Hi Sisters! Share ko lang ang
SUPER ENJOY TRIP namin sa PPS last weekend. Mahabang kwentuhan ito, so please bear with me!
Travel Date: Sep14, 10AM to Sep16, supposedly 12:55PM pero...BASTA! hahaha.
Our trip is for
5 pax. My cousin and I have different schedule with the others. The above sched ang sched namin. Magkakaiba kami ng flight schedule since di na nakahabol sa promo fare yung iba.
I DON'T RECOMMEND na gawin nyo yung ginawa namin kasi nagugulo ang sched because of hintayan, etc.
DAY 1:
04:00AM Waiting at NAIA Terminal 4.
Nasa NAIA Terminal 4 na kami para sa flight ng mga kasama namin. Their flight was 05:50AM via ZestAir na nadelay to 07:35AM. Imagine yung oras na hinintay namin for our 10:00AM trip and yung time na hinintay ng mga kasama namin hanggang sa dumating kami. Ang hassle nun.
10:00AM-11:00AM Arrival at PPS Airport.
Good thing at di nadelay flight namin, napaaga pa nga ng 15mins eh. Ang smooth ng naging byahe since maganda ang panahon. Okay ang service ng
Tiger Airways and ang cu-cute ng mga crew (haha) but I wonder kung bakit ang daming vacant seats sa plane. hmmm.
11:00AM-12:00NN Arrival at
Purple Fountain Courtyard Inn and Preparation for Honda Bay Tour.
In 3-5mins, nasa inn na kami which is super okay para sa amin. Ang ganda ng ambiance sa lahat ng part ng inn (as in LAHAT) - mapa-common cr sa labas, sala, lobby, garden, and of course in our room. Mejo maliit yung place pero perfect na for the family. I just don't think na okay sya sa magbabarkada kasi BAKA mag-aagawan sa kama. haha. Like sa room namin 5 adults kami pero ang bed ay 1 double bed, 1 single bed and 1 sofa bed. They are very accomodating naman kaya nagbigay sila ng extra foam which is di naman namin ginamit. Mas masaya kasi ang siksikan. hehe.
01:00PM (idk the exact time. sarreh) Honda Bay Tour.
Walang gaanong tao sa Sta. Lourdes Wharf since sabi nga ng tour guide naming si
Ate Grace (the best sya!!!), nag-start na morning palang ang karamihan ng naghohonda bay. We payed 40pesos each for the environmental fee. Yung una naming boat (nakalimutan ko yung name ng boat), na-stranded sa gitna (AS IN SA GITNA NG KARAGATAN! HAHAHA!) We waited for 30mins ata para sa magsusundong boat, which is the
LOVE LOVE BOAT. haha. Super tirik ng araw and kung napapansin nyo, di pa kami naglulunch. T___T Dalawang island lang daw talaga mapupuntahan namin sincehalf day lang kami. Btw, our driver was
Kuia Rocky na laging inaasar ni Ate Grace. haha.
??:??PM (sarreeeh. di ko na talaga alam yung time. haha.) Pandan Island.
Tiniis namin yung gutom namin from Manila Airport to Pandan Island kasi free lunch (SUPER TIPID MODE. HAHA). Parang tira na yung food namin (buffet style kasi) pero okay na din. Malinis naman at madami pa yun tapos naubos namin! HAHAHA. Super tirik ng araw, which is half good, half bad. Wala na sana kaming balak maligo pero sayang yung ipinunta namin dun so, go pa din kami kahit super init. Nag-snorkel kami with our "tour guide",
Kuia Chief. Ang gandaaa! It's my first time and I really really enjoyed it! GRABE! Ang ganda ng nature, the colorful fishes, the corals and all! lablab! <3
03:00PM Starfish Island.
Muntik ng 1 island nalang ang puntahan namin kasi nga nastranded kami sa gitna ng dagat, buti nalang napilit namin si Ate Grace. haha. Pagdating namin sa island,
SOLO namin! hahaha! as in. nakakatuwa parang may sarili kaming isla.

nag-snorkel din kami dito with Kuia Chief again. Ang tahimik nya pero ayos syang tour guide sa dagat! halos 1/5 ng paligid ng Starfish Island, nalibot namin! haha. And ang lulupet ng mga boatmen namin! Ang daming tricks na alam sa pagpopose!
07:30PM Dinner at
Ka Lui.
Nagpareserve ako kay
Sis La Tiara sa Ka Lui para matry namin since sarado yun every sunday. Ang ganda ng ambiance since pwedeng magpicture picture. hehe. Our dinner is worth 1300+ good for 5. Sulit na din.

After dinner, na-salestalk kami ni
Kuia Danny (trike driver) na magpunta sa pasalubong center. nakakatuwa kasi may pakulo pala yung mismong pasalubong center. Something like....if nakapagdala yung trike driver ng 100 customers (not sure about the number though), may regalo daw sila by christmas. It's a good motivation kaya naman...naka-tatlong balik ata kami sa pasalubong center. haha!
10:00PM Rest time na!
