watch now

Author Topic: first time mom, how to deal with baby  (Read 148762 times)

vuzhia

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #140 on: January 24, 2014, 03:05:04 pm »
^salamat sa info sis, sabi ba naman ni hubby hindi ba daw bidet gagamitin namin sa bummy ni baby pag nag poo poo, sabi ko haller newborn pa yun, wala talagang idea eh  ;D

siguro naman sasamahan ako ng mama ko sa house pag kapanganak ko, wag lang matapat sa gala nya, lakwatsera kase mama ko mula ng mag retired yun  :D 

then papasundo na rin namin agad yung maging yaya namin pag need na talaga, tapos yun nga pwede namin hiramin yung kasambahay ni in-laws, parang tiya na rin kase yun ni hubby

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #141 on: January 24, 2014, 03:09:34 pm »
^ haha, ok lang yan sis. iilan lang ang alam kong mga hubby na sanay sa bata. :)

le_zar

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #142 on: January 25, 2014, 06:31:42 am »
^^ for my firstborn, we also used cotton balls with warm water pero pag may pupu, we use cetaphil to clean the area then warm water. Careful sa wiping if girl ang anak mo. Always isang daan lang yung wet cotton ball sa 'flower' at wag pabalik-balik ang na-soil na cotton ball - to prevent UTI.

I also remember may notebook ako, when i went back to work, andon yung feedings, ilang ounces ang naibigay, tsaka ilang diapers na-change, how many don ang pupu, color ng pupu etc. pinapalista ko lahat sa yaya.

Ang hindi ako marunong is pagpapaligo ng baby. May midwife kasi ako sa first month nya so sya nagpapaligo and naglilinis ng umbilical stump. Kaya ngayon, nanunuod ako ng newborn care sa youtube. 6 years ago pa yung first ko and im 35.5 weeks na now na may tendency mag-premature labor.

Last kwento, nung kababalik lang namin hospital sa first born, takot na takot ako buhatin si baby. 1-wk short kasi sya. 36weeks sya lumabas pero good as 37wks naman daw sabi nung neonatalogist. Anyway, maliit sya, mapula. Napaka-fragile talaga. So gusto ko, inaabot sya sa akin pag feeding time- hindi ko kayang kunin from the crib, as in umiiyak ako! Natatakot akong ma-twist or mahulog ko sya kasi pagkuha mo sa crib, i-manuever mo pa para i-position for breastfeeding. So k(c)ina-reer ko yon at nagpaturo ako sa midwife. Natuto naman ako. Sana alam ko pa.

Ang hindi ko din nagawa non is sabayan ang baby pagtulog. Clueless kasi ako non so research ako ng research sa internet. Ngayon, medyo equipped na ko (sana) soi hope masabayan ko na sya sa tulog and hindi super puyat lagi.


vuzhia

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #143 on: January 25, 2014, 08:34:11 pm »
^thanks sa info sis, baby boy kami pero syempre wala talaga experience  :)

mukhang need ko bumili ng thermos for hot water, wala kase kami thermos electric kettle lang, kase hindi kami malimit mag coffee ni hubby, sayang naman sa kuryente kung kada palit ng diaper papakulo ng tubig

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #144 on: January 26, 2014, 12:52:48 pm »
^ oo sis bili kayo thermos useful naman yan, pangmatagalan na gamit. may sariling thermos anak ko sa bahay for his milk's boiled water. i alse use boiled water kasi pambabad sa pacifier nya na bagong hugas.

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #145 on: January 29, 2014, 08:21:18 pm »
Help naman mommies...

Hindi ko na alam gagawin ko kay baby.. aburido kasi sya maxado, konting hawak, ilalapag para bihisan, palitan ng diaper, etc. nag iingit sya tapos iiyak agad.. di ko alam kung colicky ba sya kasi tumitigil naman kapag kinakarga or pinapadede.. kaso napansin ko lagi syang ganun,, as in routine.. tapos normal bang pag gigising sya iiyak talaga? yung iyak talaga na sisigaw pa hindi sya makahintay ng milk nya.. eh since hindi ako nakapag breastfeed na ngaun, titimpla pa.. hay... ganun sya eh.. yung mga babies kasi na nilalaro ko naglalaro lang pag nakahiga, tapos nag ssmile.. or kung gutom man, makikita mo lang yung sign na yung head nya eh papaling paling.. sya hindi ganun..

lahat na nga binili ko for him, AVENT naman ang bottles nya para less colic,.

1 month and 10 days na sya.. bakit kaya ganun... :( minsan kasi napipikon na ako.. lalo na kapag sa madaling araw magigising sa iyak nya. hays..

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #146 on: January 29, 2014, 11:44:06 pm »
sis marami tayong ita trial & error ha:

- baka nilalamig sya. para kasing naghahanap sya ng warmth. try mo patulugin sa dibdib mo ng nakadapa. PERO, if you are going to sleep too, position youself sa gitna ng kama then tig isang unan sa gilid mo in case makatulog ka din hindi sya delikado.
- swaddle mo sya sis pag matutulog na.
- ang oras ng dede nya, try mo sya i feed every 4 hrs, huwag mo intayin na umiyak sya. pag kasi umiyak na sya, sign yan na gutom na gutom na sya. 2-3 hrs naman bago masira ang formula eh.kapag hindi nya nakalahati, bawasan mo ng 1oz pero stick ka sa 4 hr feeding.do not forget to burp after feeding. kung nakatulog sa pagdede wag mo agad ilalapag si baby, keep him medyo elevated sa head or 10-15 mins para hindi maglungad.
- worst case may kabag sya. mukhang hindi pa sya marunong umutot. ganyan talaga sis. yung anak ko ganyan din 1st two months nya, nung natuto na sya umutot mas umokay na. try to massage his tummy pababa para mabawasan ang hangin sa tummy nya.

all of this i learned by experience & advice din ng ibang mommies. when your baby sleeps, have someone look over him kahit 2-3 hrs para makabawi ka ng lakas. i made the mistake of assuming i am a super mommy and i blew up. have someone with you kung wala si hubby mo.
« Last Edit: January 29, 2014, 11:49:20 pm by daveigh »

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #147 on: January 30, 2014, 02:45:03 am »
Salamat sis daveigh.. Ganito kasi nangyayari..

Gustong gusto ko gawin yang every 3-4 hrs feeding like say example 3-4oz.. Ang kaso nangyayari, hindi nya nauubos, 2oz lang halimbawa, tapos after 1 hr gutom na naman so dede ulet.. Minsan naman lumalagpas sya sa 4oz pero paisa2ng oz ang timpla.. (With matching iyak na naman syempre)

Triny ko ipaubos yung 3-4oz sa kanya para humaba yung hrs na busog sya.. Ang kaso kahit na burp, ilalabas nya halos lahat ng nainom nya, minsan pa sa ilong.. (Naiiyak nga ako pag ganun)

So ang ginagawa ko nalang is follow talaga kung kelan sya nagugutom.. Which is signed by iyak na naman. (Kahit gusto ko sana may sked yung feeding) un nga lang mayat maya naman sya gising.. Para dumede..

Nagkaron kasi sya ng parang allergy, feeling ko un [textspeak!] gatas nya na pmunta sa nose eh.. Para syang may sipon pero wala naman.. Yung tipong kumukulog pero hindi sya tumutulo.. Nag alerkid na kami sabi ng pedia nya pero after 1 week ganun parin..

Di ko na tlaga alam, i want to sched his feeding para hindi sya laging fussy at pagising2 especially at night.. Dahil bitin yung dinede, pag naman pinaubos iluluwa, lalabas sa ilong.. Hay.. Kaka frustrate...

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #148 on: January 30, 2014, 07:47:32 am »
^ na oover feed mo na ata si baby aside from crying sign na mejo hungry na si baby pag nilagay mo finger mo sa cheeks nya tapos susundan nya ng bibig nya pag ganon pwede mo na padede, after feeding also elevate mo muna sya and important na ipaburp mo para hindi mag lungad. After burping wag mo muna ibaba agad baka nag reflux lang si baby paunti unti na lang muna feed mo kawawa naman sya if lagi nagrereflux baby ko rin dati na diagnose ng pedia nya na may allergies pero according to a specialist 1 month is too soon para masabi na allergy nga yun probably lungad lang na hindi lumabas or nagrereflux lang si baby kaya may tunog na ganun. Ang suggestion ko like kay sis daveigh elevated dapat head ni baby lalo na after feeding our pedia recommend na at least 30mins to 1 hour muna after feeding kahit na burp na bago ibaba si baby para sure na wala lungad problem dun hindi ka agad makakasleep if meron ka kasama sa bahay ask for help para makapag pahinga ka important kasi na makarest ka din para may focus ka pa rin hang in there matatapos din yung ganyan na episodes ni baby

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #149 on: January 30, 2014, 09:52:31 am »
tama si sis Cerelina. Hindi everytime na umiiyak baby mo eh gutom sya. Baka nga overfed na sya.

Normal naman yang nangyayari sa baby mo sis. Isipin mo lang lagi na Ginagamay pa nya ang buhay sa labas ng tummy mo, kaya both of you are adjusting to each other. iiksi talaga ang pasensya mo pag kulang ka sa tulog. kelangan mo ng karelyebo. May baby talaga na tulad ng babies mo na iba ang temperament so dont compare yours withnother babies. To be honest ganyang ganyan ang anak ko kaya sabi ko sayo lilipas din yan. :)

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #150 on: January 30, 2014, 09:59:37 am »
and i noticed you try to feed her para humaba ang tulog, dont do that sis. talagang maiksi pa tulog nyan at maya maya ang dede kasi maliit pa tummy nila, they can only absorb as a size of a pea. kaya every 2-3 hrs ang feeding nika sa breastmilk then 3-4 pag formula.

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #151 on: January 30, 2014, 01:46:27 pm »
Thank you mommies.. will do your advices, see anong changes sa attitude nya..

About grunting naman, na noticed ko rin kasi yun.. kahit tulog sya nag ssound... na experience nyo ba sa babies nyo yun?

daveigh

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #152 on: January 30, 2014, 02:07:16 pm »
^ hindi sis eh, pero baka hilik yan kasi. better let your pedia know na lang on monthly checkup. :)

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #153 on: February 05, 2014, 08:17:11 am »
My baby always cry whenever he wokes up.. As in always.. Is that normal? He's 1 1/2 month na..

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #154 on: February 05, 2014, 08:53:20 am »
Maybe thats colic na nga or nalalamigan sya kaya nagigising umiiyak itime mo yung sleep nya baka kulang dahil nagugulat lang or nagigising ng wala sa tamang oras o may laman na diaper nya hindi na sya comfortable. 

My first baby kasi ganyan konting something umiiyak but now with my newborn hindi na iyakin iiyak lang pag nabibitin sa milk tapos tutulog na hindi rin sya bothered kahit may poop na maamoy na lang namin pag may laman na.

Ang concern ko ngayon is changing his diapers without waking him kasi while sleeping sya nag popoop pag pinalitan diaper nya nagigising nalalamigan ata kawawa naman sya ayoko naman sya mag rash dahil natatagalan poop sa pwet nya .

Im trying also to breatfeed ang napansin ko sa kanya mag dedede ng formula mga 1oz tapos dedede sakin tapos formula ulit mga 2oz then sleep na sya for 3 to 4 hours hindi ba masyado madami yun? Tapos ngayon may sugat yung isang nipple ko ok lang ba padedehin si baby?

Priceless

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #155 on: February 05, 2014, 11:09:46 am »
^^Sis PrettyPepz, Yes, sa baby ko, naging normal yun. As in every hour nagigising, with matching iyak. It came to the point na I hated nights kasi wala din lang naman akong tulog, because I breastfed. So kakapikit ko lang, eto na naman si Mr. Iyak.

Anyway, I realized later on na I was not burping him properly. My MIL was the one who told me, try to burp him before, during and after the feed. Nung una, naisip ko hassle kasi tumatagal ang feeding at nabibitin sya, pero sabi ni MIL, pag daw hindi nabuburp, the gas goes "deeper" at mas lalong nahihirapan syang mag burp. Tapos dati mali pa ang pagpapaburp ko. Akala ko simpleng ilagay ko lang sa may shoulder ko, masamasahiin ang likod, ayos na. Yun pala, I really need to hear and "feel" that he has burped. Otherwise, dapat I keep on trying to get the burp out. Kung antok na sya, makakatulog sya pero unless you were able to get the burp out, pag naramdaman nya na ang gas sa tyan nya, ayan na ang pagsisimulan ng iyak ulit, usually within the next hour. Kaya pala every hour umiiyak si baby ko. I used colic drops (Dentinox & Infacol brands) for my baby - which was given to him before he was fed - which made it easier for him to burp. I dunno kung anong brands ang available dyan sa atin, but you might want to try these as well kasi it helped my baby, baka effective din sa inyo.

So when it came to his second month, may routine na ako. Pag nagising sya, I check his diaper, change it, check his shirt kung napawisan ba sya (change if necessary), I put him back in his swaddlesack, then I feed him, tapos burping time na. And then on his second month, may routine na rin sya, like every two hours ang feed - I feed him as much as he can finish (either direct BF or expressed BM)...Eventually naging three hours yung gap - we don't give him any milk in between feeds. Sometimes kasi hindi naman talaga sila "gutom", they just want to be cuddled o kaya kailangang i-change lang ang diaper.

^Sis Cerelina, ok lang to breastfeed kahit may sugat yung nipple kung hindi naman too painful for you. Or you can buy those nipple shields (yun yata ang name) para may protection while baby feeds. I bought those kasi yung baby ko was "gumming" my nipples and super sakit na, at one point it was bleeding pa. When it does bleed and your baby ingests some blood, ingat lang din kasi baka mag cause yung blood ingested ng irritation kay baby (which will then cause him to have funny looking stools). Plus of course, nakaka-alarm pag nakita mong may blood sa mouth at dark colored poo si baby - na galing pala sa injured nipples!

prettypepz

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #156 on: February 05, 2014, 06:04:53 pm »
Thank you mommies.

Malakas sya mag burp, dati kapag pinapaburp ko halos lumabas lahat ng milk na ininom nya.. Tapos ginawa ko nagpalit ako ng bottle yung nakaka reduce ng air Dr. Browns, ayun hindi na sya ganong nag sspit up pero yun nga kada wake up nya may iyak na kasama.. Chinecheck ko naman kung soiled na yung diaper, etc. ang ending eh laging gutom pala.. Ganun ba talaga... Always gutom!

Halos every hour yata syang gutom, nakikita ko naman kasi sinusuck nya at iniinom yung milk pag binigyan ko.. eh kung hindi sya gutom diba hindi naman sya iinom.. Ang nangyayari feeding on demand kame.. Hindi ko masunod yung every 3-4 hrs na feed time (formula milk) kasi nga madalas 2hrs palang gutom na..

Hay.. Ang gastos tuloy sa bottle..

Question lang halimbawa nagtimpla kayo ng 4oz tapos 1oz lang nainom nya? Tapon ba agad yung milk?

Panu ba set up ng feeding nyo mommies? Napapraning na ko ang mahal kasi ng milk ayoko ng may natatapon :(

cerelina

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #157 on: February 05, 2014, 06:11:54 pm »
Depende sa brand ng milk yun sis may 2 hrs meron up to 4hrs yung enfalac before 2-3hrs ata ngayon s26 milk ng baby ko hindi ko rin alam until what time dapat idiscard pero good thing kasi nauubos nya talaga yung 2oz agad agad, and after 2 hrs tinatapon ko na na rin yung similac hw 1hr lang, nan ha 2hrs depende talaga sa brand

lgf08

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #158 on: February 06, 2014, 03:06:58 pm »
hi prettypepz, just wanted to share in case makatulong sayo.. kc un baby ko din nung first month nya ay iyak iyak tlaga, natatakot hawakan ng mga in-laws ko kasi laging iyak.. nung una avent din un bottle (anti-colic nga daw) tapos naiinis kmi ng husband ko kasi laging nagle-leak.. ang ginawa ng MIL ko bumili ng maliit lang tlaga na bottle na pang 2 to 3 oz lang.. so nagstart muna kami sa tig 2 oz kc mga 2 or 3 hours pa lang iyak din sya, timpla uli.. tapos pag umiiyak pa rin sya pag naubos un 2 oz baka ibig sabihin nun kulang na para sa kanya un 2 oz dadagdagan mo na uli to 3 oz, and so on.. walang masyadong masasayang.. i think mas okay pag wag mo ipilit ipaubos un 4 oz pag ayaw nya.. nung mga 3 months, ay okay na, di na iyakin.. ngayon 1 year old he is a very happy boy..

kung na-check mo at busog naman si baby, walang poop or inde basa ang diaper or hindi inaantok etc tapos iyak pa rin sya, i suggest to consult your pedia para ma-check din nya si baby..

hang in there.. it would really help to ask help from someone na once in a while mag-alaga ke baby habang rest ka kasi nakaka-stress at nakakapagod pag ikaw lang mag-isa full time alaga..

lelaina17

  • Guest
Re: first time mom, how to deal with baby
« Reply #159 on: February 13, 2014, 03:02:37 pm »
ganyan din ako nung 1st 2 weeks after giving birth. i cried everyday because i felt i wasn't doing a good job taking care of my baby. i was really overwhelmed by the responsibility. tapos when i visited my ob, stress daw and lack of sleep ang reason. may helper ako nun 7am to 7pm kaso uneasy pa din ako iwan baby ko so di ko masabayan ng tulog. ang ginawa namin ni hubby nag-set kami ng schedule. shifting kami. tulog muna sya 10pm to 3am then ako naman. yung hubby ko takot magkarga ng baby pero natuto sya. sinabi din nya sa kin before na never sya magpapalit ng diaper pero wala syang choice. pag shift nya kylangan nya gawin. it really helps na hands-on din sya. di kme natulungan ng mom ko coz busy sa pagaalaga ng anak ng kuya ko. panic mode din ako nun coz sobra mamula baby ko while stretching. tapos ang ingay nya magstretch kaya kahit tulog sya pag ngstretch sya ginigising nya sarili nya sa ingay. ganun lang talaga sa simula. gradually magkakaroutine kayo and masasanay ka din. dumaan kami sa phase na gusto ni baby sa chest ko matulog. now mag- 4 mos na si baby. alam ko na pag magigising na sya sa gabi so ireready ko na yung milk nya para di sya masyado madisturb pagsleep. kasi pag umiyak na mahirap na patahanin. minsan nakakatulog na din sya on his own. may times din na nasa crib lang sya naglalaro lang. di ko sya masyado kinakarga kasi ayoko masanay. kahit gustong gusto ko na sya kargahin pag di naman sya umiiyak pinipigilan ko. holding hands na lang kami. hehe. pero ang best time for me is when he just stares at me at parang nakikipag-usap. ang ingay nya and tawa ng tawa. nakakawala talaga ng pagod.  :) :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close