kahit na anong paawa effect ng mga nieces ko, deadma lang ako. Mas priority ko kasi family ko. Tama ka na unahin mo ang welfare ng family mo. Its not being madamot or what, but you can only do so much for your family. YOU CANT LIVE THEIR LIVES FOR THEM. So dont feel guilty if ayaw mo turo house mo, so what na madamot ka or what. Ang important is peaceful ka pag uwi mo. Hindi yung kabado ka mismo sa sarili mong house na baka bigla sila sumulpot at kung ano ano gawin di ba.

If tingin mo maawaiin si hubby mo well tama lang na wag mo na sabihin ang bahay nyo. Baka si hubby mo ang dramahan. And eventually yung stress na yun madadala yan sa house nyo. Instead na peaceful eh magiging negative ang vibes sa house nyo.

Just visit them but try not get affected kahit anong sabihin nila. Di mo naman kasalanan na ganun buhay nila eh. We are given free wills, its up to us what to choose di ba. So smile. Try mo practice and master the art of pagiging Bato. It works for me :)

aquacharly

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #7 on: February 02, 2013, 01:47:06 pm »
PREGNANT GIRL - follow the lead of CHIKAFABULOSA.
Lahat tayo we feel bad about our poor relatives, pati mga batang kalat kalat sa streets -- but what can we do?
Batuhin man ako -- X mo man ako, I say: Some people deserve to be poor.

Use your head, focus on THE KIND OF FAMILY YOU WANT for hubby & you -- and yun lang i-worry mo.
Do not give in to emotions of pity etc etc etc ; Darling, hindi ka naman si Henry SY - lulubog ka din if you try to accommodate them all.   
So what if they say you are like this or like that? Tignan muna nila sarili nila ha! 

About your in-laws. 
Even if you bathe a crow, it remains black. (Pasensya, hindi ko ma translate what  ang crow sa Tagalog.)
So, if insisting your in-laws to chummy chummy up with your pamilya at predict mo sesemplang  ka  sa hiya -- pwes, tell your MIL about the crows in your family. Say hwag na lang. The Truth will set you free.

Oo hindi sa kinahihiya mo kasi  poor. 
May mga millionaires din gaspang  ugali, dapat  din ikahiya. Same same, they do not see themselves as needing to improve.  May mga prominent people -- hwag na ko point out what we all know, ma cybercrime libel pa ko. 


pregnantgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #8 on: February 04, 2013, 04:56:31 pm »
kaya nga po hinayaan ko na lang na ganito,nagtatago ako.kasi kung ire-reveal ko po lahat sa kanila kung saan ako nakatira,saan lugar ako nandoon,siguradong pupunta sila.yun naman binibigay ko minsan na pera,iaabot ko yun tulong para sa mga batang kapatid ko rin,ayaw ko rin na may masabi sila sa akin na wala ako utang na loob.naiinis nga po ako kasi nung nandoon ako,pag nagsesermon sila,syempre mangangatwiran rin ako,pag ako na nagsasalita,parang di sila nakikinig.parang ayaw nila ako pakinggan.saka po naiinis ako sa Ate ko dahil isa pa siyang problema.siya ang ate,napaka makalokohan.mabuti na lang di kami close,kasi madalas nood ginagamit niya akong dahilan sa mga kalokohan niya ng hindi ko alam,dahil nga di naman kami nagkikita,nalalaman ko na lang sa mga kwento ng tita kong isa.tapos ang hilig pa niya magpanggap na mayaman siya,di ko alam kung ano pang ginagawa niya pero nakakainis kasi parang ayoko magdidikit sa kanya dahil isa-sangkalan pa ako sa mga bagay na di ko alam.gaya noon after ilang taon rin,first time niya nakapunta sa bahay namin ng asawa ko,wala pa akong anak nun,doon yun sa unang inuupahan namin,meron po kasi kaming projector saka bagong tv nung time na nakapunta siya.tapos po after ilang week,nakita ko sa facebook niya gamit yung lumang fb ko--nag upload siya ng picture dun ng projector at tv namin--pinalalabas niyang binili raw niya yon.wala raw po siya magawa sa pera niya kaya bumili siya nun..tapos nakakahiya po kasi nilalait niya yung lumang model ng monitor ng mga PC,kesyo bulok raw po yung CRT monitor >:( akala niya kasi di ko na binubuksan yung luma kong fb,nabuking ko na naka hide dun sa isa ko pa account yung album ng kayabangan niya :D tapos po nagpapanggap siya na nasa states raw po nanay namin..yung MOMMY niya raw nasa U.S..susme wala naman kami relative na nandoon.nagkaroon rin siya ng chinese na bf habang may asawa na siya,di alam nun na may anak na rin siya,pinalabas niya sa chinese na yon na ampon niya yung anak niya,tapos ako raw pinsan niya lang.andami pong kalokohan.kaya hirap rin ako kasi kahit kapatid ko hindi ko makuhang pagtiwalaan dahil napaka dami niya kalokohan at ka-katihan sa katawan.

pregnantgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #9 on: February 04, 2013, 05:06:39 pm »
tapos po ubod naman ng tapang nitong Ate ko.masyadong warfreak.madami nga po nagsasabi na kabaligtaran niya yung ugali ko.kasi ako naman raw po duwag.di naman ako duwag,di lang kasi ako mahilig mag barkada at tapos mang aaway.nung nakwento ko nga po sa asawa ko yung mga nangyari nung isang araw na umuwi ako,sabi nga niya bakit raw po ganon mga tao sa amin parang napag iwanan na ng panahon.totoo naman talaga.tapos sobrang negative talaga at sensitive.kasi po sabi ko lang naman pahingi ako ng listahan,ballpen at papel..yung tita kong galing ng Cebu na napaka loudmouthed na malikot rin ang kamay eh sinabihan agad ako pabiro na ako raw sanay ng may katulong,sanay ng may nauutusan.habang sinasabi niya po yon,nakaturo siya sa akin,pero nakatingin siya dun sa iba ko pa kamag anak na nasa bahay nung dumalaw ako.parang napahiya lang po kasi ako :( kakadating ko lang parang ganun agad sila.syempre po after 3 years na si ako nagpunta dun,ang gusto ba niya basta ako maghahalungkat ng mga gamit ng tao doon?di ko naman alam kung saan nakalagay mga gamit nila dahil napaka gulo ng bahay.parang sila pa yung mas mayabang sa akin.kung tutuusin nga po kung masama ang ugali ko kayang kaya ko silang yabangan kung gusto ko.pero di naman ako ganun.gustong gusto ko sila pagsalitaan na wag sila asa ng asa,pero kahit kasi sa maayos na paraan,pag nagsalita ako ng ganyan sa kanila lahat sila aawayin ako.

iq160

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #10 on: February 04, 2013, 07:45:23 pm »
based sa kwento mo:

tamang wag mo na silang yabangan.

tama rin na wag mo nang sabihin sa kanila kung saan ka nakatira.

wag mo na rin muna ipakilala ang asawa at anak mo.

may asawa ka na. mas maganda kung gagawin nio itong legal, lalo na't mahal ninyo ang isa't isa. sila na ang FIRST PRIORITY MO. yung biological family mo (nanay, tatay, kapatid) second na lang. yung mga tito/tita mahilig talaga makielam yan. wag mo ng pansinin, mastress ka lang. di na magbabago yang mga yan.

about your poor relatives, don't waste time na iahon sila lahat sa kahirapan. especially when they act like a brat kid. binigyan mo na, galit pa. mastress ka lang. makaka-apekto yan sa pagsasama nio ni mister (nakakaapekto to girl, kung alam mo lang...)

alam kong may galit ka sa iyong pamilya. sana mapatawad mo rin sila kahit paunti unti. after all, mas nakakaluwag ka, maging thankful ka at nakawala ka sa kumunoy or mala-imyernong buhay ng clan mo(sorry sa harsh words).

lastly, love your husband and children more, dahil you are blessed. be a loving wife and a good parent. wag hayaang mangyari sa pamilya mo yung nangyari sa inyo ng mga magulang at kapatid mo. kung dati kapos kayo sa pera, mag-ipon. dati laging nag-aaway parents mo, ngayon dapat less ang away. at wag mong susuntukin si husband shempre  8)

break_free

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #11 on: February 04, 2013, 10:00:26 pm »
Medyo hiningal ako sa story mo sis pang mmk nga.

Correct lahat ng sinabi nila. Pag inuna mo emotions mo, maaapektuhan ka at pati ikaw maghihirap eventually,

Basta ingatan mo di ka masusundan kung saan ka nakatira. Yun lang, and wala kang obligation na tulungan silang lahat. Magbigay ka lang kung ano lang kaya mo. Yung ibibigay mo sa mama mo, sabihin mo na kanya lang yun. Naaw lang kasi ako sa mama mo.

chicafabulosa

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #12 on: February 04, 2013, 10:10:50 pm »
Basta ang masasabi ko lang sayo is you shouldnt feel guilty about their situation now. Its their choice sis and not yours. You cannot live their lives for them. Wag mong isipin na since ikaw ang medyo angat eh obligasyon mo rin na iangat buhay ng buong angkan mo. It doesnt work that way. Isipin na nila na unfair ka but remember this world is unfair.

Wag mong ilagay sa alanganin ang family mo. Besides you did your part to reach out, eh since sila ang nag iinarte bayaan mo sila. Di mo naman ikamamatay kung di ka nila kausapin na eh. Like what you said, you survive years without them rin naman. Basta ikaw always prioritize your family. Kung may sobra ka and feel mo mag charity case eh give. But if not, then wag. They cannot oblige you to support them no.

break_free

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #13 on: February 05, 2013, 07:30:13 pm »
^ Correct sis!


Kudos to you sis pregnant girl at naka-angat ka. I agree kay sis aquacharly na: 'Some people deserve to be poor.'

pregnantgirl

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #14 on: February 07, 2013, 03:57:02 pm »
Nung nagpunta pala ako don,nabanggit ko sa amin na may acid reflux disease ako.nung narinig po ng ate ko parang napaisip siya..yun ate kong yan ubod ng sinungalin.may anak na siya sa una niya asawa,isa lang.mga 7 yrs.old na.away bati sila ng asawa niya na un.tapos kailan lang nanganak siya,iba pala tatay nung pang 2 niya anak.ewan ko kung panong dahilan ginawa niya.pero alam ko madami siyang istoryang tinatago.ang alam naman ngayon nung tatay ng pangalawa niyang anak ay wala siyang anak sa una..meaning po nagpanggap na naman siya.kanina umaga tawag po ng tawag sa akin,nagtext pa na nasa mall raw siya sa coffee shop..ano raw ba uung nabanggit ko na gamot ko sa acid reflux disease ko dahil masakit raw ang tiyan niya at ddi siya nakalakad..napaisip po ako,tama nga ang hinala ko mung mismong araw na nabanggitko uung gamot na yon,mukhang napa isip siya..mukhang gagawin na naman niyang bagong alibi yung nalaman niyang sakit ko.sabi ko ss kanya di basta nabibili yung Omepron dahil may reseta dapat.saka po hindi lahat ng sakit ng tiyan,yun ang gamot.mag kremil s muna siya..yun ang sabi ko.na badtrip lang ako dahil feeling ko may kalokohan na naman siya.malas lang ng nauuto niya..kahit na wala akong idea kung totoo ba o hindi na masakit ang tiyan niya,para sa akin sinungalin pa rin siya.mtapos nag reply na nakainom na raw siya..gustong gusto ko siya pagsabhan na baka di naman totoo yan,kaso umiiwas ako sa away kasi kahit napaka tapang at sinungalin niya,parang pinagtatakpan pa siya.totoo lang nag iisip nga po ako kanina na bskit po ako laging pinagsasabhan.pero siya kapatid ko,wala na sa lugar yung mga ginagawa dati pa,pero nakukuha pang pagtakpan..hindi pinagsasabhan.di naman po ss mayabang ako pero alam ko sa amin dalawa na mas matino ako at mas mabait..pero bakit ganun..

rhed

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #15 on: February 07, 2013, 04:34:34 pm »
sis, keep on improving your life and sta away from them.far far away from them  :)

break_free

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #16 on: February 07, 2013, 06:28:53 pm »
So sis ano yung question/s mo sa latest na post mo? Tsaka sis maganda kung gagamit ka ng paragraph or kahit lagyan mo ng space after let's say 8 - 10 sentences para hindi masakit sa mata. Suggestion lang naman.


Basta for me, wag ka magpayo ng kung [textspeak!] anong gamot, ang ipayo mo ay mag patingin siya sa baranggay health center para matignan kung may sakit nga siya or sakit sakitan lang. Wala ka ng magagawa dyan sa ate mo, wag mo na din siya ijudge kasi who knows baka mabigat din pinag dadaanan niya at hindi niya alam bigyan ng tamang solution. Basta mag focus ka sa family mo at live-in partner mo.

sistah!

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #17 on: February 08, 2013, 04:54:12 pm »
eto ang dahilan kung bakit kailangan talaga magbigay na ng information about reproductive health! ang daming tao sa mundo and so very little resources to go around.

the filipino family is really like that, malaki ang utang na loob. malaki ang singil sa bawat tulong. i think you already know that.this is the suffering of every filipino child na binahay/pinag-aral/binuhay/kinupkop/tinulungan ng magulang/kamag-anak/kaibigan.

i have 2 pieces of advise for you:

1. protect yourself. get married if that's what you want. do what you can to secure your children's future so that whatever happens to you or your partner, you can make sure that their needs are covered. that might mean finding a source of income for yourself. you dont need to work full time. kahit a sideline might work. since medyo matapobre yung in laws mo, show them that you can also earn your keep kahit konti. make the decision that when you are old and your children and adults, you will not make the same mistake that your family is doing to you. wag mo i-asa sa mga anak mo ang kinabukasan mo. save, save, save! prepare for retirement as early as now.

2) now, if you have extra income and can afford it, give a bit more to your family. at this point, it seems that that's the only way to mend bridges with them. try to visit more often. try every month or so. also try to spread the wealth. your parents and your tito na nagpaaral sayo have expectations. abutan mo na lang kahit konti pag pumunta ka. always be pleasant kahit masungit sila. mauubusan din ng sermon yan. believe me, it's true. you can kill with kindness. it wont be long until they realize that whoever has money has the power so when they come to their senses, tsaka mo na bigyan ng advise na wag mag-anak ng mag-anak, wag magbenta ng baby at sana maghanap ng mga trabaho.

good luck sayo sis. sana maging masaya ka kahit mabigat ang dala mo sa buhay.

miei2dolcifigli

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #18 on: February 11, 2013, 04:06:17 pm »
whooooaaaah....sis...medyo may kahabaan ang storya mo...say ko naman sa ganyan is, wag mo muna isalang si mister sa ganyang sitwasyon...baka pag ugatan pa yan ng issue niyo na mag asawa. basta pakumbaba ka lang. tanggapin mo lang yung mga sinasabi nila sayo. Kung ayaw mo ng confrontations na ganyan, iwas ka nalang. masi stress ka lang talaga. basta concentrate ka sa sarili mong family. insure mo na maayos kayo mag asawa, ok mga anak mo. Kung sa pagdadalaw mo sa kamag-anak mo lagi ganyan, bakit ka pa bibisita, di ba? kakawalang gana...imbes sana na kumustahan kayo at magbonding, ending pag uwi mo santambakol na sama ng loob...tsk tsk.....kaka relate ako sayo...halos ganyan din kasi sitwasyon ko kaya kahit na malapit kami sa isa't isa...halos isang buwan bago ako madalaw. Keep safe, sis...and stay strong....kaya mo yan

Doink!

  • Guest
Re: ano ba ang dapat,at tama kong gawin sa pamilya ko?
« Reply #19 on: February 22, 2013, 10:55:55 pm »
Be an improvement of your parents, Kung ano man ang naging pagkukulang nila sa yo or pagkakamali don't repeat the same mistakes... Vent-off ka lang dito sa GT & listen to their advice. You live & you learn. I'm super grateful I found this forum coz through other people andami kong natutotunan... that way you don't feel so alone & hopeless. Keep the faith...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close