watch now

Author Topic: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)  (Read 28090 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #120 on: November 03, 2016, 11:35:54 am »
^Uu nga e kaya ayaw na namin ng friends ko sa Hoyohoy haha. Sana ok sa Beach Placid Resort. Hirap magdecide talaga hangga't di nakikita ang place. Disappointed kami na di pa tapos ang pool sa Anika

Maulan din sa metro manila 😞. Sana di maulan pagpunta namin ng Cebu nagpa-plan din kami magcity tour sa Cebu City aside from beach bumming in Bantayan.

andreil_19

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #121 on: November 04, 2016, 06:36:56 pm »
When we arrived last wednesday umulan ng   late afternoon pero huminto rin nman.. umuulan sa cebu ng hapon til evening pero this weekend ata maganda na ang weather.. good thing nakalibot kami sa bantayan ng half day. I like the location and shoreline ng kota, walking distance sa public market at mga resto.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #122 on: November 12, 2016, 08:11:03 am »
We are booked in Kota for 3n/4d. Excited na ako. We're planning to visit Virgin Island, wala sanang KJ sa group para matuloy kami sa Island. 500 pa din ba ang entrance for 2 person and how much kaya rent ng banka for 6 person going to Virgin Island?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #123 on: November 25, 2016, 05:11:38 am »
Bumabagyo sa Cebu. Stranded kami sa port so nagstay kami sa Hagnaya Resort, if di maipush ang ferry transfer before lunch today dahil sa bagyo babalik na kami ng Cebu City magcity tour na lang kami and sa Mactan kami magstay for beachbumming. Hay panira ng plano si Marce 😠

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #124 on: December 01, 2016, 07:48:20 pm »
^ musta trip nyo sis, naka tawid ba kayo Bantayan?

Haayy research ako ngayon. May nakita ako Skydiving for 18K! Parang gusto ko, pero ang gastos!!
Di ko alam if afford ko. I'm sure worth it, pero. haaayyyy penge pera!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #125 on: December 01, 2016, 11:13:06 pm »
Yup sis nakatawid kami the following day na. Nagstay kami sa Hagnaya Resort for one night then kinabukasan kami tumuloy ng Bantayan. Buti na lang di gaanong nanalanta si Marce pero sayang yung 1 day na stranded kami sa San Remigio. Di na tuloy kami nakapag-Virgin Island. Nasira itinerary namin. Magpost ako ng reviews ko pag-uwi ko tomorrow morning :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #126 on: December 02, 2016, 12:52:15 pm »
Here's my review of my Bantayan Island trip:

Resort:
1. Hagnaya Beach Resort- na-stranded kami due to typhoon Marce kaya we stayed here for 1night. Malapit siya sa port, approx mga 1km siguro. Sinundo kami ng van from port and hinatid din kami dun the following day. Mabilis ang check-in time, malinis ang room and mura. We got the family room for 3600k, 2 queen beds and 6 kami sa room. Included na ang breakfast for 4 sa room rate and nag-add lang kami ng 210/per pax for breakfast para dun sa sobrang 2 person. Well-maintained ang resort, malinis ang pool pero hindi pwede liguan ang beach. Ok naman ang breakfast (rice, bam-i, longganisa, hardboiled eggs, fishfillet, pandesal and cheesebread. May coffee, hot choco and juice din.) Pinakanagustuhan ko ang cheesebread nila.

2. Kota Resort-We cancelled our first night dapat since hindi kami natuloy dahil walang byahe ang ferry. Hindi sila nagbibigay ng full-refund, subject for 10% charge pa din yung 3 rooms na pina-booked namin and 3mos ang refund para sa remaining amount nung ibinayad namin. Ok din ang rooms nila, very basic and walang tv which is ok lang naman since nasa labas naman kami ng room most of the time. Hindi ko lang gusto ang smell ng toilet, parang malansa na ewan. Buti may dala kaming detergent powder kaya binubuhusan ko ng water na may tinunaw na detergent ang toilet and bathroom floor para mabango siya. Wala din palang faucet sa bathroom maliban dun sa nasa sink. May timba naman pero dun ko siya isinasahod sa shower. Sabi ng friend ko na nagi-stay sa ibang room buti pa daw bathroom namin well-maintained and mabango, sabi ko nililiguan na din namin ang bathroom namin pagnaligo kami para mabango din. Pinakamaganda ang beach front ng Kota sa lahat ng beachfront resort na nakita ko. Malinis ang beachfront nila, lumalabas sa tapat mismo ang sandbar kapag lowtide and may lagoon naman na nagfoform sa beachfront nila kapag hightide. Ang lawak tingnan ng beachfront nila and walang mga banka na nakatambay. Nung last day namin may mga nagskydive and dun sila sa Kota nag-landing. Ang saya tingnan.

3. Sta Fe Beach Club/Ogtong Cave- May 100pesos na entrance fee, with access na yun sa cave, swimming pool and beach. Yung cave lang naenjoy ko pero di namin nasulit. Pinaalis kasi kami wala man lang kaming 30mins, kasi meron daw magconduct ng baptism (di ko alam anong religion). Sorry pero asar lang kasi nagbayad din kami e. Balik na lang daw kami or  magswim muna kami sa pool. Nauna kami sa cave e tapos kami pa ang itinaboy and dapat na bumalik, 2 groups kami na pinakiusapan na i-vacate ang cave, kaka-sad lang kasi nageenjoy pa kami e. Ang ganda pa naman ng water, ang linaw and sakto ang temperature (di malamig). Hindi na kami nagtagal dun kasi panget ang beachfront, maliit and marumi, sagad na sagad masyado ang resort sa beach. Maingay pa kasi malapit siya sa port. Napakarumi din ng swimming pool, may mga dahon and lupa-lupa, worst may palaka pa na lumalangoy. Umalis na lang kami and di na kami nakabalik kasi medyo malayo din siya from Kota and sadyain pa, yung cave lang naman ang gusto namin dun.

Restos:
1. HR Restaurant- sarap ng food dito, isa ito sa mga babalikan ko na resto sa Bantayan. Hindi kami nagsisi sa orders namin. Ang sarap ng sisig, yung mga crab delicacy nila ang sarap din, chopsuey na halos pinapak ko lang, yung kinilaw (di ko matandaan kung anong fish yun) ang lambot ng laman ng fish saka manamis-namis ang sarap pa ng vinegar. Di ko na matandaan yung ibang orders namin pero yan talaga yung mga nasarapan ako.

2. Cou Cou Bar- walang lasa ang food, hindi gawa sa fresh fruit ang fruit juices nila, for me ang mahal ng instant powdered juice for 90pesos. Sana ako na lang ang nagtimpla. Pati pancake nila walang lasa ang batter pati ang syrup.

3.  Tristan's Pizza- We ordered 2 pizza and 2 salads. Mas masarap ang Mexicana compared to Tristan's Special, ang anghang lang ng Mexicana para sa taste buds ko. Ang salad nila sakto lang, mas gusto ko pa salad ng Wendy's or Pizza Hut. We ordered caesar salad and vinaigrette. Ok na din naman dito ang dami ng servings, 6 kami nagshare pero busog na busog kami

4. Panyang (MJ Square)- Carbonara lang order ko dito, buy one take one for 170pesos. Ang isang plate pwede magshare ang 2-3 person. Ma-sauce siya and masarap din. Hindi ko natikman orders ng friends ko kasi di na ako makakain sa dami ng nakain ko. Umay na umay ang pakiramdam ko. Pero according to them masarap naman ang food pero unbeatable pa din ang HR.

5. Paws Cafe (across MJ Square)- Masarap ang frappe dito, Oreo Frappe ang order ko. Mabait and accomodating ang Australian and Pinay couple na may-ari ng coffeeshop na ito. May cute and playful shih din sila na si Jon Snow. Babalikan ko din ito.

6. Giordano's  (across MJ Square din)- hindi ako fan ng baguette pero masarap ang baguette dito and malambot siya compared sa baguette na alam ko na medyo makunat. Must try ang Croque Monsieur promise. Babalikan ko din ito.

7. Caffe del Marre- I ordered green salad, parang overpriced ang food dito. Mahal ang ambiance hahaha. Di na ako uulit dito.

Allot lang kayo ng atleast 20mins for waiting time, medyo matagal magserve ng food ang mga restos sa Bantayan.

**diving cliff- kung saan tumalon si Bella sa movie na Camp Sawi ang ganda ng view super. Picturesque talaga kaya super picture talaga dun. Bumaba kami dun para maligo sa dagat, yes bumaba kami sa batuhan di kasi pwede magdive dahil ang babaw lang pala ng water sa part na yun ng cliff. Nahirapan ako pag-akyat kasi nabigatan ako sa sarili ko, nagpahila na lang ako sa kasama ko paakyat.

**ruins- creepy ng sirang bahay na yun parang naiisip ko anong nangyari nung manalanta si Yolanda. Ang ganda ng location ng bahay na yun na overlooking ang buong cliff. German daw owner ng bahay na yun and umalis at di na bumalik after ng Yolanda. Natakot na siguro. Sayang, napakaganda talaga ng location.

**I wonder kung ano yung maliliit na insekto na white na nangangagat sa beach, meron din ganun sa Pink Beach sa Zamboanga at ako din may pinakamaraming kagat nung time na yun. Ngayon may mga kagat ako sa hita, ang hapdi at ang kati pa naman saka nagpapantal. Pero nagtataka kami bakit kami lang ng friend ko na parehong may kaputian ang kinakagat samantalang nasa same area din kami nung friends namin na medyo dark ang skintone.

Di na kami nakapag-Virgin beach, gipit na sa time e pero promise babalik ako talaga dito.

Ingat pala kayo sa mga barker ng van sa port pabalik ng Cebu City ang daya nila. Mag-aalok sila ng ride sa van for 150pesos per head pero pagnaningil na ang driver 170pesos ang singil nila. Mabilis lang pagmag-van pero mas comfortable pa din ang byahe sa Ceres-airconditioned bus kesa mag-van. Tulad sa Metro Manila din kasi e, kawawa ka sa 3-4hrs na byahe pag dun ka sa mababa ang sandalan mapunta.

sorry na ang haba ng post.
« Last Edit: December 03, 2016, 04:24:05 am by mysterioza_me »

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #127 on: December 02, 2016, 07:29:58 pm »
^ thank you sis!

solo trip ako dun. feeling ko relax lang naman don and madali mag ikot ikot kasi walking distance lang yung mga kainan sa resort no?


mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #128 on: December 03, 2016, 04:02:05 am »
^Safe naman sa mismong island sis saka mababait ang mga locals. Sobrang laid back doon and wala masyadong nag-aalok ng paninda (kadalasan mga nagtitinda ng pearls and kids na nagtitinda ng shells necklace and bracelet ang nandun). Kapag morning may nag-aalok ng island hopping, hay sayang di kami natuloy due to lack of time na, 800pesos lang alok sa amin good for 4 na. If marunong ka magbike pwede ka maglibot ng nakabike lang 120pesos ang nakuha namin good for 24hrs na. So bike lang kami nung mamasyal and pagkakain sa labas. From Kota pwede na lakarin mga restos, isang kanto lang kaya naglalakad lang kami pagmorning. I modified my post pala kasi nalimutan ko i-include yung diving cliff experience namin.

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #129 on: December 03, 2016, 05:16:40 pm »
^ wow ang mura!

swak sa solo budget :)
yun ang fear ko e.. yung mashado mahal kasi mag isa lang, wala kahati

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #130 on: December 04, 2016, 01:28:58 am »
^Mura lang sis, afford na afford ng solo traveller. Wala lang masyadong ganap as compared to Galera or Bora na may mga activities pero ako kasi laid back ambiance talaga gusto ko e. Ayaw ko ng may makukulit na nag-aalok ng kung ano-ano or yung nahaharangan ang view ng mga boats or mga nagaantay ng activities.

nadialicious16

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #131 on: December 29, 2016, 04:10:13 pm »
Hello everyone,

May biyahe bang bus from Moalboal to Bantayan ? Anong mas recommended between the two Anika or Kota na pwedeng mag cater for 4 adults in one room beachfront ?

Thank you.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #132 on: December 29, 2016, 04:48:32 pm »
^Malayo ang Anika sa mga restos and I think malapit na siya sa port kaya maingay dun. Mas ok ang beachfront ng Kota saka mukhang secluded and malapit siya sa mga restos (pwedeng lakarin-siguro 5-10mins walk or you can rent a bike nalang for 100/a day). Their beachfront suites could cater to 4 adults, it has 1 queen bed and 1 bunk bed

tomatostellar

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #133 on: January 30, 2017, 06:19:29 pm »
^ enjoy your vacay sis! Balitaan mo ko ng itinerary mo.
Sa March naman ang punta ko :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #134 on: January 31, 2017, 12:33:00 am »
^^Yup pwede magswim sa Kota maski di dun nakabook. Pwede magrent ng bike for 100 pesos or you can rent a motorcycle for 500 pesos good for 24hrs na yun.

ross24

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #135 on: January 31, 2017, 08:04:44 pm »
Sure sis tomato stellar :-) Balitaan kita!

Thanks sis mysterioza_me! May grocery kaya sa Bantayan? Iniisip ko kasi yung tubig namin and mga snacks ng mga bata kung doon na bibili or magdadala ako from Cebu City..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #136 on: January 31, 2017, 11:38:08 pm »
^May grocery dun sis wag ka mag-alala. Kahilera lang din ng mga restos dun

ross24

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #137 on: February 01, 2017, 12:34:53 pm »
Yey! Thank you very much sis mysterioza_me! :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #138 on: February 01, 2017, 09:44:48 pm »
^no problem, enjoy your vacay ☺️

pretty_B

  • Guest
Re: Bantayan Island, Sta. Fe Beach Club & Ogtong Cave Resort (Thread 2)
« Reply #139 on: February 28, 2017, 10:56:33 am »
Hi! Mga magkano po kaya ang budget for Northern Cebu solo travel?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close