Iba iba ang lahat ng babae, iba iba kasi ang pagkatao at mga pananaw natin.
Kaya nga may mga nagiging kabit eh, kasi for them, tama yung ginagawa nila, walang masama sa ginagawa nila,
dahil hindi daw nila kasalanan na nagmahal sila ng may asawa. Biktima lang daw sila.
I am not saying Maja is kabit ha, puhlease, all I am saying, this is just an example of how women differ from one another. Hindi naman kasi lahat nagiging kabit, kahit naligawan din
ng may asawa.
Bottom line, we do things based on our personal choices, rooted on who are as a person.
Personally, naranasan ko ng maging si Kim at maging si Maja. My BFF fell in love with my Ex, and I fell in love with my Bff's ex.
Nung maging sila ng ex ko at si BFF, ganun ang naramdaman ko, I felt betrayed. Hindi kami naging okay, nalayo kami sa isat isa ng friend ko na yun, kasi alangan naman magkakasama kami din palagi, na siya na ang GF nung lalaking iniwan ko, buddy buddy kaming tatlo? yun ang awkwardness, na hindi ko ma gets kung paano magkakaroon pa ng friendship once i date mo ang ex ng isa sa kaibigan mo. hehe

Then, nung ako naman nasa posisyon ni Maja, I made the right choice, yung tingin kong tama, I let go, our friendship for years is more important to me than love. And hindi ko ni regret yun, I am still happy
for that choice I made years ago

sabi nga ng mother ko, marami pa akong mahahanap na lalaki, pero mahirap humanap ng totoong kaibigan.
Yun lang yun, iba iba tayo. Kung ano man ang gawin natin, tayo yun, sagutin natin hindi ibang tao, so keber na lang.
Sana nga magkatuluyan si Maja at Gerald, as in maging mag asawa sila, for me, mas madali ang forgiveness kay Kim, kasi true love naman pala kung bakit mas pinili ni Maja si ge sa kanya.
Just sharing.