Seriously, people are just being unreasonably judgemental sa issue. In the first place, wala namang inahas si Maja kay Kim, 3 years na silang hiwalay ni Gerald before siyang pinormahan, and ilang buwan na ding tumigil sa panliligaw niya kay Sarah before niya niligawan si Maja. Nagtataka nga ako, kung bakit puro si kim na lang ang comment ng comment samantalang sabi nga niya nun kapag nagrereport si Maja sa kanya everytime na pinupuntahan siya ni Gerald e "okay lang daw since matagal na raw silang hiwalay", at kung tutuusin, ang mas may karapatan magreact (which she chooses to give a piece of her mind once sa Sarah G. Live, and si Ge ang pinapatamaan niya) hindi naman nagrereact at walang bad blood between her and Maja.
Okay, sige, sabihin na natin na si Maja naging sandalan ni Kim nung naghiwalay sila ni Gerald, pero come on, hindi pa ganung kakilala ni Maj si Ge and all she would (of course) hear from Kim is how he managed to broke her heart, so magagalit talaga si Maja, but, did Kim ever think na POSIBLENG mahalin din ni Maja yung qualities ni Gerald na minahal din ni Kim about him? Did anyone ever think of that?
Sige, sabihin na rin nating EX ng BFF niya, pero, kaya nga nandun yung salitang EX di ba? Atsaka, wala namang makakapagsabi kung kanino ka ma-i-inlove e. Hindi rin naman alam ni Maja na magkakagusto sa kanya si Gerald, hindi rin niya naisip na posibleng mamahalin niya yung lalaking nanakit sa mah friend niya at halos sumpain na niya yung mga panahon na yun.
Actually, ako, (by the way, I have been one of her Cuties since it started) nung unang pumutok yung balita sa media, galit na galit ako nun sa kanya, kasi, Gerald yun e. Sinaktan niya si Sarah G. (na mahal ko rin naman at sinusuportahan). Pero nung nalaman ko yung mga balita behind the issue, nabigla ako. No. Hindi ako nagtanung tanong, sila na mismo nagkukwento sa akin. At kung tutuusin, hindi dapat ganyan maka-react si Kim sa media na okay pero bitter, dahil kasalanan din niya kung bakit naging sila Maja at Gerald e. Siya rin naman kasi ang nagpush, sasabihan niya silang dalawa na, sige, manligaw/magpaligaw ka lang para may love life ka na sa 2013. Kung hindi ba naman nag-iisip, tapos nung may mga lumabas na pictures nina Maja and Gerald, ang sabi ni Maja kung pwede raw silang mag-usap (that was before ng presscon ng IKA book 2), she said yes. Kaya yung sinasabi niya na "Nabibigla raw siya sa nangyayari" ay dahil they agreed to talk about the issue, tapos etong si Kim e ngumawngaw na sa media agad? Portraying like she was the underdog while all the while, si Maja ang nagiging kawawa, what with all the bashings, name calling, and even her family nadadamay na rin, na talagang dinamay na talaga ni Kim dahil once inirapan niya ang mom ni Maja at ang Cuties niya while on the set of their serye.
And with the way Maja is handling the issue, I really do commend her at mas lalo ko pa siyang minahal. Big bosses opted her to talk na regarding the issue pero mas pinili niya ang manahimik dahil once she started to talk, masisira daw yung "isa" (she is referring to Kim), kung hindi ba naman niya talaga pinahahalagahan ang friendship nila, bakit patuloy niyang sinusuyo si Kim, bakit, kahit siya na yung nasasaktan at nagmumukhang masama e hindi siya nagsasalita?
After all, alam ni Kim lahat ng nangyayari, at lahat ng ginagawang panliligaw ni Ge kay Maja dahil laging nakatawag agad agad si Maja sa kanya. Why not let them just be? Besides, may Xian naman na siya e. Nakalimutan na ba ng mga tao na they are an item? Nakakatawa lang kasi, with the issue, biglang na out of the picture si Xian e.
Hayaan ninyo na lang kaya sila, at the end of the day, ang maaapektuhan lang naman ng decisions niya e si Maja e. It's either, she gets hurt, or, she stays happy. Either way, wala naman tayo talagang pakialam sa private life niya, kasi kanya na 'yun e, artista nga siya, pero tao lang din naman na nagmamahal at nagkakamali, nagmahal lang siya, pero kung husgahan siya ng karamihan, para siyang pumatay ng tao.