Hi sis! I've been breastfeeding my baby since birth, 11 months na siya ngayon and thank God exclusive pa din kami

Since nag 2 months siya balik work na ako. Pero every other day lang kasi ang pasok ko kaya mas naging madali para sa akin. I have the Avent manual pump and what I do is I store milk on VIA cups. Nung 2-3 months pa lang siya. she can consume 8oz. of milk lang while I'm away ( 2oz per feed, 4x per day). That time I can pump up to 12oz. sa office so may sobra pa, I store the excess sa freezer.
Nung 4-7 months (ata, not sure kung ilang months exactly), nakaka 12oz. na siya so sakto lang yung napupump ko. E gusto ko may extra parati so kahit nasa bahay lang ako minsan I pump in between feedings.
After a few more months, naging 4oz per feeding na siya pero 3 feedings na lang while I'm out kasi nagsosolids na siya. So parang ganon pa din. I still have stocks para sa mga times na hindi maiwasang late ako umuwi. Ngayong 11 months na siya, medyo mahina na talaga siya sa milk kapag wala ako kasi for some reason, ayaw na niya nung frozen then thawed milk. Pag sa akin siya dumedede, malakas pero kapag yung stock niya, nakaka 2 4oz bottles lang siya. Pero very healthy siya ha, overweight pa nga!
Eto mga subok ko na tips.
- to produce more milk, you have to extract more milk. Kaya if possible, mag pump ka ng kahit 10mins lang after every feeding. Kapag bumalik ka na sa work, pump ka every 3 hours. Wag kang tatamarin kasi kapag nasanay ang body mo na konti lang ang milk output, mas mahihirapan ka magpump.
- carica malunggay capsules work. At least for me. Nafi-feel ko talaga na nag e-engorge ang breasts ko kapag nag take ako nito. Pero again, kapag hindi mo pinump yung milk, uunti ulit yan.
- with regards to your questions, mas space saving daw ang milk trays pero hindi ko natry yun kasi natuwa na ako sa avent via cups. gumamit din ako ng milk bags pero beware kasi may mga milk bags na hanggang ilang weeks mo lang pwede store yung milk. Dapat ma-consume agad. So oarang na defeat yung purpose diba?
- do NOT microwave your milk. Namamatay yung nutrients.
Isip pa ako ng mashe-share
