watch now

Author Topic: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18  (Read 92811 times)

layzieg

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #360 on: August 28, 2013, 09:45:46 pm »
Pero pag dating sa airport wala na bang extra fee? San ba Mura bumili ng seafood?

shegothim

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #361 on: August 28, 2013, 10:08:18 pm »
i think dapat icheck-in yan so dapat may check in baggage kang alloted para sa mga seafoods. wala namang extra fee akong binayaran.

layzieg

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #362 on: August 30, 2013, 10:36:36 am »
Thanks sis!

momlory

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #363 on: September 01, 2013, 10:02:23 am »
mga sis ilang oras ang travel time from underground river to airport? kasi ang flight namin is 8pm pa naman. Pero mangagaling kami sa el nido which is night trip sana. So sa morning plan namin dumiretso sa underground river tapos saka pumunta ng airport.

meimei

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #364 on: September 01, 2013, 01:17:08 pm »
^approx 2.5 hours

momlory

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #365 on: September 02, 2013, 08:59:39 am »
Thanks sis sa info :)

isa pang question ang mahal kasi ng underground river tour pag agency 1600 kagad.

Pwede bang from puerto princess like dec 3 kami  andun. kuha na kami ng permit for Dec 5? Since 2 lang kami meron ba kayong kakilala na nagooffer ng join group tour para mura.
Or dapat talaga agency?

Malapit lang ba yung permit sa airport pala or sa may sabang na?

Thanks sis sa sasagot :)

zee87

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #366 on: September 03, 2013, 11:48:40 pm »
standard na lahat ng tour is 1500 per person kahit saan po kayong agency kumuha ng tour.
If mag DIY kayo, mas mura ng mga half...

So if Dec 3 kayo punta, tama na punta kayo dun sa munisipyo to reserve tickets for Dec 5. Tapos kuha na rin kayo ng mga phone numbers ng Van like Lexus para tawagan nyo na lang to reserve seats going to and coming from Sabang.

If DIY mga sis, the earliest time that they will give you is 11AM yata. they will not give you 8AM slots kasi wala daw pong van na umaalis ng maaga sa puerto unlike pag tour.

I suggest magbaon na kayo ng food nyo kasi sobrang limited ang options dun sa Sabang.

ayionick

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #367 on: September 04, 2013, 08:17:33 am »
hindi ko sure kung may nagbibigay pa din ng discount sa UGR tour, dati kasi 2 lang din kame at sa agency kame kumuha thru our pension house. P1300/pax ang bigay samin with lunch na din yun at complete with permit and van na.

yung lexus van going to el nido may maaga umaalis, 5am if i remember correctly. dumadaan sila sa sabang pero hanggang high-way lang, not sure if you need to ride another van/jeep/tryke papunta mismo sa UGR.

cescilay

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #368 on: September 04, 2013, 11:51:17 am »
Mga sis, is it wise na mag DIY ng Honda bay tour ang 2 persons? Or it's better na mag avail na lang kami ng tour sa agency?

jackyjames_09

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #369 on: September 06, 2013, 02:37:59 pm »
Hello mga sis!

Help naman, please. MEDYO nagka-idea na ako about tours sa Palawan but not enough to complete our iti. Plan namin is on September 22-26. 2 lang kami ni hubby. We are definitely wanna go to UGR and HBT. any idea kung magkano just for 2 pax?  May motorbike rental ba or car rental with tour guide for City tour?

Saang resto "the best" ang food ?

Ano pa  po bang mga magagandang beach resorts?

TIA!  ;)

God bless.

zee87

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #370 on: September 06, 2013, 11:23:47 pm »
may mga motorbikes rental po dun. mukhang mas ok nga yung ganun mga sis kasi atleast hawak nyo oras nyo. pwede kayo makapunta kahit saan. check nyo na lang how much per day [textspeak!] rental. magkakalapit lang naman yung mga pupuntahan nyo sa city tour.

Wag na kayo magbayad ng tourguide sis.. magkakalapit lang yung mga un, di kayo maliligaw. :)


jackyjames_09

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #371 on: September 07, 2013, 05:21:53 am »
^Thank you sis! Ano bang sasakyan sis pag may tour guide, car or van? Nung nag-bohol kasi kami nag-motorbike rental din kami, super enjoy din and yes control mo yung oras. Medyo 50/50 lang ako sa motorbike this time kasi preggy ako, within 1st trimester.

exotic_beauty

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #372 on: September 09, 2013, 01:14:45 pm »
Hi mga sisses:

our flight to PP is on Sept 30 (6pm) arrival and leaving PP on Oct. 2 (5pm)

I'll be with my family (6) and sa Villa Saturnina kami naka book.  Ang itinerary namin will be:

Sept. 30 - arrival 6:30pm
Oct. 1 / 7am-5pm - UR tour including breakfast, lunch, permits, boat transfers, and van transfers
            6pm onwards - Firefly watching with dinner
Oct. 2 / 7am- 3pm - Honda Bay Tour (5 islands) including breakfast, lunch
                              boat transfer, environmental fee and entrance fee for 5 islands.






jackyjames_09

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #373 on: September 11, 2013, 10:19:23 pm »
Mga sis.. May naka-stay na ba sa DEEP FOREST INN? I'm torn between PUERTO PENSION and DEEP FOREST INN. Please share naman po. Thank you.

zee87

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #374 on: September 12, 2013, 12:10:27 am »
^Thank you sis! Ano bang sasakyan sis pag may tour guide, car or van? Nung nag-bohol kasi kami nag-motorbike rental din kami, super enjoy din and yes control mo yung oras. Medyo 50/50 lang ako sa motorbike this time kasi preggy ako, within 1st trimester.

buntis ka pala sis.. wag ka na kayo mag motor. im not sure yung may tour guide but most likely van yun. you just have to coordinate siguro dun sa tutuluyan nyo if they are offering city tours. pero im sure marami naman kayo makikita online if wala dun sa tutuluyan nyo. :) Pwede rin tric, 400 city tour. wala nga lang yun guide.

jackyjames_09

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #375 on: September 12, 2013, 05:28:26 am »
^Ah.. Thank you sis! Mas ok na nga yung van. Sikipan kami nyan sa trike medyo lusog-siksik kasi yung cousin ko hehe.
 
Sana maganda na ang panahon and walang ma-cancel etc. na flight. Umuwi lang kasi ako nung Tuesday, tapos malakas ata ulan sa Manila kaya nag-announce yung pilot na sa Clark Airport kami mag-landing. Buti na lang sa Manila pa din naman.

pretty_B

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #376 on: September 12, 2013, 04:15:09 pm »
hi sisters, kamusta ang weather sa PPS naun? we'll be there this weekend, sana makiayon ang magandang panahon sa amin. :)

ang dami kong nirequest kay sis la tiara, i'll make kwento next week! we're sooo excited! :D

chedz.03

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #377 on: September 15, 2013, 01:04:41 am »
Gusto namin pumunta dito or coron by first week of december kaso wala na ako makuhang promo sa airlines. Pag regular fare kulang 8k para samin ni hubby. :(

pretty_B

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #378 on: September 18, 2013, 04:29:55 pm »
Hi Sisters! Share ko lang ang SUPER ENJOY TRIP namin sa PPS last weekend. Mahabang kwentuhan ito, so please bear with me! :D

Travel Date: Sep14, 10AM to Sep16, supposedly 12:55PM pero...BASTA! hahaha.

Our trip is for 5 pax. My cousin and I have different schedule with the others. The above sched ang sched namin. Magkakaiba kami ng flight schedule since di na nakahabol sa promo fare yung iba. I DON'T RECOMMEND na gawin nyo yung ginawa namin kasi nagugulo ang sched because of hintayan, etc.

DAY 1:
04:00AM Waiting at NAIA Terminal 4.
Nasa NAIA Terminal 4 na kami para sa flight ng mga kasama namin. Their flight was 05:50AM via ZestAir na nadelay to 07:35AM. Imagine yung oras na hinintay namin for our 10:00AM trip and yung time na hinintay ng mga kasama namin hanggang sa dumating kami. Ang hassle nun.

10:00AM-11:00AM Arrival at PPS Airport.
Good thing at di nadelay flight namin, napaaga pa nga ng 15mins eh. Ang smooth ng naging byahe since maganda ang panahon. Okay ang service ng Tiger Airways and ang cu-cute ng mga crew (haha) but I wonder kung bakit ang daming vacant seats sa plane. hmmm.

11:00AM-12:00NN Arrival at Purple Fountain Courtyard Inn and Preparation for Honda Bay Tour.
In 3-5mins, nasa inn na kami which is super okay para sa amin. Ang ganda ng ambiance sa lahat ng part ng inn (as in LAHAT) - mapa-common cr sa labas, sala, lobby, garden, and of course in our room. Mejo maliit yung place pero perfect na for the family. I just don't think na okay sya sa magbabarkada kasi BAKA mag-aagawan sa kama. haha. Like sa room namin 5 adults kami pero ang bed ay 1 double bed, 1 single bed and 1 sofa bed. They are very accomodating naman kaya nagbigay sila ng extra foam which is di naman namin ginamit. Mas masaya kasi ang siksikan. hehe.

01:00PM (idk the exact time. sarreh) Honda Bay Tour.
Walang gaanong tao sa Sta. Lourdes Wharf since sabi nga ng tour guide naming si Ate Grace (the best sya!!!), nag-start na morning palang ang karamihan ng naghohonda bay. We payed 40pesos each for the environmental fee. Yung una naming boat (nakalimutan ko yung name ng boat), na-stranded sa gitna (AS IN SA GITNA NG KARAGATAN! HAHAHA!) We waited for 30mins ata para sa magsusundong boat, which is the LOVE LOVE BOAT. haha. Super tirik ng araw and kung napapansin nyo, di pa kami naglulunch. T___T Dalawang island lang daw talaga mapupuntahan namin sincehalf day lang kami. Btw, our driver was Kuia Rocky na laging inaasar ni Ate Grace. haha.

??:??PM (sarreeeh. di ko na talaga alam yung time. haha.) Pandan Island.
Tiniis namin yung gutom namin from Manila Airport to Pandan Island kasi free lunch (SUPER TIPID MODE. HAHA). Parang tira na yung food namin (buffet style kasi) pero okay na din. Malinis naman at madami pa yun tapos naubos namin! HAHAHA. Super tirik ng araw, which is half good, half bad. Wala na sana kaming balak maligo pero sayang yung ipinunta namin dun so, go pa din kami kahit super init. Nag-snorkel kami with our "tour guide", Kuia Chief. Ang gandaaa! It's my first time and I really really enjoyed it! GRABE! Ang ganda ng nature, the colorful fishes, the corals and all! lablab! <3

03:00PM Starfish Island.
Muntik ng 1 island nalang ang puntahan namin kasi nga nastranded kami sa gitna ng dagat, buti nalang napilit namin si Ate Grace. haha. Pagdating namin sa island, SOLO namin! hahaha! as in. nakakatuwa parang may sarili kaming isla. :) nag-snorkel din kami dito with Kuia Chief again. Ang tahimik nya pero ayos syang tour guide sa dagat! halos 1/5 ng paligid ng Starfish Island, nalibot namin! haha. And ang lulupet ng mga boatmen namin! Ang daming tricks na alam sa pagpopose! :D

07:30PM Dinner at Ka Lui.
Nagpareserve ako kay Sis La Tiara sa Ka Lui para matry namin since sarado yun every sunday. Ang ganda ng ambiance since pwedeng magpicture picture. hehe. Our dinner is worth 1300+ good for 5. Sulit na din. :) After dinner, na-salestalk kami ni Kuia Danny (trike driver) na magpunta sa pasalubong center. nakakatuwa kasi may pakulo pala yung mismong pasalubong center. Something like....if nakapagdala yung trike driver ng 100 customers (not sure about the number though), may regalo daw sila by christmas. It's a good motivation kaya naman...naka-tatlong balik ata kami sa pasalubong center. haha!

10:00PM Rest time na! :D

pretty_B

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan Thread 18
« Reply #379 on: September 18, 2013, 04:37:49 pm »
Day 2:
06:00AM Breakfast at White Fence Country Cafe, the in-house restaurant of Purple Fountain.
The food was good. Kasama sa package (as usual) yung free breakfast. We ordered the usual -silog ulam with hot choco na yun. Kinukuha na ng crew yung orders sa hapon pa lang so, by morning ready na. Napaka-accomodating nila, promise! :D

07:00AM Pick-up for Underground River Tour.
Since 5 lang kami, naka-share namin sa van ang 2 sweet na couples. :"> a couple at mid-20s and a couple at late-50s (ata). di rin sila magkakilala. "#inggitmuch" ang bukang-bibig naming 5, since ang sweet talaga ng both couples, nainspire pa nga kami eh. haha. halos 2 hrs ang byahe and mala-baguio ang road trip. since, puyat at pagod kami from yesterday, natulog lang kami halos sa byahe. haha.

09:00AM (or something) Ugong Rock Adventures.
Ate Grace asked us if gusto namin mag-caving, spelunking and zipline. and we said yes! so, we payed 550 pesos for that. :D nakakatuwa ang mga tour guides. sanay na sanay na sa mga picture moments, kaya sila na mismo nag-aalok sa amin na kuhanan kami ng pictures. haha. we tried the superman zipline, yung nakahiga. ibang zipline yung naka-upo (450pesos ata). and it was awesome! :D grabe, nakakatakot kapag malapit na matapos yung line at hindi mo alam kung paano ka hihinto. HAHAHA. we got our souvenir picture at 100pesos since mas okay ang shot ng MALUPET NA DSLR ni Kuia! :D

11:30AM (something din) Sabang Wharf (or beach???).
We had our free buffet lunch here. THE BEST yung pinakbet and majablanca na color ube. :D wala pa gaanong tao pagdating namin, so we got our seats pa. pag-upo namin, nagsidatingan yung mga kasabay namin sa Ugong Rock. haha. buti may naupuan na kami by that time. Salamat sa aming driver na si Kuia Boy-Boy! Kapag daw mabilisang trip (flight kasi ng 2 couples ng 5:30pm and 7:00pm), si Kuia Boy-Boy daw ang kinukuha nila. haha. Then, we waited for our turn na makasakay sa motorboat. Sayang lang at di pwedeng maligo sa beach kasi malakas ang current ng tubig sa ilalim. nakakatakot. Also, iba't ibang lahi yung naabutan namin na gusto makita ang UGR. SO PROUD PINOY HERE! :D

??:??PM (di ko na talaga alam yung time. haha) UGR Tour na!!! :)
After some time ng picture picture, it's our turn! :D Ang swerte namin sa tour guide/ boat man naming si Kuia Chris-tsuper! :) ang kwela nya grabeee! tawa kami ng tawa the whole time plus kumanta pa sya. Of course, ang amazing ng mga nakita naming rock formations sa loob! nakakita pa kami ng water snake. :D Basta, ang hirap idescribe!

04:00PM Going back to inn with side-trip to the pasalubong centers!
dalawa yun eh, i can't recall the name, basta sa cora's yung isa. :D mas okay bumili sa may tabi ng cora's cheaper ang price. and tama sila na mas cheaper pa sa di-aircon kesa sa mga stalls sa labas. hmm. bakit kaya? O.o

07:30PM Dinner at Kinabuch.
Our dinner was worth 1k for 5. pwede na din. mejo pagod na ang lahat kaya di gaanong magana kumain. hoho. We tried the mixed seafoods and breaded tamilok (masabi lang na at least na-try namin ang specialty nila na tamilok! ayos ang lasa. Mas masaya sa Kinabuch if barkada kayo and you want some drinks. But if family kayo, go to Ka Lui. Wala kasing madaming silong sa Kinabuch so, if di kayo makakakuha ng place na may silong, kawawa yung mga bata. mahahamugan. waaa.

09:00PM Rest Time ulit. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close