Here's my review of my Bantayan Island trip:
Resort:
1. Hagnaya Beach Resort- na-stranded kami due to typhoon Marce kaya we stayed here for 1night. Malapit siya sa port, approx mga 1km siguro. Sinundo kami ng van from port and hinatid din kami dun the following day. Mabilis ang check-in time, malinis ang room and mura. We got the family room for 3600k, 2 queen beds and 6 kami sa room. Included na ang breakfast for 4 sa room rate and nag-add lang kami ng 210/per pax for breakfast para dun sa sobrang 2 person. Well-maintained ang resort, malinis ang pool pero hindi pwede liguan ang beach. Ok naman ang breakfast (rice, bam-i, longganisa, hardboiled eggs, fishfillet, pandesal and cheesebread. May coffee, hot choco and juice din.) Pinakanagustuhan ko ang cheesebread nila.
2. Kota Resort-We cancelled our first night dapat since hindi kami natuloy dahil walang byahe ang ferry. Hindi sila nagbibigay ng full-refund, subject for 10% charge pa din yung 3 rooms na pina-booked namin and 3mos ang refund para sa remaining amount nung ibinayad namin. Ok din ang rooms nila, very basic and walang tv which is ok lang naman since nasa labas naman kami ng room most of the time. Hindi ko lang gusto ang smell ng toilet, parang malansa na ewan. Buti may dala kaming detergent powder kaya binubuhusan ko ng water na may tinunaw na detergent ang toilet and bathroom floor para mabango siya. Wala din palang faucet sa bathroom maliban dun sa nasa sink. May timba naman pero dun ko siya isinasahod sa shower. Sabi ng friend ko na nagi-stay sa ibang room buti pa daw bathroom namin well-maintained and mabango, sabi ko nililiguan na din namin ang bathroom namin pagnaligo kami para mabango din. Pinakamaganda ang beach front ng Kota sa lahat ng beachfront resort na nakita ko. Malinis ang beachfront nila, lumalabas sa tapat mismo ang sandbar kapag lowtide and may lagoon naman na nagfoform sa beachfront nila kapag hightide. Ang lawak tingnan ng beachfront nila and walang mga banka na nakatambay. Nung last day namin may mga nagskydive and dun sila sa Kota nag-landing. Ang saya tingnan.
3. Sta Fe Beach Club/Ogtong Cave- May 100pesos na entrance fee, with access na yun sa cave, swimming pool and beach. Yung cave lang naenjoy ko pero di namin nasulit. Pinaalis kasi kami wala man lang kaming 30mins, kasi meron daw magconduct ng baptism (di ko alam anong religion). Sorry pero asar lang kasi nagbayad din kami e. Balik na lang daw kami or magswim muna kami sa pool. Nauna kami sa cave e tapos kami pa ang itinaboy and dapat na bumalik, 2 groups kami na pinakiusapan na i-vacate ang cave, kaka-sad lang kasi nageenjoy pa kami e. Ang ganda pa naman ng water, ang linaw and sakto ang temperature (di malamig). Hindi na kami nagtagal dun kasi panget ang beachfront, maliit and marumi, sagad na sagad masyado ang resort sa beach. Maingay pa kasi malapit siya sa port. Napakarumi din ng swimming pool, may mga dahon and lupa-lupa, worst may palaka pa na lumalangoy. Umalis na lang kami and di na kami nakabalik kasi medyo malayo din siya from Kota and sadyain pa, yung cave lang naman ang gusto namin dun.
Restos:
1. HR Restaurant- sarap ng food dito, isa ito sa mga babalikan ko na resto sa Bantayan. Hindi kami nagsisi sa orders namin. Ang sarap ng sisig, yung mga crab delicacy nila ang sarap din, chopsuey na halos pinapak ko lang, yung kinilaw (di ko matandaan kung anong fish yun) ang lambot ng laman ng fish saka manamis-namis ang sarap pa ng vinegar. Di ko na matandaan yung ibang orders namin pero yan talaga yung mga nasarapan ako.
2. Cou Cou Bar- walang lasa ang food, hindi gawa sa fresh fruit ang fruit juices nila, for me ang mahal ng instant powdered juice for 90pesos. Sana ako na lang ang nagtimpla. Pati pancake nila walang lasa ang batter pati ang syrup.
3. Tristan's Pizza- We ordered 2 pizza and 2 salads. Mas masarap ang Mexicana compared to Tristan's Special, ang anghang lang ng Mexicana para sa taste buds ko. Ang salad nila sakto lang, mas gusto ko pa salad ng Wendy's or Pizza Hut. We ordered caesar salad and vinaigrette. Ok na din naman dito ang dami ng servings, 6 kami nagshare pero busog na busog kami
4. Panyang (MJ Square)- Carbonara lang order ko dito, buy one take one for 170pesos. Ang isang plate pwede magshare ang 2-3 person. Ma-sauce siya and masarap din. Hindi ko natikman orders ng friends ko kasi di na ako makakain sa dami ng nakain ko. Umay na umay ang pakiramdam ko. Pero according to them masarap naman ang food pero unbeatable pa din ang HR.
5. Paws Cafe (across MJ Square)- Masarap ang frappe dito, Oreo Frappe ang order ko. Mabait and accomodating ang Australian and Pinay couple na may-ari ng coffeeshop na ito. May cute and playful shih din sila na si Jon Snow. Babalikan ko din ito.
6. Giordano's (across MJ Square din)- hindi ako fan ng baguette pero masarap ang baguette dito and malambot siya compared sa baguette na alam ko na medyo makunat. Must try ang Croque Monsieur promise. Babalikan ko din ito.
7. Caffe del Marre- I ordered green salad, parang overpriced ang food dito. Mahal ang ambiance hahaha. Di na ako uulit dito.
Allot lang kayo ng atleast 20mins for waiting time, medyo matagal magserve ng food ang mga restos sa Bantayan.
**diving cliff- kung saan tumalon si Bella sa movie na Camp Sawi ang ganda ng view super. Picturesque talaga kaya super picture talaga dun. Bumaba kami dun para maligo sa dagat, yes bumaba kami sa batuhan di kasi pwede magdive dahil ang babaw lang pala ng water sa part na yun ng cliff. Nahirapan ako pag-akyat kasi nabigatan ako sa sarili ko, nagpahila na lang ako sa kasama ko paakyat.
**ruins- creepy ng sirang bahay na yun parang naiisip ko anong nangyari nung manalanta si Yolanda. Ang ganda ng location ng bahay na yun na overlooking ang buong cliff. German daw owner ng bahay na yun and umalis at di na bumalik after ng Yolanda. Natakot na siguro. Sayang, napakaganda talaga ng location.
**I wonder kung ano yung maliliit na insekto na white na nangangagat sa beach, meron din ganun sa Pink Beach sa Zamboanga at ako din may pinakamaraming kagat nung time na yun. Ngayon may mga kagat ako sa hita, ang hapdi at ang kati pa naman saka nagpapantal. Pero nagtataka kami bakit kami lang ng friend ko na parehong may kaputian ang kinakagat samantalang nasa same area din kami nung friends namin na medyo dark ang skintone.
Di na kami nakapag-Virgin beach, gipit na sa time e pero promise babalik ako talaga dito.
Ingat pala kayo sa mga barker ng van sa port pabalik ng Cebu City ang daya nila. Mag-aalok sila ng ride sa van for 150pesos per head pero pagnaningil na ang driver 170pesos ang singil nila. Mabilis lang pagmag-van pero mas comfortable pa din ang byahe sa Ceres-airconditioned bus kesa mag-van. Tulad sa Metro Manila din kasi e, kawawa ka sa 3-4hrs na byahe pag dun ka sa mababa ang sandalan mapunta.
sorry na ang haba ng post.