I posted a topic a while ago regarding my marriage. And this is one of MY problem that causing me heartache and nagiging problema samin nag-asawa but he doesn't know about this 100%.
Nakatira kami with my IN-LAWS. Pero ang tao lang sa house is yung sisters nya, maids, and kami. His parents were in the province. Pero dumadalaw ang parents quite often. Pero they are
Not my concern. It's my SIL. Okay kami ng mga siters niya, as in were like friends, nagsasabihan kami ng problems. Even sa problem namin ni bf now my husband sinasabi ko, ba narealize ko wag na ako masyado madaldal. Panget nga naman at hindi na dapat eh alam nila nangyayari sa amin. My bad. Hehe! Ito ang problem ko, I don't know if anong pwede kong itawag sa nararamdaman ko, insecurity? Jealousy? Or right as a wife? Since nakikitira lang kami and yung sister nya ang eldest, she's the boss sa house. I understand that. Pero hindi yun ang main problem ko, hehe! It's my husband, at sya. Una, naiinis at naiirita ako kapag halos lahat ng lakad namin ni husband, e kung hindi sasama sya, itatanong kung saan. Ayoko
Naman na halos lahat ng lakad namin, kain sa labas, nood movie, punta sa mall, sa ganito. Eh sumasama sya. O kaya, kapag may lakad sya o may gagawin, magpapasama sya kay hubby o sa akin. Ako nanan kasi, since bago palang kami
Ni husband, gusto ko muna ma-build yung foundation namin, gusto ko muna na as kami lang, magkaroon kami ng strong foundation as husband and wife and as our own family with our child. Kaya naiinis ako kapag gusto lagi syang kasama o nagpapasama. Madalas pa nasa room namin. Wala kami masyado privacy. Tapos syempre as the eldest, sa pagmamaneobra ng house, sya ang may say. I understand naman that talaga. Although nagagawa ko naman ibang gusto ko. Not all. Hindi ko magawa yung totally pagiging asawa sa husband ko kasi most ng para dito sa house, at ibang personal (ito talaga prob ko) sa husband minsan nakadepend sa SIL ko. Ito ang prob ko kay husband, naiinis ako na bukambibig nya yung sis nya. Pati ba naman pag-uwi nila eh minsan kailangan paba nila magtanungan? Hindi ba sapat na bilang asawa ako lang may right o sabihan kung anong oras uuwi ang asawa ko? Since nasa iisang bahay nga kami, di maiwasan yun. Pero dapat alam
Na ni SIL na mag-asawa na kami at medyo dumistansya. Si hubby, madalas pag-uwi o bago pasoksa work nakatambay sa sala with his sis or pupunta sa room ng sis. Hindi naman most of the time pero almost. Nakakainis pa kasi yung ayaw ni sis, ayaw din nya, sabay kasi sila lumaki. Si hubby may part na nakadepende sya kay sis nya, meron kabang ganito, anong ganito, yayayain sa ganito, pag uusapan nila yung ganito etc etc. kaya sa part ko, naiinis ako na pakiramdam ko, hindi ako lang yung taing dinedependihan ni hubby. Yun ang isa sa sinasabi ko kay hubby na sama ng loob ko, although hindi ko sinasabi ng buo o lahat, sinasabi ko na feeling ko hindi ako ang priority nya, tapos pag ibang tao ang nagsabi go sya, pag ako ang daming ek-ek, tapos hindi kami makapag bonding ng kami lang, kung hindu sasama si sis, aayain nya. Hay! Kaya isa sa pinag awayan namin na hindi nya maunawaan, sabi ko kasi sana naman mg build muna kamu ng foundation ng kami lang.
I was thinking of moving out. Mas gusto ko sa family ko kasi ako ang may say dun at bukod dun di naman sila nakekealam, close din kami ng family ko pero alam
Nila ang limits nila, hindi parang linta. Pero alam ko naman na hindi okay kay hubby naman sa part nya kaya mas okay kung sarili namin. Kaso financially were not yet stable. We had savings pero super konti lang yun, may baby pa kami binubuhay. Ayoko naman nag rent kasi nanghihinayang ako sa rent, mas gusto ko rent to own para di masayang yung ibabayad buwan buwan. At least mapapa sa amin, kaso most of the condo pre-selling tapos pag gawa na masyado ng mahal tapos, basta mahal. Ano ang gagawin ko? Ano ba dapat? Tama ba yung nararamdaman ko kay SIL o ako ang may problema? Isa to sa nakakpagpasira ng relasyon namin kasi everytime (everyday) na nakikita ko si SIL at nafifeel ko na ganon nga, nasasaktan ako, so may poot sa dibdib ko, kaya sumasabog ako na cause ng lagi ako galit at irita kay hubby, nag-aaway kami. Help. :-(